Sinalubong ni Margareth ng isang masamang tingin si Norbert pero tila umurong ata ang pagmamaldita nya ng makita ang masamang tingin sakanya ni Norbert. Agad syang napahinto at akmang tatalikod pero biglang nagsalita si Norbert ng may galit at pagbabanta sa bawat salitang binitawan.
"Kapag umalis ka sa kinatatayuan mo ngayon, hindi kana makakabalik pa sa mansion na yan." Mariin at may galit ang bawat salita ni Norbert. Napamura sa isip si Margareth dahil doon. Hindi nya alam kung magsasalita ba sya, matatakot o tatakbo na lang pero knowing Norbert Santiago, lahat kaya nyang gawin. Pero ang nasa isip ngayon ni Margareth ay tila namis nya ang lalaki at nagugustuhan ng puso at isip nya ang kinikilos nito. Nagugutuhan din nya ang looks nito ngayon, parang isang dyos mula sa bundok ng Olympus na andito para sunduin sya para sa isang date.
Hindi namalayan ni Margareth na nakangiti na pala sya sa mga panaginip nyang iyon na agad namang sinamaan sya lalo ng tingin ni Norbert. Lalo ata itong nainis dahil sa ngumiti sya.
"Why are you smiling like that?!" Halos pabulyaw nitong sambit.
"You're cute pala kapag galit." Humalakhak si Margareth. Biglang nagbago ang aura ni Norbert at umamo ito.
"Why are you here Mr. Santiago?" Sambit ng daddy ni Margareth na nasa tabi nya na kanina lang ay nagtataka itong nakatingin sakanya.
"I'm here to take your daughter on a date." Seryosong sambit ni Norbert pero andun pa rin ang pagkamaginoo nito. Napahiyaw bigla si Margareth ng bigla syang kinurot ng ate nya sakanyang beywang.
"You're what? Date? Yes, you can date my sister." Biglang umeksena si Merideth sa usapan na agad naman syang sinamaan ng tingin ni Margareth. Napahalakhak naman si Norbert. Parang kanina lang ay galit na galit ito sakanya tapos ngayon bigla naming tatawa. Napasimangot si Margareth at nakita naman ni Norbert ang ginawa nya pero isang masamang tingin ang ibinigay nito sakanya. Napalunok muli sya dahil iba ang tinging iyon mula kay Norbert.
"Okay. You can date her but you need to go back here kapag nag 12 midnight." Napanganga sya sa sinabi ng daddy nya.
"Dad! Bakit ka pumayag?" nakasimangot nyang sambit.
"Sayang naman kung di ako papayag. Nag–effort syang pumunta rito with his helicopter." Natatawang sambit ng daddy nya. Naloloka na ata talaga sya dahil sa dami ng pagbabagong nangyayari sa daddy nya.
"Make sure na iingatan mo sya ha. Kapag hindi na sya makabalik dito susugurin ko ang bahay mo." Pagbibirong sambit ni Merideth. Natawa naman ang daddy nila dahil doon.
Nakasimangot lang si Maragerth dahil hindi man lang nila tinanong kung gusto nya bang sumama sa date. Agad silang nagdesisyon para sakanya kaya wala na syang choice kundi sumama.
"So, maiwan na muna naming kayo. May naiwan pa kaming business sa taas ni Daddy." Nakakalokong sambit muli ni Merideth saka sila tuluyang lumayo kasama ang daddy nila.
"I like your sister. She's funny and beautiful." Sambit ni Norbert ng tuluyang mawala na sa tingin nila ang ate at daddy nya.
"Edi, sya na lang ang ligawan mo!" parang biglang nag-init ang ulo ni Margareth sa sinabi ni Norbert. Ito ba ang sinasabi nilang 'selos'? Akmang aalis na sya pero agad syang binuhat ni Norbert na parang isang prinsesa at agad na isinikay sa helicopeter.
"Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung payag akong sumama sa'yo?" Hindi sya pinapansin ni Norbert dahil sa pag-aayos nito sa seat belt nya. Akmang magsasalita na sana ulit sya ng bigla inilapit ni Norbert ang mukha nito sakanya.
"Speak and I'll kiss you." Seryosong sambit nito. Agad namang tumahimik si Margareth at umayos ng upo. Pero nanlaki ang mata nya ng umupo si Norbert sa pilot seat ng helicopter.
"Bakit ikaw ang magda-drive? Marunong kaba nito?" Kinakabahan nyang sambit.
"Makakarating ba ako ng buhay rito kung hindi ako ang nagdrive?" Masungit nitong sambit habang may kung anu-anong kinakalikot sa helicopter ng biglang umingay ang paligid, umiikot na pala ang elisi ng helicopter hanggang sa unti-unti itong lumutang mula sa lupa.
Napasign of the cross bigla si Margareth dahil sa kaba. First time nyang sumakay sa helicopter hindi kagaya ng ate Merideth nyang ilang beses na.
"Pwede bang magkotse na lang tayo? Please?" Nakapikit nyang sambit. Nasa tabi nya si Norbert. Naramdaman nalang nya ang mainit nitong kamay habang mahigpit sya nitong hawak. Nakaramdam sya ng kaonting kaligtasan at andun na naman ang mga malilit na kuryenteng dumadaloy mula sa kamay ni Norbert papunta sa bawat hibla ng kanyang ugat papunta sakanyang kalamnan.
"Relax. You'll be safe ilang minutong byahe lang to. And I'll make sure also na mag-eenjoy ka sa byaheng langit nating ito." Napamulat si Margareth at sinimangutan si Norbert. Wala talagang matinong magandang nasasabi ang lalaking kasama nya ngayon.
"What? Don't you say nagiging green minded ka." Nakangisi nitong sambit. Pinamulahan ng mukha si Margareth dahil sa hiya.
"Shut up." Sambit na lang para itago ang kahihiyan.
Hinila nya ang kamay nya at tumingin na lang sa ibaba. Nanlaki ang mata nya dahil ang taas na pala ng helicopter at nakakalula pero gayunpaman ay napakaganda ng tanawin mula sa ibaba. Kitang-kita ang bulkang taal na nasa gitna ng lake. Kitang-kita ang ganda ng mga ilaw ng bawat bahay mula sa itaas. Manghang-mangha sya sa nakikita nya ngayon.
"I told you." Kinuha muli ni Norbert ang kamay nya saka niya ito dahang-dahan na hinalikan na parang nasa isang eksena sila ng pelikula kung saang nagpopropose ang lalaki sa isang babae.
Nagkatitigan silang dalawa. At mayroong namumuong kakaibang pakiramdam sa bawat isa. Pakiramdam na unti-unting nahuhulog ang damdamin nila sa isa't-isa. Margareth knows that this will going to be chaos dahil sa lalaking ito pero tila hindi na nya alam kung kaya pa nyang bitawan ang pakiramdam na ipinapadama sakanya ng lalaki o iiwan na nya ito at bibitaw na lang.
"I know what you are thinking. Believe me, may nahuhulog sa napakaikling panahon at ako yun. Hulog na hulog na ako sayo Ms. Margareth Singson Ty." Muling hinagkan ni Norbert ang kamay nya nang may isang malawak na ngiti. Ramdam ni Margareth ang pagmamahal na mula kay Norbert pero naroon pa rin ang takot. Pero paano mo malalabanan ang takot kung hindi ka susugal at susuko na lang?
"I want you always be in my side. I want you. I like you." Isang malawak na ngiti ang ibinigay sakanya ni Norbert na ngayon lang nya lang nakita. Ngiti ng higit at sobra-sobrang kasiyahan.
"I may not be the perfect man for you but I'll do my best to be the best man for you. I know I'm possessive. What's mine is always be mine. Please, be mine, Baby." Inilapit ng bahagya ni Norbert ang mukha nya saka mariing hinalikan ang noo ni Margareth.
"Kahit di ka magreply sa mga text ko o sagutin ang mga tawag ko I'll always be here for you." Napakagat ng labi si Margareth dahil sa narinig nya.
"I'm sorry about that. Nakalimutan ko kasing may date pala tayo ngayon." Napangisi si Norbert sa sinabi nya.
"So, you're considering this as a date?"
"Y-Yup." Nahihiyang sambit ni Margareth.
"Can I kiss you? Please?" Pagkasambit ni Norbert ng mga salitang yan ay agad na nyang hinalikan si Margareth. Napatawa na lang silang dalawa sa gitna ng halikan nila.
Halos ilang minute rin ang nagging byahe nila at ang limong minutong iyon ang pinakamatagal at napakaespesyal para kay Margareth. Hindi nya makakalimutan ang experience na makita ang buong city lights. Yes! Inaamin nya she's really into this kind of romantic setting at inaamin nyang kinikilig talaga sya. Babae rin syang may tinatagong kilig-bones lalo na't kasama nya ang lalaking nagparanas sakanya ng iba't-ibang emosyon sa loob lamang ng maikling panahon.
Ipinagdarasal nya ring sana hanggang dito na sila, yung wala ng ending, yung ganito lang kasaya. Gusto nya man pero ang buhay hindi humihinto sa iisang pangyayari lang sa buhay natin. Dahil ang buhay ay umiikot din tulad ng isang gulong na minsan ay na ilalim o nasa ibabaw.
Isang halik muli sa kamay ang naramadaman ni Margareth. Napangiti syang tumingin kay Norbert na abala pa rin sa pagkalikot. Kitang-kita mula sa itaas ang isang napalawak na lupain at sa pinakagitna nito ay isang kulay puting mansion. Namangha sya sa tanawin dahil ngayon lang sya nakakita ng ganito and besides ang alam nya lang ay ang mga ganitong uri ng lugar ay sa mga fairytale lang nag eexist at sa isang panaginip pero nagkakamali sya.
"We're here." sambit ni Norbert.
Tumingin sa labas si Margareth ng unti-unting bumababa sa kupa ang helicopter. Pagkababa nilang dalawa ay naroon ang isang Lamborghini na nakaparada. Malayo sa mansion ang binabaan ng helicopter kaya malamang ay kailangan pa nilang magkotse para makarating sa mansion.
Hinawakan ni Norbert ang kamay nya at saka sila nagtungo sa sasakyan. Binuksan ni Norbert ang pinto saka naman sya pumasok. Mabilis na sumakay sa driver seat si Norbert at agad na binuhay ang makina. Nagsimulang tumakbo ang kotse at tangin nasa labas lang ang tingin ni Margareth dahil sa matinding pagkamangha.
Isang napakalawak na garden ang naroon na halos kulay green lahat. May mga benches ring nalakakalat at sa isang puno ay may nakataling swing roon.
Sa kinaroroon nila ay hindi pa nila natatanaw ang bahay dahil sa lawak ng garden nito. Ilang minuto ang nakalipas ay unti-unti ng naaninag ni Margareth ang pagjalaki-laking kulay puting bahay. Ganito ba kayaman ang lalaking 'to? Tanong ni Margareth sa isip nya.
Sobrang laki ng bahay at sobrang ganda nito. May magaganda ring mga bulaklak ang nasa harap ng bahay at isang fountain na may nakatayong batang anghel na may hawak na pottery at duon lumalabas ang tubig. Manghang-mangha si Margareth dahil akala nya sa mga pelikula at t.v. lang nya nakikita ang ganitong uri ng bahay. Malaki ang bahay nila at maganda rin pero hindi kasing ganda ng bahay ng lalaking nakalahad na ang kamay para makalabas sya.
"Tara sa loob." Sambit ni Norbert. Kinuha naman nya ang kamay nito at lumabas na. Hindi pala namalayan ni Margareth na huminto na ang sasakyan sa harap ng massion ng mga Santiago.
She was tensed by the heat she felt from Norbert's hand. She never imagine that she can felt this kind of feeling in her whole life kahit na meron na syang karanasan sa pakikipagrelasyon sa ibang lalaki.
"W-Wait."pareho silang napatigil ng nasa harap na sila ng malaki ay napakagandang pintuan ng bahay.
"W-What are we going to do here? Why are we here? Dito ba ang venue ng date natin?"napalunok sya dahil sa titig ni Norbert sakanya at napahalakhak ito sa tanong nya.
"Itatago ka. Itatago ko lang ang pagmamay-ari ko." Napanganga sya sa sinabi nito.
"Hindi mo ako pagmamay-ari. Hindi ako gamit---"
"I know. I know. Then, be my princess in my castle, in my kingdom." Ngumisi si Norbert sakanya dahil sa pagkahulog ng panga nya ng husto.
How this guy makes her shiver up in her head down to her foot. How can he make her uncomfortable always because his body heat and presense? This is not good to her, not healthy to her baka mabaliw sya sa sobrang kabang nararamdaman nya.
She knows in her mind, heart and body that she starting to like this man in front of her-this crazy and beastly yet dropdead gorgeous man.
"Sinabi ko sa sarili ko ng gabing una tayong nagkita na nakita ko na ang babaeng para sa akin. Ang babaeng makakasama ko sa habang buhay. And you know what? When you left me there sinabi ko sa sarili kong hahanapin kita kahit nasaan ka man and I did it. Your body heat, your moans, your curves and all. I'm addicted to you. You're my drugs and i can't share what's mine and my drugs. Get it?" Pagkasabi ni Norbert ng mga salitang yun ay hinawakan nito ang baba nya para isara ang nakabukas na bunganga nya saka sya hinalikan nito ng mainit na halik. A passionate and warm kiss.
Gustong maluha ni Margareth sa mga sinabi ni Norbert. She's never been this happy in her whole life na may isang lalaking handa syang mahalin sa anumang paraan. She knows na nag-uumpisa pa lang ang love story nila pero gusto nyang hindi na ito matapos pa.