webnovel

When a heart skips a beat

When there's love there's pain. Join krystal and thea as their heart skips a beat.

MissPaui · LGBT+
เรตติ้งไม่พอ
52 Chs

Chapter 45

Dad and tita tanya were outside. They were talking about God knows what.

I'm here sitting on the chair beside thea's bed.

I'm caressing her forehead using my thumb while my other hand are holding hers.

"Birthday ko na baby ko" I sighed "kahit pa gift mo na lang sana sakin yung pag-gising mo" I sadly smile

Bigla kong naalala yung naalala ko kanina nung papunta pa lang kami dito sa ospital ni dad

Kinuha ko yung phone ko saka sinearch yung kanta. I was about to play it ng biglang tumawag si ally

"Hey" bati ko sa kanya sa kabilang linya.

I looked at thea for a second saka ako tumayo and naglakad palayo sa bed niya. I stand just few inches from her.

"I'm sorry di ako makakapunta" I told ally

"What?" Nailayo ko naman ng bahagya yung tenga ko sa phone. Kasi naman kung makasigaw "pero birthday mo you have to celebrate"

"I know but something happened dito sa ospital" kinwento ko sa kanya yung nangyari kay thea kaya naintindihan naman nila agad. Kung di daw ako makakapagcelebrate sa labas ng birthday ko dadalhin na lang daw nila yung labas dito sa ospital. Like what the heck is that supposed to mean? Siraulo talaga tong si ally. Daming alam.

"Ano na naman ibig mong sabihin dun?" nagtatakang tanong ko sa kanya

"Siyempre diyan tayo magce-celebrate. Kasama pa natin si thea oh diba? Ang saya? Parang nakikicelebrate na din si thea sa birthday mo"

"May sense ka rin pala minsan kausap eh" biro ko sa kanya

"Aba! May sense talaga ako kausap" sabi naman ni ally sa kabilang linya. Natawa na lang ako sa kanya

Napatingin ako sa gawi ni thea ng saktong mahagip ng mga mata ko ang paggalaw ng mga daliri niya.

I went closer to her bed

"Hello? Krystal? Andiyan ka pa ba?" Si ally sa kabilang linya

I furrowed my brows as I watched her hand closely. The moment it moved I automatically averted my gaze to her face and that's when I saw thea with her eyes slightly open.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Di ako makapaniwala. I cupped the side of her face as I let out a shaky breath.

"Mahal ko" medyo crack ang pagkasabi ko dahil naiiyak na ako. Naiiyak ako sa tuwa.

"Ha?" takang tanong ni ally sa kabilang linya "anong mahal ko? Hoy di ako si thea ha"

Di ko pa pala naeend tong call.

I put my phone against my ear "Gising na si thea" yun lang ang tangi kong sinabi bago ko babaan ng telepono si ally.

I saw how a tear run down on the side of her eye at di ko na napigilan ng mga sandaling yun ang aking sarili at tuluyan na akong napaiyak.

I put her hand on my face habang hawak ko ito. I kissed her knuckles. She then try to wipe away my tears kahit nanghihina pa siya. Oh how I miss this girl. Her touch. Her stares. Her hugs and kisses. I miss everything about her so much.

"I miss you so much mahal kong baby" she weakly smile at me. Inilapit ko ang aking mukha sa kanya saka siya binigyan ng halik sa kanyang labi. Magkadikit ang mga noo namin.

Pinunasan ko ang aking mga luha "I have to tell tita tanya. I'll be back" I kissed her forehead bago ako umalis.

Di ko pa man nabubuksan ang pintoan ng dumating si daddy kasama si tita tanya.

"Tita! Si thea"

"Bakit? Anong nang...." di na natuloy ni tita tanya ang sasabihin ng makita si thea "anak"

Agad niyang nilapitan si thea saka ito niyakap at hinalikan.

"Anak mabuti at gising kana" sabi pa ni tita tanya na ngayon ay naiiyak na

Dad put his arms around me as he caressed my shoulder.

"I'll call the doctor" dad said

Di na niya hinintay ang response namin at agad siyang lumabas para tumawag ng doktor.

——

"Masaya ako at nagising na ang pasyente" sabi ng doctor habang kausap kami "Ang kailangan niya na lang gawin ay ang magpalakas para manumbalik sa dati ang kanyang katawan"

"Thank you doc" hinatid na ni tita tanya yung doctor sa labas. Naiwan kami ni dad dito sa loob.

Nginitian ko si thea habang papalapit sa kanya. Kinuha ko yung kamay niya saka ito hinawakan "you have no idea how happy I am now that you're awake babylove"

"L-love..." Napangiti ako. Yan ang first word na sinabi niya mula ng gumising siya kanina

"May kailangan ka ba?" Iniling lang niya ng bahagya ang kanyang ulo

Nung mga sandali yun narinig ko naman na napaubo si dad. Napalingon naman ako sa kanya.

Tumayo siya sa gilid ko at saka ipinatong ang kamay sa aking balikat

"Mahal kong prinsesa, di mo man lang ba ako papakilala sa mahal mong baby?" dad teased me. I just roll my eyes on him

"Love, eto nga pala yung mahal kong hari..." pagpapakilala ko kay dad "and dad this is thea, ang mahal kong prinsesa" I sweetly smiled at her

"H-hi po"

"Hello iha" dad patted thea's head "nakwento na sakin ni krystal ang tungkol sa relasyon niyo. Alam mo mahal na mahal ka nitong anak ko"

"Mahal ko din po yung anak niyo sir" sabi ni thea sa nanghihinang boses

Kailangan niya talagang magpalakas para manumbalik yung sigla ng katawan niya.

"Kaya dapat magpagaling ka. Mag-uusap pa tayo" napatingin naman ako kay dad na seryoso ang mukha. Agad ko rin nilipat yung atensyon ko kay thea. Parang naintimidate naman siya kaya pinagalitan ko si dad

"Wag ka ngang ganyan dad. Tinatakot mo si thea eh"

"What? Wala naman akong ginawa. Sinabi ko lang na mag-uusap kami" paliwanag ni dad

"Don't worry sir. Makikipag-usap po ako sa inyo pag magaling na ako" sabi naman ni thea

Natawa naman si dad. Anong nakakatawa? "Stop with the formalities. Kung gusto mo daddy na rin tawag mo sa akin" sabay kindat kay thea

Napatingin ulit ako kay dad and this time nakangiti siya kay thea. Bipolar ba tong si dad? Kanina lang ang seryoso ng mukha niya tapos ngayon nakangiti na naman siya.

Nginitian lang siya ni thea.

Nasa ganun kaming pag-uusap nang bigla naman bumukas ang pinto at patakbong nilapitan nina lea at ally si thea. Nakasunod lang si george sa kanila.

"Ganda" "bes" sabay na sabi ni ally at lea

"Huhu. I'm so happy na nagising kana ganda" si ally

"Bes? Okay ka na ba? Huhu sobra ka namin namiss" sabay yakap kay thea

Sinuway naman sila ni george "oy di na makahinga si thea. Alis nga" pagtataboy niya sa dalawa

Agad naman humiwalay si ally at lea kay thea. Nagulat na lang kami ng biglang yakapin ni george si thea "huhu thea. Namiss kita" nagpapatawa ata tong si george eh. Nakakatawa kasi yung reaksyon niya.

Nagkatinginan naman si ally at lea habang ako natatawa sa kanila ganun din si thea.

"Hoy boy george di makahinga si thea ano ka ba!" suway din ni ally sa kanya sabay tulak ng marahan kay george. Naku magsisimula na naman ang bangayan ng dalawang to. Kung hindi kasi si lea yung kabangayan ni ally, si george kabangayan niyan. Trip niya talaga makipagbangayan sa mag-jowa haha

"Ay sorry, sorry" sabi ni george

"I miss you guys" mahinang sabi ni thea habang nakangiti sa kanila. Sabay sabay naman silang napatingin kay thea saka nag-umpisang mag-group hug "we miss you too thea" saad ni lea

Mga baliw.

We just stared at each others eyes habang pinapalibutan siya ng tatlo. She mouthed 'I love you' and I mouthed back 'I love you too'

Nang matapos na ang drama session ng tatlo kay thea ay ipinakilala ko sila kay dad.

Natutuwa naman si dad at may mga kaibigan akong kagaya nila

Nakipagtsismisan pa muna si dad sa mga kaibigan ko pati na kay thea bago umuwi.

Di na ako sumama sa kanya dahil magsstay ako ngayon dito sa ospital. Dalhan na lang daw niya ako bukas ng pambihis. Isasama niya daw bukas si mom and yung mga kapatid ko. Sa apartment ko kasi sila ngayon matutulog.

Nagsi-paalam naman yung tatlo sa amin. Bibisita na lang daw uli sila bukas dito sa ospital. Kinantahan pa nila ako kanina ng happy birthday. Nagulat pa si thea kasi parang kailan lang daw pinaplano pa niya ang surprise niya tapus nagising na lang siya birthday ko na.

"Happy birthday again anak" bati sakin ni tita tanya

"Thank you po tita"

"Oh siya ikaw na bahala dito at uuwi muna ako" nilapitan niya si thea "anak uwi lang muna si mommy ha?" Paalam niya kay thea

"Don't worry about me mom. Andito naman si k eh" she smiled at me

"Oh siya maiwan ko na kayo. Goodnight" she kissed us before she left.

I looked at thea. She patted the right side of her bed "sleep with me"

"Baby, di ka pa masyadong nakakarecover ayokong pagurin ka" pabiro kong sabi sa kanya. Alam ko naman kung ano ibig niyang sabihin dun sa sinabi niya eh. Gusto niya kaming magkatabi sa pagtulog. I'm just messing with her since I really miss annoying this girl

Kumunot naman yung noo niya "what are you talking about?"

"Sabi mo sleep with me?" Bigla siyang natawa

"Love...what made you think na yun ang ibig kong sabihin. Oh my God" natatawa pa rin siya

"Namiss ko yan. Yang tawa mo" She reached for my hand.

Umakyat na ako sa bed. I positioned myself comfortably beside her. I lay down my head on her upper chest. Tama lang na marinig ko yung tibok ng puso niya.

"Do you really miss me that much kaya kung ano ano na pinagsasabi mo?"

I chuckled "nagbibiro lang ako siyempre alam ko ibig mong sabihin. Namiss lang kita"

"Namiss asarin?" I chuckled nakisabay na rin siya sakin sa pagtawa

"Do you know what's your heartbeat sounds like?"

"Hmm?"

"It sounds like this...krystal...krystal...krystal" She laughed hard

"Hey that's my line" natawa na rin ako. Kiniss ko siya sa leeg niya saka siya niyakap ng mahigpit. She did the same

"I miss you love" she mumbled on my hair as she kissed it "Happy birthday"

I sigh happily

"Happiest birthday to me. You're the best gift ever babylove"