webnovel

Wild Heart

Beatrix Luna Montecillo grew up as a privileged girl. Being the second child and only daughter of successful business tycoons, Bea is used to getting everything that she wants, with just a snap of her fingers. Sa kasamaang palad, Xander de Silva, whom she had a crush on since she was 10, is not someone she can get with just a flick of her fingers, dahil ang bestfriend ng nakatatandang kapatid niya simula pagkabata ay tila manhid at bulag sa kagandahan at charms niya. For the longest time, Bea was contented to have Xander around kahit pa isang nakababatang kapatid lamang ang tingin nito sa kanya. She kept her feelings for him secret until she learned that Xander was engaged to be married to Frances, ang girlfriend nito of 2 years. Frustrated and heartbroken by the news of Xander's engagement, she devised a childish and reckless plan upang maangkin ang binatang matagal na niyang minamahal: pipikutin niya ang binata bago pa nito mapakasalan si Frances! But will Xander ever learn to love her, let alone forgive her? Paano kung kailan siya na ang sumusuko sa pangarap na ibigin nito ay saka naman tila hindi siya gustong pakawalan ng binata? Will she be able to tame his wild heart?

aprilgraciawriter · สมัยใหม่
Not enough ratings
48 Chs

Chapter Thirty Three

Beatrix closed her eyes at tila kay bagal ng pag-ikot ng mundo habang hinahantay niya ang pag dampi ng mga labi ni Xander sa kanya. Marahil nga ay may sayad din siya sa pag-iisip dahil sa hinaba haba ng panahon na ginugol niya upang limutin ito ay heto siya ngayon at hinayaan ang sarili niyang mapalapit muli dito.

His lips touched hers like a feather soflty brushing. Ang hininga nito ay ramdam niya sa kanyang mukha. It was so tender that she felt a surge of emotion gripping her heart. Para siyang isang lupang sabik sa ulan pagkatapos ng isang mahabang tagtuyot. Ano nga ba ang mayroon si Xander at sa nagdaang mga taon ay wala ni isa mang lalaki ang nagawang palitan ito sa puso niya? Sa kabila ng lahat ng mga sakit na naidulot nito sa kanya ay heto pa rin ang damdaming pilit niyang tinakasan, all it took was a few days with him for her to realize that she wasn't free from his grasp.

Isang luha ang kumawala mula sa kanyang mata, umagos iyon sa kanyang pisngi. Inilayo ni Xander ang mukha sa kanya at masuyo siyang tinignan, wiping her tear away with his hand.

"let's start over again, princess" he whispered.

Iminulat niya ang mga mata at sinalubong ang mga mata ng binata. Ibinuka niya ang mga labi upang magsalita ngunit walang umalpas na ano mang salita mula roon.

"magsimula tayo ulit...ikaw, ako...si Mico"

Ibinaling niya ang paningin sa lupain sa kanyang harapan "it's complicated Xander. Hindi na ganoon kasimple ang lahat"

"bakit kumplikado? mag asawa pa rin tayo. At alam kong ako ang ama ni Mico, please don't deny it anymore"

She sighed and bit her lower lip "mayroon ng ibang naghihintay sa akin..." at natitiyak kong sa iyo rin... There was a familiar pain that briefly crossed her heart at the thought.

"Sino? si Daniel?" sumandig ito sa punong nasa likod nila "hindi ko alam kung ano ang tunay na namamagitan sa inyo, pero alam kong hindi mo siya mahal. Break up with that jerk!"

"hey! that's unfair! you have no right to call him a jerk! Ni hindi mo nga kilala yung tao! He was there for me and Mico through some of the toughest years"

Bumalikwas si Xander mula sa pagkakasandal "but now I'm here. Ako lang ang lalaking para sa iyo, Beatrix, at alam mo 'yan"

She gave out a humourless laugh "there you go the classic Xander! So full of himself!" inirapan niya ito.

Tumawa si Xander sa sinabi niya. Maya maya ay inabot nito ang kanyang ilong at pinidot iyon "alam mong totoo ang sinasabi ko, princess. You know that you still love me" there was a smug smile on his face.

"hoy! ang...ang kapal mo talaga!" namula ang mukha niya sa sinabi nito. Padabog siyang tumayo mula sa pagkakaupo at humalukipkip.

Naaaliw na sinundan siya ng tingin ni Xander at pagkatapos ay tumayo rin. He reached out for her at marahan siyang kinabig palapit sa katawan nito "3 months, Mrs. de Silva, and I will guarantee you that you'll stay in my arms"

"3 months, Xander. And I will be out of your life"

Tumango-tango ito, tila hindi kumbinsido sa sinabi niya "we'll see..." mabilis nitong muling dinampian ng halik ang labi niya bago humakbang patungo sa kinaroroonan ng kabayo.

Marahan siyang nagpakawala ng hininga. Xander knows how to get her. Tila siya isang librong basa nito, and he's using his charms to manipulate her, at siya naman ay marupok pagdating sa binata.

Bastard.

*******

Isang hindi inaasahang panauhin ang kanilang nadatnan sa resthouse sa kanilang pagbalik.

Si Daniel. He was looking weary habang nakaupo sa isa sa mga couches na naroroon sa reception. Mabilis itong tumayo nang matanaw silang papasok.

"Where have you been?" bungad nito sa kanya. Ginagap nito ang kanyang kamay at hinalikan siya sa pisngi.

"H-how did you know I'm here?" she asked confused, pasimple niyang nilingon si Xander na nasa kanyang likod. He didn't say anything but his face became cloudy.

"Andrea. She said you mentioned to her earlier through text that you're here"

"But...how did you know where this is?" muli niyang tanong at marahan itong hinila patungo sa isang gilid nang mapuna niyang ilang mga staff at maging mga guests doon ang nagsisimulang mapansin sila.

Daniel soflty laughed "there's a thing called Google, Bea. And this place turns out to be popular among tourists and locals alike so I didn't have a hard time finding it"

She nodded in agreement "kanina ka pa ba? why are you here? what if people and the press see you here?"

"I came like an hour ago...miss na miss na kasi talaga kita" he said in his slang Filipino accent "did you miss me too?"

She cleared her throat "you know what? I'm perched, why don't we go to the cafeteria and get something to drink?" Nauna na siyang tumayo upang tunguhin ang cafeteriang natanaw niya kanina.

Daniel stood up to follow her but stopped for a moment nang makita si Xander na prenteng nakasandig sa dinding hindi kalayuan. Nagsalubong ang paningin ng dalawang lalaki, tila inuuri ang bawat isa. Si Daniel ang unang nagbawi ng paningin at sinundan si Beatrix.

Matapos maka order ay inabot ni Daniel ang kamay niya mula sa ibabaw ng mesa at dinala iyon sa mga labi. Tila napasong binawi iyon ni Beatrix.

"People might see us" katwiran niya

"So what if they see us? We are engaged, natural lang na makita nila tayong magkasama"

Beatrix took a sip from her juice and tried to avoid Daniel's eyes. She is getting so tensed mula sa mga pangyayaring ito. First, she had to deal with Xander simula pa kahapon, and then Daniel suddenly shows up here. She knows Xander is not the most patient person in the world, idagdag pa ang pagiging possessive nito. Paano kung mayroon na namang gawin si Xander na pagmumulan ng isang eskandalo!

"Is there a problem love? You look so tensed" ani Daniel, mataman siya nitong pinagmasdan, hawak pa rin ang kanyang kamay.

"why do you still want to marry me? I'm spending three months with another man, doesn't that bother you?" she looked at him sincerely. Sadya bang malaki lamang ang tiwala ni Daniel sa kanya o may iba pang rason?

Pinisil ni Daniel ang kanyang kamay "I trust you love. I know you're doing this for us, and I thank you for your sacrifice. I can't imagine how hard it must be for your to endure days with that man!" may bahid ng frustration ang tinig nito.

Muling humigop ng inumin si Beatrix. Right. It really is hard for her to be with Xander, tama naman si Daniel roon. Yoon nga lamang ay nahihirapan siya dahil sa ibang kadahilanang hindi alam ni Daniel.

"How's Mico by the way?" he asked as he sipped his coffee "where is he? I miss that little monkey" ngumiti ito.

"He's not here with us. He's spending the day with my in-laws"

"Do they know...?"

She sighed "I didn't confirm it pero parang ganoon na nga"

Gumuhit ang pag-aalala sa mukha ni Daniel "and Xander? does he know?"

She shook her head "I told him na hindi siya ang ama but for some reason he seems to be sure..."

Bumuntong hininga si Daniel "might be instinct or lukso ng dugo" he paused "this doesn't change anything for us, right Bea?"

She gently pulled her hand from him at halos hindi niya magawang tumingin sa mga mata ng binata. She doesn't want to hurt him pero naisip niyang ang pinaka mabuting gawin ay ang tapusin muna ang engagement nila habang nasa piling siya ni Xander ng tatlong buwan. Hindi kasi maganda yuong parang namamangka siya sa dalawang ilog. Kapag natapos ang oras niya sa piling ni Xander ay maaaring mag desisyon si Daniel kung nais pa rin ba siyang pakasalan nito, she will leave it all up to fate.

When she agreed to Xander's terms for him to sign the annulment papers, hindi niya inakalang ganito pa rin katindi ang epekto ng lalaki sa sistema niya. The past years she thought he was nothing to her but just a distant memory, ang akala niya ay dala lamang ng kabataan ang pagkahibang niya noon dito. But now that he's back, a simple encounter and nearness of him makes her head spin and her heart pound, sing sidhi pa rin ng damdaming sumisilakbo sa kanya noong disi-syte anyos siya. Worst, ay hindi niya alam kung saan huhugot ng lakas upang paglabanan ito.

"D-Daniel... I think..." she inhaled to fill her lungs with air "I think we should call off the engagement for now..."

"What?" he asked, unsure if what he heard her say was right "you're breaking up with me?"

"Hindi sa ganoon... I mean just for the time being habang narito ako ng tatlong buwan... if you still want me after that time then..."

"but why? is he making you do it?!" tumiim ang bagang nito, nagbabadya ang galit sa mukha.

"No" umiling siya "naisip ko lang kasi, it doesn't look good na para akong 2 timer..."

Tila nakahinga ng maluwag si Daniel "It doesn't look that way to me love. First, wala namang ibang namamagitan sa inyo except for that stupid marriage contract right? Wala ka nang pagtigin sa lalaking iyon di ba?" Daniel was looking at her straight in the eye at hindi halos niya magawang salubungin ang tinging iyon dahil hindi niya alam kung mababasa ba nito ang katotohanan sa mga mata niya.

"O-of course not! All I want from his is my freedom" she said in a small voice "but still... hindi ko gusto yung pakiramdam na para akong namamangka sa dalawang ilog"

"okay. If that's what you want" mapang unawang anang binata "I'll wait for you Bea. I'll marry you as soon as your annulment is done. I love you and I can't wait to start my life with you and Mico" he said emotionally.

Beatrix forced to smile. Kinakain ng guilt ang kalooban niya dahil alam niyang kanina lamang ay malaya niyang hinayaan si Xander na halikan siya "Thank you ,Daniel."

Tiningnan niya ang relo sa bisig "Gosh it's already 5! gagabihin ka na niyan pauwi. I think uuwi na rin kami maya maya at dadaanan ko pa si Mico-"

"We're staying the night here" anang baritonong tinig.

She looked up and saw Xander walking towards them, ilang hakbang na laman ang layo nito sa kanila.

She gave him an incredulous look "What? Paano si Mico?"

Walang paalam na naupo ito sa bakanteng upuan sa kanilang mesa "Kausap ko lang kani-kanina si Inang. Mico's having a blast there and he's the one who requested na doon matulog. Gusto raw niyang makita bukas ng umaga yung mga kambing"

"well then that's good. I'm spending the night here too" ani Daniel na nakatingin kay Xander.

Xander stared back at Daniel bago ibinaling ang paningin sa kanya "Here's the key to our room sweetheart" inilapag nito ang card key sa mesa.

Galit na tumayo si Daniel "nakakalalaki ka ah!" malakas na anito kay Xander.

"Daniel please" awat niya rito na napatayo rin.

Xander rose from his seat at sinalubong ang galit na titig ng kaharap "Bakit pare, ano'ng problema?" he said in a low, dangerous tone.

"Bea is only your wife on paper! Isaksak mo 'yan diyan sa kukote mo!" galit na sagot nito.

"Daniel, please!" Beatrix pleaded again. Naipagpasalamat niyang malayo sa karamihan ang mesang kanilang inookupa at hindi pa ganoon karami ang tao sa cafe. Ganoon pa man ay ilang mga naroroon na ang nagsimulang makapansin sa komosyong nangyayari.

"On paper huh?" nakakalokong tumawa si Xander "why don't you ask Beatrix if that's true?"

Her cheeks turned red. Alam niya kung ano ang ibig sabihin ni Xander. Bago pa muling makapagsalita si Daniel ay galit siyang nagsalita "Can you both please stop!" pinaglipat lipat niya ang tingin sa mga ito.

"I'm getting my own room okay! So both of you please, stop!" she stormed out of the cafeteria even before any of the two men could react.

*******

Ibinagsak niya ang katawan sa malambot na kama nang makapasok sa silid na kinuha niya. She grabbed a pillow at ibinaon ang mukha roon upang hindi marinig ang tiling kanyang pinakawalan.

Damn it! Daig pa niya ang naiipit sa dalawang nag uumpugang bato! Napaka tanga talaga niya para isuong ang sarili sa ganitong sitwasyon! She should've just waited another 5 years to be free kesa naman sa ganitong masalimuot na napasukan niya.

Hindi pa siya nagtatagal nakahiga ay kumatok ang isa sa mga staff sa kanyang silid, to let her know that the management was holding a small BBQ party by the pool for her. Iniabot din nito sa kanya ang isang paper bag na naglalaman ng brand new bathing suit at cover-up, courtesy of their souvenir shop daw.

She tossed the paper bag on the bed. Wala talaga siyang balak pumunta ngunit nabanggit ng staff na naroon na sina Frances at Xander na nag aantay sa kanya.

No! You're not going! Eh ano kung magkasama ang dalawa ngayon? Alam mo ba kung gaano kaya sila kadalas magkasama noon? Her mind told her. She aggressively shook her head to get rid of the mental images of Frances and Xander that she's imagining. Mag sho-shower na sana siya ng magbago ang isip.

Damn it! Parang hindi makapayag ang pagkatao niya na magkasama sina Frances at Xander ngayon! Baka nilalampong na ni Frances ang asawa niya!

She hurriedly changed into the 2-piece swimsuit na iniabot sa kanya ng babaeng staff kanina, pagkatapos ay ipinaibabaw roon ang manipis na chiffon cover-up. Puti ang kulay niyon  at bagaman bahagyang natakpan ang katawan niya ay kita pa rin ang magandang hubog nito sa see-through na tela.

May pagmamadali siyang bumaba ng silid. Ang lahat ng mga taong kanyang nakasalubong patungong pool area ay pawang mga tila na star struck sa kanya. She tried to cover her face and avoid eye contact with anyone as much as possible, praying silently that no one recognizes her!

*******

Frances was in the middle of  telling him a funny story when Beatrix came in like a goddess. His draw almost literally dropped when he saw her.

She was wearing a royal blue colored 2 piece swimsuit na lalong nagpalutang sa kaputian nito, at kahit pa may manipis na telang nakaharang sa katawan nito ay hindi niyon naitago ang kagandahang tinatakpan. Her long, perfectly shaped legs are showing, maging ang makinis na hita nito. Nililipad ng preskong pang hapong hangin ang buhok ng dalaga. She looked like a model straight out of a magazine.

Para siyang nanunood ng isang eksena sa pelikula nang marahan nitong hinawi ang buhok na tumabing sa magandang mukha nito at mapagawi ang paningin sa kanya. Their eyes instantly locked and he almost had to check whether or not his mouth was open habang humahangang nakatingin dito.

Frances stopped talking nang mapuna ng babaeng wala na ang atensyon niya sa inikukwento. Hinayon nito ng tingin ang kinapapakuan ng kanyang mga mata pagkatapos ay malakas na bumuntong hininga. He didn't pay attention, ang buong pansin ay nakaukol sa asawa na tila diyosa sa kanyang harapan.

Tatayo na sana siya upang salubungin si Beatrix nang mula sa likuran nito ay lumitaw si Daniel. The man had some nerve putting his arms around his wife's shoulders! Iglap na kumulimlim ang mukha niya sa nakita. He had to fight the strong urge of wanting to ram that son of bitch and punch him senseless!

"Oh he actually showed up" masayang kumento ni Frances.

Nilingon niya ang babaeng katabi "what's he doing here?" He asked na ang tintukoy ay si Daniel.

"Oh I invited him" balewalang tugon ng babae "he's occupying one of our VIP suites and he's Bea's fiancee so I thought it would be fun" ipinagpatuloy nito ang pag iihaw ng BBQ.

Nag-igting ang mga bagang niya habang pinagmamasdan ang dalawang papalapit sa kinaroroonan nila. Nakaakbay pa rin si Daniel kay Beatrix.

Well... it's going to be one hell of a fucking night! He silently cursed.