webnovel

When a heart skips a beat

When there's love there's pain. Join krystal and thea as their heart skips a beat.

MissPaui · LGBT+
เรตติ้งไม่พอ
52 Chs

Chapter 48

Nagising ako dahil sa ingay sa paligid ko. Napansin ko naman ang kurtinang nakapalibot sa hinihigaan ko. Sinubukan kong bumangon. Napasapo ako sa aking ulo dahil medyo nakaramdam ako ng hilo. Akmang tatayo na sana ako ng bumukas ang kurtina. Kung di ako nagkakamali siya yung nurse na nagpalabas sakin kanina sa ER.

"Miss, mabuti naman at gising na kayo" sabi nung lalaking nurse

"Anong nangyari?" Tanong ko sa kanya

"Nawalan kayo ng malay kanina sa labas ng ER"

Speaking of ER, I need to see krystal. I need to know if she's okay. Tumayo na ako

"Miss, san po kayo pupunta?" takang tanong ng nurse

"Obviously, sa girlfriend ko" I said to him as a matter of factly

"Kung pupunta kayo ng ER wala na siya dun" napalingon naman ako sa kanya

"Where is she then?" ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Please sana okay lang si krystal.

"She's in the ICU"

Di ako makapagsalita ng mga oras na yun. Di ko alam kung anong gagawin. Nanghihina ang mga tuhod ko kaya napakapit ako sa rails ng bed

"Okay lang po kayo miss?" Tanong nung nurse na tinangoan ko lang

"Please, bring me to the ICU. I want to see her"

Dinala ako ng nurse sa ICU habang sakay ng wheelchair. As we get closer ay lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko.

I make myself calm by doing inhale-exhale.

Nang papalapit na kami ay napansin ko naman ang mga pamilyar na tao na nandun sa labas ng ICU.

Parang nagulat naman sila ng makita ako.

"Thea, kanina pa kita tinatawagan! Nag-aalala kami sayo! What happen?" she asked as she came closer to me "nahimatay siya kanina habang nasa ER pa yung pasyente kaya pinagpahinga muna namin siya" sagot naman nung nurse sa kanila

I just looked at her tapus binaling ang mga paningin sa iba. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa wheelchair. Inalalayan naman ako ni lea.

We stopped right in front of the door of the ICU. Makikita mo mula sa glass window ng pintoan ang walang malay na si krystal na nakahiga at may mga nakakabit na mga medical wires sa braso at mukha.

I put my hand against the window glass while my tears come streaming down my face.

Niyakap naman ako ni lea.

We silently sat on the chairs while we waited for the doctor to come out.

"Pano niyo nalaman ang nangyari sa kanya?" Tanong ko sa kanila

"Tito called your mom" sabi ni ally "and he told her na wag sabihin sayo kaya tinawagan ako ni tita at ang sabi umalis ka daw ng bahay na parang wala sa sarili at may hinala siya na alam mo kaya nakiusap siya na sundan ka namin dito" paliwanag ni lea. I sighed

"I called her pero di niya ako sinasagot hanggang sa tinawagan ako ng nurse gamit yung phone niya" napayuko ako ng aking ulo "kung nagpumilit lang sana ako sa kanya na sunduin siya at ihatid di sana nangyari to" naikuyom ko ang aking mga kamao. Naiinis ako sa nangyari. Galit ako sa aking sarili.

"Thea, don't blame yourself. Aksidente ang nangyari" ally said

"Ally's right! Aksidente ang nangyari so don't blame yourself" si george

"Inulit mo lang sinabi ko eh binaligtad mo lang" puna sa kanya ni ally

"Oh eh ano naman ngayon?" tanong ni george sa kanya

"Mema ka rin eh. Memasabi" magsasalita na sana si george ng awatin sila ni lea

"Pwede ba kayong dalawa kung magbabangayan kayo wag dito. Dun kayo sa labas" naiinis na sabi ni lea sa dalawa

"Yan kasi..." paninisi ni george kay ally at di naman nagpatalo ang isa "anong ako?"

"Di talaga kayo titigil?"

"Eto na nga titigil na" agad na sabi ni ally na sinamaan lang ng tingin ni lea. Ally mumbled something "may sinasabi ka?" mataray na tanong sa kanya ni lea. Di naman siya sinagot nung isa at binaling na lang ang tingin sa ibang direksyon. "Ganito na nga ang sitwasyon puro pa kayo bangayan" patuloy pa ni lea "nakakadagdag kayo ng stress eh"

Ally is mimicking lea at nakita yun ni lea. Akma na sana siyang tatayo para patulan si ally ng bumukas ang pinto ng ICU at agad agad akong napatayo at lumapit sa doktor. Nasa gilid ko lang ang tatlo na nakatayo habang nag-hihintay sa sasabihin ng doktor.

"Kamusta po si krystal doc?" I asked the doctor right away

"The patient suffer from a serious traumatic brain injury..." as the doctor said that, my mom suddenly came rushing towards us together with krystal's dad and his wife.

"Doc, how's my daughter?" tito asked as they arrived

As for mom, she went on my side.

"As I've said, your daughter suffer from a serious traumatic brain injury. Malakas ang impact ng pagkakaaksidente which cause some physical damage to her brain" paliwanag ng doctor

"She'll be okay, right?" Mommy asked the doctor "she's not into kind of danger or something"

"Well, some patient with the same cases regain consciousness within a few days or weeks and recover quickly..." he make a pause "but some severe cases may result in extended periods of unconsciousness, coma or even death" he look at us apologetically

"are you saying that it's a 50-50 chance for her?" di makapaniwalang tanong ng daddy ni krystal sa doctor

The doctor smile with a sad expression on his face "I have to be honest...most of the patient having the same case as her didn't make it through but who knows. All there's left for us to do is to pray and hope that she'll gonna recover. If you'll excuse me"

The doctor excused his self as he walked away from us.

We went silent. No one dares to talk.

"I'm gonna go to the nurse station. Magtatanong ako about sa grab driver" krystal's dad said to his wife saka kami binalingan ng tingin. Tumango lang si mommy sa kanya at tuluyan na siyang umalis papuntang nurse station.

——

"The driver is fine although he has some injuries too pero di ganun kalala like krystal" sabi ni tito matapos niyang puntahan at alamin ang kalagayan ng grab driver. Napabuntong siya ng hininga "nakausap ko na din ang mga pulis, ang sabi lasing daw yung driver ng truck kaya nabangga niya yung grab na sinasakyan ni krystal"

Kinwento ni tito yung sinabi sa kanya ng mga pulis. Nasa intersection daw sila krystal nung mangyari ang aksidente. Patawid sa kabilang lane ang sasakyan nila ng banggain sila ng truck kaya si krystal ang napuruhan dahil dun sa side niya mismo tumama ang ulo ng truck na minamaneho ng lasing daw na driver.

"Where's the driver of the truck?" wala sa sarili kong tanong

"He's in the police station right now iha. He's under investigation"

"He should pay for what he did" gigil kong sabi

"Of course iha. I'll do anything para pagbayaran ng lalaking yun ang nagawa niya sa anak ko"

I sighed. More on making myself calm.

"Bakit di muna kayo magpahinga?" tukoy ni mom sa tatlo "umuwi na muna kayo"

"Sige po tita, tito balik na lang kami bukas" sabi ni lea

Nagpasalamat naman si mom kay lea dahil sa pagsunod niya sa utos nito kanina na hanapin ako dito sa ospital.

"Umuwi na din muna kayo. Kami na ang bahala dito" sabi nung mom ni krystal

Sumang-ayon si mom na siya namang ikinatanggi ko. Ayokong umuwi. Ayokong iwan dito si krystal.

"You need to rest anak"

"Mom, I said I won't go home" pagmamatigas ko "pano pag may nangyari sa kanya at wala ako dito" napabuntong naman ng hininga si mom

Tito sit beside me. He tap my back kaya napatingin ako sa kanya "I know you want to stay but you need to rest. Mas gugustuhin ni krystal na umuwi ka kesa magbantay dito. She needs you to be strong for her thea. So if I were you I would go home take some rest. Bumalik ka na lang bukas"

"And iha, walang mangyayaring masama kay krystal, okay?" gusto kong maniwala dun but after what the doctor said...I don't know what to believe.

I heaved a sigh. Krystal needs me and I have to be strong for her "I'm only going home not because you guys want me to. I'm going home because that's what krystal would surely like me to do"

Napangiti naman si tito sabay tango ng kanyang ulo "okay" he said as he averted his gaze to my mom "balitaan na lang namin kayo" tumango lang si mom sa kanya "Mag-ingat kayo sa pag-uwi"

Before umalis ay dumungaw muna ako sa bintana ng pintoan.

"Uwi muna ako love ha? Just please hold on, okay?" I kissed the tip of my hand then press it against the window. I just gave her a flying kiss.

"I love you" I whispered to myself before mom & I left the place