webnovel

Chapter 2: Eggs Benedict

Sol's POV

Nagpapahinga lamang ako sa condo unit ko at nakadungaw sa bintana habang nakatingala sa langit at tinitingnan ang buwan.

"Luna, sigurado ka na ba na si Calix ang bago mong katauhan? Hindi mo na talaga babaguhin? Ang layo mo sa kanya ng milya-milya." saad ko at napabuntong hininga na lang ako.

Sa tagal-tagal ng panahon na paghihintay ko, sa isang salaulang tao pa napunta si Luna, at ang isa pa, mukhang mahihirapan ako nito na kausapin siya dahil hindi maganda ang una naming pagkakakilala.

Ang isa ko pa palang problema... isang lalake ang bagong katauhan ni Luna at hindi ko alam kung paano makisalamuha o magpaibig ng isang lalake dahil buong buhay ko ay sa isang babae lamang ang aking napusuan. At isang lalake rin si Calix, malamang ay hindi siya magiging interesado sa tulad ko.

At ang matindi kong pagsubok, ang ugali ni Calix na akala mo hawak niya ang mundo at hindi madaling pakiusapan. Magagawa ko kaya ang misyon ko?

Baka tuluyan na akong maging isang ganap na araw kung hindi ko mapaniwala si Calix na siya at si Luna ay iisa gayong hindi niya gusto ang libro na ginawa ko at pinunit niya pa sa harap ko.

News flash!

"Kani-kanina lamang ay namataan natin ang isang solar eclipse na bigla na lamang nangyari ng hindi inaasahan. Maraming experto ang nagulat sa pangyayaring ito dahil ayon sa kanilang pag-aaral, ang susunod na solar eclipse ay magaganap 2 months mula ngayon... " saad sa TV na hinayaan kong nakabukas lamang.

After 2 months ang susunod na eclipse o ang pagtatagpo ng araw at ng buwan? Ibig sabihin ay may halos 60 days ako para gawin ang aking misyon kay Calix.

Kakayanin ko kaya 'to?

Calix... kaya ba kitang mahalin? O kaya mo ba akong mahalin?

Naririnig ko na dati pa ang pangalan ni Calix at nakikita ko na siya sa TV, ngunit hindi ako ganoong interesado sa kanya kasi ang buong akala ko ay isang babae rin ang magiging susunod na buhay ni Luna. Hindi ko naisip na posible din pala itong mangyari.

Nababalitaan ko rin na kung sino-sinong babae ang dine-date ni Calix at papalit-palit siya sa oras na siya ay magsawa na. Malaking problema ito at mukhang hindi siya maniniwala sa akin. Isa pa, parehas kaming lalake at hindi niya ako magugustuhan.

Phone ringing!

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya nilagay ko ito sa loudspeaker at si Georgette, na aking manager ay agad na nagsalita.

"Sol!" sigaw ni Georgette sa kabilang linya.

"Bakit? May sasabihin ka ba?" tanong ko sa kanya.

"Okay ka na? Hindi ka na badtrip? Hindi ka na kasi nagsalita pag-alis natin sa hall kanina dahil sa malditong si Calix! Asar talaga kapag naalala ko 'yun!" sigaw ni Georgette.

"Hindi naman ako badtrip. May naalala lang ako." saad ko at hindi ko sinasabi kahit kanino ang tungkol sa tunay kong pagkatao.

"Anyways, Sol, bukas pupuntahan na lang kita sa unit mo and ididiscuss ko 'yung next agenda mo for the next book." saad ni Georgette.

"Okay." sagot ko.

"Sige na, magpahinga ka na kahit hindi ka naman natutulog! Ewan ko ba sayo paano mo kinakaya na hindi matulog! Byers!" saad ni Georgette at binaba niya na ang call.

Isa si Georgette sa mga naging matalik kong kaibigan sa henerasyon na ito. Maaasahan ang babae na 'yun at malulungkot ako sa oras na siya ay tumanda at pumanaw na. Marami akong mga naging kaibigan paglipas ng panahon na nakita kong namatay at iniwan ako dahil sila ay mga mortal na lumilipas ang buhay.

Ito ang nakakalungkot sa pagiging imortal na nilalang na gaya ko, walang nagtatagal sa akin at lahat ng taong nakikilala ko ay may hanggangan.

"60 days na lang at malalaman ko na rin kung matatapos na ang buhay ko dito sa mundo. Ibig sabihin, 60 days na lang ang natitira at kailangan ko matapos ang libro ko." saad ko sa sarili ko dahil may libro akong sinusulat na pinamagatang 'When the Sun Meets the Moon.'

Ito ang kwento ng buhay naming dalawa ni Luna at ang mga nangyari sa amin. At ang nalalabing mga chapters ng libro na ito, iyon ay nakabase sa kung anong magiging kalalabasan ng pakikitungo namin ni Calix sa isa't isa sa mga susunod na araw.

Naisipan ko muna lumabas para bumili ng beer dahil iyon ang pampagana ko bago ako magsulat. Mas marami kasing pumapasok sa utak ko sa tuwing tumatama na ang beer sa akin.

At paglabas ko mula sa condo unit ko, napansin ko na may naglilipat ng gamit sa harap ng unit ko at mukhang new owner ang titira rito dahil ever since ay walang tumira sa unit sa harapan ko.

"Kayo ba ang lilipat sa unit na yan?" tanong ko sa isang babae na halos kasing edaran lang siguro ni Georgette. At kahit babae siya, medyo boyish ang dating niya dahil siya ay naka coat and and slacks, ngunit makikita mo na maganda siya at mukhang manika.

"Ah hindi, 'yung alaga ko ang lilipat dito. Ako lang ang nag-aayos since gusto niya okay na ang lahat pagdating niya. And ito' yung napili ko kasi hindi madaling nakakapasok ang kung sino-sino rito sa condo na 'to." saad ng babaeng kausap ko, "I'm Demi, and I think magkikita tayo dito almost everyday." dagdag ni Demi at nakipagkamay siya sa akin.

"Ako naman si..." saad ko at hindi na ako nakasagot dahil sumingit ulit si Demi.

"I know you. Ikaw si Sol hindi ba? 'Yung writer?" saad ni Demi.

"Ah, oo, ako nga." sagot ko.

"This will be a very big mess... my gosh!" bulong ni Demi.

"Ha? May sinasabi ka?" tanong ko sa kanya.

"Nothing!" nakangiting sagot ni Demi, "I'll be going na, Sol. Medyo marami pa akong aasikasuhin at darating na ang alaga ko. See you later!" saad niya at pumasok na siya sa loob ng unit.

Nang magsimula na akong maglakad, nakita ko na puro mga gitara, drums, mic set, at kung ano-ano pang instruments ang dinadala patungo sa unit na inaayos ni Demi. Isa sigurong musician ang lilipat doon kung ganoon.

...

...

...

Pagkatapos ko mamili ng beer at nakabalik na ako sa condo unit, umupo na ako sa sofa sa living room at binuksan ang isang bote ng beer at humarap na rin ako sa laptop para magsimulang magsulat.

Isusulat ko kung paano ang masalalimuot na unang pagkikita namin ni Calix at kung paano ko natuklasan na siya si Luna.

Magsisimula na sana ako mag type sa laptop nang biglang may narinig ako na tumutugtog ng drums sa paligid. At kahit soundproof ang bawat unit ng condo, hindi pa rin maiwasan ng aking pandinig na masagap ang kahit anong ingay dahil isa ito sa aking kakayahan na may matalas na pandinig.

Tila ang taong ito ay nagda-drums kahit hindi siya marunong at mukhang gumagawa lang siya ng ingay.

Gusto ko man sana magsulat, ngunit palakas rin nang palakas ang pagda-drums ng taong ito.

"Wag mo na lang pansinin, Sol, titigil rin siya." saad ko sa sarili ko at napabuntong hininga na lamang ako.

Habang sinusubukan kong magsulat at pinipilit na mag focus sa ginagawa ko, iba naman ang ginawa ng taong ito. Nagpatugtog naman siya ng gitara na parang gumagawa lang rin siya ng ingay.

"Ano ba ang problema ng taong ito?" saad ko sa sarili ko habang naririnig ang nakakarinding ingay.

Ilang saglit lamang ay tumigil siya sa paggigitara at bigla na lamang nagsalita.

"Asar! Sabi ko kuhaan ako ng condo na malapit sa bar! Pero dito pa talaga nila napili kung saan walang masyadong tao at malayo rin sa bar! F*ck!" sigaw ng isang lalake na naririnig ko at nagpatugtog ulit ng gitara.

Mukhang ang lalakeng iyon ang bagong nakatira sa unit sa tapat ko at mukhang magiging maingay ang buhay ko nito araw-araw kung ngayong unang beses niya pa lang na nakatira dito ay nagwawala na siya.

Tinigil ko na lamang ang pagsusulat dahil hindi rin ako makakafocus hangga't nag-iingay ang lalaking ito. Kaya naman hinayaan ko muna siya na maglabas ng sama ng loob hanggang siya ay mapagod at antukin.

Ngunit, pagkatapos ng mahigit isang oras, ang taong ito ay hindi pa napapagod at ngayon naman ay nanonood siya ng palabas at kung makatawa siya ay akala mo lalabas na ang baga niya sa kakaubo at kakatawa.

Sa tagal ng paninirahan ko sa condo na ito, naging matahimik ang buhay ko. Kaya ayaw ko rin umalis dito dahil hindi ito puntahan ng mga tao at tahimik. Pero, mukhang mapipilitan na ata ako lumipat kung ganito lang ang magiging kapitbahay ko sa unit.

Kaya naman tumayo na ako at minabuting kausapin ang lalake na iyon upang sabihin na hinaan ang kanyang ingay na ginagawa.

...

...

...

Pagtayo ko sa harapan ng unit niya, ay mas dinig ko ang tawa niya...

Door knocking!

Kumatok ako ng tatlong beses, ngunit tila wala siyang narinig at patuloy pa rin sa panonood at pagtawa.

Kaya naman kumatok ako nang tuloy-tuloy hanggang sa marinig niya. Ngunit ang dakilang lalake na ito ay tila nagbibingi-bingihan na lamang.

Ilang saglit lamang ay pinatay niya ang TV at mukhang narinig niya na siguro ako.

"Nanonood ako eh! Istorbo naman! Sino ba 'to?" naiinis na saad ng lalake.

At pagbukas niya ng pinto, parehas nanlaki ang mga mata naming dalawa.

"Ikaw?" saad naming parehas habang nakaturo sa isa't-isa.

"Calix?" saad ko nang makita ko siya habang nakasando na manipis at boxers, at kitang-kita ko rin kung gaano kakinis at kaputi ang katawan niya... gaya ng kinis at ang puti ng katawan ni Luna noon. Parehas na parehas sila.

"F*ck! Sa dinami-dami ng pwedeng maging condo na lilipatan ko paano mo nalaman na nandito ako? Sinusundan mo ko? Gagantihan mo ko? Oh gusto mo ng autograph ko?" naiinis na saad ni Calix.

Napabuntong hininga na lang ako since ayaw kong pagalitan si Calix, at ayaw ko rin mainis sa kanya at the same time.

"Bakit kita susundan? Ako ang naunang tumira dito. Tsaka nais ko lang sabihin na may ginagawa ako at masyadong malakas ang pag-iingay mo." sagot ko kay Calix.

"Huh? Paanong maingay? Hindi ba sound proof 'tong bawat unit dito? Baliw ka ba? Ano ka? May powers na malakas ang pandinig?" pang-aasar ni Calix.

"Oo. Ganoon na nga." sagot ko sa kanya at sinubukan kong sabihin ang totoo.

Ilang saglit lamang ay natawa si Calix.

"Alis! Ayaw ko ng may kinakausap na baliw! Siguro kakasulat mo ng libro, napaghahalo mo na ang fantasy sa reality! Sinira mo pa panonood ko!" saad ni Calix.

"Paki-usap, pakihinaan ang iyong pagtawa at ang iyong panonood at pagtugtog ng mga instruments." sagot ko sa kanya.

"Unit ko 'to kaya tatawa ako nang malakas at manonood hangga't gusto ko! Pag-aari mo ba ako para utusan ako? Walang nagmamay-ari sa akin! Baka nakakalimutan mo, ako si Calix at ako ang nagmamay-ari sa lahat!" saad ni Calix at ngumisi siya.

Walang patutunguhan 'tong pag-uusap namin na ito.

"Bahala ka sa buhay mo!" sigaw ni Calix at bigla niya ako sinaraduhan ng pinto.

Sa sinabi ko pa lang na matalas ang aking pangdinig, hindi niya na agad pinaniwalaan. Paano ko pa kaya ipapaliwanag sa kanya na siya ang Diyos ng Buwan?

Sigh!

Pagbalik ko sa unit ay tumungo na lamang ako sa veranda upang uminom ng beer at magmuni-muni sa kalangitan habang pinagmamasdan ang buwan.

"Luna, may pagkakataon pa ba na makilala mo ako ulit at ang iyong nakaraan?" saad ko at napabuntong hininga na lamang ako.

"Waaaaaaahh!"

Bigla akong may narinig na sumigaw... at mukhang kilala ko na kung kaninong boses ito.

"Abnormal ba si Sol? Naririnig niya ako eh sound proof kaya 'tong unit! Sus! Kakasulat niya ng libro kaya ayan nabaliw na rin! Haha! Pero paano niya nalaman na nagpapatugtog ako ng instruments? " saad ni Calix at rinig ko ang sinasabi niya.

Kung alam mo lang, Calix, na naririnig kita at ang iyong mga pinagsasasabi sa akin.

Ilang saglit lamang ay tumawa nang malakas si Calix habang patuloy na nanonood.

"Tatawa ako nang tatawa hangga't gusto ko! Sus! Naririnig niya daw ako?" saad ni Calix at tila bigla siyang may naisip, "Wait! Baka may mic dito sa loob ng unit ko kaya naririnig ako ni Sol! May camera sigurong nakatago! Gusto niya siguro akong pagnakawan o pagsamantalahan! Kung naririnig mo ako, Sol, hinding hindi ka magtatagumpay! F*ck you! Hindi mo ko magagantihan!" dagdag ni Calix habang siya ay sumisigaw at tipong nababaliw na.

Door knocking!

Biglang may kumatok kaya tumungo ako sa pinto at pinagbuksan ito.

"Hoy, Ikaw!" saad ni Calix habang nakatayo siya sa harap ko at nakatingala sa akin dahil mas malaki ako sa kanya.

"Bakit, Calix?" seryoso kong tanong.

"Narinig mo ba sinabi ko, ha?" tanong niya sa akin at tila naiinis siya.

"Hindi. Ano ba sinabi mo?" sagot ko sa kanya at nagsinungaling na lamang ako, dahil kapag sinabi ko na narinig ko lahat ng sinabi niya na kabaliwan, baka lalo niya pagdudahan na pinagsasamantalahan ko siya at ayaw ko na isipin niya 'yun.

"Akala ko ba naririnig mo mga sinasabi ko? Baka mamaya may secret camera at mic ka na kinabit sa loob ng unit ko tapos pinapanood mo bawat galaw ko!" saad ni Calix at walang siyang pahintulot na pumasok sa unit ko.

"Hoy, Calix, hindi ka basta-basta pwedeng pumasok sa unit ko." saad ko sa kanya.

"Wala akong pake! Tinitingnan ko baka may monitor ka dito tapos pinapanood mo ang bawat galaw ko! Ipapakulong kita kapag nakita ko na pinapanood mo ako!" saad ni Calix at ginalugod niya ang unit ko.

Pinapanood ko lamang siya na nagiikot-ikot at tila naghahanap ng pruweba na pinapanood ko siya at sinisilip. Ang layo ng ugali niya kay Luna talaga... ito ang kabaliktaran ng ugali ni Luna sa totoo lang.

Pagkatapos ng 2 minutong paghahanap, "May nakita ka ba, Calix?" tanong ko sa kanya.

"Baka... baka may secret room ka dito!" saad ni Calix.

"Secret room? Paano ako magkakaroon noon kung iisa lang ang porma ng unit dito sa condo? Ikaw ay trespassing sa ginagawa mong pagpasok sa unit ko ng walang paalam." saad ko.

"Ako si Calix at hindi ko kailangan magpaalam sayo, Sol. Maliwanag ba?" naiinis na sinabi ni Calix.

Habang nagmamasid-masid si Calix sa unit ko, napatingin na lamang siya sa isang miniature na moon lamp na nakapatong sa working table ko at hinawakan niya ito.

Napansin ko na kumalma si Calix habang nakatingin siya sa miniature na buwan, at ilang saglit lamang ay hinawakan niya ito. At doon na niya sinimulang hinagis-hagis ito na parang bola.

"Saan mo 'to nabili? Ang cool naman nito! Sarap gawing bola! Haha!" saad ni Calix habang tuwang-tuwa siyang pinaglalaruan ang miniature moon lamp at habang ako naman ay hindi natutuwa sa ginagawa niya.

"Aalis ka dito sa unit ko o kakaladkarin kita pabalik sa unit mo?" seryoso kong sinabi sa kanya.

"Sige! Kaladkarin mo ko!" saad ni Calix at nilabas niya ang kanyang phone at nag video, "Para mapakita ko sa lahat, na ang sikat na writer na si Sol... ay walang awang kinakaladkad ako palabas. Gusto mo ba makita nila na isa kang masamang tao? Malalaman nila na sinasaktan mo si Calix, the greatest singer of all time!" dagdag pa niya habang nakangisi siya sa akin.

Luna, patawarin mo ako sa gagawin ko sayo, pero hindi ko sana gustong gawin 'to, kaso... nakakainis ka na!

Tumayo ako sa harapan ni Calix at tinapat niya bigla ang camera ng phone niya sa akin.

"A-ano gagawin mo! Nakarecord ako! Sige ka! Ikakalat ko' to in public!" saad ni Calix.

"Iuuwi na kita sa unit mo. Masyado kang maingay at magulo. Naiinis ako sayo." saad ko at bigla kong binuhat si Calix na parang isang sako ng bigas.

"Ibaba mo ko! Sol! Malaki ka lang na tao pero kaya kitang patumbahin!" saad ni Calix habang pinipilit niyang kumawala mula sa pagkakakarga ko sa kanya.

"Ano passcode ng pinto mo? Ako magbubukas." tanong ko kay Calix pagtayo ko sa tapat ng unit niya habang karga ko siya.

"Hindi ko sasabihin sayo! Ano ako? Tanga? Bakit ko sasabihin ang passcode ng pinto ko?" sigaw ni Calix.

At dahil hawak ko si Calix ay kaya ko mabasa ang isip niya, isa pa sa mga kakayahan ko.

Ang sabi ni Calix sa kanyang isip na nabasa ko, "Tanga lang ang magsasabi ng passcode ng unit! Kailanman hindi ko sasabihin kay Sol na ang passcode ko is 1234 lang! Haha! Mamamatay siyang kakaisip!"

Pagkatapos ko mabasa ang isip ni Calix, tahimik lang siya na pinapanood ako at nakangisi.

"Ano? Hindi mo malalaman ang passcode ng pinto ko, Sol." saad ni Calix at sinimulan ko nang pindutin ang buttons sa lock ng pinto ni Calix.

1-2-3-4... Beep! Passcode correct!

"Pa-paano mo nalaman!" gulat na sinabi ni Calix at bigla niyang pinagpapapalo ang likod ko, "Stalker ka no? Ipapapulis kita!" dagdag pa niya habang patuloy na pinapalo ang likuran ko.

"Lucky guess." saad ko, "Sinong tanga ang magseset ng passcode na 1234?"

"Bakit ba! Makakalimutin ako eh! Tsaka stalker ka! Ibaba mo nga ko!" naiinis na saad ni Calix at binaba ko na siya.

"Palitan mo 'yang passcode mo, Calix." saad ko sa kanya at nagaalala rin ako dahil baka may ibang pumasok sa unit niya at hamakin siya ng wala sa oras kung ganoon kadali ang passcode niya.

"Talagang papalitan ko 'to! Stalker ka!" saad ni Calix at tinulak niya ako bahagya at doon ko na naman nabasa ang isip niya kung saan sinasabi niya na "Papalitan ko nga passcode ng 4321! Malamang hindi niya na 'to mahulaan! Hmp!"

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa takbo ng utak ni Calix na animo'y parang bata kung mag-isip.

"Wag mo rin gagamitin ang 4-3-2-1 kung 'yun ang naiisip mong bagong passcode." seryoso kong sinabi sa kanya.

"Really? Paano mo nalaman na 'yun din balak ko? My mind reading capabilities ka ba ha? Bahala ka nga sa buhay mo!" saad ni Calix at tuluyan na siyang pumasok sa loob ng unit niya habang ako naman ay nakatayo lang sa tapat ng pinto niya.

Paano ko gagawin ang mission ko sa ganitong pag-uugali ni Calix? Magkakasundo pa kaya kami?

Napailing na lamang ako dahil napakalayo ni Calix kay Luna kahit iisa lamang silang dalawa.

Isang araw na ang nawaldas ko at 59 days na lang ay maaaring tuluyan na ako maging isang ganap na araw. Nadadama ko na labis akong mahihirapan sa sitwasyon ko.

Habang pabalik na ako sa unit ko, narinig ko si Calix na nagsasalita mag-isa, "Weird ng Sol na 'yun! Paano niya nalaman na 1234 ang passcode ko? Ang hirap kaya hulaan noon! Pati nga 4321 nahulaan niya din! Is he some kind of freak? Asar! Sa dinami-dami ng magiging kapit-bahay ko na unit, siya pa talaga! Anyway, I have a plan... at sinisigurado ko na isang araw, si Sol ang aalis mismo at hindi niya na ako magugulo at maii-stalk! Makatulog na nga para mapanaginipan ko kung anong mga pangbubully ang gagawin ko sa kanya!"

Napailing na lamang ako sa sinabi ni Calix at mukhang gusto niya pa akong ilayo sa kanya. Pero, pasensya ka na, Calix, hindi ko gagawin 'yun. Bagamat naaasar din ako sayo, kailangan kong gawin 'to para sa ating dalawa.

Tumungo na ako sa veranda upang ipagpatuloy ang pag-inom ng beer, at sawakas, tumahimik na rin si Calix at mukhang nakatulog na.

Kaso, ilang saglit lamang...

"Arrgh! Ano na ba gagawin ko sayo, Calix?" saad ko sa aking sarili at pinipigilan kong mainis dahil dinig na dinig ko ang malakas na paghilik niya habang siya ay natutulog na!

Loud snore!

Palakas nang palakas ang paghilik ni Calix at kahit hindi ako natutulog, ang kaingayang ito ang bumubulabog sa tahimik kong buhay!

Hindi ko alam kung matutuwa pa ba ako na natagpuan ko na muli si Luna o hindi!

Nagpatugtog na lamang ako ng isang rock slash opera song na ang title ay SOS d'un terrien en détresse.

Oo, natatabunan nito ang paghilik ni Calix, ngunit habang tumatagal at tumataas ang tension sa kanta... mas lumalakas rin ang hilik ni Calix na tila nakikipagsabayan pa siya! Utang na loob! Ano ba 'to!

"Tumahimik ka na, Calix! Ang lakas mo humilik!" naiinis kong saad sa aking sarili.

Wala na akong magawa kung hindi makinig na lamang sa hilik niya buong gabi.

...

...

...

Sumapit na ang araw at hindi ako nakapagsulat ng kahit ano dahil sa sobrang lakas ng hilik ni Calix. Kahit gumamit pa ako ng ear plugs ay talo ito ng hilik niya.

At sa wakas, tumigil na rin si Calix sa paghilik at mukhang gising na siya.

"Haaay! Ang sarap ng tulog ko ah?" saad ni Calix habang nararamdaman ko na nag-uunat siya ng katawan, "Nagugutom ako... ano kaya makain?" dagdag pa niya.

Kahit hindi ko siya nakikita ay naririnig kung anong mga sinasabi niya.

"Wala naman laman 'tong ref. Nakalimutan ata ni Demi na maglagay ng food. Tsk! Hindi naman ako pwedeng lumabas basta-basta dahil dudumugin ako ng mga tao at media. Ang hirap talaga maging pogi at sikat. Haist! Hehe!" saad ni Calix at napailing na lamang ako.

Oo, aaminin ko, may itsura si Calix at tipong lalakeng version siya ni Luna. Pero ang nakakapagpapangit sa kanya ay 'yung childish niyang ugali.

Tummy growling!

Rinig na rinig ko ang pagkulo ng tiyan ni Calix at dama ko na nagugutom na siya. Kawawang bata. Tsk!

"Gutom na ko..." nalulungkot na saad ni Calix, "Hello? Demi? Bakit di ka nagiwan ng pagkain sa ref. Nagugutom na ako." saad ni Calix at mukhang kausap niya na sa phone si Demi, ang manager at ang nag-aalaga sa kanya.

Kaya pala narinig ko na binulong ni Demi sa kanyang sarili kahapon na malaking problema ito... na magkasama kami ni Calix sa iisang condo, at ang malala... magkaharap pa kami.

"No! Hindi ako hihingi ng tulong sa freak na Sol na 'yun! Never!" saad ni Calix at mukhang ayaw niya sa akin, "Alam mo ba kagabi, I was having the time of my life, Demi, as in ang saya ko since I have the freedom and finally mag-isa na lang ako and wala na ako sa puder ng father ko. But, this Sol guy, arrgh! He's acting like my father!"

Ako? Umaastang tatay? Ano ba ginawa ko? Parang pinatahimik ko lang naman siya kahapon ah?

"Ano ba ginawa niya?" tanong ni Demi at nilagay ata ni Calix ang call sa loud speaker, "Mukha naman siyang mabait ah? Malaki lang siyang tao, yes, but he looks like a very gentle creature."

"Gentle? Nasisiraan ka na din ba, Demi? Ako 'yung minamanage mo ah? Bakit parang kampi ka pa sa Sol na' yun? Crush mo ba siya ha?" naiinis na saad ni Calix.

"Like hello, Calix? Hindi kami talo! Parang hindi mo ko kilala? We've been together since what? Since Highschool and hindi mo pa rin matatak sa utak mo that I like girls? Ba yan! Pero back to you and Sol tayo. What happened last night?" tanong ni Demi.

"Chaos ang nangyari kagabi! Nagpapatugtog lang naman ako ng instruments ko dito. Smooth and peaceful pa nga ang pagkakatugtog!" Calix said.

"Ah talaga, Calix? Peaceful?" saad ko sa sarili ko at napangisi na lang ako at nagpatuloy sa pakikinig sa usapan nila ni Demi.

"Then, nanood lang ako ng movie pagkatapos! Emotional at solemn nga 'yung movie na pinapanood ko eh hindi nakakatawa." Saad muli ni Calix at napafacepalm na lang ako sa kinukwento niya kay Demi, "Ilang saglit lang noong nandoon na ako sa part na umiiyak na ako, biglang kumatok ng malakas si Sol sa pintuan ko! 'Yung tipong gusto niyang sirain? Alam mo naman kung gano kalaki katawan niya diba? Grabe talaga 'yung terror kung alam mo lang, Demi."

"My gosh! Really, Calix? So pinagbuksan mo ba siya ng pinto?" tanong ni Demi at mukhang paniwalang-paniwala siya kay Calix.

"Oo! Galit na galit nga at gustong manakit ni Sol! Nanlalaki mga mata niya na parang adik sa kalye! Gano'n! Tapos sabi niya pa pag hindi daw ako tumahimik, tatahiin niya daw 'yung mga labi ko para hindi ako makapagsalita tapos itatali ako sa kama para hindi makagalaw!" kwentong kasinungalingan ni Calix.

Hay... Calix, pinagmukha mo pa akong masama.

Tsk!

Hindi ko naman sinabi 'yun at hindi ko alam kung saan mo nakuha 'yan. Hindi ko na alam kung ano takbo ng utak mo.

"Grabe! Napaka wild naman pala ni Sol! Hihi! I like it! Mukhang may katapat ka na ah, Calix!" natatawa at kinikilig na saad ni Demi.

"Demi? Are you for real? Bakit parang kinikilig ka pa? I'm in danger here!" sigaw ni Calix, "Hindi ba sound proof 'tong unit? How the hell did he hear all the noises that I'm making!"

"Tinatanong pa ba 'yan? You're the 'Calix' for God's sake! Walang talab ang kahit anong soundproof building sa kaingayan mo so wag ako! I bet hindi lang si Sol ang nakarinig niyan! Maybe even your other neighbors at si Sol lang ang naglakas loob na lapitan ka." saad ni Demi.

"Ah basta, Demi! Feeling ko may hidden camera siya dito or mic na tinanim sa mga gilid ng walls or sa appliances noong naglilipat kayo ng gamit ko! Did you checked it all?" tanong ni Calix.

"Calix, you know me, siempre I just don't double check... I do quadruple checking just to make sure na walang magpapahamak sayo! Isa pa, why would Sol do that? Bakit? Stalker ba siya? Is he into you? Hindi nga kayo magkakilala pa masyado." sagot ni Demi.

"Eh kasi nga di ba nakwento ko sayo 'yung katangahan na ginawa mo na nag pa book ka ng autograph session tapos naka book din pala sila Sol sa hall the same day and same time! Edi inaway ko para umalis silang lahat!" saad ni Calix.

"Kung magtatanim siya ng hidden camera sa unit mo, ikaw ang may kasalanan, Calix! Tsaka If I'm to compare you to Sol, mas ikaw ang gagawa ng mga childish pranks na gano'n!" natatawang sagot ni Demi at mukhang kinakalaban niya si Calix.

"Gusto mo si Sol na lang i-manage mo total kampi ka sa kanya? Tss!" naiinis na sinabi ni Calix.

"Hindi sa gano'n, Calix, but siempre hindi ko naman pwedeng husgahan agad si Sol. I do read his books and ang ganda kaya! I'm an avid reader of his works and that guy's head is full of love and ideas. He's a handsome and nice guy too! Try mo basahin mga books niya and maybe you'll learn from him!" saad ni Demi.

"No! Not in a million years! I don't even read books!" saad ni Calix, "May isa pa pala akong itatanong sayo, Demi."

"Ano na naman, Calix?" tanong ni Demi.

"Sinabi mo ba kay Sol 'yung passcode ng unit ko?" tanong ni Calix.

"No! Why would I do that? Isa pa, that's a breach of security if sasabihin ko sa kanya ano!" saad ni Demi.

"Eh paano niya nalaman na 1234 'yung passcode ko?" naiinis na tanong ni Calix.

Narinig ko na napabuntong hininga na lamang si Demi sa call at sumagot, "Calix? Really? Nagtataka ka pa? 1234? If mag-iisip ako like 'you, I guess ang isa mo pang option is 4321, am I right?"

"Mali! Hindi kaya! 0000 kaya 'yung bago kong passcode na naisip! Basta! Dangerous 'yang Sol na 'yan! Binuhat niya ako na para akong one sack of rice kahapon noong pumasok ako sa unit niya!" sigaw ni Calix.

"O.M.G! Pumasok ka sa unit ni Sol? Why! Don't tell me that you literally just barged into his unit without his permission?" tanong ni Demi habang pataas na nang pataas ang tono ng pananalita niya.

"Oo! Tiningnan ko baka may mga monitor siya na ginagamit para sa mga hidden cameras na tinanim niya sa unit ko!" saad ni Calix at mukhang hindi siya magpapatinag.

"Calix, now I know kung bakit ka binuhat ni Sol na parang isang sako ng bigas! Ang kulit mo kasi! Why would he even stalk you in the first place? He's a writer and marami na siyang inaasikaso! Why would he even care about you? He has his own life!" saad ni Demi.

At biglang natahimik si Calix panandalian.

"Eh kasi..." saad ni Calix na may malungkot na tono, "Ako si Calix... at baka may gawin siyang masama sa akin."

"If I was Sol, I wouldn't even care about you. I have lots of books to finish, I have other things to do, at may sarili siyang buhay. Just don't do it again, Calix. Wag kang pumasok sa unit niya basta-basta! Sige ka, he's a big guy and hindi mo siya kilala! Maybe he might..." saad ni Demi at hindi niya tinuloy ang kanyang nais sabihin at tumawa na lamang siya.

"Sol might what, Demi?" nag-aalalang tanong ni Calix.

"Baka mamaya wild pala siya! He carried you like a sack of rice! Saan ka niya dinala? Pabalik sa unit mo ba?" tanong ni Demi.

"Oo, pabalik sa unit ko. Doon ko nalaman na alam niya pala ang passcode ng unit ko. Bakit?" sagot ni Calix.

"Buti na lang! Paano kung sa kwarto ka niya dinala? It's the end of your virginity!" natatawang sigaw ni Demi.

"F*ck you, Demi! What virginity? Anong tingin mo sa akin? Pumapatol sa lalake? First of all, I like girls and second I like boobs and not dicks! Third, masisira ang career ko if makita ng mga tao na mahilig pala ako sa lalake which I am not!" saad ni Calix.

"Though I think bagay kayo ni Sol for me. Hihi! One childish, bully, and playful creature, and the other one would be a gentle, serious yet scary guy! Oh di ba, si Sol lang ang kayang makapagpigil sayo?" saad ni Demi at napailing na lang ako sa sinabi niya.

"Ibababa ko na lang 'tong call, Demi! Wala na patutunguhan tong pag-uusap na to! Since hindi ka man lang naglagay ng food sa fridge, I'll just drink the tap water para magkasakit ako!" Calix said.

"Wag kang O.A., Calix! Wait for me, I'll bring you your food. Wait for me mga 30 mins andyan na ako. Your usual breakfast? Eggs Benedict?" tanong ni Demi.

"Yup! May nakita ako na nagtitinda dito sa restaurant malapit sa condo, but I can't go outside yet. Bilisan mo! Pag wala ka pa within 30 minutes mamamatay ako sa gutom!" saad ni Calix.

"Sige papunta na ako dyan. Bye!" sagot ni Demi at binaba niya na ang tawag.

"30 minutes pa si Demi... arggh! Nagugutom na ko!" nag-aalalang saad ni Calix.

Hmm? Eggs Benedict ang gusto niya?

Okay!

...

...

...

Agad akong tumungo sa isang restaurant malapit sa condo kung saan may nagtitinda ng Eggs Benedict at para maibigay ko rin ito kay Calix dahil nararamdaman ko na nagugutom na din talaga siya.

Kahit inis ako sa kanya, kailangan ko rin siya alagaan nang mabuti.

At pagkatapos kong makabili at makapagtake-out, bumalik ako sa unit ko at ito ngayon ang problema ko... paano ko ibibigay kay Calix 'tong Eggs Benedict?

Dahil alam ko na kapag inabot ko sa kanya 'to, hindi niya ito tatanggapin since ayaw niya sa akin at kinamumuhian niya ako.

Pero kung hindi ko ibibigay sa kanya ng harapan? Hindi niya malalaman na galing sa akin 'to?

Habang nag-iisip ako, napatingin ako sa isang sticky notepad at doon ko napagtanto ang maaari kong gawin.

Kumuha ako ng isang pirasong sticky note at sumulat ako ng isang maikling note at dinikit ko sa paper bag kung saan nakalagay ang na take-out ko na Eggs Benedict.

"Hi Calix, this is for you! Sana mabusog ka. :)"

Pinakiramdaman ko muna kung anong ginagawa ni Calix dahil baka magkasalubong kami pag nagkataon.

Pinakinggan ko mabuti ang kanyang ginagawa... at napailing na lamang ako nang marinig ko na umiire si Calix.

"Uuugghh! Ano ba kinain ko kahapon bakit ang hirap mo ilabas!" naiinis na saad ni Calix habang siya ay dumudumi sa C.R.

Ito na rin ang pagkakataon para simulan ang aking plano!

Agad akong tumungo sa harap ng unit ni Calix at pinapakinggan ko kung hindi pa siya tapos dumumi.

At... mukhang hindi pa naman dahil naririnig ko na kumakanta siya, at masasabi ko na kahit hindi siya magaling tumugtog ng kahit anong instrumento, ay tunay na maganda ang kanyang boses, gaya na lamang ni Luna.

"Sana hindi pa rin nagpapalit ng passcode si Calix." saad ko sa sarili ko at pinindot ko na ang buttons sa pintuan niya.

1-2-3-4 Beep! Password correct!

"Mabuti naman at hindi pa siya nagpapalit." saad kong muli at nagmadali akong pumasok sa loob upang ilapag ang paper bag na may lamang Eggs Benedict para sa kanya.

Aalis na sana ako nang makita ko ang mga picture frame na nakasabit sa unit niya, at ang nakakatuwa ay noong makita ko ang itsura ni Calix noong bata pa siya. Mukha siyang babae at kamukhang kamukha niya si Luna.

"I don't wanna close my eyes! Aaaccckkk! I don't wanna fall asleep cause I miss you babe... Aaacckk! And I don't... wanna miss a thiiiiiiiingg!" sigaw ni Calix habang kumakanta at umiire ng sabay, "Hay! Sawakas! Kailangan lang talaga sabayan ng kanta para lang mailabas ko!" dagdag pa niya at doon ko na narinig ang pag-flush ng toilet.

Kaya naman naisipan ko na lumabas na agad dahil baka maabutan niya ako.

At nang akmang palabas na sana ako...

1-2-3-4 Beep! Password correct!

Doon na nanlaki ang mga mata ko na tipong gusto na lumabas nito mula sa ulo ko!

"Calix! Andito na ko! Dala ko na ang favorite breakfast mo which is Eggs Benedict!" sigaw ni Demi sa labas ng unit ni Calix at narinig ko na ang pagbukas ng door knob!

At sabay rin bumukas ang pinto ng C.R. kung saan dumumi si Calix at naririnig ko na nagsimula na siya maglakad habang sumisipol pa.

Patay! Wrong timing silang dalawa! Mahuhuli ako ni Calix at ni Demi na pumasok sa unit niya! Iisipin nila na masama akong tao at gusto ko pagsamantalahan si Calix!

Bakit ngayon pa! Paano na 'to?

Makikita nila akong dalawa! Mali! Lalong magagalit at hindi ako pagkakatiwalaan ni Calix nito kapag nakita niya ko!

End of Chapter 2