"Bravo!" Frances exclaimed habang pumapalakpak, papalapit ito sa kinatatayuan nila ni Xander sa gitna ng bulwagan.
Huminto ito sa pagitan nila ni Xander and looked around the ballroom with disgust and pain written all over her face.
"So this is what you chose in the end Xander?" anito, nasa mga mata ang luhang hindi pa nahuhulog. "What did I ever do to you to hurt me over and over again?"
"Frances please..." ani Xander sa nagsusumamong tinig "Huwag kang mag eskandalo dito. Let's talk somewhere else"
Umiling si Frances "There's really nothing to talk about...Alam ko na kung ano ang desisyon mo. Nandito lang ako ngayon because I think you should know the truth..." Nilingon siya ng babae "The truth about your dear wife..."
Halos manlamig ang buong katawan ni Beatrix. Hindi pa nasasabi ni Frances ay alam na niya ang pakay ng babae sa pagpunta nito sa doon.
"F-Frances...I'm begging you, please...not here" she said in a low voice.
Pagak itong tumawa "Bakit Bea? Natatakot ka bang malaman ni Xander ang panloloko mo sa kanya? Nahihiya ka ba sa kakapalan ng mukha mo?" puno ng pait ang tinig nito. "When you came back, I told you, I was letting Xander go, dahil ikaw ang pinili niya...but seeing you here right now, lying to his face, just because he has no memories of the past...I call that bullshit, Bea"
Nilapitan ni Xander ang babae at hinawakan sa siko upang igiya paalis, ngunit marahas na binawi ng babae ang siko mula sa binata.
"You need to know the truth Xander...the truth about your wife" tinapunan siya nito ng matalim na tingin.
"Please Frances, let's talk some other time okay? Huwag mong eskandaluhin ang birthday ni Beatrix"
Frances laughed like a madman. Naglandas ang mga luha sa pisngi ng babae kahit pa patuloy ito sa pagtawa.
"How could you be so blind, Xander?" Pinahid nito ang mga luha at sa malakas na tinig ay nagsalita "Gusto niyo bang malaman ang lihim ng pagpapakasal ni Beatrix Montecillo kay Xander de Silva?" anito na akala mo ay nasa isang game show.
"F-Frances please...nakikiusap ako" Beatrix managed to say, sa kabila ng panlalamig ng katawan.
Oh God! Please!
Hindi pinansin ng babae ang pakiusap niya at nagpatuloy "Your dearest Bea here... at 17, she had the courage to get a man in bed para ipakasal siya ng mga magulang!" tila asido ang mga katagang lumalabas sa mga labi ni Frances.
"A-anong ibig mong sabihin, Frances?" Xander asked, looking more confused. Kita ni Beatrix ang pagtiim ng bagang nito at pagsasalubong ng makakapal na kilay.
"Pinikot ka ni Bea, Xander! Siya ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal natin! You despised her! Hindi mo ba maalala? We made plans back then to get back together after a year, matapos mong mai-annul ang kasal niyo" umiiyak pa rin ito at hinawakan si Xander sa magkabilang braso.
Kung bubuka ang lupa at lalamunin siya sa oras na iyon ay mas mamatamisin pa niya. She was always quick to react to situations ngunit sa pagkakataong ito ay tila siya naging estatuwa lamang sa kinatatayuan. Halos huminto ang pagtibok ng puso niya. She felt nauseous at parang hindi sapat ang hangin sa paligid para makahinga siya.
"X-Xander..." she whispered her name as she took a single step upang lapitan ito.
Xander's head remained down. Hindi niya lubusang makita kung ano ang ekspresyon ng mukha nito mula sa pagkakayuko.
She slowly walked towards him. Hindi na niya napigil ang mga luhang kumawala mula sa kanyang mga mata.
"X-Xander...let...let me explain...please..." aniya sa mahinang tinig. Kung hindi niya pipilitin ang sarili ay para bang walang nais na lumabas na tinig mula sa kanyang lalamunan.
Marahang nag angat ng ulo si Xander mula sa pagkakayuko. Sa tingin ni Beatrix ay parang slow motion ang paligid ng titigan siya nito. Bakas ang sakit at pagkalito sa guwapong mukha nito.
"Is this true, Beatrix?"
Natigilan sa paglakad si Beatrix palapit sa asawa. Hindi niya malaman kung paanong sasalubungin ang tinging iyon, na para bang tumatagos sa kanyang kaluluwa.
"L-let me explain..."
"Totoo ba?!" Dumagundong ang tinig nito sa bulwagan.
All the people there stared at them as if watching a scene from a movie. Ang spotlight ay nakatutok pa rin sa kanila. Lihim niyang naipanalangin na sana ay maglaho na lamang siya ng oras na iyon!
She closed her eyes and filled her lungs with air, bago marahang tumango.
"Pero Xander...a lot of things happened between us and you fell in love with me and-"
"You expect me to trust your words right now, Beatrix?! Bakit ka nagsinungaling sa akin! Sana sinabi mo ang totoo!"
"I'm sorry! I was...I was so scared that I'd lose you again if I did and-" hindi niya maituloy ang sasabihin dahil napasigok siya sa pag iyak.
Frances laughed, isang tawa ng tagumpay "did you also now, my dear Xander, that your so called wife was already engaged to someone else? Bumalik lamang siya sa iyo para sa isang kasunduan upang pirmahan mo ang papeles ng annulment!"
Sinapo ni Xander ang sentido at tila nahihirapang ikiniling ang ulo. Mariing nakapikit ang mata nito na tila ba mayroong mga ala-alang nanumbalik dahil sa mga sinabi ni Frances.
"That's enough! kapag hindi ka pa umalis ay ipa pupulis kita!" malakas na anang ina ni Beatrix, na hindi niya namalayang nakapunta na pala sa kanyang tabi. Niyakap siya nito.
"Bakit ho? Nahihiya ba kayo sa mga pinag gagawa ng magaling niyong anak? Ang magaling niyong anak na mang aagaw?! Na hindi pa nakuntentong namikot, nagpabuntis pa!" sigaw ni Frances kay Laura, ang mga mata nito ay halos lumuwa sa galit. "Kung sabagay...sino ang may alam kung anak nga ba ni Xander ang bata? Matapos kang magsawa kay Xander ay baka ibang lalaki ang-"
Hindi natapos ni Frances ang sinasabi dahil mabilis niya itong nalapitan at pinadapuan ng sampal sa pisngi.
"Sabihin mo na kung ano man ang masasamang nais mong sabihin sa akin, but don't ever include my son in your filthy tactics!" aniya sa nanginginig na tinig.
Sukat doon ay nagkislapan ang liwanag mula sa camera. Gilalas siyang napatingin sa mga reporter na noon ay halos mag unahan papasok ng entrada ng ballroom.
"Surprise!" malditang ani Frances sa kanya "naisip kong nararapat lang din malaman ng publiko kung anong klaseng babae ka talaga, Beatrix Montecillo!"
Xander gave her one final look bago malalaki ang mga hakbang na umalis. The reporters snapped countless pictures of him ngunit tila hindi nito alintana iyon.
"Xander, wait!" she called for him ngunit hindi ito lumingon at tuluyang umalis ng bulwagan. Frances smiled at her ruthlessly bago sinundan si Xander.
The reporters approached her while relentlessly taking pictures, ang iba ay nag vi-video.
"Bea, totoo bang may asawa ka na at pinikot mo?" hiyaw na tanong ng isa sa mga reporters.
"Ilang taon ka ng pinikot mo siya?"
"Totoo bang may anak ka at ang lalaking iyon ang ama?"
Umikot ang paningin ni Beatrix, na su-suffocate siya sa mga tao gayon din sa walang puknat na pag ilaw ng camera. Sinubukan niyang sundan si Xander but Laura didn't let her. Sa halip ay ikinubli siya nito mula sa mga reporters, habang ang dalawang kasamang bodyguards ng ama niya ay hinarangan ang mga ito upang hindi na makalapit.
Lumapit sa kanila si Zachary upang tulungan ang inang ikubli siya, habang ang papa niya ay mabilis na nailabas ng lugar na iyon si Mico.
Nasa loob na sila ng sasakyan ng kumawala ang masaganag luha mula sa kanyang mga mata. Ikinulong niya ang mukha sa mga palad.
Ang ina niya ay nakakaunawang hinimas ang kanyang likod, habang ang papa niya ay nagpupuyos sa galit.
"I will sue that woman for slander and defamation!" galit na ani Emilio. Idinial nito ang numero ng abogado ngunit pinigilan ni Beatrix.
"Mas lalaki lang ho ang issue, papa..."
"Ngunit hindi ko mapapayagang hindi managot ang babaeng iyon sa eskandalong ginawa!"
"Please papa" she sobbed. Sino ba ang dapat niyang sisihin kundi ang sarili? Kung naging matapang lamang siya upang sabihin kay Xander ang katotohanan noon pa man, sana ay hindi na umabot sa ganito pa ang lahat. It was her fault for being a coward. Sa takot niyang kamuhian siya ni Xander at mawala ito sa kanya kapag nalaman ang katotoohanan, mas itinaboy niya ito ngayong palayo sa kanya dahil sa pagsisinungaling.
Nang mahimasmasan ay napansin niyang daang pa -Maynila ang tinatahak nila.
"Dad, I'm going home to Xander" she protested.
"Paniguradong alam ng mga reporter ang bahay ni Xander, Bea" si Zach. Ngayon lamang ito nagsalita magbuhat kanina. "Mas mainam na sa bahay ka na muna mamalagi. Hindi ka patatahimik ng mga iyon, at hindi rin safe"
Hindi siya umimik. May katuwiran naman ang sinasabi ng kuya niya. Walang kahit isang security guard sa bahay ni Xander sa San Gabriel, who knows what those crazy reporters can do para lamang makakuha ng scoop?
She tenderly looked at Mico who was sleeping beside her. Hinimas niya ang buhok nito. Lalong nanikip ang dibdib niya. Nag uunahang bumagsak muli ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Her poor son is being exposed to all this mess at such a tender age.
I'm sorry anak... your mom was a selfish fool...
Hinalikan niya ang natutulog na paslit. "I'm so sorry, anak..." bulong niya rito.
*******
Isang linggo ang matuling lumipas na hindi sila nagkita o di kaya ay nagkausap man lang ni Xander. Magbuhat ng gabing iyon ay hindi pa siya kino-contact nito. She tried calling him numerous times ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag niya.
Nang minsang hindi siya nakatiis at nagtungo sa bahay sa San Gabriel ay pinagkaguluhan siya ng mga reporters na ang iba ay pawang nag aabang pa rin sa tapat ng bahay. She didn't even have the chance to get out of her vehicle.
Naging isang malaking eskandalo sa showbiz ang kumalat na balita tungkol sa kanila ni Xander. Hindi iilang mga pahayagan, at online portals ang nang akusa sa kanya na isa siyang masamang babae - na sa murang gulang na dise-syete ay nagawa niyang manilo ng isang lalaking may iba ng iniibig.
Kahit masakit ay napag desisyunan ni Beatrix na manahimik. She will let the controversy run its course and die on its own. Malilimot din ng mga tao ang kwentong ito pagdating ng panahon. Ang mahalaga ngayon ay maprotektahan naman niya ang anak laban sa masalimuot na kontrobersya, at magagawa lamang niya iyon kapag nanahimik siya.
Walang gabing nagdaan na hindi siya umiiyak at nagdadalamhati. Pakiramdam niya ay may bahagi ng pagkatao niya ang namatay sa kaisipang kinamumuhian siya ngayon ng kaisa-isang lalaking minahal. She cried and cried until she felt like there were no more tears to shed, na para bang natuyo na ang mga luha niya. Siguro nga ay hindi na siya nais pang makita man lang ng asawa, kung hindi ba naman gayon ay dapat na tinawagan man lang siya nito o di kaya ay pinuntahan.
*******
Tinignan ni Beatrix ang relos sa bisig matapos makaupo sa pang dalawahang booth sa cafe na iyon. Maaga siya para sa nakatakdang oras ng kanilang pagkikita. Sa totoo lang ay hindi rin niya alam kung bakit naririto siya ngayon, at kung bakit pumayag siyang makipag kita sa babae. Her mom advised her against it ngunit hindi niya mapigilan ang kyuryosedad. Kailangan niyang malaman ang dahilan ng imbitasyong iyon.
Sakto sa oras ng kanilang usapan ay isang babae ang pumasok ng cafe. Agad nitong nakita ang kanyang kinauupuan at nilapitan. Skipping any pleasantries, the woman sat at the other chair, opposite her.
"Bilib din ako sa tapang mo, Bea. You didn't even hesitate to meet me. Hindi ka ba natatakot na baka nagsama ako ng mga reporters?" si Frances. She is looking and sounding more confident than she used to.
"Do what you want. Wala na akong pakialam. Just tell me why you wanted to meet me." Sagot niya rito sa matapang na tinig. Kagabi ay hindi niya inaasahan ang natanggap na text mula rito, asking to meet her today.
Mahina itong tumawa "I guess you are that desperate to get Xander back. Tsk tsk tsk" sinabayan nito ng nakakalokong pag iling ang sinabi.
"Why don't you cut the crap and tell me what you need?"
Bahagya itong umingos bago may inilapag na folder sa kanyang harapan. Iniusog nito iyon palapit sa kanya.
"What's this?"
"Bakit hindi mo buksan para malaman mo?" Naghahamon ang tinig nito.
Hindi maipaliwanag ni Beatrix ngunit may kung anong kabang bumundol sa kanyang dibdib. Her fingers almost trembled as she reached for that folder and slowly opened it. Si Frances ay tahimik na nakamasid at naghihintay.
Nanlaki ang kanyang mga mata ng bumulaga sa kanya ang nakasulat doon: PETITION FOR ANNULMENT
Tila ang langit at lupa yata ay magkasabay na bumagsak sa kanya! Her heart felt like there was a steel pair of hands that gripped it and was trying to tear it out from her chest!
"Do you now get it Beatrix?" Ani Frances "ngayon ay nauunawaan mo na bang mabuti ang ibig sabihin niyan? Xander said he couldn't forgive you. He wants nothing to do with you!" Buong lupit na saad ng babae.
"N-no..." she ever so slowly shook her head "N-no! Hindi ako naniniwala..." halos hindi niya marinig ang sariling tinig. Tila may bikig sa kanyang lalamunan at hindi niya halos magawang magsalita.
She repeatedly shook her head in denial, kasabay ng nag uunahang pag patak ng mga luha.