webnovel

When He Falls (Tagalog)

Margareth Singson Ty is a good daughter. She does all her parents' wishes. However, that does not include marrying a man she has never met and especially she does not love. One night before the engagement, she made a decision that would make her life even more complicated - a one night stand with Apollo Sebastian a known heartless beast in the business world. What if their paths meet again? What if Apollo wants her to be his bed warmer without commitments? What if it turns out to be something more than just his bed warmer?

A_SEBASTIAN · สมัยใหม่
Not enough ratings
33 Chs

Chapter 27

She's everything and the love of his life. He promised to himself that he'll protect Margareth kahit na sya ang masaktan. He remembered everything from the day they met and this day that they're on danger. He remembered those sweet and soft lips of Margareth that he loves to kiss. Those hugs, happy memories that they've made are so sweet and memorable. He'll never forget those things even until he will out of breathe. 

It was so scary and painful to see the miserable looks of someone you love the most. It make your heart break into thousand pieces. Parang gusto mong umyak pero hindi mo magawa. Naawa si Norbert para kay Margareth dahil hindi man lang nya magawang tulungan o iligtas sa ganitong uri ng panganib ang babaeng mahal nya. Naawa sya dahil hindi nya magawa ang ipinangako nya para sa babaeng gusto nyang pakasalan. 

Naalis ang panyong nakatali sa bibig ni Norbert. He cried. Wala syang pakialam sa mga taong nakakakita sakanya basta ang alam nya lang ay ang nakakawang kalagayan ni Margareth. Napayuko sya. Umiiyak at patuloy na sumasakit ang puso dahil sa nakikita. He used to be strong but when it comes to Margareth ay parang ang hina-hina nya.

"N-Norbert..." Narinig nyang sambit ni Margareth na nakatali rin sa upuan. Madaming sugat ang balat ni Margareth. Duguan ang damit nya at ang mga sugat na tinamo nya ay mula sa aksidente ay nagkulay lila na at ang iba ay naging mga pasa.

Tumingin si Norbert kay Margareth. Naiiyak si Margareth. This is the most heartbreaking scene between them at hindi ang break up nila o ang pag-iwan ni Margareth kay Norbert noon kundi itong magkaharap silang dalawa pero hindi nila pwedeng hawakan, yakapin at madamayan ang isa't-isa ng malapitan. 

"Margareth..." sambit ni Norbert. Magsasalita pa sana sya ay muling itinali ang natanggal na panyo sa bunganga nya. Nagpumiglas sya pero walang nagawa. Sinampal sya ng malakas ng lalaki at malakas na napasigaw si Margareth.

"Walang hiya kayo! Ano bang kailangan nyo?!" galit na pahayag ni Margareth. Nagpupumiglas rin sya pero walang nagawa iyon dahil sa higpit ng pagkakatali sakanya.

"Anong kailangan namin?" isang popular na boses ang narinig ni Margareth mula sa likuran nya. Napaiyak sya ng makilala kung sino iyon. This can't e happening! Bakit? Ano bang nagawa nya at pinaparusahan sya ng ganito at si Norbert ng kanyang mommy? 

"M-Mommy---" humihikbing sambit ni Margareth. Labis na sakit ang nararamdaman nya ngayon dahil sa mga nangyayari. 

"I'm not your Mom! Hindi kita anak dahil bastada ka lang!" nanlilisik na nakatingin sakanya ang mommy nya- ang kinikilala nyang ina. Napatigil sya sa pag-iyak at nahintakutan dahil sa tingin sakanya ni Alexandra. Lumapit ito kay Margareth at mahigpit syang hinawakan sa baba. Nagpumiglas sya pero mas lalo lang humigpit ang hawak doon ni Alexandra. Gusto man nyang sumigaw dahil sa iyak ay hindi nya magawa. Napaluha sya at pinilit nyang huwag mapaiyak. Nagpumiglas din si Norbert dahil gusto pigilan ang ginagawa ni Alexandra dahil nasasaktan na si Margareth.

"I'll never be your mom. Your nothing but a bastard daughter of that slut! Kagaya ka ng Ina mong mahilig makisalo at makisingit." binitawan ni Alexandra ang pagkakahawak sa baba ni Margareth. Akala ni Margareth ay wala na itong gagawin sakanya. Napasigaw sya ng malakas ng hinila nito ang buhok nya saka sinabunutan. Magkaharap sila ng mukha dalawa at kitang-kita roon ni Margareth ang galit sa mata ni Alexandra.

Rinig na rinig ang pagsisigaw ni Norbert pero hindi iyon pinapansin ni Alexandra. Gustong-gusto ni Norbert na pigilan si Alexandra pero hindi sya makawala kahit gaano pa man ang pagpupumiglas nya. Lumapit sakany ang isang alagad ni Alexandra at bigla na lang sya nitong sinuntok sa tyan dahilan kaya sya napayuko dahil sa sakit.

"Ano bang kasalanan ko sayo? Ano?"hindi mapigilang tanong ni Margareth kahit na natatakot sya. Naiiyak na sya pero pinipigilan nyang huwag bumuhos ang mga luha nya.

"Anong kasalanan mo? Ang kasalanan mo lang naman ay ang nabuhay ka pa sa mundong ito. I'd kill your mother at inihulog ang sasakyan nya sa bangin dahil gusto kong wala na akong kahati sa asawa ko but you came in just a bliss of an air at kinupkop ka pa. Ang galing talaga ng ina mo dahil nagawa ka pa nyang buhayn kahit alam nyang papahirapan lang kita at papatayin sa huli kagaya nya." mahabang litanya ni Alexandra. Napaiyak na si Margareth dahil sa mga narinig nya. Hindi nya akalaing magagawa iyon ng kinikilala nyang ina sa tunay nyang ina. Ang buong akala nya ay isang aksidente lang iyong nangyari pero he'to rinig na rinig ng dalawang tenga nya ang kagimbal-gimbal na katotohanang sinadyang patayin ang ina nya.

"Isa kang demonyo!" umiiyak na sigaw ni Margareth. Sinampal sya ng malakas ni Alexandra.

"I know that already!" nanlilisik na mga matang nakatingin sakanya si Alexandra. Nagpumiglas si Norbert at natanggal ang nakataling panyo sa bibig nya.

"Walang hiya ka! I will kill you Alexandra!" tumawa si Alexandra saka binitawan ang pagkakasabunot sa buhok ni Margareth saka naglakad papunta kay Norbert. Tumatawa ito na parang isang biro ang lahat ng ginawa nya.

"I thought you already died in that car pero hindi pa pala. Nabalitaan ko sa kapatid mong tuso na buhay ka kaya I've planned this dahil gusto kong makita ng dalawang mata mo kung papaano ko papatayin ang babaeng ito at pagkatapos ay isusunod kita." inilapit ni Alexandra ang mukha nya kay Norbert. Dinuraan sya ni Norbert. Galit na sinampal ni Alexandra dahil sa ginawa ni Norbert na pagdura.

"Wala kang kaluluwa!" sigaw ni Margareth.

"I know that my dear kaya nga sinusulit ko na dahil alam kong pupunta ako sa impyerno at isasama ko kayo." tumawa si Alexandra ng malakas. Kinuha nya ang baril sa isa nyang alagad at nilaro-laro iyon sa daliri nya na para bang sanay na sanay itong humawak ng isang bari.

"Ito na siguro ang isa sa pinamasayang araw ng buhay ko ang makitang wala kang buhay." sambit ni Alexandra. Itinutok nya ang baril sa noo ni Norbert pero ibinaling nya iyon kay Margareth saka ibinaling ulit kay Norbert. Hindi ito makapagpasya kung sino ang unang babarilin at papatayin.

"Sino sa inyong dalawa ang uunahin ko?" tumawa ng malakas si Alexandra na para bang nababaliw na. Napapikit si Margareth at nananalangin sa Dyos na tulungan sila. Napaluha sya dahil sa kawalan ng pag-asa. Hindi nya alam kung saan pa kakapit pero alam nyang andyan pa ang Panginoon. Sana tulungan silang makawala. 

Lumapit si Alexandra kay Margareth at itinutok ang baril sa noo nya. Napapikit ng mariin si Margareth. Nagpupumiglas naman sakanyang upuan si Norbert pero hindi nya pa rin magawang makaalis. Nanginginig na ang dalawang tuhod ni Margareth sa takot. Pinagpapawisan na rin sya ng husto. Kung ito man ang magiging katapusan ng buhay nya ay tatangapin nya pero para sa magiging anak nila ni Norbert ay lalaban sya pero papaano? Wala syang kawala dahil nasa mismong harapan nya ang panganib na maaring tumapos sa buhay nilang tatlo ng mga anak nya.

"M-Maawa ka. Maawa ka sa akin at sa magiging mga anak ko." napaiyak si Margareth. Nakapikit pa rin sya dahil ayaw nyang makita ang takot na takot na ring mukha ni Norbert na nagpupumiglas pa rin.

"E'di marami pala akong papatayin?" malakas na tawa ni Alexandra.

"Hayop ka!" sigaw ni Norbert. Natanggal muli ang pagkakataling panyo sa bibig sya dahil sa matinding pagpupumiglas nya. Muli rin syang sinuntok ng isang alagad ni Alexandra sa tyan. Tila namanhid na sakit ang buong katawan ni Norbert at hindi na nya ininda ng husto ang sakit ng pagkakasuntok sakanya.

"'Yan din ang sinabi sa akin ng ina mo dati. She beg for me to save her para sayo pero syempre dahil wala akong awa sa mga taong sagabal sa mga plano ko, I killed her. She's nothing but a trash like you. Hindi kayo maaring mabuhay sa mundong ito at makisalo sa hanging nilalanghap ko." nanlilisik na nakatingin si Alexandra sa nakayuko at mariing nakapikit na si Margareth. 

"Tama lang na matakot ka dahil ito na ang katapusan mo." ipinutok ni Alexandra ang baril sa itaas. Umalingaw ang malakas na putok ng baril sa loob ng warehouse kasama ang takot na takot na sigaw ni Margareth. Isa pang putok ang ginawa ni Alexandra at ang pinakahuli ay itinutok na nito ang baril kay Margareth.

"Isa na lang ang bala nito at nireserved ko para sa'yo." umiiyak na si Margareth. Walang kalaban-laban. Hindi na rin mapigilan ni Norbert ang umiyak dahil wala man lang syang magawa para kay Margareth.

"Patayin mo na lang ako at palayain mo si Norbert" humihikbing sambit nya. 

"Nagpapatawa ka ba? Pareho ko kayong papatayin para walang maiwang ebidensya. And after killing both of you ihuhulog ko ang bangkay nyo sa bangin to makes everything perfect under my plans." tumatawang sambit ni Alexandra. Tila wala na ito sa katinuan dahil sa mga kasamaang ginagawa at sinasabi nya.

"One..." sambit ni Alexandra. Napasigaw si Margareth at humihingi pa rin ng tulong sa Dyos gamit ang isip nya.

"Two..."

"Three..." kakalabitin na sana ni Alexandra ang baril nya ng biglang may malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa warehouse. Napatingin ang lahat sa pinangalingan ng putok at lahat ay tumakbo dahil dumating ang mga pulis. 

Sunod-sunod na ang putukan ng baril sa pagitan ng mga alagad ni Alexandra at mga pulis. Nagsisigaw pa si Margareth dahil sa nakakabingi at paulit-ulit na putok ng baril. Takot na takot sya. Pinilit ni Norbert ang mahulog ang panyong nakatali sa bibig nya. Walang nagbabantay sakanilang dalawa. 

Nang sa wakas ay  aalis ang panyo ay agad syang sumigaw para maagaw nya ang atensyon ni Margareth.

"Margareth. Tumingin ka sa akin. Baby," sigaw ni Norbert pero hindi iyon nadinig ni Margareth na nakayuko at takot na takot. Umiiyak at walang magawa.

"Baby! Tumingin ka sa akin. Please?" nagmamakaawang sambit ni Norbert. Itinaas ni Margareth ang ulo nya at patuloy pa ring umiiyak.

"Ayaw ko na dito. Ayaw ko na. Takot na takot na ako. Umalis na tayo." umiiyak na sambit ni Margareth. Walang magawa si Norbert kundi ang tignan lang ang kalagayan ni Margareth dahil kahit sya ay hindi pa rin makagalaw ng maayos dahil sa pagkakatali. 

"Aalis tayo dito. Aalis tayo at makakaligtas tayo kasama ang mga magiging anak natin. Okay?" sambit nya. Umiiyak pa rin si Margareth.

Patuloy pa rin ang engkwentro ng magkabilang grupo. Wala na sa paligid si Alexandra. Tumakas na siguro ito dahil sa takot na mahuli ng mga pulis. May lumapit na isang pulis kay Margareth at dali-daling inalis ang pagkakatali ng dalawang paa kasama ang mga kamay. Patakbong lumapit si Margareth kay Norbert at dali-daling inalis naman ang mga nakatali sakanya.

Nagyakapan silang dalawa ng mahigpit. Umiyak ng husto si Margareth at sobra-sobra ang higpit ng yakap nya kay Norbert na parang ayaw na nya itong bitawan dahil sa tindi ng takot na nararamdaman nya. 

"Ligtas kana, Baby. I love you. I love you." sambit ni Norbert. Mahigpit rin syang nakayakap kay Margareth. Nakapikit sya at nakaramdam ng matinding pagkarelief dahil kayakap na nya ang babaeng pinakamamahal nya. 

Pagdilat ni Norbert ay mabilis nyang ipinaikot si Margareth sa kabila at isang malakas na putok ang naganap. Nakayakap pa rin sakanya si Margareth. Iniharap ni Norbert ang mukha ni Margareth sakanya. Nagkatitigan silang dalawa. Hinaplos-halos ni Norbert ang mukha ni Margareth.

"I love you. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko at wala ng---" isang putok pa ng baril ang naganap. Napapikit si Norbert ng marrin dahil sa sakit. Nagsuka ng dugo at agad na naalarma si Margareth. Napayuko si Norbert at niyakap nya si Margareth ng mahigpit saka nanlambot ang mga tuhod at unti-unting napapaluhod sa sahig. Umiyak ng husto si Margareth.

"Baby. Please. Please." Niyakap nya ng mahigpit si Norbert. Napahawak sya sa likod ni Norbert at nakaramdam sya ng pamamasa doon. Tinignan nya ang kamay nya at punon-puno iyon ng dugo. Nanlaki ang mata nya at unti-unti ring dumaloy pa ang madaming luha sa mata nya. 

Umiiyak syang yakap-yakap si Norbert. Nakaupo silang dalawa sa sahig pero si Norbert ay nahig na. Dumilat si Norbert at mahinang hinaplos ang mukha ni Margareth. Patuloy pa rin ang paglabas ng dugo sa bibig nya. 

Ngumiti sakanya si Norbert na parang iyon na ang huling ngiting magagawa nya para kay Margareth. 

"I love you." mahinang sambit ni Norbert. Umubo ito at mas madaming dugo ang lumabas sa bibig nya.

"Tulong! Tulungan nyo kami! Baby, makakaligtas tayo diba? Mabubuhay ka pa para sa babies natin. Kailangan pa kita. Mahal na mahal kita." umiyak ng husto si Margareth. Napayuko sya at ang mga luha nya ay patuloy pa rin ang pagdaloy.

"I love you." iyon lamang ang sinabi ni Norbert at pumikit na ito ng dahan-dahan. Nanginginig na ang buong kamay ni Margareth. Hinaplos nya ng mukha ni Norbert at pinipilit na gisingin habang umiiyak.

"Huwag ka namang ganyan. Please? Baby. Baby!" Nanginginig ang boses na sambit nya. Hindi sya tumitigil sa paghaplos sa mukha ni Norbert. Punong-puno na siya ng dugo pero mas madami ang dugo mula kay Norbert.

"Tulungan nyo kami! Tulong!" sigaw ni Margareth sa paligid pero natigil ang mata nya sa isang babaeng unti-unting lumalapit sakanila. Nanlaki ang mata ni Margareth dahil si Alexandra iyon mula sa malayo. Nakatutok ang baril sakanya.

Galit ang nararamdaman ngayon ni Margareth. Nakalapit na si Alexandra sakanila. Itinutok nito ang baril kay Margareth.

"Patayin mo na ako! Sama-sama tayo sa impyerno!" sigaw ni Margareth. Umiiyak pa rin sya habang nakatingin sya kay Alexandra.

"Patayin mo na lang ako." Pagmamakaawa ang nasa boses ni Margareth. Hindi nya siguro makakayang mabuhay kung wala na si Norbert kaya mas mabuting mamatay na siya.

"Papatayin talaga kita." sambit ni Alexandra. Kakalabitin na nito ang baril pero isang putok ng baril ang narinig ni Margareth mula sa malayo. Sa isang iglap lang ay nakabulgta na sa sa sahig si Alexandra, duguan ang damit. May tama nya sa dibdib. Nakatingin ito ng masama kay Margareth habang may mga dugo sa bibig nya.

"Papatayin kita!" itinaas ni Alexandra ang baril at itinutok kay Margareth at isa na namang putok ng baril. Sa ulo ni Alexandra tumama iyon. Nahulog ang kamay ni Alexandra sa sahig kasama ang baril. Nanlilisik ang mga matang nakatingin sakanya pero wala ng buhay. Hanggang sa pagkamatay nito ay galit pa rin ang namamayani sa puso nya.

Umiyak ng husto ni Margareth dahil sa mga nangyayari. "Tulong! Tulungan nyo kami!" sigaw nyang muli. Natapos na ang putukan. Wala ng ingay. May yapak ng mga paa ang lumapit sakanila. Nilapitan si Norbert ng mga pulis. Mabilis na dumating ang ambulansya at agad agad na isinakay si Norbert.

Umiiyak pa rin si Margareth. Hindi na nya alam kung anong gagawin nya. Ang dami-dami nyang iniisip na maaring mangyari. May yumakap sakanya mula sa likod. Umiiyak din ito. Tumingin sya at nakita nyang si Merideth iyon at may hawak na baril. Mas lalo syang umiyak ng napagtanto ang mga nangyayari.

"I killed mom! I killed her!" sigaw ni Merideth. Niyakap nya ng husto si Merideth. Yumugyog pareho ang katawan nila dahil sa pag-iyak. 

"I killed her, Margareth." Nanaliting magkayakap sila ni Margareth. Nakaupo sa sahig. Wala na ang katawan ni Alexandra na nakabulagta malapit sakanila. Ilang minuto silang ganoon hanggang sa tumigil ito sa pag-iyak si Merideth. Nakatulog ito sa balikat ni Margareth. Patuloy sa pag-iyak si Margareth. Madami syang iniisip kung papaano sya magsisimula kung mawawala sakanila si Norbert. Patuloy ang pagdarasal nya sa isip nyang sana'y iligtas ng Panginoon ang pinakamamahal nyang lalaki, ang tatay ng mga magiging anak nya.