Huminto si Beatrix sa tapat ng lumang bahay. She surveyed the house in front of her. It was an old spanish style house, dalawang palapag na gawa sa kahoy at bato. May balkonahe sa pangalawang palapag ng bahay na sa tingin niya ay hindi na safe puntahan dahil sa kalumaan. Ang mga bintana ng bahay ay sliding na yari rin sa kahoy. Overall, the house doesn't look that bad kahit pa sa tingin niya ay matanda pa ito sa lolo niya. May maliit na hardin sa harap ng bahay na natataniman ng mga santan, ganoon din ay mayroon pang iba't ibang uri ng halamang naka paso na karaniwan ay hindi niya alam ang pangalan.
"are you gonna stand there the whole night?" untag sa kanya ni Xander. Nakasandig ito sa hamba ng pintuan papasok ng kabahayan.
"d-dito tayo titira?"
"for now, yes." walang emosyong sagot nito "bahay ito nina tatang at nanang, pero dahil doon naman sila namamalagi sa ancestral house ninyo, maaari muna nating gamitin ito"
"t-tayo lang dalawa rito?" alanganing tanong niya.
"bakit? natatakot ka?" naghahamon ang tinig ni Xander
"hindi ah!" she ansewered defiantly "b-bakit naman ako matatakot?"
Xander chuckled, looking amused "because you know, if you haven't noticed, I'm not the very nice Xander that you knew"
"hindi ako natatakot sa iyo, Xander" taas noong sagot niya
"Ows?" tumaas ang isang kilay nito. Akmang may sasabihin pa ito nang mapatuon ang paningin sa kanyang mga paa "you did walk barefoot" manghang kumento nito.
"my shoes stunk! what did you expect me to do? tapos iniwan mo lang ako doon!"
Nang-iinis na pumalakpak ito "wow! the princess walked barefoot! it must be the end of the world!"
"hmp!" inis na nilapitan ni Beatrix ang asawa "you're gonna pay for this!" aniya rito bago pumasok sa kabahayan.
Xander chuckled. This is only the beginning, princess.
*****
Napangiwi si Beatrix nang ipakita ni Xander ang kuwarto niya sa kanya. Una, dahil umasa siya na baka sakaling iisang silid lamang ang pagsasaluhan nila, pangalawa, dahil bukod sa maliit ang closet na naroroon ay pawang luma pa ang mga gamit! Ang kama ay mukhang matigas, ang tokador na nasa isang gilid ay mukha ring antigo. And lastly, walang en-suite bathroom! This is a nightmare!
Nilingon niya si Xander "is this the only closet that I'll have?"
"may nakikita ka pa bang ibang aparador dito?" painosente nitong nilinga ang kabuuan ng silid.
"my clothes won't fit in there! at saka, wala man lang bang aircon dito? paano pag mainit?" reklamo niya
"sino ba kasi ang may sabing sa iyong dalhin mo ang isang truck na mga damit mo?" balik tanong nito sa kanya. Lumakad ito patungo sa bintana at binuksan iyon "eto po ang aircon, mahal na prinsesa!"
Naningkit ang mga mata ni Beatrix. Pagod siya sa mahabang biyahe pagkatapos hindi makausap ng maayos itong lalaking ito!
"I mean a real airconditioner?! and how do you expect me not to bring my stuff! To be honest, I only brought the basics!"
"Basics?" pag uulit nito "sa pagkakatanda ko, anim na malalaking maleta ang ibinababa ko mula sa sasakyan, not counting your smaller bags"
"mga gamit yun na magagamit ko everyday! hindi ko na nga nadala ang ibang mga shoes, bags at accessories ko eh!" she rolled her eyes "wala bang mas malaking silid sa bahay na ito?"
"wala." tinatamad na sagot ni Xander. "magpalit ka na ng damit at sumunod ka sa baba, darating sina inang at tatang, magdadala sila ng hapunan." anito at lumabas na ng silid.
Padabog na naupo sa kama si Bea. God! what is she gonna do? Magtatagal ba talaga siya sa ganitong klaseng lugar? Pakiramdam niya ay napunta siya sa ibang planeta!
*****
"Maligayang pagdating, hija" bati ng ina ni Xander sa kanya. Mahigpit siyang niyakap nito.
"t-thank you po" ani Beatrix na bahagyang nagulat sa ginawang pagyakap sa kanya ng matandang babae.
Magalang siyang nagmano sa mga magulang ni Xander nang pakawalan siya sa yakap ng ginang.
"naku, siguradong gutom ka na. Halika at nagluto ako ng masarap" kinayag siya nito sa hapag. Sumunod naman sina Xander at ang ama nito na naupo sa na rin sa dining.
"paborito ni Xander ito, hindi ba hijo?" binuksan ng matandang babae ang takip ng isa sa mga mangkok na naroroon.
By instinct ay naitakip ni Beatrix ang kamay sa ilong ng maamoy ang malansang amoy niyon na agad niyang tinanggal nang mapatingin sa kanya ang tatlo. Kung nakamamatay lang ang tinging ibinigay ng asawa sa kanya ay malamang natumba na siya. She apologetically looked at Xander's mom "s-sorry po..."
Bahagyang tumawa si Flor "naku eh pasensya ka na anak. Hindi ka siguro sanay kumain ng ganitong pagkain. Paborito kasi ito ni Xander kaya niluto ko" tila nahihiyang paliwanag nito at akmang muling tatakpan ang lalagyan ng ulam.
"Ay okay lang po" pinigil niya ang kamay nito "titikman ko po...mukha pong masarap" pagsisinungaling niya.
Yay! What kind of food is it? Parang mga damong nilagyan ng putik. Beatrix tried to hide the disgust in her face as she looked at it. "Ano po ang tawag dito?"
"Ahh diningding yan hija. Lutong ilokano" tinignan siya nito "sigurado ka bang titikman mo? May pinritong isda naman diyan"
Hindi sinasadyang napatingin siya kay Xander. Nasa mukha nito ang pagkaaliw sa mga nangyayari, tila pinipigil nitong matawa.
"O-opo. Mukhang masarap po" pinasigla niya ang tinig at kumutsara ng ulam sa sariling pinggan.
Tatlong pares ng mga mata ang nakatuon sa kanya at naghihintay ng reaksyon niya nang isubo niya iyon.
God! Ang lansa! May mapait pa!
She tried smiling at them while chewing upang ipakitang nagustuhan niya ang kinain. Imbes na ngiti ay malamang na ngiwi ang nakita sa mukha niya.
Naku Xander! Kung hindi lang kita mahal, there's no way I would endure this!
*****
Nang matapos ang hapunan ay nagpaalam na ring umalis ang mga magulang ni Xander. Si Beatrix ay nagtungo sa banyo upang maligo. Her face turned sour sa nabungaran.
No bath tub! Katabi ng toilet bowl ang isang timba na mayroong tabo. Ang shower area ay natatabingan lamang ng kurtinang plastic.
Wala ring shower sa paliguan kundi timba at tabo rin ang naroroon! Sa isang gilid ay nakasabit ang lalagyan ng sabon at shampoo. Bagaman malinis ang banyo ay maliit lamang iyon at walang kahit alin sa mga nakasanayan na niyang gamitin. Normally ay nagbababad siya sa bathtub bago matulog, complete with her imported bath salts and bath gels!
Maingat siyang pumasok ng banyo at isinabit ang tuwalya sa lalagyang naroroon. Inilapag din niya ang Jo Malone shower gel niya ganoon din ang mamahaling shampoo at conditioner. She suspects there's not even hot water here! Buti na lamang at summer kaya ayos lamang maligo ng malamig na tubig.
She undressed and carefully stepped into the shower. Malakas siyang bumuntong hininga. Gusto niyang maiyak. For the first time in her life ay gagamit siya ng tabo at timba!
She was shampooing her hair ng mapansin ang pag galaw ng isang bagay sa gilid ng timba. Scared but curious as to what it is, she lowered her head to look at it. Halos takasan siya ng kulay sa mukha ng mapagatantong isa iyong malaking gagamba! Itim na itim ito, malaki ang katawan at mahahaba ang mga paa!
Isang malakas na sigaw ang kanyang ginawa kasabay ng mabilis na pagtakbo palabas ng shower. She continued screaming as she scrambled to get out of the shower.
Pabalyang bumukas ang pintuan ng banyo at iniluwa niyon si Xander.
"Bakit? Ano'ng nangyari?!" Gilalas na tanong nito
Sukat pagkakita sa asawa ay nagmamadali niya itong niyakap, nanginginig siya sa takot, ang buhok niya ay puno pa ng shampoo.
"M-ma-may..." hindi niya maituloy tuloy ang sinasabi
"Ano? Anon'ng meron?!"
"May...may..s-spider!" Sa wakas ay nasabi niya sabay turo sa shower.
Hindi makapaniwala ang tinging ibinigay sa kanya ni Xander habang siya ay buong higpit pa ring nakayakap dito.
"Beatrix, para kang bata!" Sermon nito ngunit natigilan ng maramdamang umiiyak siya. She really is terrified of spiders! Isa ito sa pinaka tatakutan niya!
"Hush...tahan na. I'll get rid of it, okay?" Alo nito sa kanya at hinimas ang kanyang buhok na puno pa ng bula.
"It's a big one!" She said in between sobs.
"The spider or..." ibinitin ni Xander ang sinasabi.
Maang na napatingin siya rito, unsure of what he's referring to until she realized there was something hard poking at her stomach, and it feels like it was starting to grow bigger and harder. Bigla ay naging aware siya sa kahubaran!
Hindi itinago ni Xander ang pagnanasa sa mga mga mata nito, as his eyes lingered on her face, then her exposed body na nakadikit pa rin dito.
Beatrix's face turned beet red, nag-init maging ang punong tainga niya sa hiya. Humulagpos siya sa pagkakayakap kay Xander at hindi malaman kung paano tatakpan ang sarili.
"Don't look!" She squealed while frantically reaching out for her towel na nakasabit sa dingding.
Xander took a step closer to her at walang sabing hinapit siya sa baywang.
"You're such a little tease Beatrix, do you know that?" He muttered. His eyes were glued on hers "are you really trying to get me to bed?"
Napalunok si Beatrix sa sinabi nito. Her hands landed on his chest, nagsilbi iyong harang sa pagitan nilang dalawa.
"I-I didn't mean to..." she bit her lower lip. Maniniwala ba ito sa anumang sasabihin niya?
"I married you because you left me no choice, hindi dahil gusto kitang ikama. But if you really want me to, madali naman akong kausap" tila galit na pahayag nito. His arms tightened even more around her waist, bago dagliang bumaba ang mga labi nito sa kanya, rewarding her lips with a passionately, burning kiss.