webnovel

When Devil's Fall In Love

She can't see. She can't hear. She can't feel anything even her heart never beats. She's like a living corpse. Unless she wears her bead that makes her strong, see and hear everything even if its miles away. She thought she's not human anymore. Until she met him. The guy who taught her heart to beat and makes her feel human again. The guy who never failed her to smile everyday and taught her how to control herself from being demonic creature. But what will she do if he finds out her past and her true self? Will he be able to love her despite of all the chaos and dangers she might brought to him? Or Will he stay away from her like what others do when they find out who truly she is. All Rigths Reserved Itsmejollytheminion

Jollytheminion · แฟนตาซี
เรตติ้งไม่พอ
77 Chs

Devil 3: The Magic

Zero's Pov

Napatda ako at halos di makagalaw ng sa aking paglabas mula sa office ay makita ko ang nakakatakot na aura ng babaeng iyon.

What the heck? Why is she's still here? What happen to my punishers?

Waring nagtaasan pa ang mga balahibo ko ng dumaan sya sa harap namin ni Heart. Wala paring mababakas na emosyon sa mukha nya at halos hindi mo na naman makita ang mukha nya dahil sa buhok niyang tumatabing dito ngunit ramdam kong tumingin sya sakin na para bang bubugahan nya ako ng apoy.

Lalo lang akong kinilabutan sa isiping iyon kaya naman mabilis kong hinawakan sa braso si Heart at iginaya palayo sa nakatalikod ng devil.

Oo mukha syang devil.

"Is something wrong?"

"Ha?" Gulat na tanong ko pa kay Heart na noon ay nagtatakang nakatingin sakin.

"Para kasing bigla kang nataranta dyan. Hindi naman tayo nagmamadali hindi ba?" Natatawang wika niya.

"Ah, hehe..O-Oo naman, pasensya ka na ha? May naalala lang kasi ako eh." Kamot sa batok na dahilan ko. Ngumiti naman siya sakin at sandali na namang tumigil ang mundo ko sa ngiti niyang iyon.

"Ganun ba, naku wag mo naman masyadong stress-in ang sarili mo, kung anuman yung naalala mo kanina sana naman hindi yun problema."

Yun na nga babe eh, malaking problema yun.

"Ah, hindi naman yun problema. At saka kasama kita kaya paano ako magkakaproblema diba?" Sabi ko nalang sabay kindat sa kanya. Napangiti naman siya ng maluwag na animoy kinikilig.

Lumapit sya sakin saka isinabit ang mga kamay sa braso ko.

"Yung babae kanina, kilala mo ba sya? Parang ngayon ko lang sya nakita." Tanong niya.

"Hindi ko sya kilala pero Jack ang pangalan nya at sobra kung umasta."

"Akala ko ba hindi mo sya kilala?" Natatawa pang saad niya. Napakamot naman ako sa batok sa sinabi niya.

"Err...I mean, hindi ko sya personal na kilala. She's a transferee at classmate ko sya." I explain.

"Ahh...mukha kasi syang pamilyar sakin." Aniyang napapaisip.

"Naku, baka naman guni guni mo lang yun. Ngayon ko lang nakilala ang taong yun at sinasabi ko sayo na wag kang lalapit sa kanya dahil mukha syang nakakatakot kasama." Nakasimangot pang turan ko.

Natawa naman siya sakin saka ako hinarap.

"Ang cute mo talaga kahit kelan." Aniyang bahagya pa akong kinurot sa pisngi.

"Ang ganda mo kasi, di ko tuloy mapigilang magpacute." Nakangiti ring tugon ko. Bahayang nawala sa isip ko ang nakakatakot na mukha ng devil na yun at napunuan iyon ng matatamis na ngiti ni Heart. Alam kong sya lang talaga ang makakatanggal ng kaba sa dibdib ko. Kapag kasama ko sya parang wala akong problema.

Angel Heart Sison. She's my girl. Hindi ko masabing girlfriend ko sya dahil hindi namin napag uusapan ang tungkol dun. Ang alam kasi ng pamilya naming pareho ay magkaibigan lang kami pero higit pa roon ang turingan naming dalawa. I tried to tell her so many times if we are already in a relationship dahil iyon ang tingin ko sa relasyon naming dalawa. Pero palagi nalang akong nawawalan ng lakas ng loob kapag kaharap ko na sya. At sa tuwing may bago kaming makikilala ay palagi nyang sinasabi na kaibigan nya lang ako kaya naman hindi nalang ako nangulit pa. Medyo kakaiba para sakin ang ganitong set up namin pero dahil mahal ko sya ay hindi ko nalang yun pinansin dahil mukha rin naman kaming ganun at mas higit pa nga.

She's one of the brainy student of Montero Academy. My School. Dahil sakin nakapangalan ang school na 'to. Dad gave this to me as a gift when I turned 15 years old and that was 3 years ago.

Angel was became my girl since then. I've known her for almost ten years. Sabay kaming lumaki at nag aral dito sa Montero Academy. Mas matanda ako ng isang taon sa kanya kaya naman nasa grade 11 palang siya ngayon ngunit kahit di kami magkasama sa mga klase ay di naman naging dahilan yun para mawalan kami ng oras sa isa't isa. Dahil oras lang talaga ng klase kami hindi magkasama.

"Zeck, baka di muna ako makakasabay sayo mamaya ha? Kasi ininvite ako ni Ashley para sa shower party ng kapatid nya, okay lang ba?" Aniyang medyo nag aalangan.

"Hmm, hindi ba ako pwedeng sumama nalang para maihahaid at sundo pa kita?"

"Kung ako lang ang masusunod syempre gustong gusto ko na kasama kita eh kaso girls only ang invited since shower party yun." Natatawa pa niyang saad.

"Eh di magpapanggap nalang akong dancer kung ganun." Sabi ko sabay nagpacute.

"Sira ka talaga. Gusto mong pagpyistahan ng mga kaibigan ng kapatid nya?"

"Okay lang, basta makasama kita."

"Eeeh..ikaw talaga! Puro ka nalang pakilig dyan. Pero hindi parin pwede dahil ayaw ng mapapangasawa nun ang ganung party."

Napanguso nalang ako dahil mukhang hindi ko talaga makakasama pauwi ang Angel ko.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga saka siya hinawakan sa kamay at pinaharap sakin.

"Okay, basta wag mo kong kakalimutang tawagan or itext kapag nandun kana ha?" Malambing pang saad ko. Napangiti naman siya ng matamis.

"Of course baby..." Aniyang lumingon pa muna sa paligid saka tumingkayad at hinalikan ako sa pisngi.

Hind ko naman napigilang mapangiti sa ginawa nya. Madalas nya namang gawin yun pero nakakatuwa lang dahil palagi nalang syang namumula kapag ginagawa nya yun.

"Tawagan mo rin ako kapag pauwi kana para masundo ma lang kita."

"No need, nakapagsabi na si Ash na ipapahatid nya kaming lahat kaya don't worry about me okay? I'll be fine." Aniyang pinisil pa ulet ako sa pisngi at hinuli ko naman ang mga kamay niya saka iyon hinalikan at inihaplos sa pisngi ko.

"I heart you babe.." Malambing na anas ko. Pinamulahan naman siya kaagad. Saka muling nagpalinga linga sa paligid.

"I heart you too baby.." Medyo naiilang pang sagot niya.

Napangiti ako saka siya niyakap.

"Zeck, it's a public place!" Tarantang saad pa niya saka mabilis na kumalas sakin.

"Sorry, mamimis kasi kita mamaya eh. At saka iisipin lang naman ng makakita na friendly hug yun." Nakangusong sabi ko.

Napabuntong hininga nalang siya saka hinawakan ako sa kamay.

"Tatawagan nalang kita mamaya okay? Malapit ng mag time. Pumunta kana sa klase mo." Aniyang pinasigla ang tinig. I know she's not ready to tell everybody about us kaya maghihintay ako ng tamang panahon.

I sigh too saka tumango.

"I'll wait for your call."

"Okay."

"Take care okay?"

"I will."

Matapos niyon ay naghiwalay na kami ng daan at nagderetso na ako sa classroom namin.

Tsh, Literature na naman.

Isa iyon sa mga hate na subject ko dahil bukod sa baliw ang prof namin dun ay wala rin akong interest sa mismong subject. Simula kasi ng pasukan ay panay lang ang bigay samin ng mga story at kami na ang mag e-explain kung ano ang nangyari sa story na binasa namin.

Mabuti sana kung magaganda ang story. Eh purong love story naman ang binibigay samin eh.

Pagpasok ko palang sa room ay agad ng napako ang mga mata ko sa natutulog na nilalang sa likuran ng upuan ko habang nakataas pa ang mga paa niya at nakapatong sa upuan ko habang nakasandal ang ulo niya sa upuan at animoy sa bahay lang natutulog.

What the..inaasar yata talaga ako ng babaeng ito ah!

Nakataas ang kilay ko na tiningnan sina Dy at Drew na noon ay parang hindi alam ang ginagawang panlalapastangan ng devil na to sa pinakamamahal kong upuan.

Abala lang sa pagbabasa ang mga kaibigan ko habang kung ano ano naman ang ginagawa ng iba.

"KYYAAAAHH..SI ZERO HERE NA!"

"ZERO, DITO KA NALANG UMUPO SA TABI KO PLEASE!"

"NO HE'S NOT. DITO SYA SAKIN!"

"TUMIGIL NGA KAYO, AKIN LANG SI ZERO OKAY?"

"SHUT UP! NO ONES GOING TO TAKE HIM EXCEPT ME!"

Sa pagkakataong iyon ay di ko pinansin ang mga pagpaparinig na iyon ng mga girls dahil sa hindi kagandahang tanawin sa harap ko. Kung kanina ay kinilabutan ako nung makita sya ngayon naman ay nabubwisit ako sa kanya.

Napabuntong hininga pa ako saka lumapit dito.

"Hoy!" Untag ko rito ngunit tanging sina Drew at Dy lang ang lumingon sakin. Mahimbing parin ang tulog nya at parang walag pakialam sa mundo. At dahil bahagya siyang nakatingala dahil sa pagkakasandal ng ulo niya sa upuan ay bahagya rin nahawi ang buhok niyang tumatabon sa kayang mukha.

Nakaheadset pa ang devil na 'to akala mo nagpapahinga lang sa ilalim ng puno. Badterp!

Nang hindi parin sya tuminag ay muli ko siyang tinawag.

"Hoy!" Sa pagkakataong iyon ay medyo malakas na.

"Zee!"Suway sakin ni Drew. Kakabati lang namin kanina pero mukhang mag aaway na naman kami dahil parin sa babaeng ito. At lalo akong nainis sa isiping iyon.

"OH GOD! THIS IS WAR! BAKIT KASI AYAW PANG GUMISING NG GHOST NA YAN!"

"OO NGA, AT SINADYA NYA PA TALAGANG IPATONG ANG PAA NYA SA UPUAN NI PAPA ZERO PARA MAPANSIN SYA."

"AKALA MO KUNG SINONG MAANGAS EH MAY TINATAGO RIN PALANG KALANDIAN!"

"Dude, gisingin mo nalang ng maayos mukhang tulog na tulog eh." Saad naman ni Dy.

"What? Anong tulog na tulog? Sinong makakatulog ng ganun kabilis eh kakakita ko lang sa kanya sa labas kanina. Nag iinarte lang 'to eh." Inis na asik ko saka muling tiningnan ang babae.

"Ano ba? Hindi mo ba ako naririnig!" Sigaw ko na sa kanya ngunit napatda ako ng hindi man lang ito natinag. Nakatingin na samin ang lahat ng naroon dahil sa lakas ng boses ko pero parang wala paring pakialam ang ginigising ko.

"Anak ng..bingi ba 'to o sadyang nang aasar lang?" Hindi ko mapigilang mainis ng sobra sa ginagawa nitong pagbibingi bingihan.

"Kalabitin mo kaya dude, baka naman dahil sa headset nya kaya di ka naririnig." Ani Dy.

"Tsh, eh kung sipain ko nalang kaya ito nang matauhan agad!" Nauubos ang pasensyang sabi ko.

"Relaks bro, yung kaibigan nya nalang ang pagisingin mo lumabas lang yun sandali. Magigising naman yan pag dumating ang prof natin eh." Mahinahong suggest naman ni Drew. Napahilamos ako sa mukha at inis na tiningnan ang natutulog.

Anak ng tinapa! Ako pa talaga ang kailangang mag adjust samin ha? Transferee lang sya akala mo kung sino na. She doesn't know me. Pwes, magpapakilala ako sayo.

"Kapag hindi mo inalis ang marumi mong paa sa chair ko ibabaliktad kita sa kinauupuan mo!" Pigil ang galit na banta ko sa babae.

"Zee!"

"Dude, chill ka lang!"

Maagap na suway sakin ng dalawa.

Ngunit napamaang lang ako nang hindi parin tuminag ang babae kaya naman sa inis ko ay sinipa ko ng malakas ang upuan ko dahilan para matanggal ang pagkakapatong ng paa niya roon ngunit dahil sa pagkagulat niya ay dumausdos siya sa kinauupuan niya at deretsong napasubsub sa semento ng nakaupo habang nakakawit pa ang mga braso sa upuan nito.

Gigising ka lang din naman pala gusto mo pang nasasaktan eh!

Napuno ng tawanan ang buong classroom namin dahil sa nangyaring iyon. Maging ako ay pigil ang tawa sa nakitang pagbagsak nya.

Yan ang bagay sayo! Angas pala ha? Tsh!

"Zee, why did you do that?" Inis na asik sakin ni Drew saka binalingan ang babae na noon ay hindi pa yata nahihimasmasan.

"Miss, are you okay?" May pag aalalang tanong pa niya rito saka akmang tutulungan ang babe ng bigla itong mataranta at hinawakan ang wireless headset niya na hindi makikita kapag nakaladlad ang buhok nya at parang may iniikot sya dun ngunit agad ding napa igik sa sakit habang hawak ang tenga na animo'y biglang nabingi sa lakas ng sound o kung anuman saka marahas na nilingon si Drew na noon ay nag aalala parin.

"Miss, okay ka lang ba? May masakit ba say-!" Nagulat pa ang lahat lalo na ako ng bigla niyang hilahin si Drew sa kuwelyo nito at animoy malaking tao na iniangat bagamat hindi ganun kataas. Dahil mas mataas parin si Drew sa kanya.

"Who did that?" Nanlilisik ang mga matang tanong niya kay Drew.

"W-wait, I didn't do that, I was just trying to help okay?" Sagot naman ni Drew.

"I know idiot! That's why I'm asking you who did that?" Marahan ngunit matalim na tanong niya.

Napamaang kami sa tinuran niya.

What the...tinawag nyang idiot si Drew? Wow, first time yun!

"Okay, I'll tell you what happened but please put me down." Kalmado pa ring wika naman ni Drew.

Tinitigan pa muna siya ng babae saka marahas na binitiwan at parang pigil na pigil ang galit na napapikit ito ng mariin habang tikom ang kamao at ganun na lang ang gulat ko nang sa kanyang pagmulat ay deretsong nakatingin na sakin ang nanlilisik niyang mga mata.

"Of course! Nobody can do that... except you!" Walang emosyong wika niya. Saka napataas ang gilid ng labi.

"Tsh, so what? May angal ka?" Nakangisi ring sabi ko sa kanya. Nag igting ang mga panga nya at sa wari ko ay nagagalit na sya.

"Why did you do that?" Malamig na tanong niya saka deretsong tumingin sakin.

Napalunok pa ako nang makita ang mga mata nya. I think her purple eyes is slowly turning into black.

Pero imposible namang mangyari yun, kaya baka namamalikmata lang ako.

"Tsh, because I wanted to." Nakangisi paring sagot ko at nilabanan sya sa titigan.

Shit! Bakit ganan syang makatingin sakin? Akala mo naman papatayin nya na ako sa tingin-!

(⊙o⊙)

Ganun nalang ang pagkagulat ko ng sa isang iglap ay nakalapit na sya sakin at walang sabing sinipa ako sa dibdib.

Ramdam kong umangat ako sa sahig at tumalsik sa kung saan ngunit mas ramdam ko ang kakaibang sakit sa dibdib ko na noon ko nalang ulit naramdaman mula ng akoy maoperahan. Pakiramdam ko ay biglang nag slowmo ang paligid ko habang papalayo ako kina Drew at sa babaeng walqang emosyon na nakatingin lang sakin.

"Jack!" Rinig kong sigaw ng pamilyar na tinig ng taong nasa likuran ko ngunit pakiramdam ko ay napakalayo nya sakin dahil waring eco lang ang narinig ko sa sigaw nya. At nang mag angat ako ng tingin ay nakita ko si Shane na hawak hawak ako sa likuran.

Sya marahil ang sumalo sakin upang hindi ako tumama sa pader. Ngunit halos hindi ko na maigalaw ang katawan ko ng biglang sumigid ang matinding sakit sa dibdib ko.. Napaubo ako sa sakit at halos kapusin ako ng hininga.

Shit, anong klaseng babae ba sya? Bakit ang lakas nyang sumipa!

Agad na nagkagulo ang lahat sa nangyari.

"Zee!"

"Dude, okay ka lang?" Mga nag aalalang tawag sakin nina Drew at Dy. Mabilis nila akong nilapitan at inalalayan.

"Take him outside!" Taranta pang utos ni Shane sa dalawa saka ako binitiwan at lumapit kay Jack. At hindi ko na narinig pa ang pinag usapan nila.

"Dude ano? Anong masakit sayo? Okay ka lang ba?" Tarantang tanong ni Dy.

"Zee, can you breath?" Si Drew.

Napakapit ako sa kanila saka pikit matang humugot ng malalim na hininga. Pakiramdam ko ay may nakabara dun at hirap talaga akong huminga.

"I..I can't...breath!" Hirap na turan ko.

"We'll take you to the hospital." Taranta pang sabi ni Drew saka ako inalalayang tumayo at inilagay ang aking braso sa balikat niya at ganun din ang ginawa ni Dy. Magkatulong nila akong inalalayan palabas ng room namin ngunit nang nasa labas na kami ay natigilan pa kami ng tawagin kami ni Shane.

"Ahmm..wait!"

"Not now Ms. Gravalez, we need to take him to the hospital." Asik dito ni Drew.

"Oo nga at wag kayong lalapit samin ha? Masyado kayong delikado." Singhal naman ni Dy.

Hindi naman ako makareact dahil nahihirapan talaga akong huminga.

Shit, lagot na naman ako kay Madam nito.

"Maybe we can help, please let us help!" Pilit ni Shane. Nagkatinginan pa ang dalawa kong kaibigan saka ako tiningnan. Sumenyas lang ako sa kanila na hirap na akong huminga kaya naman hindi nalang nila pinansin ito saka akmang aalis na ng bigla nalang may humablot sakin at idinikit ako sa pader. Bahagya pa akong napaubo dahil hawak nya ako sa kuwelyo at kulang nalang ay ilubog niya ako sa pader.

"Jack!"

"Hoy ano ba? Papatayin mo ba ang kaibigan namin!" Sigaw ni Cody.

"Miss please stop it. You're hurting him! Whatever he did to you, we're sorry, but what you're doing to him is not acceptable for revenge." Dinig kong sigaw rin ni Drew.

Ngunit waring walang narinig ang taong may hawak sakin at ng tingnan ko siya sa mukha ay nagulat pa ako dahil kulay itim na nga ang mga mata nya pero malinaw na kulay purple ang mga yun kanina.

"Jack, nangako ka sakin. And you never break your promise." May pag aalalang wika ni Shane.

Eh? nagtatagalog din naman pala sila eh. Pero bakit kaya ganito ang babaeng to? Pakiramdam ko ay hindi sya tao.

Nanatili siyang nakatitig sakin saka napabuntong hininga at marahan akong binitiwan saka pumikit na naman sya ng mariin at nang magmulat siya ay bumalik na ulet ang mga kulay ng kanyang mga mata.

Purple.

"Hindi ko alam kung bakit pagdating sayo ay wala akong maramdamang kahit na ano, kakaiba ka sa lahat." Mahinang saad niya na mukhang sinadyang kami lang ang makarinig.

Ehh? Bakit..ang..ang cute nyang managalog? Wait what? Mamamatay nalang ako ngayon yun pa talaga ang naiisip ko? Ano bang nangyayari sakin?

Naramdaman ko nalang na hinawakan niya ako sa dibdib kung saan nya ako sinipa saka ako tinitigan.

"When I press this, breath heavily okay?" Utos niya na pinagtaka ko pa.

Anong gagawin nya?

Naramdaman kong idiniin nya ang kamay sa dibdib ko pero dahil wala ako sa wisyo ay napaubo lang ako ng malakas at saktong nasa harap ko pa ang mukha nya kaya sya ang naubuhan ko. Ngunit ako rin mismo ang nagulat dahil hindi man lang sya kumurap sa ginawa ko.

Ibang klase talaga sya.

"C'mon Natsu, breath away in count of three." Nakangisi pang sabi nya.

Sinong Natsu ang sinasabi nito?

"One.." Nagsimula syang magbilang.

Ano bang ginagawa nya? MAtapos nya akong muntik na patayin parang gagamutin nya naman ako ngayon?

"Two..."

Napatitig nalang ako sa kanya.

"Three. Breath." Aniya at diniinan ang dibdib ko kasabay niyon ay humugot ako ng malalim na hininga. Pagkatapos niyon ay bigla na lang niya akong hinawakan sa leeg.

Putsa, akala ko pa naman pagagalingin na ako ng demonyong to, ano't may balak nga yata talaga siyang patayin ako.

"The next time you did that. I won't let you live again." Walang emosyong saad niya saka ako marahas na binitiwan at walang pakundangang tinapik sa ulo.

"What the...hoy! Bakit mo ginawa yun?" Inis na asik ko sa kanya habang papalayo na siya.

Nakangisi siyang lumingon sakin habang nakapamulsa.

"BecauseI wanted to."

LAlo akong nainis sa tinuran niya at akmang susugurin ngunit pinigilan ako nina Drew at Dy.

"Zee tama na."

"Dude chill kalang."

Sinimangutan ko lang sila saka tinignang ng masama ang babaeng yun na animoy demonyo kung makangisi.

"The next time na gawin mo yun, papatulan na talaga kita, kuha mo?" Galit na singhal ko sa kanya.

"Ow! Hindi pa ba pagpatol yung ginawa mo?" Sagot nya.

May pagsagot talaga!

"Ginagalit mo ba talaga ako?"

"Tss, so what? May angal ka?"

What the heck..?!

"You-!"

"You're welcome!" Nakangisi paring putol nya sa sasabihin ko at senenyasan si Shane saka kami tinalikuran ng tuluyan at dumeretso sa hagdan. Inis na napamura nalang ako habang nakatingin parin sa binabaang hagdan ng dalawa.

"Bwisit ang babaeng yun!" Galit na sigaw ko saka napatapik sa pader.

"Dude huminahon ka lang okay?" Si Dy.

"Bullshit Cody! Hindi mo ba nakita kung ano ang ginawa sakin ng babaeng yun? Sya lang ang nakapagpabwisit sakin ng ganito!" Asik ko sa kanya.

"Pansin ko nga eh. At sya lang nakapagpagaling sayo ng ganun kabilis dude, hindi ko alam kung anong magic ang ginamit nya pero hanep, hinawakan ka lang sa dibdib nakakasigaw kana ulet. Haha."

"Ano?" Medyo naguguluhan pang tanong ko.

"Zee, are you okay now?" Dun lang ako natauhan at napatingin sa kanilang dalawa.

"Huh?" Takang tanong ko pa saka pinakiramdaman ang sarili at dun ko lang din napagtanto na maayos na ang paghinga ko na halos hindi ko maramdamang sumakit yun kanina na halos ikamatay ko na.

Wala sa sariling napatango lang ako at hinawakan pa ang dibdib ko. Pakiramdam ko ay nakadikit parin doon ang mga palad ni Jack upang pagaanin ang paghinga ko.

Bakit ganun? Bigla nalang nawala ang sakit ng di ko manlang namamalayan.

Muli akong napatingin sa hagdanan at takang napaisip.

What kind of a magic she has??

--

itsmejollytheminion