webnovel

Chapter 1: Sol

"Bakit po sa umaga lang lumalabas ang araw, at ang buwan po sa gabi?" a 10-year-old boy suddenly asked me this question while I'm focused on reading a manuscript of a novel near the riverside.

Nakita niya siguro ang title ng novel na binabasa ko which is "When the Sun Meets the Moon" at na-curious ang batang lalaki.

As soon as I closed my book, I looked at him with a bright smile, habang siya naman, parang medyo nagulumuhinan sa ngiti ko.

"Gaya po ngayong umaga, bakit 'yung araw lang po nakikita ko? Nasa libro niyo po ba kung bakit hindi sila nagtatagpo?" the kid asked me again.

I sighed deeply and started to tell him some questions.

"Alam mo ba na mag-asawa ang araw at ang buwan?" I asked the kid.

"Hindi po. Hindi naman sila tao. Paano sila magiging mag-asawa?" the little kid said with a confused face which made me laugh.

"Yes, hindi sila tao, pero noong unang panahon ang itsura nila ay parang sa ating mga humans. May paa, kamay, mukha at kung ano-ano pa makikita mo sa katawan ng isang human." I said to the little kid.

"Ganoon po ba? Ibig sabihin mga tao sila dati tapos naging bilog na lang sila?" the kid asked with curiosity.

I laughed again and said, "Gusto mo ikwento ko sayo kung bakit nagbago ang itsura nila at naging bilog sila? Tapos kung bakit sa umaga lang lumalabas ang araw at ang buwan sa gabi?"

"Kanina pa po ako nagtatanong. Hindi niyo po sinasagot 'yang tanong ko, tapos tatanungin niyo po ako pabalik?" the kid said while scratching his head.

"Sorry!" I said while laughing again and sighed deeply and looked at the sky.

"Ano po nangyari noon?" the kid asked and that's when I told him the story of the novel, "When the Sun Meets the Moon".

"Ayon dito sa kwento ng libro na binabasa ko, noon ay napakadilim sa Earth, laging gabi at walang umaga. At ang mga tao noon ay may kinikilalang hari na si Sol, dahil isa siyang makapangyarihang nilalang na malakas ang pandinig, makisig at may pambihirang lakas, maliksi, at kapag nahawakan ka niya ay makikita niya ang nakaraan mo o kaya niya basahin ang isip mo. Ngunit kahit isa siyang makapangyarihang hari, may isa siyang kahinaan. Takot si Sol sa dilim, kaya gusto niyang palaging maliwanag ang kanyang nakikita. Kahit saan ka pumunta, may ilaw, maliwanag, at ayaw niya sa madilim. Para siyang nanginginig o ninenerbyos kapag madilim ang isang lugar. At may naririnig siya na gusto siyang kuhain ng kadiliman." I told the kid.

"May Nyctophobia po si Sol?" the kid asked.

"Wow! Alam mo 'yan?" I asked him back.

"Opo. Nababasa ko lang sa mga libro. Takot po sila sa madidilim na lugar." the kid said, "Tuloy mo na po."

"Ito na nga... Dahil may phobia si Sol sa dilim, hindi siya natutulog. Kasi para sa kanya, kapag natulog siya at pagpikit niya, puro kadiliman lang ang nakikita niya. Kaya naman laging galit si Sol at mabilis mairita kasi hindi siya nakakatulog nang maayos. Kahit antok na antok na siya, hindi niya gustong matulog kasi natatakot siya at para sa kanya, baka kuhanin siya ng dilim." I told the kid.

"Kahit po noong bata pa lang siya hindi na siya natutulog?" the kid asked me.

"Oo, hindi siya natutulog kaya malalim ang mga mata niya. Kaso, isang araw, biglang napundi ang lahat ng ilaw sa kaharian niya nang sabay-sabay at dumilim! At doon na natakot si Sol. Labis siyang ninerbyos at naninigas dahil wala na siyang makita. Kahit saan siya tumingin, puro kadiliman lamang ang nakikita niya. Pinilit niya tumakbo para maghanap ng liwanag dahil natatakot siya na baka may kumuha sa kanya, ngunit nahirapan siya." I continued.

"Paano po bumalik 'yung liwanag?" the kid asked.

"Habang nakaupo si Sol, nakatingin sa kawalan at takot na takot, bigla siyang may nakita na maliit na liwanag na kumikislap sa malayo. Tapos, dahil sabik sa liwanag si Sol, sinubukan niyang pumunta sa kumikislap na ilaw na natatanaw niya mula sa malayo. Ngunit dahil hindi siya makalakad ng maayos at nanginginig siya, sumigaw siya tulungan siya at gusto niya ng liwanag." I told the kid.

"Ano po nangyari pagkatapos? Narinig po ba siya ng ilaw? Gumagalaw po ang ilaw?" the kid asked.

I chuckled and said, "Unti-unti lumapit ang ilaw patungo sa kanya, at palaki rin nang palaki ang liwanag, kaya naman ay halos matuwa si Sol. Sinubukan niyang tumayo at maglakad dahan-dahan patungo sa ilaw na iyon. At nang makalapit na siya sa ilaw na iyon, hindi pala ito isang ilaw lamang... alam mo kung ano ang nakita niya?"

"Ano po nakita niya? Wag niyo po ako bitinin, kuya." the kid said while scratching his head and he seems annoyed. Haha!

"Sorry! Hindi na kita bibitinin! Haha! Ayun na nga, ang nakita ni Sol ay isang napakagandang babaeng lumiliwanag ang katawan na tipong mabibighani ka sa karikitan niya. Halos natulala si Sol sa nakita niya at tinanong niya ang babae na iyon..." I said and I told him the untold story of how the Sun met the Moon and how he loves it eternally that he'll do anything for it.

...

...

...

"Sino ka?" Sol asked the enchanted girl in front of him.

The girl smiled brightly at him and said, "Ako si Luna."

"Luna?" Sol asked with astonishment, "Bakit nagliliwanag ang iyong katawan?"

Luna didn't answer Sol's question, rather, she just continued smiling at him.

Then, ang kaninang si Sol na nanginginig at ninenerbyos, ay ngayo'y kumalma na at tila nakahinga na nang maluwag.

"Ang mga mata mo, tila... ito'y napakalalim." Luna said as she gently caressed caressed Sol's eye lids

At nang maramdaman ni Sol ang haplos ng mga daliri ni Luna sa kanyang mukha, siya ay napapikit at ito ang unang beses na siya ay hindi na natakot sa dilim. Dahil, kahit siya ay nakapikit, nakikita niya pa rin ang liwanag na nagmumula sa mga daliri ni Luna na siyang nagpapakalma sa kanya.

"Ang sarap..." Sol uttered and tears started flowing from his eyes, "Ngayon na lamang ako nakapikit ng ganito katagal."

Habang nakapikit si Sol at patuloy na hinahaplos ni Luna ang mga mata niya, "Bakit hindi ko mabasa ang iyong isipan o nakaraan kahit ako ay nahahawakan mo?" Sol asked Luna.

"Ikaw ay pumikit na lamang at magpahinga, Sol." Luna said.

Hindi alam ni Sol na isang Diyos o makapangyarihang nilalang rin si Luna, at hindi tatalab ang kanyang kapangyarihan na makapagbasa ng isip o malaman ang nakaraan nito, kaya naman wala siyang mabasa.

"Maaari ka na lang bang hindi umalis sa aking tabi, Luna?" Sol asked.

Then, Luna smiled and caressed Sol's head and said, "Nadadama ko na kailangan mo ng mahaba-habang pahinga, Sol."

Afterwards, Luna started humming with a very soothing voice that made Sol feel more relaxed, happy, and sleepy at the same time.

"Huwag mong tatanggalin ang liwanag sa aking mga mata, Luna..." Sol said and that's when he instantly fell asleep.

At iyon ang unang beses na nakatulog si Sol sa loob ng napakahabang panahon.

After 1 month, doon na nagising si Sol at siya ay nasa kama niya na kung saan bumalik na muli ang liwanag sa kanyang kaharian.

Nagising siya na hinahanap niya si Luna at nagsisisigaw.

"Luna! Luna! Nasaan ka!" Sol shouted at pinuntahan siya ng isa niyang alagad.

"Panginoon, kayo ay gising na rin sa wakas!" Gulat na sinabi ng alagad ni Sol.

"Nasaan si Luna? Papuntahin niyo siya sa akin!" Sol shouted.

"Sinong Luna ang iyong tinutukoy, Panginoon?" Sol's disciple asked.

"Ang babaeng lumiliwanag ang katawan! Noong nasira ang mga ilaw at dumilim ang buong paligid, may isa akong babaeng nakatagpo at lumiliwanag ang kanyang buong katawan. Saglit ko lamang siya nakausap dahil bigla akong nakatulog." Sol answered.

It seems that Sol's disciple became confused since hindi niya maintindihan ang sinasabi ng kanyang hari.

"Panginoon, hindi sa pambabastos, ngunit marahil kayo ay nanaginip lamang dahil isang buwan kayo natulog nang tuloy-tuloy." the disciple said.

"Isang buwan?" Sol asked.

"Siyang tunay, Panginoon. Kaya ang inyong mga mata ay hindi na ganoon kalalim kagaya ng dati. At mukhang ikaw ay nakapagpahinga nang maayos." the disciple said.

"Hindi iyon panaginip! Hanapin niyo si Luna! Gusto ko siya makita at pasalamatan." Sol said.

Ipinag-utos ni Sol na ipahanap si Luna dahil nais niya muli masilayan ang kagandahan nito at pasalamatan siya noong kinailangan niya ng liwanag.

Halos isang buong buwan rin nila pinaghahanap si Luna, ngunit kahit anong gawin nilang pagsisiyasat ay hindi nila makita ang kakaibang babae na nagbibigay ng liwanag mula sa kanyang katawan.

Hindi na rin magawang makatulog muli ni Sol dahil sa tuwing pipikit siya ay kadiliman ang kanyang nakikita. Para kay Sol, muli lamang siyang makakatulog kapag nasa tabi niya si Luna upang bigyan ng liwanag ang kanyang mga mata habang siya ay nakapikit.

"Panginoon, hinanap na namin ang babaeng iyong sinasabi na nagliliwanag ang katawan, ngunit, hindi namin siya natagpuan at walang rin nakakita sa kanya. Marahil, ito lamang ay isang panagip dahil sa iyong matagal na pagkahimlay." the disciple of Sol said to him.

"Hindi... hindi iyon isang panaginip. Naramdaman ko ang init ng katawan niya, ang kagandahan ng boses niya, ang karikitan niya, at kung paano niya binigyan ng liwanag ang madilim na mundo ko!" Sol said with conviction, "Ipagpatuloy ang paghahanap kay Luna!"

At dahil sa kagustuhan ni Sol na makita muli si Luna, inutusan niya ang kanyang mga alagad na huwag magpapahinga o matutulog hangga't hindi nila natatagpuan si Luna.

Kaya ang nangyari, ang ibang mga alagad na naghahanap kay Luna ay hindi na kinaya ang pagod at nahimatay. Ang iba ay nagpakamatay na lamang dahil hindi sila pinagpapahinga ni Sol hangga't hindi nakikita ang babaeng mahiwaga.

Umabot na ng isang taon ang paghahanap, ngunit wala pa rin silang nakita ni isang bakas ni Luna, at kahit si Sol ay muli na rin hindi nakatulog pa gaya ng dati.

...

...

...

Isang araw, muli ay napundi ang mga ilaw sa buong kaharian at dumilim na naman ang paligid, kaya ang hari na si Sol ay muling natakot at ninerbyos habang siya ay nasa kanyang kwarto.

"Ilaw... paki-usap... buksan niyo ang ilaw!" Sol whispered to himself at patuloy na nangangamba at niyayakap ang kanyang sarili, dahil sa kadiliman na bumabalot sa paligid.

Ilang saglit lang ay may nakita siyang liwanag na nagmumula sa butas ng kanyang pinto kaya nagmadali siyang tumungo doon.

"Ilaw! Liwanag! Wag kang aalis!" Sol said, however, the light disappeared as soon as he went to the door.

Kaya naman kahit siya ay ninenerbyos, pinilit niyang lumabas ng kwarto upang sundan ang liwanag na kanyang hinahanap.

At habang sinusundan niya ang liwanag, hindi niya namalayan nakalabas na siya sa kanyang palasyo at nagpatanto niya na siya ay nasa isang malawak at mahangin na damuhan.

Paikot-ikot lamang si Sol at hinahanap ang ilaw na bigla na lamang nawala sa kanyang paningin.

"Sol..." a voice whispered.

"Sino ka?" Sol asked.

"Hindi mo na ba ako natatandaan?" the voice uttered at doon na napagtanto ni Sol ang boses ng nilalang ito.

"Luna?" Sol asked, "Ikaw ba 'yan?"

Then, a bright light suddenly flashed in front of Sol which made him closed his eyes.

"Saglit, masyadong maliwanag! Wala akong makita." Sol exclaimed.

"Akala ko ba ay kailangan mo ng liwanag, Sol?" someone asked and by that time, doon na napagtanto ni Sol, na kahit nakapikit siya na si Luna ang nasa harap niya.

Then, Luna, caressed Sol's eyelids and said, "Ang mga mata mo na naman ay napakalalim. Ikaw ba ay hindi na naman nakakatulog?"

"Hinahanap kita, Luna. Takot ako sa dilim... May mga naririnig akong boses na tila gusto akong kuhain. Tanging ang liwanag na nagmumula sayo habang nakapikit ako ang nagbibigay ng lakas sa akin para hindi ako mangamba." Sol said.

"Gusto mo na ba matulog, Sol?" Luna asked.

"Wag... ayaw ko muna matulog. Gusto kitang makausap ng matagal. Dahil kapag nakatulog ako, hindi na naman kita makikita. Saan ka ba nagpunta at bigla kang nawala?" Sol asked.

"Ako ay nagpapalibot-libot at tumutungo sa mga madidilim na lugar kung saan kailangan ng liwanag. Gaya ngayon, na naging madilim ang iyong kaharian kaya ako ay naparito upang magbigay ng kaunting liwanag." Luna said while smiling.

"Maaari ba kitang makita, Luna? Maaari ba akong dumilat?" Sol asked at doon na tinanggal ni Luna ang mga kamay niya sa mata ni Sol.

Marahang idinilat ni Sol ang kanyang nga mata at doon niya muling nasilayan ang kagandahan ni Luna, na may mahabang buhok, maputi, makinis ang balat, mapula ang mga labi at pisngi, at higit sa lahat ang kakaiba niyang katawan na nagliliwanag.

"Luna..." Sol uttered and was about to caress Luna's cheeks but then he decided not to and placed his hands back to his pockets, "Napakaganda ng iyong liwanag. Maaari ba na huwag ka na umalis upang ikaw ay masilayan ko bawat oras?"

Luna smiled and said, "Hindi maaari, Sol. Ako ay may tungkulin, at kailangan ko gampanan ito. Kailangan ko magbigay ng liwanag sa mga lugar na hindi nasisinagan ng kahit anong liwanag."

"Saan kita maaaring puntahan kapag kailangan ko ng liwanag mo, Luna? Ako ang tutungo sayo kahit nasaan ka man." Sol said with conviction since he's already addicted to the light that Luna gives or exudes.

"Ako ay malaya, Sol. Hindi ko masasabi kung nasaan ako, ngunit sa tuwing magdidilim ang iyong kaharian at kailangan nito ng liwanag na nagmumula sa akin, doon mo ako makikita." Luna said, "Ikaw ay matulog na, Sol, kailangan mo na magpahinga... at ako muna ang magbibigay liwanag sa kaharian mo hanggang sa bumalik na ulit ang mga ilaw."

"Ngunit, baka hindi na kita makita, Luna." Sol said with a worried tone.

"Tayo ay magtatagpo muli, Sol, huwag ka mag-alala. Sa tuwing magdidilim ang iyong kaharian, ako ay darating upang magbigay liwanag." Luna said and started to close Sol's eyes and sang a very soothing and smooth melody that made Sol sleepy again.

"Sana makita kita ulit, Luna." Sol said and fell asleep.

At tulad ng dati, pag-gising ni Sol, maliwanag na ulit ang buong kaharian niya at isang buwan na naman siyang nakatulog.

"Luna!" Sol shouted as soon as he woke up from his bed.

"Panginoon, ikaw ay gising na muli." his disciple said while cleaning Sol's room.

"Gaano ako katagal nakatulog?" Sol asked.

"Isang buwan, panginoon. At tila ikaw ay nananaginip at nagsasalita sa iyong pagtulog. Binibigkas mo ang pangalan ni Luna." the disciple answered.

"Paano ako napunta rito sa kwarto ko? Nasa damuhan ako sa aking pagkakatanda." Sol asked.

"Nang bumalik na ang ilaw sa kaharian, natagpuan ka ng mga tao na natutulog sa damuhan, panginoon." the disciple said.

Then, Sol stood up from his bed and looked at the window at tiningnan niya ang napakadilim na kalangitan.

Inaalala niya ang napakagandang itsura ni Luna at ang liwanag na binibigay nito.

At dahil doon, may naisip na paraan si Sol kung paano niya makikita si Luna muli.

"Patayin ang ilaw sa buong kaharian." Sol ordered to his disciple.

"Ngunit panginoon, ikaw ay hindi sanay sa dilim." the disciple said.

"Sundin mo ang aking nais. Patayin ang ilaw sa buong kaharian." Sol ordered once more at umalis na ang kanyang alagad upang gawin ang kanyang ipinaguutos.

Ilang saglit lamang ay nagsimula ng dumilim sa kaharian ni Sol dahil sa pagpatay ng mga ilaw. At kahit pinapangunahan na siya ng nerbyos, siya ay nakatingin pa rin sa bintana at umaasang darating si Luna.

Pagkalipas ng isang minuto, may namataang liwanag si Sol sa kalangitan na tila malapit sa kanyang kaharian. At doon na nga ay natanaw niya si Luna na bumababa mula sa kalangitan.

"Luna!" Sol shouted at makikita mo ang kagalakan sa mukha niya nang makita niya si Luna na nakatayo na sa labas ng kanyang palasyo.

Agad niyang pinuntahan si Luna at kinausap ito, "Sinabi ko na nga ba, darating ka, Luna." Sol said while smiling at Luna.

"Nakita ko na biglang nawala ang liwanag sa iyong kaharian kaya ako ay tumungo rito. Mukhang hindi malalim ang iyong mata, Sol." Luna said.

"Sa totoo lang, kakagising ko lang at ikaw agad ang hinahanap ko. Tila naaadik na ako sa liwanag na binibigay ng katawan mo." Sol said.

"May nangyari ba sa iyong kaharian kaya namatay ang mga ilaw at nawala ang liwanag?" Luna asked.

At doon na nagsimulang magsinungaling si Sol.

"Oo, biglang nawala ang liwanag at hindi ko alam kung anong nangyari. Ngunit, nais ko lamang linawin, ikaw ay agad na pupunta rito kapag walang liwanag ang aking kaharian, tama ba ako?" Sol asked.

"Siyang tunay. Gaya ng sinabi ko, Sol, ako ay magbibigay ng kaunting liwanag sa iyong kaharian." Luna said.

"Bakit hindi na lang ikaw mamalagi rito sa aking kaharian, Luna? Ikaw ay aalagaan ko nang mabuti." Sol said.

"Paumanhin, Sol, ngunit tulad ng aking tinuran noon, ako ay malaya at may tungkulin sa mundo na magbigay ng liwanag." Luna said.

Sol sighed deeply and didn't utter any word. Pero may naisip na siyang plano sa tuwing nais niya makita si Luna.

Kaya naman tuwing sasapit ang ala-sais, pinapatay ni Sol ang liwanag upang maakit si Luna na tumungo sa kaharian niya.

At tulad ng sinabi ni Luna sa kanya, siya ay magpapakita tuwing didilim ang kaharian ni Sol.

Kalaunan, ito ay ginagawa na ni Sol parati upang magkita silang dalawa ni Luna.

Tumutungo si Luna sa kaharian ni Sol palagi kapag ala-sais, at dahil halos palagi na silang nagkikita at nagkakausap, ay nakapagpalagayan ng loob ang dalawa.

Madalas na rin nakakatulog si Sol dahil si Luna ang sagot sa kanyang takot sa dilim kapag siya ay pumipikit. Na tila hindi niya kayang matulog o magpahinga hangga't hindi lumalabas o nagpapakita si Luna.

Nakasanayan na rin ng mga tao na naninirahan sa kaharian ni Sol na tuwing sasapit ang ala-sais, ito na ang oras ng kanilang pahinga dahil papatayin na ang liwanag ng kaharian at magpapakita si Luna upang magbigay ng kaunting liwanag para sa lahat.

Isang taon na paulit-ulit ang kanilang ginagawa at hindi nagtagal, sina Sol at Luna ay naging magkasintahan. Bagamat araw-araw na pumupunta si Luna sa kaharian ni Sol at sila ay naging magkasintahan, ayaw pa rin ni Luna na manirahan sa kaharian ni Sol dahil sa kanyang tungkulin.

Nalungkot si Sol dahil hindi niya makasama ang pinakamamahal niya palagi.

Hanggang sa isang araw, napagdesisyunan ni Sol ang isang bagay na kanyang pinakamalaking pagkakamali na ginawa...

Pagpatak ng ala-sais, dumilim na ulit ang kaharian ni Sol, at kasabay noon ay ang paglabas ni Luna at tumungo siya sa kwarto na kinaroroonan ni Sol.

"Luna..." Sol said and sighed very deeply while looking at Luna's face that's full of warmth and love.

"Bakit, Sol?" Luna asked.

"Hindi na ba talaga pwede na manirahan ka na lang sa aking kaharian?" Sol asked with a worried tone.

"Sol, ikaw ang namumukod tanging nilalang na napakalapit sa akin at ang tanging nilalang na aking iniibig, ngunit ako ay patawarin mo, dahil ito ang isang bagay na hindi ko maaaring maipagkaloob sa iyo." Luna said and hugged Sol's body.

"Luna, patawarin mo ako sa gagawin ko." Sol said, at may pinaamoy siya kay Luna na isang pampatulog, "Mahal na mahal kita, Luna. Hindi ko nais na hamakin ka, ngunit nais ko lamang na makasama ka palagi."

Nang makatulog na si Luna ay ihiniga siya ni Sol sa kama nito... at tinali ang mga paa upang hindi na ito makaalis pa.

"Ako lamang ay umiibig, Luna, pangako, hindi ko gustong saktan ka. Nais ko lamang na ikaw ay makasama, at makita ang liwanag ng iyong katawan." Sol said while caressing Luna's soft, black and silky hair that also shines.

Tumabi si Sol kay Luna sa kama at doon na siya pumikit habang tumatama ang liwanag nito sa kanyang mga mata.

"Ako ngayon ay mapapanatag na, Luna, dahil alam ko na pag gising ko ay nasa tabi pa rin kita." Sol said and that's when he fell asleep.

...

...

...

Paglipas ng limang araw, nagising na lamang si Sol dahil may naririnig siyang umiiyak, at nang makita niya, naghihinagpis si Luna dahil unti-unting nawawala ang liwanag ng katawan niya at tila ang kanyang paningin ay nagdidilim na tila wala na siyang makita.

"Luna! Anong nangyayari? Bakit nawawala ang liwanag ng iyong katawan?" Sol asked with a shocked and worried tone.

Patuloy na umiiyak si Luna at ilang saglit lamang, ang mahaba at maganda nitong buhok ay unti-unti na naging tuyot, at pumayat ang katawan nito.

"Bakit ka nagkakaganito, Luna? Anong nangyayari sa katawan mo?" Sol asked once more.

Ngunit, ilang saglit lamang ay kumupas na ang liwanag na nagmumula sa katawan ni Luna at labis ang pagtangis nito.

At dahil nawala na rin ang liwanag na nagmumula sa katawan ni Luna, kasabay noon ay nawalan na siya nang malay. Doon na nagsimulang matakot si Sol at nangamba dahil nagdilim na ang buong paligid.

"Luna, patawarin mo ako, hindi ko alam na ganito ang mangyayari! Hindi ko sinasadya!" Sol shouted at nang mayakap niya si Luna, ay hindi na katulad ng dati ang katawan nito na mainit at ngayon ay napakalamig na, "Anong nangyayari sayo, Luna?" naluluha na sinabi ni Sol.

Habang patuloy na umiiyak si Sol, ay may matinding liwanag na biglang lumitaw sa kanilang harapan, isang mainit at napakaliwanag na ilaw.

"Sol." a deep voice uttered.

"Si-sino ka?" Sol asked while trembling with fear.

"Ako si Chronos, ang Diyos ng mga Diyos, at kayong dalawa ni Luna ay aking parurusahan sa inyong kalabisan!" the deep voice said.

"Paparusahan kami?" Sol asked once more.

"Walang awa mong kinulong si Luna at maraming tao ang nangangailangan ng kanyang Liwanag. Ngunit anong ginawa mo? Siya ay iyong kinulong at sinarili mo! At ang ginawa ni Luna, siya ay umibig sa isang mortal na katulad mo." Chronos exclaimed.

"Patawarin mo ako! Hindi ko sinasadya! Pakiusap, ibalik mo ang liwanag na nagmumula kay Luna, at ang kanyang buhay!" Sol said and knelt down.

"Ang iyong kasalanang pagkulong kay Luna ay isang karahasan para sa tulad niyang isang Diyos ng Buwan! At ang pag-ibig sa iyo ni Luna ay isang napakalaking kasalanan para sa mga Diyos na tulad niya!" Chronos said.

"Diyos ng Buwan? Ano ang ibig mong sabihin?" Sol asked.

"Si Luna ay ang Diyos ng Buwan na nagbibigay ng liwanag sa kadiliman. At ang ginawa mo ay pinagkait ang liwanag na ito sa mga nilalang na nangangailangan nito! Ito ay dapat mong pagbayaran! Dahil sa pagkulong mo sa isang malayang Diyos na si Luna, at umibig rin siya sa isang mortal na gaya mo, ay nawala nang tuluyan ang kanyang kapangyarihan na magbigay ng liwanag!" Chronos said.

Agad na kinalas ni Sol ang gapos ni Luna at patuloy siyang umiiyak.

"Pakiusap, ibalik mo ang kakayahan ni Luna na magbigay ng liwanag! Hindi ko sinasadya na mangyari ito! Pakiusap!" Sol said and hugged Luna, "Patawad, Luna, hindi ko alam na ganito ang mangyayari sa iyo."

At dahil nawalan na tuluyan ng malay si Luna at wala na ang liwanag ng katawan niya, hindi na ito sumagot pa kay Sol.

"Ano ang maaari kong gawin, upang maibalik ang liwanag at buhay ni Luna! Lahat, gagawin ko para sa aking mahal!" Sol said as he continued to kneel in front of the bright light that's in front of him.

"Maibabalik ko ang liwanag at ang kakayahan ni Luna, ngunit ito ay may kapalit." Chronos said.

"Ano ito?" Sol asked.

"Maibabalik ko lamang ang liwanag ni Luna, ngunit sa isang kondisyon, ikaw ay aking gagawing Diyos ng Araw na magbibigay ng napakalakas na liwanag sa buong mundo." the deep voice said.

"Diyos ng Araw?" Sol asked with uncertainty.

"Oo, Sol, ikaw ang magbibigay nang napakatinding liwanag sa buong mundo na lalabas lamang tuwing umaga." Chronos voice said, "At si Luna naman ang magbibigay ng liwanag pagpatak ng gabi."

"Umaga at Gabi?" Sol uttered, "Ano ang ibig mong sabihin?"

"Bilang kapalit ng pagbalik sa buhay at sa liwanag ni Luna, at upang siya ay hindi mo na magapos pang muli, hindi na kayo magtatagpo pang muli ni Luna. Ikaw ay magiging araw na lalabas lamang tuwing umaga upang magbigay ng matinding liwanag para sa buong mundo. At pagsapit ng gabi, ikaw ay bababa mula sa langit at si Luna ang magiging buwan na aakyat sa langit upang magbigay ng liwanag tuwing gabi." Chronos said.

"Hindi ko na makakasama si Luna parati? Kahit may oras lamang na siya ay aking makakasama, pakiusap!" Sol begged.

"Ikaw ay pumatay ng isang Diyos dahil sa iyong pagmamalabis, Sol, Ito ay marapat mong pagbayaran!" Chronos said.

At ilang saglit lamang ay unti-unti ng bumalik ang lumiwanag sa katawan ni Luna at ang hugis at ganda nito ay bumalik na rin sa dati, ngunit siya ay wala pa ring malay.

"Luna!" Sol shouted at ginigising niya si Luna.

"Hindi pa magigising si Luna, Sol, ngunit ibinalik ko na ang kanyang buhay at kakayahan. Oras na para sundin mo ang aking kondisyon. Binuhay kong muli si Luna, para sa iyong kagustuhan." Chronos said, "Nais ko na gampanan mo ang iyong tungkulin na magbigay liwanag sa kadiliman."

Nakatingin lamang si Sol sa katawan ni Luna, at para sa kanya, bagamat hindi na sila maaaring magtapo ni Luna, nais niya na ito ay hindi mamatay.

Hahawakan na sana ni Sol ang buhok ni Luna nang mapansin niya ang kanyang kamay na nagsisimula ng lumiwanag.

"Bakit nagliliwanag ang kamay ko?" Sol asked.

"Oras na, Sol, para ikaw ay umakyat sa kalangitan at magsilbi bilang araw." Chronos said, "Simula ngayon, kayo ay hindi na muling magkikita pa ni Luna. Ito ang huling beses na kayo ay magtatagpo. Ikaw ay magsisi sa iyong kalabisan, Sol." Chronos added and the bright light faded.

At doon na nagsimulang lumiwanag nang napakatindi at nakakasilaw ang katawan ni Sol, at biglang naglaho ang kanyang katawan. Naiwan na lamang si Luna na nakahiga sa kama ni Sol na nagpapahinga nang mahimbing.

Dahil ginawang araw si Sol, nagbago ang kulay ng langit at ito ay naging asul.

Nagsilabasan rin ang mga tao at nagulat sa liwanag na nagmumula sa kalangitan.

"Anong nangyayari? Bakit lumiwanag ang kalangitan? At ano ang nakakasilaw na ilaw na nagmumula sa langit?" tanong ng isang nilalang na nakatingala sa langit.

"Isa itong himala! Tayo ay hindi na mangangailan ng liwanag na nanggagaling sa mga ilaw ng ating kaharian! Matutuwa nito si Panginoong Sol!" saad ng alagad ni Sol at tumungo ito sa kwarto nito upang sabihin ang mabuting balita.

Pagpasok ng alagad ni Sol sa kwarto nito, ang tanging nakita niya lamang ay si Luna.

"Luna, nasaan ang panginoong Sol?" the disciple asked.

"Si Sol? Siya ang nagbibigay ng liwanag ngayon sa kalangitan." Luna said with a gloomy tone.

"Si Panginoong Sol ang sinasabi mong nagbibigay ng liwanag? Paano?" the disciple asked.

"Mahabang salaysayin, ngunit, makikita niyo ulit ang inyong panginoon pagpatak ng gabi." Luna said.

"Gabi?" the disciple asked.

Napabuntong hininga na lamang si Luna at tumungo sa bintana kung saan tinitingnan niya ang maliwanag na kalangitan at ang anyo ni Sol bilang araw na nagbibigay ng matinding liwanag para sa buong mundo.

"Hindi ka na matatakot, Sol, ikaw na ang nagbibigay ng liwanag sa buong mundo. Ikaw ay aking pinapatawad, Sol, at hindi ako nagagalit sa iyo. Ngunit ako ay nalulungkot dahil tayo ay hindi na muling magtatagpo." Luna said and sighed deeply.

At pagpatak ng ala-sais ng hapon, napansin ng mga tao na nagbabago na ang kulay ng kalangitan at ito ay dumidilim na. Napansin rin nila na tila bumababa na ang araw na kanilang nakikita at humihina na rin ang liwanag nito.

Ilang saglit lamang, nang bumaba na ang araw, unti-unting naglaho sa Luna, at kasabay noon ay ang pagsulpot ng katawan ni Sol sa lupa at ang paglabas ng buwan sa langit.

"Panginoong Sol!" sigaw ng isang nilalang at nagulat silang lahat nang muli nilang nasilayan ang kanilang hari.

Makikita mo sa mukha ni Sol ang lungkot at nang tumingala siya sa madilim na kalangitan, may nakita siyang kulay puti na hugis bilog na nagbibigay ng liwanag sa kaharian.

"Luna, patawarin mo ako sa aking kalabisan. Ngunit, ako ay natutuwa na ikaw ay buhay, kahit hindi na tayo muling magtatagpo pa dito sa lupa." Sol whispered to himself.

"Panginoon? Ano ang nagyari? Bakit ikaw ay naging isang liwanag sa kalangitan?" his disciple asked.

Sinaad ni Sol ang pangyayari sa lahat ng kanyang nasasakupan. Na siya ay aakyat sa langit upang magbigay ng liwanag sa lahat at tatawagin nila itong umaga o araw. At sinabi niya rin na pagpatak ng ala-sais, siya ay bababa sa langit upang si Luna ang pumalit upang magbigay ng kaunting liwanag para sa lahat, at tatawagin nila itong gabi.

Inutos rin ni Sol na pangalagaan ng mga alagad niya si Luna sa tuwing ito ay bumababa sa lupa tuwing umaga dahil hindi niya ito maaalagaan, at patitirahin si Luna sa kanyang palasyo.

At ganoon ang nakasanayan ng lahat. Sa tuwing umaga, doon kumikilos at nagtatrabaho ang mga tao, at tuwing gabi, silang lahat ay nagpapahinga, pwera lamang kay Sol na hindi na muling makakatulog dahil wala na si Luna sa kanyang tabi.

Kaya naman tuwing gabi, si Sol ay nakahiga sa labas at sa damuhan, at pinapanood ang buwan sa gabi habang nagsasalita mag-isa na tipong kinakausap niya si Luna kahit siya ay hindi sinasagot nito.

Kailanman, ay hindi na rin muling nasilayan ni Sol ang itsura ni Luna at ang kagandahan nito. Ang tanging nakikita na lamang niya ay ang liwanag na binibigay nito sa madalim na gabi.

"Luna, pinapangako ko... na sa susunod nating buhay, sisiguraduhin ko na pangangalagaan kita at hinding hindi na muling ipapahamak." Sol said while his tears are falling slowly and while watching the moon up in the sky giving a dimmer light.

Paulit-ulit lang ang nangyayaring pagpapalitan nina Sol at Luna sa kalangitan tuwing umaga at gabi, hanggang sa isang gabi, pagbaba ni Sol mula sa langit, ay naging sobrang dilim ang kalangitan at hindi lumabas si Luna bilang isang buwan.

"Buksan ang liwanag sa buong kaharian!" Sol ordered since wala si Luna bilang buwan upang magbigay ng liwanag sa kanila.

Hinanap ni Sol ang buwan sa langit, ngunit puro ulap lamang ang kanyang nakikita.

"Anong nangyari? Nakita niyo ba si Luna bago ako bumaba mula sa langit?" Sol shouted.

"Panginoon!" his disciple shouted at agad na tumungo si Sol sa kinaroonan ng kanyang alagad.

Labis ang gulat ni Sol sa nakita niya...

"Luna!" Sol shouted and ran towards her.

Nakita niya ang tunay na itsura ni Luna na isang tao na nakahimlay ang katawan at may dugo sa kanyang puso at wala na rin ang liwanag nito.

"Sinong may gawa nito!" Sol cried in agony and in pain, "Sinong pumatay kay Luna!"

"Panginoon, ito na lamang ang nakita ko." his disciple said and handed him a letter.

"Sol, Narinig ko ang iyong tinuran habang ako ang nagbabantay sa kalangitan. Narinig ko ang sinabi mo tungkol sa susunod nating buhay. Hindi ko kakayanin ang ganito, kaya naman, pinili ko nang kitilin ang aking buhay upang ikaw ay muli kong makasama sa susunod nating buhay. Ikaw ay aking hihintayin -Luna."

"Luna... Naririnig mo lahat ng aking sinasabi sa tuwing pinapanood kita sa gabi?" Sol uttered and said to his disciple, "Kuhanin mo ang aking espada, alagad." he added.

"Panginoon, ano ang iyong nais?" his disciple asked as soon as he handed him the sword.

"Ako ay susunod kay Luna at patungo ako sa aking susunod na buhay." Sol said and as soon as he was about to pierce his heart with the sword... everything stopped which made him shocked, "Bakit tumigil ang lahat?" he added and dropped his sword.

"Sol, bakit nais mong kitilin ang iyong buhay gaya ni Luna?" the deep voice suddenly uttered and a bright light appeared in front of Sol again... and it was Chronos, the God of Gods.

"Ayaw ko na ng ganito. Ako ay labis na nalulugmok sa pagkawala ni Luna. Nais ko na rin magpakamatay..." Sol said with frustration.

"Kung papatayin mo ang iyong sarili, wala ng magbibigay ng liwanag sa mundo, Sol. Maghahari muli ang kadiliman." Chronos said.

"Sila ay maaaring gumamit ng mga ilaw na naririto sa aking kaharian. Hindi nila ako kailangan." Sol said.

"Ang mga tao, maaaring kaya nilang mabuhay mula sa liwanag na nagmumula sa iyong kaharian. Ngunit, paano ang mga hayop, puno, at mga nilalang na nangangailangan ng iyong liwanag upang mabuhay?" Chronos asked.

"Kaya lang ako pumayag na maging Diyos ng Araw para kay Luna. Ngunit, wala na siya... Ano pang silbi ng aking pagiging Diyos ng Araw." Sol said, "Kung hihilingin ko na buhayin mo muli si Luna, gagawin mo ba?"

"Hindi ko na maaaring buhayin si Luna sa pangalawang pagkakataon, Sol. Isa pa, pinatay ni Luna ang kanyang sarili at bukal sa kanyang kalooban ito. Kung siya ay bubuhayin kong muli, papatayin niya lamang ulit ang kanyang sarili." Chronos said.

"Papatayin ko na rin ang aking sarili. Huwag mo na akong pigilan, Chronos." Sol said, picked up his sword and started to point it in his heart again.

"Huminahon ka, Sol. Ikaw ay isa ng importanteng elemento na kailangan sa mundo. Ikaw ay may tungkuling ginagampanan na. Kung ikaw ay mawawala, marami ang magdudusa... at ang kadiliman ay maghahari." Chronos said.

"Wala akong pakialam, Chronos. Tama na itong paghihirap ko. Tingin ko, ikaw na ang may kalabisan sa sinasapit ko." Sol uttered and started to pierce his chest slowly where the blood slowly dripping already.

"Sandali..." Chronos said, "Ikaw ay mabibigyan ko pa ng isa pang pagkakataon upang magkita kayong muli ni Luna. Ngunit, nais ko na hindi ka bumitiw sa pagiging Diyos ng Araw." Chronos added.

"Ano itong isa pang pagkakataon na iyong tinuran?" Sol asked.

"Ang hiling ni Luna bago siya mamatay ay magkatagpo kayo sa susunod na buhay, at ito ay aking ipagkakaloob sa kanya. Ngunit, walang kasiguraduhan kung kailan ang susunod na buhay na kanyang tinutukoy." Chronos said.

"Ano ang gusto mong iparating?" Sol asked and lowered his sword.

"Ikaw ay nais ko na huwag bumitaw bilang Diyos ng araw, ngunit kapalit nito ay muli kayong magtatagpo ni Luna sa kanyang susunod na buhay." Chronos said.

"Ano ito? Patuloy akong mabubuhay hanggang sa oras na bumalik na muli si Luna?" Sol asked.

"Oo, ikaw ay pahihintulutan ko na mamuhay nang payapa sa lupa gaya ng dati at hindi na kailangan pa umakyat sa langit tuwing umaga. Bilang Diyos, Ikaw ay magiging imortal. Ang iyong kakaibang kakayahan pa rin gaya ng lakas ng pandinig, liksi, lakas ng katawan, ang kakayahang makapagbasa ng isip ng isang nilalang at makita ang nakaraan nito ay nasa iyo pa rin." Chronos said.

"Paano kapag nagkatagpo na kami ni Luna sa kanyang susunod na buhay, ano ang mangyayari?" Sol asked, "Papayagan mo na ba kami mamuhay ng payapa?"

"Oo, papayagan ko kayong mamuhay ng payapa, ngunit bago ito mangyari, may kondisyon akong muli." Chronos said.

"Ikaw ay puro kondisyon! Nais mo pa ba na kami ay magkatagpo o hindi na muli sa dami ng iyong gustong mangyari!" Sol exclaimed.

"Nais mo pa ba na kayo ay magkasama muli ni Luna?" Chronos asked.

"Malamang! At wala na akong ibang magagawa pa kung hindi tanggapin ang iyong kondisyon!" Sol uttered, "Pero paano ko malalaman na si Luna 'yun? Magiging katulad at parehas din ba ng itsura?" Sol asked.

"Iba na ang kanyang katauhan at siya ay magiging isang pangkariwang tao na lamang. Hindi na siya ang Luna na kinagisnan mo at sa oras na matagpuan mo siya ay hindi niya alam ang kanyang nakaraan at kung ano siya dati. At malalaman mo lamang na si Luna na ang taong iyong nakasalamuha sa unang beses na muling dumilim ang kalangitan habang sumisikat pa ang araw." Chronos said.

"Didilim ang kalangitan habang sumisikat pa ang araw? Maaari ba iyon?" Sol asked.

"Oo, Eclipse... Ako ay gagawa muli ng isa pang buwan na magsisilbing kapalit ni Luna habang siya ay hindi pa muling ipinapanganak. Sa unang pagkakataon at sa oras na dumilim ang kalangitan habang umaga pa, kung saan magtatagpo ang Araw at ang buwan, ibig sabihin ay natagpuan mo na si Luna." Chronos said.

"Anong mangyayari kapag natagpuan ko na siya? Magiging maayos na ba ang lahat? Hahayaan mo na kami mamuhay ng payapa?" Sol asked.

"Ito ang aking kondisyon, pagkatapos niyo magtagpong dalawa, may takdang panahon at pangalawang beses na muling magtatagpo ang Buwan at ang Araw sa kalangitan. At sa oras na muling magtagpo na ang araw at ang Buwan sa kalangitan at muling dumilim ang umaga, dapat ay kilala na ni Luna ang kanyang sarili at tanggap niya kung ano siya dati, bilang Diyos ng Buwan. At kapag ito ay hindi mo nagampanan at hindi tanggap ng bagong katauhan ni Luna ang kanyang nakaraan sa oras na muling magtagpo ang Buwan at Araw sa kalangitan, ikaw ay magiging isang ganap na araw at hindi mo na muling makakasama si Luna magpakailanman." Chronos said.

Sol sighed deeply and didn't think twice nor doubted anymore.

"Sige, magtitiis ako at hihintayin ko itong panahon kung saan muli kaming magtatagpo ni Luna. At sisiguraduhin ko na sa oras na magtagpo ang Araw at ang Buwan sa pangalawang beses, ay kilala na muli ni Luna ang kanyang katauhan. At tinatanggap ko ang parusa na maging isang ganap na araw kapag ako ay hindi nagtagumpay sa aking misyon." Sol said.

"Mainam, Sol. Sinisigurado ko na ipagkakaloob ko ang inyong kalayaan sa oras na ikaw ay magtagumpay sa iyong misyon sa bagong katauhan ni Luna." Chronos said and that's when the bright light suddenly disappeared and everything went back to normal.

"Panginoon, bakit niyo hawak ang iyong espada?" the disciple said.

Tiningnan ni Sol ang kanyang puso since dapat ay sasaksakin niya ang sarili niya at alam niya na may dugo na lumabas na mula rito. Ngunit pagkakita niya ay walang anumang dugo o saksak siyang nakita na tila walang nangyari sa kanyang katawan.

Napabuntong hininga na lamang siya at sinabing, "Wala, nais ko lamang tingnan kung malinis pa ito. Tulungan niyo ako at nais kong gawaran ng isang magandang puntod si Luna." Sol said and sat beside Luna, "Magkikita tayong muli, mahal kong Luna. Bagamat hindi tayo magkatagpo-tagpo ngayon, darating ang pagkakataon na tayo ay magtatagpo muli at hindi na muling maghihiwalay pa. Makikita ko muli ang liwanag ng iyong katawan, Luna."

...

...

...

Pagkatapos ng paglibing kay Luna, doon na nakita muli ng mga tao ang buwan na muling lumitaw sa kalangitan, ngunit hindi gaya ng dati, ito ay mas madilim kumpara sa binibigay na liwanag ni Luna.

At nang sumapit ang umaga, si Sol ay nasa lupa pa rin at hindi na umakyat sa langit upang maging anyong araw. Dahil simula ngayon ay gagampanan niya ang kanyang misyon, sa paghahanap sa bagong katauhan ni Luna.

...

...

...

Dahil si Sol ay nabubuhay bilang isang imortal na nilalang, ang kanyang mga alagad ay halos nagsitandaan na, ngunit ang kanyang itsura ay hindi nagbabago. Matipuno, matangkad at may kahanga-hangang kisig pa rin siya at tila hinda tumatanda.

Naabutan rin ni Sol ang mga sumunod na henerasyon hanggang sa siya ay bumitiw na sa kanyang tungkulin bilang pinuno ng kanyang kaharian at piniling mamuhay bilang isang normal na nilalang na lamang upang hanapin ang bagong katauhan ni Luna.

Matagal na panahon ang ginugol ni Sol upang makita muli ang kanyang pinakamamahal. Ngunit sampung libong taon na ang nakakalipas ay hindi pa rin niya natatagpuan ang katauhan ni Luna.

Pero, matibay ang loob ni Sol at habang patuloy na nabubuhay ang mga humans, ay hindi siya nawawalan ng pag-asa na maghintay at isang araw na magkikita silang muli.

After 10 000 years...

(Year 2021)

Hanggang sa umabot na si Sol sa taong 2021, kung saan modernisado na ang lahat at dahil sa katagalan na ng pamumuhay ni Sol sa mundo, ay nakasanayan niya na rin ang pagbabago at nakibagay rin siya sa mga kaugalian.

Si Sol ngayon ay nagtatrabaho bilang isang writer ng mga libro na naging sobrang sikat at tanyag. Pero ang kanyang mga libro na ginagawa, hindi lang ito basta-basta isang libro na kanya lang nais na isinusulat. Ginagawa niya ang mga libro na ito upang hanapin si Luna at ikwento ang kanyang nakaraan. At sa oras na mabasa ni Luna ang mga libro na gawa ni Sol, marahil ay mapagtanto nito ang kanilang nakaraan.

...

...

...

Isang araw ay mayroong book signing si Sol para sa kanyang mga fans na gaganapin sa isang malaking hall. Lahat ay nakahanda na at pati na rin si Sol ay naghihintay at nagbabakasakali na matagpuan niya si Luna sa book signing.

Umaga nagsimula si Sol upang mahaba-haba ang kanyang pagkakataon, at isa pa, napakarami ng gustong makita si Sol ng harapan.

Habang busy si Sol na nakikipag-usap sa mga nagpapa-autograph sa kanya, ay biglang nagsigawan ang mga tao sa may entrance ng hall at nagkagulo.

Kaya naman napatayo si Sol upang tingnan ang nangyayari at napatanong siya sa kanyang manager na nakaupo lamang sa tabi niya. Ang manager niya na ito ay si Georgette na kanya rin isang matalik na kaibigan sa panahon na ito na nasa 25 years old na babae.

"Georgette, anong meron? Bakit sila nagsisigawan sa labas?" Sol asked.

"Wait, I'll check what's the commotion all about at parang sumasapaw pa sa Book signing mo, Sol." Georgette said and may kinausap siya sa phone, "What's happening outside? Medyo nakakabastos ah?"

Ilang saglit lang ay nanlaki ang mga mata ni Georgette at nanggalaiti, "What the heck! This is insane!"

"Ano nangyari, Georgette? Parang hindi ata maganda timpla ng mood mo ngayon? " Sol asked.

"Ang sabi, nagkaroon daw ng overlapping of schedule sa hall kung saan nagbobook signing tayo now! Ang sabi ng may-ari ng hall, na-schedule rin niya sa oras na 'to ang autograph session ng isang sikat na singer kuno na napakasama naman ng ugali pero maraming fans! Ugghh!" Georgette said and did an eyeroll.

"Wala naman kaso sa akin 'yun. Mas gusto ko nga na mas maraming tao, Georgette. Pwede naman na maghati na lang tayo ng space sa kanila. Malaki naman 'tong hall." Sol said.

"No! I want this hall only for me!" someone uttered and that's when a guy with a rockstar outfit came out, with piercings on both ears, pointy and sleepy looking eyes, pinkish lips and cheeks, and a very light and white skin tone.

"Excuse me, nauna kami dito. I know who you are, Mr. Calix, the amazing singer and everything, but nauna kami magpareserve." Georgette said.

"I don't care. My manager already had it scheduled and I hate books, so get out before I rip off one of your books into pieces." the singer named Calix said to both Sol and Georgette.

"Sa gilid na lang kami kung gusto mo, Calix, tama ba na 'yun ang pangalan mo? I don't mind if sa gilid na lamang kami." Sol said.

"Well, I mind, and I don't want any distractions. I want this hall only for me and my fans. Ayaw ko ng may nakikisawsaw na gaya mo." Calix said and grabbed a book that's resting on top of Sol's desk, "What's this? The title of your book is 'Finding Luna'? What a trash!" Calix added.

At doon nainis bigla si Sol at tumayo siya sa harap ni Calix.

Dahil matangkad si Sol, ay nakatingala sa kanya si Calix, ngunit hindi rin magpapatinag ang lalaking ito.

"What? Do you want to have a fist fight? I'm ready!" Calix said.

"Hindi mo kilala si Luna kaya wag kang magsasalita ng masama tungkol sa libro na 'to." Sol said with a serious tone.

"Ohh... I'm scared!" Calix said and tried to open a page and read it, "Luna killed herself for love bla bla bla." he uttered and chuckled, "Boring!" he said and slowly ripped the page while smirking at Sol.

"How dare you!" Georgette exclaimed, "Talagang pinapakita mo pa ang bastos mong ugali sa mga fans mo? Hindi ka ba sinasabihan ng manager mo?"

"I don't care, they all love my bad-ass self." Calix said and continued reading another page of the book, "What? You even included your name in this trashy book?" Calix said and ripped another page of the book and crumpled it.

Sol didn't utter any word but he was just looking at Calix as he was trying to contain himself and pinipigilan niyang sumabog sa galit.

"Umalis na kayo dito, or do you want me to burn all of your books, Sol, the writer?" Calix said and chuckled, "Let's burn this book just like burning the memories of Luna!"

And that's when Sol wasn't able to take it all in anymore and was about to punch Calix in the gut.

"Sol! Wag dito! You might be in danger lalo na kapag dumating ang mga media! Or baka may kumuha ng video and makita nila na sinasaktan mo si Calix!" Georgette uttered with a worried tone.

Sol, then, sighed deeply and said, "Hindi mo alam ang pinagdaanan ko kaya wag ka magsalita ng kung ano-ano, Calix."

"I don't care kung anong pinagdaanan mo. It's not even worth my time. And especially, you are all wasting my time! Get out! I have an autograph session to do and I still have gigs to attend to!" Calix said.

"Let's go, Georgette. Tell all the readers we'll reschedule at another date." Sol said.

"Anong araw 'yun? Makikigulo ako." Calix said while smirking.

"Let's go, Sol, it's a waste of time dealing with this childish guy." Georgette said and that's when Sol and his assitants went out of the hall.

Pero, paglabas nila mula sa hall ay napatigil sila sa paglalakad...

"Sandali!" someone shouted and when they looked behind, it was Calix again and walked towards Sol, "You forgot your trash, Sol." he added and threw Sol's book in front of him.

Then, Calix touched Sol's chest and pushed him slightly, "Alis na, you're ruining my view, Sol." Calix said.

That's when Sol got a glimpse of Calix's past noong mahawakan siya nito...

And one image came out of his mind as soon as Calix touched him which made him stunned.

Also, the sky went suddenly dimmer and started to go darker which made everybody shocked.

"Wait? Guys! Look at the sky! Unexpected eclipse? Bakit?" Georgette suddenly uttered while looking at the sky.

Napatingin rin bigla si Sol sa kalangitan kung saan nakikita niya na nagdidilim na ang langit at nagtatagpo na ang Buwan at ang Araw.

"Sabi sa balita, this is an unusal event and the experts didn't see this eclipse coming. It's like it just came out of nowhere." Georgette said while looking at her phone.

"Eclipse? Well, that's odd. Unusual, but who cares!" Calix said, "Ayaw ko na makikita ko kayo ulit sa susunod, lalo ka na, Sol. Naaalibadbaran ako sayo and I don't even know why." Calix added and went inside of the hall again.

Then, Sol was just left speechless and in shocked after being touched by Calix and when the unexpected eclipse happened.

At doon na napagtanto ni Sol ang mga pangyayari, kung bakit biglaan ang pagdilim ng kalangitan...

"Wag mo sabihin, Chronos, na Si Calix at si Luna ay iisa?" Sol uttered to himself while looking at Calix from a far, "Si Luna ay isa ng lalake?"

End of Chapter 1