Sol's POV
Calix, pinapayagan mo na ba ako na halikan kita?
...
...
...
Hindi kasi umaalma si Calix gaya ng nakasanayan ko at nakapikit lamang siya na tila hinihintay niya ako gumalaw.
Dahil hawak ko rin siya ngayon, sinusubukan kong basahin ang isip niya, ngunit ito ay blanko at wala akong makita na kahit ano.
Bahala na siguro.
Kung hindi siya umaalma, marahil ay maaari ko na siyang halikan.
...
...
...
Marahan kong nilapit ang mga labi ko patungo sa kanya, at damang dama ko ang init ng hininga na nagmumula kay Calix.
Napahawak na rin siya nang mahigpit sa kamay ko na nakaakbay sa balikat niya at hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin noon.
Calix... ito na... hahalikan na kita.
Halos naramdaman ko na naglapat na ang pinakadulo ng mga labi namin at labis akong kinakabahan dahil nandito na.
Ididiin ko na ang labi ko at bibigyan ng mainit na halik si Calix nang biglang narinig ko na papalapit na ang mga staff sa pagseserve ng pagkain namin.
"Andito na po ang food, Sir Calix and Sir Sol." sigaw ng babaeng staff kaya agad akong kumalas mula sa hawak ko kay Calix.
At kasabay noon ay lumayo din siya sa sa akin at biglang nag-unat.
"Aahh! Sarap mag-unat!" saad ni Calix na tipong parang walang nangyari. Ngunit, hindi siya makatingin sa akin ngayon.
Asar! Nandoon na ako eh.
Naramdaman ko na ang mga labi ni Calix! Bakit ngayon pa sila dumating? Tsk!
"Sa wakas! Nandito na 'yung food! Kanina pa ko nagugutom!" saad ni Calix at umupo na siya upuan niya.
Kasabay noon ay umupo na rin ako sa aking pwesto.
Pagkatapos maihain ang mga inorder namin... tahimik lang kami ni Calix at hindi nagkikibuan.
Nakatitig lang ako sa kanya at umaasa na titingin siya pabalik sa akin. Kaso, nakatingin lang siya sa mga pagkain na parang wala ako sa harapan niya.
"Calix." saad ko.
"Hmm? Why?" saad ni Calix habang hindi pa rin siya tumitingin sa akin at naka focus sa pagkain niya.
"About sa kanina, noong... malapit na tayo mag kiss..." saad ko ngunit pinutol agad ito ni Calix.
"Nothing happened a while ago, Sol. Okay? Forget it." saad ni Calix at doon na siya tumingin sa mga mata ko.
"Ahh... Sige, kakalimutan ko na lang." nakangiti kong saad ngunit nasaktan ako dahil umaasa ako na meron ng kakaibang nagaganap sa aming dalawa.
Marahil ay hindi pa rin handa si Calix na mahalin ang isang tulad ko.
Marahil ay naninibago pa siya dahil parehas kaming lalake at hindi niya alam kung paano makikitungo sa akin.
O baka... wala naman talaga siyang gusto?
Gustong gusto ko basahin ang utak ni Calix sa ngayon, ngunit natatakot ako sa sagot na malalaman ko.
"Pagkatapos natin kumain, Sol, please bring back home. Inaatok na ako." saad ni Calix.
"Okay, sige, Calix." nakangiti kong saad at nagsimula na ako kumain.
"Sarap naman ng food dito!" nakangiting saad ni Calix.
"Gusto mo ba ulit bumalik dito?" tanong ko sa kanya.
"No, I don't want to go back here again." sagot ni Calix.
"Ah... sige, naiintindihan ko." tanging saad ko na lamang.
Gusto ko makipag-usap ng kung ano-ano kay Calix at makipagkwentuhan, ngunit hindi ko alam kung ano ang nais kong sabihin.
Naaalala ko pa rin kasi 'yung punto na malapit na kami maghalikan at halos naramdaman ko na ang mga labi niya.
"Sol..." biglang saad ni Calix.
"Bakit?" tanong ko.
"I will court Atheena." saad niya.
"Agad?" tanong kong muli at bigla akong nalungkot.
"Yes. I want you to know it. Dahil baka agawan mo pa ako sa kanya!" naiinis na saad ni Calix.
"Sige, ikaw bahala, Calix. Kung saan ka magiging masaya." sagot ko at napabuntong hininga na lamang ako.
"Yup! Magiging masaya ako, Sol." nakangiting saad ni Calix.
Hindi ko na tinapos ang pagkain ko dahil nawalan ako ng gana at hinintay ko na lamang si Calix.
"Oh? Bakit di ka kumain, Sol?" tanong niya sa akin nang mapansin niya na hindi ko na ginalaw ang plato ko na halos puno pa.
"Nalipasan na ako ng gutom." saad ko, "Hintayin na lang kita matapos."
"Ikaw bahala." saad ni Calix at nagpatuloy na siya sa pagkain habang ginagawa niyang panulak ang beer.
Pinagmamasdan ko lamang siya, at sa isip-isip ko, wala lang ba 'yung nangyari kanina para kay Calix?
Na tipong halos nagdikit na ang mga labi namin, pero parang sanay na siya at wala lang sa kanya?
Siguro, dahil may pagka playboy si Calix, wala na lang sa kanya ang makipaghalikan.
Phone beeping!
Pagkakita ko sa phone ko, ay biglang nag message si Georgette.
"Hi Sol! Kamusta ang date with Calix? Fun ba? I know na magiging outrageous ang date niyong dalawa! Haha! I hope na you'll be having so much fun! -Georgette."
"Yup! Masaya ako. 😁 -Sol."
"Good! Hindi na kita gagambalain, Sol. I just wanted to know if ano ang estado mo dyan ngayon. Hihi! Byers! -Georgette."
Hindi ko na pinaalam pa kay Georgette ang nararamdaman ko ngayon... na labis akong nasasaktan. Mag-aalala lang siya para sa akin.
"Calix." saad ko.
"What's your problem?" tanong niya.
"Ihahatid at susunduin pa rin ba kita sa mga lakad mo?" tanong ko.
"If ayaw mo, then don't. I'll ask Demi to pick me up." sagot ni Calix.
"Hindi... gusto ko. Gustong gusto ko." nakangiti kong sagot.
"Bahala ka... As long as hindi ako ang magbabayad ng pang gas mo! Haha!" pabiro niyang sinabi.
"Wag ka mag-alala. Wala ka na dapat isipin. Basta tawagan mo lang ako kung kailan kita ihahatid o kaya susunduin." nakangiti kong saad.
"Okay... sabi mo eh." saad ni Calix.
"Nahihilo ka na ba? Nakakadalawang bote ka na eh." tanong ko.
"Hindi ah... sinong nahihilo?" saad niya at bigla na siyang napapikit at pabagsak na ang ulo niya sa plato ng kinakainan niya.
Kaya naman madali kong tinanggal ang plato na pinagkakainan niya, at ginamit ko ang kanang kamay ko upang sa palad ko bumagsak ang ulo ni Calix.
"Calix! Okay ka lang?" pag-aalala ko.
Hindi na siya sumagot po, at ilang saglit lamang ay bigla na lang siyang humilik. Isang hudyat na tulog na siya.
Hinayaan ko muna si Calix na matulog at nakasandal ang ulo niya sa palad ko. Sa paraang ito, nahahawakan ko ang mukha niya.
"Susundan kita, kahit saan ka pumunta, Calix. At kahit anong magpapasaya sayo, susundin ko." saad ko at napabuntong hininga na lamang ako, "Good luck sa panliligaw kay Atheena. Marahil ay sadyang binigyan na lang ako ng tadhana ng pagkakataon na makasama kita kahit saglit na pagkakataon. Siguro hindi talaga pwedeng magsama ang Araw at ang Buwan."
Gusto kong sumuko, pero gusto ko din makasama si Calix. Hindi ko na alam kung anong gusto ko sa buhay.
At habang tulog si Calix at nakapatong ang ulo niya sa kamay ko, pinindot ko na ang bell button.
Agad din naman pumunta ang babaeng staff sa lugar ko at laking gulat niya nang makita niya si Calix na nakasandal ang ulo sa kamay ko.
"Lasing na siya. Ako na magbabayad. Bill out na kami." saad ko.
"Right away, Sir Sol." nakangiting saad ng babae at umalis na siya para kuhanin ang bill.
Ilang saglit lamang ay bumalik na siya dala ang resibo ng babayaran namin.
Kinuha ko na ang wallet ko mula sa bulsa ng pants ko at binigay ko ito sa babaeng staff.
"Ikaw na kumuha ng pera ko. Hindi ko makukuha nang maayos 'to." saad ko dahil nakapatong ang ulo ni Calix sa kamay ko.
"Sure po!" saad ng babaeng staff at kinuha niya ang wallet ko habang nakangiti siya sa akin. "Sir Sol, wag niyo pong mamasamain ang tanong ko ah? Pero, may gusto po ba kayo kay Sir Calix? Promise, hindi ko ipagsasabi." nakangiti niyang tanong habang kinukuha niya na ang pera sa loob ng wallet ko.
Ngumiti na lamang ako at hindi na ako sumagot pa.
"Silence means yes po ba? Sorry! Hindi na ako magtatanong! Hihi! Avid fan po kasi ako ni Sir Calix. And marami akong nababalitaan na marami nga daw po siyang dine-date na girls. Kaya naman nagulat ako na magkasama kayong dalawa, Sir Sol. And nakita ko na suot niya ang coat mo." saad ng babaeng staff.
"Wala lang siyang dalang coat, kaya pinahiram ko muna sa kanya ang coat ko." sagot ko, "4000 pesos na ang kunin mo and 'yung 1000 pesos, that's my tip for you for doing a great job in assisting us."
"Sir Sol! Ang laki naman po ng 1000 pesos!" gulat na saad ng babaeng staff.
"That's fine. You may now go." saad ko.
"Thank you ng marami po, Sir Sol." saad niya at binalik niya na ang wallet ko, "Balik po ulit kayo." dagdag pa niya at umalis na siya.
Hindi na siguro kami babalik dito. Ayaw na ni Calix bumalik dito.
"Sol..." saad bigla ni Calix.
"Gising ka na?" tanong ko sa kanya.
At nang tiningnan ko ang mukha niya, tulog pa siya at humihilik.
Marahil ay nag nag sleep talking na naman siya.
"Sol..." saad muli ni Calix.
Hindi na ako sumagot dahil alam ko na tulog siya, ngunit hinayaan ko na lamang siya.
"Sol... bakit ang lalim ng mga mata mo?" bigla niyang saad na nagpagulat sa akin.
Patuloy akong nakinig sa mga sinasabi ni Calix...
"Pupuntahan kita kapag nagdilim ang mundo mo, Sol. Kapag kailangan mo ng liwanag, nandito ako..." saad muli ni Calix.
Nagtaka ako sa mga sinasabi niya dahil ito ang linya ni Luna noon sa akin, kaya sinubukan ko basahin ang isipan niya.
At nananaginip na naman si Calix, ngunit sa pagkakataong ito, siya bilang si Luna ang napapanaginipan niya.
"Sol... mahal... kita." saad ni Calix na nagpadurog sa puso ko.
Bagamat sinasabi niya ito, ay nasasaktan ako dahil isa lamang itong salita na kathang-isip at alam ko na hindi bukal sa puso niya. Sa pagkakataong ito, sinasabi niya lamang ito dahil nananaginip siya bilang si Luna.
Tipong ang kanyang pagkatao ay binabalot ni Luna sa pagkakataong iyon.
"Mahal din kita, Calix." nakangiti kong saad kahit alam ko na hindi ko naman talaga makukuha ang pagmamahal na iyon mula sa kanya.
Minsan naisip ko... parang hindi na si Luna ang minamahal ko.
Kung hindi si Calix na mismo. Na tipong, oo iisa lamang silang dalawa, ngunit magkaiba sila.
Nabighani ako sa ganda at liwanag ng katawan ni Luna, pero kay Calix, nabibighani ako sa kwento ng buhay niya, sa katauhan at ugali niya na aayaw-ayaw pero gusto naman pala niya at ito ang nakakatuwa sa kanya, sa ganda ng boses at itsura niya, at higit sa lahat... magaling siya mag sayaw ng Boombastic.
Iisa sila ni Luna, pero mas lamang si Calix kung tutuusin.
At parang nandito na ako sa punto na hindi na lang basta si Luna ang tingin ko kay Calix.
Kung hindi siya na mismo... si Calix, at wala ng iba.
Pero, nakapili na siya at mas gusto niyang umibig sa isang babae gaya ni Atheena. At iyon ang masakit, dahil alam ko na hindi ako makikita ni Calix sa mga mata niya bilang kasintahan.
"Sol..." saad muli ni Calix, "Pu... put*ng ina mo..." dagdag pa niya at napangisi na lamang ako at napailing.
Mukhang nasa ulirat na siya.
"Epal ka, Sol..." saad niya muli, "Nahihilo ako. I hate that my head is on your f*cking filty hand!" naiinis niyang saad at mukhang gising na ata siya.
"Uwi na tayo para makatulog ka na?" tanong ko.
"Please." sagot ni Calix na tila hinang-hina."
"Kaya mo ba maglakad?" tanong ko.
"Mmmm..." saad lamang ni Calix at umiiling siya habang patuloy na nakasandal ang ulo niya sa palad ko.
"Okay, ako bahala sayo." saad ko at pinindot ko ang bell button kaya agad na pumunta ang babaeng staff sa table namin.
"Yes, Sir Sol?" tanong ng babaeng staff.
"Saan may tagong daan papunta sa parking lot? Hindi na kaya maglakad ni Calix. Kakargahin ko na lang siya. Hindi rin kami pwedeng makita ng mga tao dahil baka pag-usapan siya at kung anong masabi sa kanya." saad ko.
"Ay! Tara po! Samahan ko po kayo sa isa pang exit na walang masyadong tao." saad ng babaeng staff.
"Calix, tara tayo ka na." saad ko.
"Mmm..." saad ni Calix at tumayo na siya kahit hinang-hina siya dahil sa kalasingan.
Pagkatapos ay kinarga ko siya na tipong para kaming bagong kasal... o tipong parang may baby ako na buhat. 'Yun nga lang, isang isip bata ang buhat ko ngayon. Haha!
Nang maibuhat ko na si Calix, tinitiklop niya ang katawan niya at mukhang nasasarapan siya mula sa pagkakakarga ko sa kanya.
"Accck! Sir Sol! Parang gusto ko na lang kayo pagmasdan dalawa ni Sir Calix habang buhat mo siya na parang baby na hinehele!" kinikilig na saad ng babaeng staff na animo'y parang malapit na siya magka-epilepsy, "Tara na po! Hihi!" dagdag niya at nagsimula na kaming maglakad.
"Okay ka lang, Calix? Hindi ka naman nahihirapan sa pwesto mo." tanong ko sa kanya.
"I'm very much okay with this." nakangiting saad ni Calix habang nakapikit siya. "Daddy Sol..." bulong ni Calix habang tumatawa pa siya.
"Tama ba ang naririnig ko, Sir Sol? Daddy Sol ang tawag sayo ni Calix? Oh my gosh!" kinikilig na saad ng babaeng staff.
"Lasing lang si Calix kaya ganito siya. Pero kapag nasa katinuan siya, malamang ay pinaulanan niya na ako ng puro mura." pabiro kong saad.
"Sure kayo na hindi talaga kayo mag jowa, Sir Sol? Kasi kung alagaan mo si Sir Calix as if he's really your partner." tanong ng babaeng staff at ngumiti na lamang ako, "Hindi na ako magtatanong, Sir Sol, behave na lang ako. Hihi! Hindi ko ipagkakalat kung anong nakikita ko ngayon. Promise!" dagdag pa niya.
"Salamat. Masyado ng maraming iniisip si Calix. Malamang kapag may ibang nakaalam nito, pag-uusapan na naman siya at maii-stress." saad ko.
"Yup. Kawawa din si Sir Calix kung tutuusin. Kaya kaming mga fans niya, naiintindihan namin kung bakit mainitin ang ulo niya." saad ng babaeng staff at ilang saglit lamang ay nakarating na kami sa parking lot.
"Maraming salamat sa paghatid sa amin." saad ko.
"Welcome po, Sir Sol. Ingat po kayo pauwi ni Sir Calix." nakangiti niyang saad at umalis na siya.
"Calix, nandito na tayo sa tapat ng kotse ko. Ipapasok na kita sa loob." saad ko.
"Ayaw!" pagpupumilit ni Calix.
"Ha? Anong ayaw mo?" tanong ko.
"Mm... Kargahin mo lang ako, Daddy Sol... po." saad ni Calix habang nakapikit siya at pilit niyang sinisiksik ang sarili niya papunta sa katawan ko.
"Eh paano ako magda-drive, Calix?" tanong ko.
"Bahala ka gumawa ng paraan. Basta dapat karga mo lang po ako, Daddy Sol." saad ni Calix at tumatawa siya dahil lasing pa rin pala siya.
"Hindi ka ba mahihirapan? Ihihiga na lang kita sa likod para mas makahiga ka ng maayos." saad ko.
"Sabing ayaw ko eh. Gusto ko sa tabi mo, Daddy Sol." saad muli ni Calix.
"Lasing ka na, Calix, ihihiga na kita sa likod." muli kong sagot.
"Hindi ah! Sinong lasing! Haha! Ikaw kaya ang lasing... Daddy Sol." saad ni calix habang hinahaplos niya ang balbas ko.
"Paano ako magiging lasing eh hindi naman ako uminom ng beer. Ikaw lang naman uminom sa ating dalawa." sagot ko.
"Sinungaling ka! Basta, hindi mo ko pwedeng bitawan! Dito ako matutulog habang kinakarga mo ko!" lasing na pagkasaad ni Calix habang tinutusok niya ang pisngi ko.
"Baka hindi na tayo makauwi niyan kung karga kita tapos gamit ko dalawa kong kamay sa pagbubuhat sayo." saad ko.
"Gumawa ka ng paraan!" saad ni Calix at bigla na lamang siyang tumawa ng walang dahilan.
"Ang kulit mo pala ng sobra kapag nalalasing ka, Calix." saad ko.
"Hindi nga ko lasing! Ang kulit mo, Daddy Sol!" naiinis na saad ni Calix.
"Sigurado ka, Calix? Tawag mo nga sa akin ngayon Daddy Sol eh. Hindi pa ba ikaw lasing niyan?" tanong ko.
"Normal ako! Tingnan mo, kaya ko maglakad ng diretso! Ibaba mo ko, Dali!" saad ni Calix at marahan ko siyang binaba.
Tapos, nagsimula siya maglakad at pagewang-gewang ang bawat hakbang niya habang pinagmamasdan ko siya.
Ilang saglit lamang, kumanta siya ng Boombastic at nagsimulang magsayaw kaya halos matawa ako sa kinikilos niya.
"Hindi ka ba nahihiya na baka may makakita sayo na nagsasayaw ka ng Boombastic?" tanong ko kay Calix.
"Alam mo kung anong nakakahiya, ha? Daddy Sol?" saad niya at bigla siyang tumigil sa pagsasayaw at tumayo nang matuwid.
"Ano po ang nakakahiya, Baby Calix?" natatawa kong saad.
"Don't call me Baby! I'm not a baby! Hindi ako sanggol!" saad niya at bigla siyang naglakad patungo sa akin.
At nang makatayo na siya sa harapan ko at nakatingala siya sa akin, ay dinuro-duro niya ang right chest ko.
"Ang nakakahiya eh 'yung nakita mo ko na nagsasayaw ng nakahubad! Ha! Bad ka, Daddy Sol! Pinagnanasahan mo si Baby Calix!" naiinis na saad ni Calix at bigla niya na lang pinisil ang dibdib ko, "Tigas naman ng dibdib mo, Daddy Sol! Tsaka laki pala ng dede mo. Haha! Lagi ka ba nagwo-work out?"
"Oo, pag wala akong magawa, nagwo-work out ako." sagot ko.
"Pwede ako dumede sa dibdib mo, Daddy Sol? May gatas kayang lalabas dito? Di ba ako si Baby Calix? Kailangan ko na ng gatas." saad niya at halos nagpipigil na lamang ako ng tawa at sinasakyan ang kakulitan niya.
"Walang lalabas na gatas sa dibdib ko, Baby Calix." saad ko.
"Magpalabas ka! Nagugutom na ko! Kailangan ko na ng gatas! Kailangan ko na ma breastfeed!" saad ni Calix at bigla niya na lamang akong niyakap habang nakasandal ang ulo niya sa dibdib ko at tipong sinisipsip niya pa ang right nipple ko.
"Inaantok na ba si Baby Calix?" tanong ko.
"Wag mo ko tawaging Baby Calix! Hindi ako sanggol!" naiinis niyang saad at pinipisil niya ang mga braso ko.
"Eh kanina sabi mo ikaw si Baby Calix ah? Tapos kailangan na kitang padedehin." saad ko.
"Kargahin mo na lang ako." saad ni Calix at tipong pinipilit niyang sumampa sa akin.
At dahil wala na akong ibang choice at gusto ko rin naman, binuhat ko siya habang nakasampa siya sa harapan ko.
At para akong may kargang maliit na bata na nakasampa sa akin.
"Buti na lang malaki kang tao, Daddy Sol. Masarap pala magpakarga sayo?" saad ni Calix.
"Gusto mo palagi na lang kitang kargahin?" tanong ko.
"Please po gusto ko po palagi mo ko kinakarga." saad ni Calix at niyakap niya ako nang mahigpit.
Dahil medyo hilo si Calix ay bumabagsak ang katawan niya.
Ngunit, may hindi nakaligtas sa makulit niyang pag-iisip habang siya ay nasa kalasingan.
"Daddy Sol, bakit parang may tumusok na matigas sa pwet ko? Cellphone mo ba 'yun? Bakit nasa gitna ng hita mo ang cellphone mo? Tsaka medyo patusok ang hugis?" tanong niya na biglang nagpalaki ng mga mata ko.
Kaya naman inayos ko ang pagkakabuhat sa kanya, at inilayo ko ang katawan niya sa parte ng ari ko para hindi niya maramdaman ang pagkatigas noon.
"Pahawak nga ako sa cellphone mo, Daddy Sol? Ngayon lang ako nakakapa ng Cellphone na pabilog na nakakatusok." saad ni Calix.
"Bawal! Hindi 'yun cellphone! Wag na makulit, Calix. Pag nahawakan mo 'yun, sige ka, kakainin ka noon. Nangangagat 'yun!" pabiro kong sinabi sa kanya at tipong para akong kumakausap ng bata talaga.
"Edi papaamuhin ko para hindi na siya mangagat." saad ni Calix.
"Wag na... lalong magagalit 'yun, Calix kapag pinaamo mo. Wag na makulit. Matulog ka na, kakargahin na lang kita habang nagda-drive ako." saad ko.
Dahil may pambihirang lakas ako, magaan lamang si Calix para sa akin.
"Wag mo ko bibitawan ah? Daddy Sol." saad niya at mas kumapit pa siya ng mahigpit sa akin.
"Sige, kumapit ka lang ng mabuti." saad ko at nagsimula na ako maglakad patungo sa driver's seat na parte ng kotse.
"Papasok na ko, Calix, humawak ka mabuti, baka malaglag ka." saad ko, ngunit niyayakap ko na rin si Calix para hindi siya malaglag.
At nang makaupo na ako sa driver's seat, talagang nakapatong si Calix sa akin, nakaharap at nakayakap sa katawan ko.
Buti na lang at di hamak na mas malaki ako sa kanya kaya hindi natatakpan ang view ko.
"Okay ka lang dyan, Calix? Di ka naman nahihirapan habang nakayakap ka sa akin?" tanong ko.
"Hindi po, Daddy Sol. Nararamdaman ko lang 'yung cellphone mo sa bandang butt ko. Gumagalaw pa nga ata? Bakit iba ang pag vibrate ng cellphone mo? Tsaka nanunusok!" saad ni Calix.
"Wag mo na pansinin. Pag gumalaw, hayaan mo lang, okay?" saad ko.
"Nakikiliti ako eh... Pero masarap. Haha! Pagalawin mo nga ulit cellphone mo, Daddy Sol." saad ni Calix.
Hindi ko alam kung ano na talaga ang nais niyang mangyari. Tiyak ko kapag nasa katinuan na 'to si Calix, bubungangaan niya ako at sasabihin niyang wala siyang matandaan sa mga sinasabi o pinaggagagawa niya.
"Tsk! Matulog ka na, Calix. Wag ka na makulit. Magda-drive na ako." saad ko.
"Sige po, Daddy Sol. Good night." saad ni Calix at nginudngod niya ang kanyang mukha sa dibdib ko.
"Good night, Baby Calix." nakangiti kong saad habang hinanaplos ko ang likuran niya at nilalasap ang pagkakataon na ito.
"I'm not a baby..." saad ni Calix at mas hinigpitan niya ang pagyakap, "Nasaan ang good night kiss ni Baby Calix?"
"Saan mo kita gusto i-kiss, Baby Calix?" tanong ko habang hinahaplos ko ang likod niya.
Hinihintay ko siya sumagot ngunit nagsimula na humilik si Calix at ibig sabihin noon ay tulog na siyang muli.
Mamaya, kapag nasa ulirat na siya, hindi niya na ito magagawa pa sa akin.
Sinimulan ko na ang pagdadrive ng kotse at ito ang pinakaunang beses na ginawa ko ang medyo delikadong galaw na ito. Dahil habang nagdadrive ako ay nakapatong si Calix at nakayakap sa katawan ko.
Kaya ko naman si Calix at ang sarili ko, wag lang sana kami mahuli dahil bawal itong ginagawa namin habang nagda-drive ako.
...
...
...
Pagkatapos ng halos dalawang oras na pagbabyahe, nakabalik na rin kami ni Calix sa condo ng safe at buhay.
Sa ngayon, nasa loob pa rin ako ng sasakyan sa may parking area at patuloy na pinapalupot ni Calix ang sarili niya sa akin.
At dahil katabi ko sa Calix ngayon... panatag ang puso ko.
"Matutulog muna ako saglit. Basta nandito ka sa tabi ko, hindi ako matatakot kapag pumikit na ako." saad ko.
At akmang papikit na sana ako... ay bigla ako nakaramdam ng napakasakit na kurot sa magkabilang tagiliran ko.
"Where am I!" saad ni Calix at bigla siyang kumalas mula sa pagkakayakap sa akin.
At ngayon, tapos na ang mga masasayang oras dahil bumalik na si Calix sa katinuan niya.
Ngunit, nadadama kong hindi niya magugustuhan ang pwesto niya ngayon kung saan nakapatong siya sa katawan ko.
"Why am I on top of you, Sol!" gulat na saad ni Calix habang nanlalaki ang mga mata niya na nakatingin sa akin.
"Ano kasi... um..." saad ko na lamang at hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat.
"F*ck you! Are you trying to rape me!" naiinis na saad ni Calix.
"Hindi... Nalasing ka kasi kanina. Tapos ayaw mong bumitaw sa akin habang karga kita." saad ko.
"You mean I was hugging you and ganito ang position natin the whole time when you were driving?" gulat na tanong ni Calix at hindi siya makapaniwala.
"Oo, ayaw mong bumitaw kahit anong gawin ko." saad ko.
"Liar! I won't do that to you!" naiinis na saad ni Calix at binuksan niya ang pinto para makaalis na siya mula sa pagkakapatong sa akin, "F*ck you, Sol! You are taking advantage of me while I'm drunk!"
"Hindi, Calix. Wala akong ginawa sayo." pag-aalala ko at hindi ko alam kung paano ko siya paniniwalain.
"Don't come near me, Sol! I hate you!" saad ni Calix.
At dahil wala na akong ibang choice, pinakita ko ang record sa dashcam ko upang mapaniwala si Calix.
Habang pinapanood ni Calix ang mga pangyayari at pinapakinggan niya ang mga sinasabi niya gaya ng Daddy Sol, buhatin lang siya at wag siya bibitawan, at 'yung ari ko na akala niya ay cellphone, halos namula ang buong katawan ni Calix.
"Daddy Sol? Baby Calix? What the f*ck!" nakatulalang saad ni Calix.
"Naniniwala ka na ba na wala akong ginawang masama?" saad ko kay Calix.
"I f*cking hate you, Sol! Wag ka lalapit sa akin!" sigaw ni Calix at tumakbo na siya.
Hahabulin ko na sana siya, ngunit para saan pa? Lalo lamang lalayo si Calix.
Ito na nga ba ang sinasabi ko, kapag bumalik na sa ulirat si Calix ay magbabago na ang timpla ng utak niya.
Napabuntong hininga na lamang ako at nakatulala.
Phone beeping!
"Don't go inside my unit! Stay in your car for the whole night! Naaasar ako sayo! No, let me change that! I'm deeply mad right now with you! Dyan ka matulog sa kotse mo! Don't come back until I say so! Wag na wag kang tatapak sa unit ko! -Calix."
Muli ay napabuntong hininga na lang ako at inayos ko ang upuan ko at binaba ko ang sandalan para makahiga.
Malamang ayaw akong makita ni Calix ngayon dahil sa kahihiyan.
Pero, sige, hahayaan ko muna na mag cooldown siya. Wag lang sana tumagal, dahil nakaubos na ako ng isang linggo.
At dahil wala naman akong gagawin at magdamag lang akong hihiga dito sa kotse ko, pinanood ko na lamang ang video ni Calix noong kumakanta siya sa opening ng museum.
Pinapanood ko kung gaano siya kagaling sa pagkanta at kung gaano kaganda ang boses niya. Damang-dama niya rin ang bawat emosyon sa bawag salitang mga binibigkas niya.
Ito na lamang siguro ang gagawin ko hanggang sa pabalikin ako ni Calix sa loob ng unit niya, ang panoorin lamang ang video niya.
...
...
...
Inabot na ako ng 6 am at nandito pa rin ako sa parking lot, at pinapanood ang video ni Calix. Pinanood ko rin sa Youtube ang iba pa niyang mga performances, mga interview, at kung ano-ano pa.
At dahil matagal-tagal ang pagkakahiga ko at umaga na, lumabas na ako mula sa kotse ko para mag unat.
"Sol? Why are you here? Hindi ba 'yan ang suot mo kahapon sa museum? Dito ka natulog sa kotse mo?" tanong ni Demi na nakatayo sa harapan ko at mukhang kararating niya lang sa parking area.
"Ah... hindi kakauwi ko lang." saad ko habang nakangiti ako at nagkakamot ng ulo.
"No, you are lying, Sol. I can feel it! Di ba magkasama kayo ni Calix? He told me yesterday night na nakauwi na kayong dalawa and he was about to sleep. That is around 12 am. Why are you here and not in his unit?" naiinis na saad ni Demi.
"Pinauna ko na kasi si Calix sa unit niya." saad ko at pinagtatakpan ko si Calix dahil ayaw ko na magmukha siyang masama kay Demi. Isa pa, lalong magagalit si Calix kapag nalaman niya na sinabi ko kay Demi ang nangyari kagabi kung bakit ako nandito sa kotse ko natutulog.
"Sol..." saad ni Demi habang nanliliit ang mga mata niya at nakatingin sa akin, "Pinagtatakpan mo ba si Calix? Did you and Calix had a fight?"
"Hindi kami nag-away. Sadyang pinauna ko lang si Calix sa unit niya." saad kong muli.
"No, hindi ako maniniwala, Sol." saad ni Demi at nakapamewang na siya, "I can smell it! Tinarantado ka na naman ni Calix ano?" dagdag pa niya.
"Hindi, Demi. Wala naman siyang ginagawang masama." saad ko.
"Then, why don't you go back to Calix's unit? Come, sabay na tayo." saad ni Demi.
"Mauna ka na, Demi. Lilinisin ko muna ang kotse ko. Tapos mamimili ako ng mga pagkain namin ni Calix." saad ko, "May papabili ka ba?"
"No." saad ni Demi habang nakataas na ang kanang kilay niya at naiinis na siya, "Come with me sa unit ni Calix. You are not going anywhere."
"Sige na, mauna ka na. May mga gagawin pa ako. Kikitain ko din si Georgette dito sa parking area." nakangiti kong saad.
"You can't fool me, Sol. Georgette is out of town right now. Nasa Baguio siya so wag ka na magsinungaling. Ngayon, sumama ka sa akin." saad muli ni Demi.
Hindi ko magawang sabihin na hindi ako maaaring pumunta sa unit ni Calix. Dahil kapag nagpakita ako, mas lalo siyang magagalit sa akin nito. Lalo niya lamang akong lalayuan.
"Mauna ka na." saad ko.
"It seems na ayaw mong pumunta sa unit ni Calix, Sol. I can smell something na may hindi magandang nangyayari sa inyong dalawa!" saad ni Demi at bigla niyang hinablot ang kanang kamay ko, "You'll come with me, Sol! No buts!"
Sinara ko na ang pinto ng kotse ko at wala na akong nagawa kung hindi sumama kay Demi.
Lalong hindi magiging maganda ang mga mangyayari sa oras na makita ako ni Calix nito.
"Did Calix forced you to sleep inside your car or did he say na hindi ka niya papapasukin sa unit niya?" naiinis na tanong ni Demi.
"Sabi ko nga kanina, pinauna ko lang siya." saad ko.
"Aalamin ko ang totoo!" saad ni Demi at mukhang pagagalitan niya si Calix nito.
...
...
...
Nang makarating na kami sa tapat ng unit ni Calix, binuksan na ni Demi ang pinto gamit ang bagong passcode ni Calix na 9-8-7-6.
"Calix! Where are you!" sigaw ni Demi.
"I'm gonna swiiiing from the chandelieeeeer! Uggghh! From the chandelieeeer! Uggh!" saad ni Calix na narinig ko mula sa C.R. at mukhang kumakanta na naman siya habang dumudumi.
"Nasa C.R. siya, Demi, at mukhang patapos na. Pwede na ba ako umalis? May pupuntahan pa kasi ako." saad ko habang hindi pa lumalabas si Calix mula sa C.R.
"No! Stay here!" naiinis na saad ni Demi, at doon bumakas ang pinto ng C.R.
Nang makarating na si Calix sa harapan namin ni Demi, "Why are you here, Sol?" naiinis na saad ni Calix habang nakatingin siya sa akin.
"Did you forced Sol to sleep inside his car or hindi mo siya pinapapasok sa unit mo?" saad ni Demi.
"No, it was Sol's choice. Tanungin mo pa siya." saad ni Calix at napatingin sa akin si Demi.
"Oo, choice ko 'yun." sagot ko.
"See, Demi? Pinagdidiskitahan mo pa ako!" saad ni Calix.
"Let me see your phone." saad ni Demi.
"Why would I give you my phone? Ano ka, FBI?" saad ni Calix.
"Give me your f*cking phone, Calix!" naiinis na saad ni Demi.
"Hays!" saad ni Calix at napa eye-roll na lamang siya, "Its battery is dead."
"Ahh talaga, Calix?" saad ni Demi, at bigla niyang kinuha ang kanyang phone.
Ilang saglit lang ay may tinawagan siya.
Phone Ringing!
At doon na tumunog ang phone ni Calix.
"Dead batt, Calix? Really?" naiinis na saad ni Demi habang nanlalaki ang mga mata niya at nakatingin kay Calix, "Give me your phone!"
"Bakit mo ba kinukuha ang phone ko! It's my privacy!" saad ni Calix.
"Calix... I'm dead serious." saad muli ni Demi at mararamdaman mo talaga ang galit niya.
"Ugggh!" saad ni Calix at wala na siyang nagawa kung hindi iabot ang kanyang phone kay Demi.
At nang makuha na ni Demi ang phone ni Calix, pagkatapos ng halos 30 seconds...
"Calix Allen Diaz Monteverde, what's the meaning of this?" naiinis na saad ni Demi, "Bakit mo hindi pinatuloy si Sol dito sa unit mo!"
"Because he can't be trusted!" saad ni Calix.
"Calix! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sayo! Sige, what did Sol do to you to force him out of your unit?" tanong ni Demi.
"Nothing. It's just between the two of us. Wag ka na maingialam!" saad ni Calix.
"Sol, what happened? If Calix won't admit, I hope na sasabihin mo sa akin!" saad ni Demi.
Nakatingin na ako kay Calix at minamatahan niya na ako na wag ko sabihin kay Demi ang nangyari.
"May nangyari lang kasi na hindi maganda at kasalanan ko 'yun." saad ko.
"Sol! Don't cover up for Calix's sake! Ganoon mo ba siya kamahal at pinoprotektahan?" saad ni Demi.
"Anong mahal? Anong pinagsasasabi mo, Demi!" saad ni Calix.
"Sit down, Calix." saad ni Demi.
"Bakit ako uupo?" pagaangas ni Calix.
"Sit... down. Don't make me repeat it, Calix. You know what I can do when I'm mad and serious." galit na saad ni Demi.
"Okay! Chill! Umagang-umaga galit na galit ka! Ito na oh, uupo na! Nanginginig-nginig pa!" saad ni Calix at umupo na siya sa pinaka kanang dulo ng kanyang sofa.
"You too, Sol, sit beside Calix." saad ni Demi.
Uupo na sana ako sa tabi ni Calix nang biglang minatahan niya na naman ako.
"Don't you dare sit beside me!" bulong ni Calix sa akin.
Kaya naman umupo na lamang ako sa pinaka kaliwang dulo.
"Okay, mag-usap tayong tatlo." saad ni Demi.
"Ano naman pag-uusapan natin, Demi, the guidance councelor?" naiinis na saad ni Calix.
"Isang tanong isang sagot, Calix, Do you want Sol to move out of your unit?" seryosong tanong ni Demi habang nakatingin siya kay Calix at naka-dekwatro.
"Ano bang tanong 'yan, Demi?" saad ni Calix.
"Just answer me, Yes or No?" tanong muli ni Demi habang nanlalaki ang mga mata niya na nakatingin kay Calix.
"Tsk! Why are you asking me this question right now?" saad ni Calix.
"I'm asking you to answer just a straight Yes or No! Wag ka na magpaligoy-ligoy pa! Do you want Sol to move out of your unit?" saad muli ni Demi.
Nakatingin lamang ako kay Calix at hinihintay ko ang sagot niya.
"Why are you forcing me na sagutin ko agad yan?" Pwede bang pag-isipan ko muna?" tanong ni Calix.
"Calix, this is just a simple Yes or No question. My God!" sigaw ni Demi.
"Oo na! Oo na! Yes! I want Sol to move out of my unit! I can't trust him! Happy?" saad ni Calix at parang nadurog ang puso ko sa sagot niya.
Napabuntong hininga na lamang din si Demi at napailing.
"Sol, if you may, Calix already have decided." saad ni Demi.
"Okay... Ayusin ko na ang mga gamit ko." saad ko at labis ang kalungkutan na nararamdaman ko.
"I'm really so sorry, Sol, but ako din kasi ang nababahala sa childish behavior nitong si Calix at nahihiya ako sayo. But, don't worry, I'll help you find a new unit kung gusto mo sa condo pa rin magstay." saad ni Demi.
"Ako ng bahala, Demi, thanks sa offer. Babalik na ako sa kwarto ko, aayusin ko lang mga gamit ko." nakangiti kong saad at pumasok na ako sa kwarto ko para mag-ayos ng mga gamit.
Nalulungkot ako sa totoo lang, dahil baka ito na ang huling pagkakataon na makasama ko si Calix.
Galit siya sa akin, at kapag mas sinuyo ko pa siya, lalo lamang siyang lalayo sa akin.
"Sorry, Calix. Mukhang hindi ako magtatagumpay sa misyon ko talaga." bulong ko sa aking sarili habang nililigpit ko na ang nga gamit ko.
. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .
Calix's POV
"As for you, mister, anong balak mo?" Demi asked me while she's glaring at me like I did a mortal sin.
"Nothing. Same old boring sh*t. At last! I can have my life back again!" I said and humiga ako sa sofa.
"What really happened, Calix? Why did you force Sol to leave?" Demi asked again.
"Pinagsamantalahan niya ako! He was about to rape me inside his car!" I said with an irritated tone.
"Sol was about to rape you, Calix? Come on! You've got to do better than that! As if naman na kaya ni Sol gawin 'yun!" Demi said.
"Edi sa kanya ka maniwala at wag sa akin. Gusto mo ikaw na rin mag manage sa kanya eh!" I exclaimed.
"Calix, I'm fine kung gaano ka ka-childish towards others. But, I don't know why when it comes to Sol, it's like ako yung nasasaktan for him whenever na may ginagawa ka sa kanyang hindi maganda. Wala naman siyang ginagawa sayo and lahat ng pinapakita niya sayo are all genuine." Demi said.
"So what? I'm the bad guy now? Ako si Calix and masama ako since I'm treating Sol really bad? Do you want me to babysit him? For f*ck's sake, Demi, I'm a guy and I don't even want to be with another guy!" I exclaimed.
"Why? Does Sol really bothers you that much?" Demi asked.
"Naiirita lang ako whenever I see him. That's all." I said, "Pakibilis ang pag-iimpake, Sol!" I shouted.
And that's when Sol suddenly came out of his room.
"Tapos ka na magimpake?" I asked him.
"Oo." Sol uttered while smiling at me like nothing happeneded.
Bilis niya naman mag impake?
Do I feel guilty?
Of course not! I want this!
And especially, I need this!
I can't be beside Sol anymore! Ginugulo niya lang ang utak at ang puso ko!
"How about your things, Sol? Paano mo dadalhin 'yung mga malalaki momg furnitures?" Demi asked.
"Ibibigay ko na lang sa mga utility dito. Hindi ko na din naman na magagamit at madadala 'yun habang naghahanap ako ng lilipatan." Sol said.
"I'm really so sorry and this is so sudden. Hindi ko naman kasi inakala na Calix will really answer 'Yes'!" Demi said.
"Now you know, don't mess with Calix." I said and smirked, "Binenta niya pa kasi ang unit niya! Huh! Bahala ka ngayon!" I added.
After a while, may kumatok sa unit ko, and when Demi opened up the door, it was the utility.
"Um, kukunin lang po namin 'yung mga gamit ni Mr. Sol na ibibigay niya sa amin." the guy from the utility staff said.
"Get in, and kuhanin niyo lahat ng basura ni Sol. I don't need it here." I said.
Pagkatapos makuha ang mga malalaking furnitures ni Sol, all that's left is his baggage, a bag and his laptop case.
"Pwede ka na umalis, Sol. I can't wait to be alone again." I said while smiling at him.
"Let's go, Sol, I'll bring you to my house muna habang naghahanap ka ng malilipatan." Demi said.
"Go! Umalis na kayo!" I said.
"Ingat, Calix." Sol uttered while smiling faintly at me.
"Ugh! Don't give me that sh*t, Sol. Go! I don't want to see you anymore!" I exclaimed and doon na lumabas sina Sol and Demi from my unit.
At last! I can be alone again! Wala ng maninilip sa akin when I'm dancing!
I have my freedom back again!
And since Sol is out, agad akong tumungo sa tapat ng unit ni Atheena since she's all mine and wala na si Sol para agawan ako.
Door knocking!
"Ano kaya pwede naming gawin ni Atheena ngayon?" I said to myself while waiting for Atheena to open her door.
"Hi Calix!" Atheena said as soon as she opened up her door, "Anong meron?"
"Nothing! Do you want to hang out, watch movies while eating? Sorry, I can't go out for now since alam mo naman na I don't have my privacy outside unless Sol is with me to take care of everything." I said without thinking since the first thing that comes in to my mind is doon sa incident na tinapatapan niya ang mga media and he broke their camera just for me.
"Huh? Si Mr. Sol? Bakit? Siya ba nagbabantay sayo kapag nasa labas ka?" Atheena asked.
"Just forget what I said. Isa pa, Sol isn't here anymore. Lumipat na siya." I said.
"Hala! Wala na si Mr. Sol sa unit mo?" Atheena asked with a surprised face.
"Yup! It's just me again. So, you want to hang out kung hindi ka busy. It's fun to watch when you have company." I said while smiling.
"Sure! Wait lang! Bihis lang ako!" Atheena said while giggling at pumasok muna siya sa loob ng unit niya.
Then, after 3 minutes lumabas na siya and we went inside my unit.
"First time ko lang nakapasok sa unit mo, Cal." Atheena said.
"Sorry, medyo magulo. Hindi kasi nakapaglinis si Sol." I said...
And there it is again! I just said his name when I wasn't supposed to!
"Mahilig ba si Mr. Sol maglinis?" Atheena asked.
"Yes, he usually cleans the unit. But enough about him. Anong gusto mong food?" I asked Atheena.
"Kahit ano, Cal, hindi naman ako mapili. Dito lang ako uupo sa sofa." Atheena said and binuksan niya na ang TV para pumili ng movie sa Netflix.
As for me, I'm in front of the fridge and trying to look for a food.
And it has been a minute at hindi ako makapili, since all the food in my fridge, lahat kailangan pang lutuin, and I don't even know how to cook it.
"Kung nandito lang sana si Sol, I bet he'll cook this for me right away." I said to myself at bigla akong napaisip, "What am I saying? As if I became dependent of Sol in just a matter of days? Tss! Nonsense."
I guess I don't have any choice but to order a food... or what if... I can order from Magic mic! Ang tagal ko na pala hindi nakakapag request sa kanya!
"Wait lang ah, Atheena? I just have to get something inside my room." I asked.
"Sure! Take your time, Cal. Namimili din naman ako ng magandang movie." Atheena said while smiling at me.
Doon na rin ako pumasok sa room ko and I started whispering out of nowhere.
"Magic mic! Can you hear me? I need your help right now!" I whispered, "I'm desperate! Please help me! Pwede mo ba ako dalhan ng fries or popcorn or anything na makakain? Please!"
Then, afterwards, I felt so stupid. It has been days when Magic mic stopped granting my requests.
Mapapahiya ako nito kay Atheena.
Bahala na. I hope na may kakatok mamaya and biglang mag iiwan si Magic mic ng fries or any food.
I went out of my room and nakangiti lang ako kay Atheena.
"Have you already picked the movie na gusto mong panoorin?" I asked her.
"Yes! Hindi ko pa 'to napapanood but some says na maganda' to! It's a series though and mahilig ako sa sci-fi! Lost in space!" Demi said while smiling.
"Sure." I said while grinning, and I hate to say it but I f*cking hate sci-fi.
I was thinking na manonood kami ng comedy na movie, but this one is boring. Pero, kailangan ko magpakitang gilas and I need to show her na parehas kami ng interest so that she will like me.
Maybe, kung si Sol ang kasama ko, he'll let me be the one to choose at wala siyang choice kung hindi manood. I would be the boss and wala siyang masasabi na iba.
Wait... what's with me again! Why am I thinking of him?
Kakaalis niya lang agad, Calix, and namimiss mo si Sol agad? Don't miss him!
F*ck!
"Nag-order na ako ng food, Atheena. Wait na lang natin habang nanonood tayo." I said and I don't even know kung darating ang request ko mula kay Magic mic, but I hope that he will.
After one hour...
"Calix..." Atheena uttered and she was poking my left cheek, "Hindi pa dumarating 'yung order mo and nakatulog ka ata. Na-bored ka ba sa pinanood natin?"
Nag-unat ako bigla at nagkamot ng mata.
"Nope, I was listening, then all of a sudden napapikit ako then hindi ko na alam nangyari." I said while laughing.
"Nabitin ako! Gusto ko pa panoorin 'yung next episode. G ka?" Atheena said.
"Sure." I said while grinning and wala akong magawa kung hindi umoo.
Is this what Sol feels whenever I want something even though ayaw niya?
Tipong Oo lang siya ng Oo sa gusto ko even though he doesn't like it just to make me happy?
I'm trying to court Atheena right now... and this is courting for me to be honest.
But, why do I feel different this time at hindi na katulad ng dati.
Why do I feel like something is missing and I'm not happy?
Anyway, maybe sa una lang 'to until I completely delete Sol from my mind. Then, hindi ko na siya hahanapin or hindi na ako magiging dependent sa kanya.
"Next episode, here I come!" Atheena said and sinimulan niya na manood.
While she's watching, I was secretly looking at my phone waiting for a text.
To be honest, waiting for a text coming from Sol saying na gusto niya ng bumalik at magpupumilit siya.
Wait... what's with me? Am I insane?
ARGGHH!
Sol! Can you please get outside of my brain! It's like sinakop mo na ang utak ko and I can't even unthink of you anymore!
Almost everyday to be exact na naiisip kita and it annoys me! Especially kapag naaalala ko 'yung mga ngiti mo!
Asar!
Tinago ko na lang ang phone ko since si Sol lang ang maaalala ko doon.
So, I've decided to watch what Atheena was watching.
Sinubukan kong i-digest 'yung details, but it really doesn't get inside my brain.
Papikit-pikit na rin ang mga mata ko habang nasa kalagitnaan na ang palabas.
And when I was about to close my eyes...
"Calix... makakatulog ka na naman." Atheena said at bigla akong dumilat.
"Ah, hindi." I said.
God! I'm bored! Sana pala nanood na lang ako mag-isa.
Or bettet yet, if Sol was here, we would have been drinking. Or baka pinagluto niya ako ng food.
Wait wait wait!
"Calix! Ano ba! Tigilan mo na nga kakaisip kay Sol!" I suddenly shouted out of nowhere and that's when Atheena paused the series she was watching.
"Huh? Tama ba ang narinig ko, Cal? You were thinking of Sol but inaalis mo siya sa isipan mo?" Atheena asked.
"I just remembered something Sol did that annoyed me kaya nasabi ko bigla 'yun." I said.
"Do you want me to help you na makalimutan si Sol?" Atheena asked while she was smiling at me.
"I can manage, Atheena, don't worry." I said.
"Do you know, Calix, na gustong gusto talaga kita? Kaya lang, I can't even make a move since nandito si Mr. Sol at nahihiya ako sa kanya. Now that he's gone... Do you want to do it with me?" Atheena said as she was trying to caress my right hip.
"Do what?" I asked with an irritated look.
"You know it already, Calix. Do you want to do it? Dalawa lang naman tayo." Atheena said and sinubukan niyang hawakan ang zipper ng pants ko.
"We-we-wait, Atheena, what are you doing?" I asked her.
"Calix, tinatanong pa ba yan? Let's have some fun!" Atheena said while smiling at me.
"Fun?" I asked her at natulala na lang ako.
That's when Atheena started to unbutton my pants at lowered the zipper.
"Calix, I want you..." Atheena said at bigla siyang lumuhod sa harapan ko, "This is also what you want with me, right? Kaya mo ko niyaya dito sa unit mo? I can be your girl."
Then, I felt Atheena's fingers almost touching my thing while I'm still wearing boxers.
"Calix, let's do it. Pasasayahin kita." Atheena whispered.
Ibababa na sana ni Atheena ang boxers nang bigla ko siyang pinigilan.
"Wait... Let's stop here, Atheena." I said at inayos ko muli ang pants ko. "I'm sleepy, I want to be alone." I added while looking at her with a serious face.
"Are you sure, Calix? I can make you feel better. Oh baka naman... you are gay at hindi ka pumapatol sa babae?" Atheena said.
"I'm not gay!" I exclaimed.
"Kung hindi ka gay, Calix, patunayan mo. Let's do it." Atheena insisted.
Sa ngayon, I'm insulted since Atheena thinks that I'm gay. But in reality, I don't know why but I just really doesn't want to do it with her.
Kung hindi ko naman siya pagbibigyan, she'll think that I'm gay!
" I'll make sure na matutuwa ka sa gagawin natin, Calix." Atheena said and as she was about to lower down my boxers...
Door knocking!
"Wait... may tao." I said.
"Hayaan mo na siya." Atheena said and 'yung tipong ibababa na niya ulit ang boxers ko...
Door knocking!
"Ugh!" Atheena uttered.
"I'll check kung sino 'yun." I said and inayos ko na ang pants ko at tumayo na ako.
As soon as I opened the door, there was no one, but may sticky note na nakalagay.
"Don't do it with Atheena?. —Magic mic"
"Huh? Magic mic? How did he knew?" I said to myself and sighed deeply.
Tinago ko na ang sticky note sa bulsa ko and went back to Atheena.
"Shall we continue, Calix?" Atheena asked.
"Please leave." I said.
"Why? Nandidiri ka sa akin? Are you gay?" Atheena asked while smirking.
"No, may mga bisita ako na pupunta. I need you to go back to your unit." I said with a serious face, but in reality, it was because of Magic mic.
Atheena sighed deeply and said, "Okay, Calix. But if you want to do it, just knock on my door. I'll be ready if want." Atheena said and umalis na siya.
Then, I felt disgusted and I don't even know why.
Before, I wanted to do it with all the girls that I'm interested.
But now, I feel like I'm not happy anymore.
What happened?
Is this what this f*cking Sol has done to me?
Was he able to change my mind? Am I already into a guy like him?
Am I turning gay now?
Arrrghh! No! This gayness has to stop!
End of Chapter 11