webnovel

65th Chapter

Eloi Samantha's Point of View

It is Lunch time now, kasama ko ang parents ni Shiro, nandito rin ngayon si Mama. Nasa restaurant kami ng aking ina, ilang beses na akong nagpunta rito pero ngayon ko lang hindi nagustuhan ang ambiance.

Hindi natuloy ang supposedly dinner namin kagabi kaya ngayon ito natuloy as a lunch.

Tahimik lamang kaming kumakain, wala ni isang sumubok mag-salita.

I was about to break the ice but his mom talked.

"I heard your customized wedding dress will be finished by next month?" she asks, I nodded and gave her a smile.

"Yes, Tita," sagot ko, his parents are nice, but sometimes they are just too much, I hope I won't experience their overboard guidance today.

Totoong next month ay tapos na ang wedding dress ko, designed it ng isang successful and internationally known fashion designer, that designer is closed with Tita Shina.

Natapos na sa pagkain ang mother ni Shiro, she crossed her hands in front of us, not knowing what is processing in her head.

I gulped, I am getting nervous because of her.

"Bakit hindi na lang next month ang kasal?" napatingin kaming lahat sa kaniya, kay Tita Shina, bigla siyang tumawa. "I mean, halos isang buwan na kayong engaged pero wala pang wedding date, hindi ba masyadong risky ito? Baka mamaya magbago pa ang isip ng isa sa inyo."

"Honey," bigkas ng asawa nito, si Tito Calvin.

"Mom," sambit ni Shiro sa kaniyang ina. "Samand I don't want to rush everything."

Her mom smiled. "It was a joke, just a joke, of course, your mom knows it takes time to prepare a big wedding...but, hija, do you really love my son?" I was surprised by the sudden question.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, hindi ko na talaga alam ang nararamdaman ko.

"I... I..." I couldn't continue what I have to say.

Naramdaman ko ang paghawak ni Shiro sa kamay ko sa ilalim ng lamesa,

"We love each other, mom, we love each other," walang pag-alinlangang deklara ni Shiro, nanliit ako bigla, nagawa niyang sabihing maghal namin ang isa't isa kahit na alam niyang hindi ako sigurado sa nararamdaman ko.

"I am sorry, Shiro," isip ko.

I don't deserve him, he deserves someone much better than me, and that hurts me so much.

Natapos ang lunch namin na ang pinag-usapan lamang ay ang wedding, which is the preparations and our parents desired date, tahimik lamang ako dahil nasasaktan ako para sa lalaking alam kong siguradong mahal ako, na alam kong kayang igive up ang lahat para sa akin at alam kong hindi ko kayang mahalin tulad ng pagmamahal ko kay Paolo.

Bakit hindi ko magawang tumbasan ang pagmamahal niya sa akin?

Niyakap ako ni Shiro at hinalikan sa noo bago kami magpaalam ni Mama sa parents niya.

"I love you," bulong niya sa akin na mas lalong nagpakirot sa puso ko.

Oo, mahal ko si Shiro, throughout the time na magkasama kami nagawa kong mahalin siya pero hindi kasing laki ng pagmamahal niya sa akin.

Bibigkasin ko na sana ang mga katagang "I love you, too," pero hinarangan niya ng index finger ang bibig ko.

He mouthed, "I know," with a smile and sparkling eyes, I smiled back and hugged him tightly.

Dumiretso kami ni Mama sa parking lot para hanapin ang kotse ko, nang makapasok kami sa loob at nagsusuot na ako seatbelt nagsalita na siya.

"Busy ka pa today?" she asks, I shook my head immediately.

"Hindi po, ma, wala gaanong business matters ngayon kaya free ako," nakabit ko na ang seatbelt ko at inistart ang makina.

"Do you want to visit your grandfather?" nilingon ko si Mama, nakatingin lamang siya sa bintana, she been like this awhile go, looks gloomy.

I think she missed Lolo nowadays, magdadalawang buwan na ring patay si Lolo pero maski ako ay hindi pa rin magawang matanggap na wala na siya, hindi ko manlang siya nakasama bago siya mawala. But between my mother and I, I am sure she is more grieved for grandfather's death, ngayon mag-isa na lamang siya, her old brother had died a long time ago, her mom died four years ago, and now his father had died as well. Kay Lola at Lolo pa nga lang ang sakit na sa puso ko paano pa kaya para kay Mama.

"Opo, tara na po?" tanong ko kaya Mama, nilingon niya ako, binigyan ko kaagad siya ng ngiti at ganoon din ang ginawa niya, binigyan niya rin ako ng ngiti.

Iniandar ko na ang kotse at nagmaneho papunta sa cemetery ni Lolo, Lola at Tito Solomon, it's been seven years since I last visited my uncle and his wife's grave. I even have forgotten now where his grave is, and to be honest, I never got the chance to meet my uncle, I am only three years old when they died in a car accident, so basically I have no recollection of being with them, I have only seen their photos.

Nasa iisang mausoleum sila, lahat ng Hidalgo ay magkakasama roon.

Hindi traffic kaya by 1:33 PM nakarating na kami sa cemetery, wala gaanong tao and visitors, malayo pa naman ang November and it is still July, my last visit here when Lolo was still alive was November 2014, noong bumalik ako sa Pilipinas four years ago ay sa Amerika pa nakalibing si Lola, a year later lang nilipat ang remains niya rito.

Dala ngayon ni Mama ang pile of flowers na binili namin sa malapit na flower shop dito sa cemetery, bumili rin kami ng candles, tahimik lang siya habang kasama ako, she never talked while we are in the car, when we were in the flower shop and as well as when we are walking towards Hidalgos Mausoleum.

Nang makapasok kami sa loob ay ang lungkot ng atmosphere, there are lights but it feels empty, here lie the people we love, their names are on the gravestones, ayoko nang madagdagan pa ang mga pangalan dito sa mausoleum namin pero hindi ko naman hawak ang buhay ko at ng pamilya ko, kung constant ang change at death is given, then you cannot change death.

Hiningi niya sa akin ang candles, inilagay niya iyon sa altar ni Jesus Christ dito, nang masindihan niya na lahat ay inilagay niya na rin ang pile of flowers sa tabi ng mga candles, she sign of the crossed and I did the same thing, then we prayed.

"Samantha?" sambit ni Mama kaya napatigil ako sa pagdadasal, nagsign of the crossed ulit ako at tiningnan siya. May inabot siya sa aking litrato, agaran akong napakunot doon.

The pic is contains a woman having a newly born baby on her arms, the background is in a hospital, yung babae ay nakahospital gown pa at may dextrose, sobrang laki ng ngiti nito sa litrato. Namukhaan ko ang babae sa picture, sigurado akong siya iyon.

"Isn't she Tito Solomon's wife? I didn't know they had a baby," tanong ko kay Mama, tanda ko ang mukha niya, ang nakakapagtaka lang ay sino iyong baby na nasa bisig niya, alam ko ay walang anak ang mag-asawa.

Umiwas nang tingin sa akin ang aking ina, nakita ko ang pagtulo ng luha sa mata niya, bakit ang weird ng asta ngayon ni Mama? Masama ba ang kaniyang pakiramdam?

Hinawakan ko ang braso niya, hinarap niya ako at hinimas himas ang kamay ko.

Wala akong ideya sa kilos niya ngayon, this is the first I've seen her looks so devastated.

"Balak ko na sanang sabihin ito sayo four years ago, pero naaksidente ka, anak," bumibilis na ang agos ng luha sa kaniyang mata. "Nangako ako kay Dad, sa Lolo mo, na hindi ko ito sasabihin sayo dahil ayokong masaktan ka, at gusto ko ay lumaki kang may kumpletong pamilya," dagdag pa niya. Mas humagulgol pa si Mama.

I really don't understand her point, binigay niya ang picture na ito sa akin pagkatapos ay ganito ang mga sinasabi niya, I mean, what's exactly her point?

"Ma, hindi po kita maintindihan, if it is about four years ago, you heard my diagnosis, I have an amnesia," that's a lie, but it's really for the better, ayokong maging worried pa siya sa akin.

My mother looks at my eye directly, her eyes is full of sadness, I felt bad, nagpapanggap akong walang ala-ala sa nangyari sa kanila ni Papa at ngayon hindi ko magawang iconsole ang sarili kong ina.

Am I selfish? Am a bad daughter?

"Samantha, alam kong naalala mo ang lahat, pero hindi ko na kaya pang itago ito, panahon na para malaman mo ang totoo, and I am really sorry, anak," sambit niya sa akin at umiyak na naman siya, this time it's unbearable, naluluha na rin ako dahil sa sakit ng iyak niya.

Nabigla ako sa narinig kong alam niyang naaalala ko ang lahat, hindi ko na rin namalayang tumutulo na rin pala ang luha ko.

Hinawalan ko ang kamay niya at pinipilit kong hindi ngumawa. "No, Mama, ako dapat ang nagsosorry, I am sorry po for leaving you scarred, I know it's more painful for you, you endured it for five years pagkatapos yung anak mo nakipagrelasyon pa anak ng mistress ni Papa," tumawa ako as a humor, ayokong umiyak pa ng sobra kaya tumawa na lamang ako. "Sorry po dahil imbis na tulungan kayo magheal, hinayaan ko lamang kayo at nagpanggap akong walang ala-ala noong mga time na iyon."

Sa tingin ko ngayon mas maliliwanagan na ako na tama lamang na pinaglaruan kami ng tadhana, kung pinapatuloy namin ang relasyon namin ni Paolo baka mas nagkasala pa ako kay Mama, at hindi lang naman kaming mga adults ang damay rito, madadawit din si Ace na kadugo naming dalawa. This whole mess is a damsel in distress.

I looked at her pero umiling-iling siya, patuloy pa rin siya sa pag-iyak. "No... no... you shouldn't be sorry, Samantha, I made a huge sin towards you and Paolo," aniya habang nakatungo na.

What sin does my mother talking about?

Bumuntong hininga ako. "I am the sinner, Ma, I almost wished to be with Paolo一whose my half-brother's half-brother, there is someone in between us, which is Ace, yes we are not blood related but our situation is really messed up, if I ended up with him people might consider as sinners," pagtatama ko.

Kinuha niya ang picture na nasa palad ko.

Nakita ko ang paglunok niya.

"Do you know who is this baby?" tanong niya sa akin.

Hindi ko na talaga maintidihan si Mama, she is acting really weird.

Umiling ako, pinakita niya sa akin ang picture.

"This is you, Samantha," my mother said while pointing her index finger on the baby. "This is you. You are Solomon and Meribel's daughter."

***

Paolo's Point of View

Nasa sala kami ngayon ni Mama at ate Pauline, hindi ko inaasahang nandito siya, wala namang gaanong nagbago sa kapatid ko, kung ano siya noong huli kong makita ay ganoon pa rin siya hanggang ngayon, medyo tumaba lang siya ng konti.

"Bakit ka nandito?" tanong ko habang inaabot sa kaniya ang isang strawberry donut.

Inirapan niya ako at pinagtaasan ng kilay. "Ganyan ba dapat batiin ang pretty sister mo, bruh?" maattitude niyang sabat sa akin, napatawa na lang ako, wala ngang nagbago sa kaniya.

"Bakit nga?"

Suminghap siya at may inabit sa aking brown envelope, kinuha ko iyon, nagdalawang-isip akong buksan dahil baka kung ano ang lamang noon, pero binuksan ko pa rin.

Tumambad sa akin ang isang contrata ng kumpanya namin一ng Scott.

"Please be the CEO, Paolo," ani at Pauline, nanlambot ako, ngayon ko lang ulit nakita ang papeles tungkol sa kumpanya namin noon, kumpanyang dati ay handa ko nang manahin.

Ibinaba ko ang envelope at papeles sa lamesa.

"Sorry, ate, tinakwil na ako ni Dad, remember? Nasa akin pa ang apelido natin pero yung heritage wala," tumayo ako at akmang iiwan na sana sila sa sala pero nagsalita pa siya.

"Pinalayas ka niya kapalit nang treatment ni Mama pero never ka niyang tinakwil bilang anak! Paolo, for goodness sake, kaw ang nagtakwil sa sarili mo!" I sneer with what she babbled. "Bakit mali ba? You had a numerous opportunities to comeback but you never did, pati si Lolo never nawalan ng pag-asa na bumalik ka."

"Pwede ba, ate, umalis ka na, ayoko na madawit pa kay Dad," sambit ko.

"Can't you help me out at least?" nilingon ko siya, hinawakan niya ang kaniyang tyan, anong ibigsabihin noon?

Nagsalita si Mama. "Your sister is 3 months pregnant," nanlaki ang mata ko dahil sa gulat.

No wonder kaya nanaba siya, sino kaya ang ama ng pinagbubuntis niya

"Let's just have a deal, be Scott Corp.'s CEO for six一no seven months because I need at least a one month maternal leave after my delivery."

"Seryoso ka, ate?"

Tumango siya. "Yes, I am very serious, I really need you, wala naman ako mapagbigyan ng pwesto ko dahil walang qualified, you are my only candidate," napasinghap na lamang ako sa sinabi niya.

"What can I get in return?" tanong ko.

"Good question, it is something very precious, beautiful and priceless, you can expect it after a month, hindi pa polished," nakangiti niyang sambit sa akin. May inabot siya sa aking fountain pen.

Pipirma ba ako o hindi?

Tiningnan ko si Mama para hingan siya ng opinyon.

"It's up to you," sagot niya.

Pumikit ako para mag-isip ng desisyon ko, at pinirmahan ko na ang kontrata, pitong buwan lang naman, at para sa kalusagan ng kapatid ko.

"I still have a contract in SHI, what should I do about it?"

"Don't worry, we can work with that, just give them a resignation letter, and we can pay the fine later on," sambit niya. "Now, let's go," aya niya sa akin.

I frowned. "Saan?"

"To Lolo and Dad."

"Wait, what? Wala ito sa usapa一" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil hinigit niya na ako papalabas.

Hinigit ako pababa ni ate Pauline at doon tumambad sa akin ang isang kotse, si Mr. Gerer agad ang bumati sa akin, he is still my grandfather's butler I must say.

Lumabas doon si Lolo, naggesture siya na yakapin ko siya, nag-alinlangan ako dahil apat na taon ko siyang hindi binisita at naguguilty ako dahil doon.

Naging hindi ako masunurin kay Lolo pero kahit naman ganun ay mahal ko ang matandang ito, humakbang ako at niyakap siya, bigla namang niya akong binatukan.

"Akala mo masayang walang sakit ng ulo sa Mansyon?" tanong ni Lolo sa akin, pati siya ay hindi rin nagbago, mas dumami ang kaniyang kulubot sa mukha at puting buhok pero mukhang healthy pa rin ito base sa pagtayo niya. "Mabuti at napapayag ka ng ate mo."

Nginitian niya ako at binatukan ulit. "Lolo!" angal ko na dahil masakit ang huli niyang pagsapok sa ulo ko.

"Patawad, at pumasok ka na sa loob, naghihintay ang Dad mo," aniya, napabuntong hininga ako dahil parang hindi ko pa kayang harapin si Dad, masyadong mahirap iyong pinagawa niga sa akin noon at pinagsisisihan kong pumili ako.

Pinagbuksan ako ni Mr. Gerer ng kotse, pumasok ako sa loob at nandoon si Dad habang seryosong nakaupo.

Tahimik ang unang mga segundo, hindi ko rin matingnan ang ama ko.

"Paolo," banggit niya, dahan-dahan ko siyang tiningnan. Mas lalong tumanda ang itsura niya, kung noon ay mukha pa rin siyang bata ngayon ay naging mukha siyang stressed. "Patawarin mo sana ako, sa apat na wala ka, pinagsisisihan ko iyon ng matindi," dagdag niya pa.

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin.

"You don't need to forgive me, son, it is enough for me to apologize."

Sa tingin ko ang kitid ng utak ko, may pain din kay Dad pero mas pinagtutuunan ko ng pansin ang pagkamuhi ko sa kaniya.

Bumuntong hininga ako.

"Dad alam ko po na masakit para sa inyo na si Mama ang pinili ko kahit alam kong niloko ka niya, but she needs me that time, and you are also against Eloisa and I, however I think understand everything now," sambit ko. "Sorry din po, masyado atang naging makitid ang utak ko para hindi makuhang reasonable ka four years ago."

Desisyon kong piliin si Mama over kay Eloisa, desisyon ko rin itakwil ang sarili ko sa pudar ni Dad, pero ngayon lahat ng iyon ay nakaraan na lang, kailangan ko nang bumangon mula sa kaguluhan ito, kailangan ko nang maglakad at magpatuloy sa buhay ko, tutal yung babaeng dahilan kaya ayokong humakbang ay hindi ko na makukuha pa.

"Babalik ka na ba bilang anak ko?" tanong niya.

Ngumiti ako at tiningnan ang aking ama.

Ako ay tumango. "Pero sana po wala nang pilitang maganap, tulad noong kay Eadaion Lorenz, paki sabihan na rin si Lolo, kung may papakasalan man ako gusto ko yung taong mahal ko, hindi man si Eloisa iyon," sambit ko sabay stretch. "Lalabas na ho ako," binuksan ko ang pinto pero nagsalita pa si Dad.

"Sa totoo niyan may ikakasal sa susunod na buwan, Lorenz at Scott," natigilan ako sa nadinig ko.

"Po?" tanong ko sa kaniya.

Tama ba ang nadinig ko? Lorenz at Scott?

***

Eloi Samantha's Point of View

Tatlong linggo na ang nakalipas simula nang malaman kong hindi ako anak ni Mama, ang totoo ay pamangkin niya lamang ako, ayon pala ang rason kaya hindi si Kuya o Ate ang heir ng Hidalgo, dahil ako ang anak ng panganay ni Lolo.

Ayaw pa ring magfunction ng utak ko sa mga nalaman ko, ang sakit sa dibdib malaman na may tinago sila sa akin at hindi lamang iyon, hindi man lang nila ako binigyan ng tsansa maging anak sa tunay kong magulang, kahit wala na sila, kung alam kong ang tunay kong mama at papa ay wala na siguro nabigyan ko sila ng oras para dalawin lagi, pero never ko yun nagawa.

May binigay sa akin si Mama, nga albums ito, old albums, doon nakita ko ang pictures ko kasama ang tunay kong magulang, mula baby hanggang sa mag-three years old ako. Sa mga pics I am always smiling and I think they were a really good parents, but it's too sad I don't remember a single thing.

My current parents raised me so well and they loved me also, but right now, it feels emptry and chaotic, my life went bad. Pero hindi sila sisihin dahil ito talaga ang tadhana ko.

Nang malaman kong hindi ko tunay na ama si Papa, para akong binunutan ng tinik, ayokong magsaya pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Kung hindi ko siya tunay na ama ibig sabihin ay walang balakit pa para sa amin ni Paolo, pero sa tingin ko hindi talaga kami ang para sa isa't isa.

Iyong araw na gusto kong sumugal, nagpasa siya ng resignation letter at naglaho na lang bigla, hanggang ngayon wala na ang balita sa kaniya.

Oo, ang selfish ko dahil nagdalwang isip akong pakasalan si Shiro nang sabihin ni Mama sa akin lahat pero ngayon ayoko nang magalinlangan pa, hindi naman kami ni Paolo ang para sa isa't isa.

Binuksan ko ang cabinet ng table ko para ilagay ang album na hawak ko ngayon, tumambad sa akin ang resignation niya at liham para sa akin, kinuha ko iyon at binuklat.

Naalala ko ang bawat sinulat niya sa liham.

Napapikit ako at buntong hininga, he let me go just like that, I should do the same thing, ikakasal na ako at mukhang masaya naman na sila ni Eadaion.

May mga bagay na hindi mo papasakamay, at ganun din kung tungkol sa tao, may mga taong hindi para sayo, marahil pinagtagpo kayo ng tadhana pero hindi ibig sabihin noon ay kayo na ang nakatakda.

My telephone suddenly rang, the sound of the rang spreads in my empty office, I get it and it is from Secretary Roque.

"Hello, Miss Sam?" bungad niya sa akin.

"Yes?"

"The business partners from Paris called, they emailed you the terms na raw po," aniya sa akin, I suddenly forgot about the deal with a Paris model agency.

"I understand, I will check my email now," ibinaba ko na ang telepono at binuksan ang CPU ko.

Marami akong iniisip na personal matter pero dahil may responsibility ako sa kumpanya hindi ko magawang ipagpaliban ang pagtatrabaho, they call this professionalism but this is purely self-harm.

Inopen ko ang email ko and there I saw the terms the model agency in Paris wants, they are demanding but what is important is they signed the contract.

I am about to turn off my monitor when I saw an email from a gmail andreamendozaproductions@gmail.com, isa lang naman ang kilala kong may pangalang ganito.

Mabilis kong pinindot ang kaniyang email at binasa.

My bestfriend wants to see me, and I want to see her too, it is now August 9, kahapon pa siya nag-email ng gabi. Nag-reply ako agad sa kaniya habang umaasang magkita kami ngayon at napangiti ako nang mag reply siya agad na sa coffee shop malapit sa SHI kami magkita.

Pumunta agad ako sa coffee shop, konti lang ang tao na mabuti naman dahil gusto ko ay tahimik ang lugar.

Five minutes passed and she arrived, she is still the same old Andrea I met four years ago, mayroon pa ring eyeglass pero mas naging mature ang itsura niya, she looks beautiful and bloomy!

Nginitian niya ako bago umupo sa harapan ko, inayo niya ang kanyang sarili at nag-abot ng kamay.

"I am Andrea," pagpapakilala niya, of course I know her, but should I tell her I do?

Inabot ko iyon. "Samantha," sagot ko sa kaniya, this feels like good old times, this is just like our first meeting.

Ngumiti siya at may kinuha sa kaniyang bag, isa iyong brown scented envelope.

May lumapit sa aming waiter para kunin ang order namin dito sa coffee shop pero sinabi ni Andrea na mamaya na kami oorder at iwan muna kaming dalawa.

Napakunot ako dahil hindi na maganda ang nararamdaman ko sa susunod na mangyayari, yung sinabi niya sa email na meron siyang gustong sabihin, itanong at ibigay sa akin sa tingin ko ay hindi maganda iyon.

"I really don't like beating around the bush," aniya. "Do you still love Paolo?" tanong niya sa akin, nabigla ako doon.

"What are you talking about?"

"Sa mga naging kaibigan mo sa Craeven ako yung pinaka kilala ka, and I am worried right now, first you are acting you have an amnesia, and next week something painful will happen."

I snigger, I really din't understand her actions right now.

"Makakangiti ka pa ba kung ibigay ko sayo ito?" she said as she gave me the brown scented envelope. "If you still love him do everything you can to stop this."

Napakunot na ako dahil sa sinasabi niya, kinuha ko ang envelope at binuklat iyon.

Nanlamig ako sa aking nabasa.

"Yes, Eadaion and Paolo is getting married next week."