Kinabukasan, pagkatapos ng masinsinang pag uusap at pag-aayos nila ng kanyang kapatid ng nakaraang gabi, masayang gumising si Paulo at nagtungo na sa kanilang company. Kahit kulang sa tulog ay naging masaya at masigla si Paulo. At ang kasayahang ito ay hindi maitatanggi sa kanyang mga galaw at kilos.
"Uy Pau, parang masaya tayo ngayon ah," pabirong wika ni Kenji.
"Oo nga. Kahapon lang bigla kayo nawala ni Anna noong kakain na tayo," nagtatakang tanong ni Joshua.
"Aha! Kayo na ba? Nagdate ba kayo? Spill naman dyan," dagdag panunukso ni Lester.
"Uy tumo-Tolits ka dyan ah," biro ni Jeremiah.
"Mga sira. Hindi noh! Nagka emergency lang. Sinamahan lang ako ni Anna," nakangiting wika ni Paulo.
"Sa lahat ng emergency, parang yan yata yung gustong-gusto mo," dagdag pang biro ni Joshua.
"Magsitigil nga kayo," sabi ni Paulo habang pinanlakihan ng mata ang mga kasama.
"Hay naku. May mga nag-uumapaw na feeling na. Hindi na maitago," saad naman ni Jeremiah habang lahat ay naka tingin kay Paulo na hindi maiaalis ang mga ngiti sa labi.
"Yun oh. Hindi na siya nasinghal. Gusto na niya," naka ngiting wika ni Lester.
"'Dre, nag-iiba ka na. Pero gusto ko yan," wika ni Kenji.
"Wow. Iba ka na daw 'Pre. Iba na talaga ang nagagawa kapag inspired," gatong naman ni Joshua.
"Mga sira! May problema lang kagabi. Kaya ganun," nakatawang ngiti ni Paulo.
"Tama ka nga Kenji. Nagbago na si Pau. Hindi na siya ang Pau na dating kilala natin," wika ni Lester sabay yuko ng ulo sa balikat ni Kenji at umarteng umiiyak.
"Baliw ka talaga," sabi ulit na Paulo habang umiiling-iling.
"Tingnan nyo. Kung dati galit na yan. Pero ngayon happy pa siya," dagdag pa ulit ni Lester habang umarte muli ng pag-iyak.
"Ay naku. Mag-start na kayong mag stretching. May kukunin lang ako sa office," pag-iiba ni Paulo sa usapan.
"Okay. Sige na, sumimoy ka na. Bilisan mo lang ah," sabi ni Joshua.
"Ang daya. Buti pa siya any moment pwedeng makita ang inspirasyon. Samantalang tayo, wala naman makita," naka ngusong sabi ni Lester.
"Kahit inspirasyon wala tayo, period," wika ni Jeremiah, na sabay-sabay nagpatawa sa lahat.
Tumungo na si Paulo papunta sa silid kung saan naroon si Anna. Kasalukuyang inihahanda ni Anna ang mga kakailanganin nila ng mga oras na iyon.
"Ahem," tawag pansin ni Paulo sa dalaga.
"Oh. Andyan ka na pala. Wait lang i-staple ko lang itong mga 'to," wika ni Anna habang patuloy na inaayos ang mga papel.
"Okay lang. Take your time," saad naman ni Paulo.
"Nga pala, kamusta na kayo ni Pauline? Okay na ba kayo? Nakapag-usap na kayo?" tanong naman ni Anna.
"Okay na kami. Maraming salamat pala sa lahat ng tulong mo kahapon," pasasalamat ni Paulo dito.
"Naku, wala yun," sabi ni Anna.
"Hindi lang wala yun Anna. It was really important to me. I learned a lot yesterday. Thank you talaga sa hindi pag-iwan sa akin kahapon," muling pasasalamat ni Paulo.
Ngumiti si Anna sa dalaga at muling nag salita.
"You are always and most welcome, Paulo," sabi ni Anna.
"I am glad na okay na kayong dalawa at nagkalinawan. Ah, oo nga pala pasensya ka na rin kay kuya ah. Ganun talaga kasi yun. Parang siga-siga at astig. Pero mabait naman yun," dagdag pa ni Anna.
"Naku wala yun. Sarap ngang kausap ng Kuya mo eh. Medyo intimidating nga lang sa simula pero marami akong narealize habang kausap ko siya. Marami rin akong nasabi at naipag paalam sa kanya,"nakangiting wika ng binata.
"Naipagpaalam? Ano yun?" nakakunot ang noong wika ni Anna.
"Sa amin na lang muna ni Kuya Anton mo yun," pang-aasar pa ni Paulo sa dalaga.
"Hala siya, ano kasi yun?" pangungulit ni Anna.
"Basta. In time malalaman mo din. Sa ngayon, akin na muna ito dahil kailangan na namin mag start," nakangiting inabot at kinuha ni Paulo ang papel kay Anna at tuluyang lumakad papuntang practice room nila.
Naiwan namang naka tayo lang si Anna habang iniisip kung ano ba ang ibig sabihin ni Paulo. Kahapon pa siya nahihiwagaan sa mga sinasabi ng binata. Ngunit isinawalang bahala na lang muna ito ng dalaga at tsaka na lang kukulitin ulit si Paulo kapag hindi na silang masyadong busy.