Dali-daling nagtungo si Paulo sa bahay ni Anna upang kausapin ang dalaga ngunit tanging si Kuya Anton lamang ang nadatnan niya sa bahay ng mga ito.
"Oh, Paulo, napadaan ka?" nagtatangang tanong ni Anton.
"May usapan ba kayo ni Anna? Eh umalis siya kasama daw mga kaibigan nya," muling dagdag ng Kuya.
"Ah. Ganun ba kuya. Wala naman po kaming usapan," panimula ni Paulo.
"Kuya, pwede ka bang makausap" muling wika ni Paulo sa seryosong tono.
"Ako? Ah sige. Tuloy ka?" nakakunot ang noong anyaya ni Anton kay Paulo.
Pumasok ang dalawang lalaki sa loob ng bahay at pinaupo ni Anton ang bisita.
"Gusto mo ba ng kape o kaya juice?" pag-aalok ni Anton sa binata.
"Hindi na po Kuya. Okay lang po ako," sagot naman ni Paulo.
"Ano ba ang atin?" pagtatanong ni Kuya Anton.
"Ah. Kuya, alam ko pong pangalawang beses nyo pa lang akong nakikita at nakikilala. At alam ko rin pong hindi masyadong pormal at maayos ang una nating pagkikita. Pero gusto ko lang po sanang sabihin at magpaalam sa inyo tungkol sa aking hangarin at intensiyon kay Anna," seryosong wika ni Paulo.
Nakikinig lamang si Anton sa mga sinasabi ni Paulo. Nanatiling tahimik si Anton at muling nagsalita si Paulo.
"Alam ko po na nag-iisang kapatid ninyong babae si Anna. At alam kong sobra nyo siyang minamahal at pinoprotektahan. At ganun din po ang intensiyon ko para sa kapatid ninyo. Ang mahalin at protektahan siya. Kung mabibigyan nyo po sana ako ng pagkakataon na maipakita ko po sa inyo ang tapat kong hangarin sa kapatid ninyo. Alam ko pong marami pa akong dapat mapatunayan hindi lang sa inyo, kay Anna, maging sa aking sarili. Mahal ko po si Anna. At hinihiling ko po ang inyong permiso upang mapatunayan ko po ito," mahabang dagdag pa ni Paulo.
"Alam ko namang mabait kang tao at tapat ang hangarin mo para sa kapatid ko. Alam ko rin na kahit papaano ay espesyal ang turing nyo sa kanya. Lalu ka na. At ganun din naman siya sa inyo, at sa iyo. Kung tutuusin, hindi mo na naman kailangan magpaalam sa akin. Or kahit sino sa pamilya namin. Sa pagitan lang ninyo ni Anna ang mga bagay na iyan," mahabang wika ng kapatid ni Ann.
"Pero isa lang siguro ang masasabi or maihahabilin ko sa iyo, huwag na huwag mong papaiyakin ang kapatid ko. 'Yan lang ang magiging pakiusap ko, kasama na rin ang aking mga magulang. Alam kong seryoso ka sa kanya at natutuwa ako sa pagpapahalaga mo sa opinyon namin. Kaya iyon lang ang aming hiling sa iyo. Huwag na huwag mo lang siyang papaiyakin at sasaktan," nakangiting wika ni Anton.
"Makakaasa po kayo Kuya. Hinding-hindi ko po sasaktan si Anna," nakangiti ring wika ni Paulo.
"Isa sa mga araw na ito dapat dumalaw ka sa probinsya at ng makilala mo sila Nanay at Tatay," muling wika ni Anton.
"Naku, sana nga po. Isa sa mga araw na ito," sagot naman ni Paulo.
"Oh paano. Siguro dapat maghanda ka na para sa confession mo. Gusto mo ba mag shot muna para may lakas ng loob?" natatawang wika ni Anton.
"Naku kuya sa susunod po. Magsasama po ako ng tropa para the more the merrier tayo," ganting biro ni Paulo.
"Mauuna na po ako. Maraming salamat po ulit sa oras at pakikinig nyo sa akin," paalam ni Paulo.
"Naku, wala yun. Mag-iingat ka at iingatan mo rin si Anna ah," muling sagot ni Anton.
Pagkatapos ng pag-uusap nila ng kuya ni Anna ay umuwi na muna si Paulo para maghanda sa pag pasok niya kinabukasan. Minarapat na lang muna niyang makausap ang kapamilya ni Anna para sa nararapat na rin na pagpapaalam sa mga ito tungkol sa kanyang damdamin sa dalaga.
Kinabukasan ay maagang umalis si Paulo mula sa kanilang bahay. Hindi niya maipaliwanag ang sariling damdamin. Nakakaramdam siya ng tuwa, kaba, at takot. Hindi niya alam kung ano ba sa mga damdaming iyon ang nangingibabaw sa kanya sa ngayon.
Dumating na siya sa kanilang company at una niyang tinungo ang opisina ni Sir Charlie. Nagulat pa ang CEO sa pagbisita sa kanya ng binata.
"Oh, Paulo, mukhang napaaga ka yata ng pasok ah?" nagtatakang tanong pa ng ginoo.
"Ah. Sir, may sadya po sana ako sa inyo," seryosong mukha at wika ni Paulo.
"Ano yun hijo?" nakakunot ang noong tanong naman ni Sir Chalie.
"Sir, kasi po may aaminin po ako sa inyo," muling wika ni Paulo.
"Okay," usal naman ng Boss ni Paulo.
"Sir kasi po may nagugustuhan po kasi akong babae. And alam ko po na makakasira iyon sa imahe namin bilang grupo. Lalu pa at ako ang tumatayong leader sa amin. Pero Sir kasi hindi ko po alam eh. Gusto ko po siya talaga," pagpapaliwanag ni Paulo.
Hindi sumagot agad ang ginoo na wari ba ay nag iisip ng malalim tungkol sa mga sinabi ni Paulo. Paglipas ng ilang segundo ay nagsalita na ito bilang sagot sa mga tinuran ni Paulo.
"Alam mo ba hijo natutuwa ako sa sinabi mo ngayon sa akin. Hinahangaan kita sa katapatan mo sa iyong nararamdaman. At alam ko na alam mo na maaring maging iba ang reception ng mga fans ninyo kung mababalitaan nila ito once na magstart na kumalat ang tsismis tungkol dito," panimula ni Sir Charlie.
"Naiintindihan ko po Sir. Alam ko pong malaking kasiraan ito sa akin, sa amin at sa company," tugon ni Paulo habang patuloy lamang na nakayuko.
"Totoo iyang sinabi mo. Pero kahit ganoon pa man, hindi pwedeng hawakan ng kumpanya o kahit sino ang nararamdaman ng sino man sa inyo. Hindi ko pwedeng pigilan ang damdaming meron ka para sa taong ito. Hindi kita pag-aari para manduhan ka sa kung ano ang dapat mong maramdaman. Alam ko na may posibilidad na hindi maging maganda and pagtanggap ng mga tao tungkol dito. Pero alam ko rin na maiintindihan nila na tao ka lang at tulad ng iba, may pakiramdam," sambit ni Sir Charlie na nagpataas ng ulo ni Paulo mula sa pagkakayuko.
"Sir," tangging na sabi ni Paulo sa mga narinig nito mula sa kanilang Boss.
"Paulo, huwag kang matakot. Huwag mong pigilan ang nararamdaman mo dahil lang sa sasabihin ng ibang tao tungkol dito. Haharapin natin yan. Basta ang importante ay totoo ka sa sarili mo at alam kong mahal at importante sa iyo si Anna. Kaya suportado kita," nakangiting wika ni Sir Charlie kay Paulo.
"Paano nyo po nalaman na si--," nagtatakang wika ni Paulo.
"Na si Anna? Naku Paulo, ang dali mong basahin eh. Unang kita mo pa lang sa kanya alam ko na. Nabagalan pa nga ako sa iyo eh," natatawang wika ng ginoo.
"Boss naman eh," napakamot ang ulong usal ni Paulo.
"Kung ano man yang nararamdaman mo, wala akong karapatang pigilan iyan. Pero alam ko na alam mo ang resposibilidad mo bilang artist at huwaran ng mga kabataan. Malaki ang tiwala ko sa inyo, lalung lalo na sa iyo. Alam kong hindi kayo gagawa ng mga bagay na hindi nararapat at hindi tama," sambit muli ng CEO.
"Maraming salamat po sa pag-intindi Sir. Makakaasa po kayo na mananatili akong magandang role model para sa mga tao," nakangiting paninigurado Paulo kay Sir Charlie.
"Oh paano. Mukhang marami ka pang dapat gawin at aminin ngayong araw na ito," natatawa at nakangiting sambit muli ng CEO.
"Salamat po ulit Sir. Salamat po sa tiwala. Mauuna na po ako," masayang paalam ni Paulo sa kanilang CEO na si Sir Charlie.