webnovel

When a heart skips a beat

When there's love there's pain. Join krystal and thea as their heart skips a beat.

MissPaui · LGBT+
เรตติ้งไม่พอ
52 Chs

Chapter 43

Uwuwi na sina ally, lea and george. Nung una nag-aalinlangan sila na iwan ako baka daw kasi maulit yung kanina.

Pero sinabihan ko naman sila na okay lang at wag nila akong alahanin.

Nakatingin lang ako kay thea habang inaalala yung nangyari nung araw na yun.

Akala ko talaga mawawala ka sakin. Grabe yung takot na naramdaman ko nung mga panahong yun. Di ko alam kung ano ang gagawin ko.

"I...I c-cant b-bre..."

I sighed.

I climbed up on thea's bed. I adjusted myself beside her. Gusto ko siyang makatabi sa pagtulog.

"Good night mahal ko"

Hinalikan ko siya sa labi saka siya niyakap.

"I love you" I mumbled

——

"Happy birthday bes" bati sakin ni ally

"Happy birthday krys" bati naman ni lea

May dala silang mini cake para sakin.

Grabe di ko man lang namalayan na birthday ko na pala ngayong araw.

Sa sobrang dami ng iniisip ko nakalimutan ko na sarili kong birthday.

"Thank you guys"

"Ano kaba parang di naman tayo mag-bespren eh" si ally.

Nginitian ko siya.

"Siya nga pala, Kamusta ka na?" tanong sakin ni lea habang paupo sa bakanteng pwesto sa kaliwa ko habang si ally naman ah nasa kanan ko.

"Pwede ba? Tantanan niyo ko kakatanong niyo kung okay lang ako" reklamo ko "besides, its my birthday"

"Well, can you blame us?" si ally "after what happened yesterday sa tingin mo di kami magtatanong kung okay ka lang"

"Look, I'm okay, okay?" sabi ko "don't worry about me"

"Krystal, di man namin alam yung exact na nangyari but please don't blame yourself. Walang may gusto nun" sabi naman ni lea

I hissed

"Sa tingin niyo ba mangyayari sa kanya to kung di ko lang siya pinayagan?" kalmado kong tanong sa kanila

"Krystal..."

"No! Hindi mangyayari to. Ang tanga ko lang kasi" paninisi ko sa sarili "di ko man lang namalayan na di na pala siya makahinga" sabi ko habang inaalala yung nangyari nung araw na yun.

"Krystal..."

"Pano na lang kung may nangyari sa kanyang masama nung mga panahong yun?"

"Pero walang nangyaring masama sa kanya kaya wag mong sisihin sarili mo" si lea

"Paano na lang kung di siya naagapan?"

"Sampalin ko kaya to?" Tanong ni ally kay lea "hoy, krystal!" Tawag sakin ni ally "birthday mo ngayon kaya imbes na magdrama ka diyan at sisihin mo ang sarili mo bakit di ka na lang magpasalamat na kahit papano ay okay si thea"

"Ginawa ko naman ang lahat. I checked her every damn time kung okay lang ba siya" patuloy ko pa "may kulang ba sa ginawa ko?"

"Walang kulang sa ginawa mo, okay?" lea assured me "ikaw na rin nagsabi na ginawa mo ang lahat"

"Pero bakit nangyari sa kanya to?"

"Maybe, just maybe, it was meant to happen" saad ni ally "maybe it's just a test or a challenge in your relationship"

"Putanginang challenge na yan! Bakit kailangan mainvolve ang buhay ni thea? Pwede naman yung magcheat yung isa samin. Challenge din naman yun sa isang relasyon"

Lea put her hands over mine "Because God knows that you can surpass this challenge that you're in kasi kung alam niya na di niyo makakaya ni thea to he will not give it to you in the first place" she then hugged me

"Everything will be okay krys" niyakap din ako ni ally

"She told me she couldn't breath" tumulo na yung luha ko "and everytime na naaalala ko yun di ako makahinga"

"Shhh" pinatahan naman ako ni lea "tahan na"

Ano ba naman to? Birthday na birthday ko iyak ako ng iyak. Tsk. Tsk. Tsk.

"I panicked that day. Wala akong nagawa" patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko "wala akong nagawa lea! Wala!"

Iyak lang ako ng iyak nung mga time na yun.

"C'mon krys. It's your birthday! You should be enjoying your day and not like this" saad ni lea

Humiwalay si ally sa pagkakayakap sakin "Ikaw kasi. Tatanong tanong ka pa"

Nanisi pa talaga tong si ally

"Bat ka naninisi diyan?" tanong ni lea habang yakap pa rin ako

"Di ako naninisi. Namimintang lang"

Ewan ko kung joke yun or ano pero natawa ako dun bigla na ikinagulat naman ng dalawa

"Bessy, nababaliw kana ba?" tanong ni ally. Hahampasin sana siya ni lea sa tuhod kaso iniwas niya ito dahilan para di maabot ni lea since napapagitnaan din nila akong dalawa kaya naman hangin lang yung nahampas niya.

"Natawa lang ako dun sa sinabi mo" saad ko habang pinupunasan ang aking luha. Kumalas na din ako sa pagkakayakap kay lea.

"Alin? Yung nababaliw kana?" takang tanong niya

Iniling ko lang ang aking ulo "yung namimintang" I chuckled again

Natahimik naman yung dalawa habang nakatingin sakin

"Yan. Dapat ganyan. Happy lang" napapangiting sabi ni ally

Napangiti na rin si lea

After nun ay pinauwi ako ng dalawa kahit na may klase pa ako. Sabi deserve ko daw ang umabsent ngayon since birthday ko naman daw tsaka kailangan ko raw magpahinga kasi magcecelebrate daw kami after ng class. Sila na daw bahala magsabi sa teacher namin kung bakit ako absent ngayon. Ayaw ko pa sana nung una kasi andami ko ng absences lately pero kumagat din ako sa gusto nila.

I was on my way home ng biglang tumawag si daddy

"Hello dad?"

"Nak! Happy birthday!" Masiglang bati ni dad sa kabilang linya

"Thanks dad"

"Siya nga pala nak, sorry ha? Di ako makakabisita sayo para magcelebrate ng birthday mo ngayon" paghingi ng paumanhin ni daddy

"Dad, it's fine" sabi ko sa kanya sa kabilang linya

"Hayaan mo babawi ako sayo sa susunod" sabi naman niya

Napangiti naman ako dun

"Oh siya sige na. Tawagan na lang kita ulit mamaya, okay?"

"Sige po"

Nagpaalam na kami sa isa't isa.

Agad kong hinanap ang susi ng apartment sa aking bag.

Laking gulat ko naman ng pagbukas ko ng pinto ay biglang may pumutok at nagkalat ang mga maliliit na papel sa sahig.

"HAPPY BIRTHDAY!!!" sigaw ng mga taong nandun

Tumakbo papalapit sakin si gwen saka ako sinugod ng yakap "Happy birthday ate"

Sunod naman na yumakap si sam at nakisali na rin si benjamin

Hinatak nila akong tatlo sa sala kung saan andun sina mom at si dad?

Kausap ko lang kanina si dad ah at ang sabi di daw siya makapag-celebrate ng birthday ko with me.

"My princess, nasurprise ka ba?" Tanong sakin ni dad na papalapit sa kinaroroonan ko

"Dad, I thought..."

"Magaling ba magdrama si daddy?"

"Sorry dad. I wasn't aware na drama pala yun" Natatawang sabi ko

Natawa na rin si dad "ang importante napaniwala kita" I roll my eyes on him "halika nga dito at namimiss kita" niyakap ako ni dad.

Antagal din naming di nagkita "happy birthday my princess" he kissed my forehead. I smiled at him

"Happy birthday anak" si mommy

"Thank you mom" she kissed me too

"So sino may pakana nitong birthday surprise?" Tanong ko sa kanilang lahat

"It's their idea anak" mom told me na ideya daw to nung tatlo "gusto ka daw nila isurprise sa birthday mo"

Ang sweet talaga ng mga kapatid ko.

We're here at the dining area kumakain ng itanong sakin ni gwen si thea

"Where's ate thea, ate? You should call her to come here" sabi ni gwen

Sumang-ayon naman yung dalawa

Hayy...kung alam lang nila

Tapus na kaming kumain. Nasa sala yung mga kapatid ko naglalaro.

"Anak, are you okay?" Si dad

"I'm fine dad"

"Care to tell me whose thea?" He asked

So basically, di pa alam ni dad yung tungkol sa relasyon namin ni thea.

I'm planning to tell him naman, sila ni mom pati na rin yung mga kapatid ko. Naghahanap lang ako ng tiyempo and since he brought up this topic about thea then I think it's time to tell him everything.

"Palagi kong naririnig yung name niya sa mga kapatid mo. Is she your friend?" tanong pa ni dad

"Dad, there's something you need to know. Kayo ni mom actually" lumapit naman si mom samin ni dad

"What is it that we need to know sweetie?" Si mom

I heaved a sigh "thea, she's my friend at the same time my lover" walang preno kong sabi. Ayoko nang magpaligoy-ligoy.

"Your...what?" tanong ni dad

"Dad, I'm a bisexual and I love thea"

Simula nung naging kami ni thea, napagtanto ko na isa akong bi. Di lang kasi ako naaattract sa lalaki, naaattract din ako sa babae. But I doubt na maaattract talaga ako sa ibang babae cos I know to myself that I'm only attracted to her and her only. Thea

Medyo nanlaki yung mga mata ni dad sa narinig. Di ko alam kung galit ba siya or what. Di ko mabasa yung ekspresyon sa mukha niya.

"Oh sweetie" nilapitan ako ni mom saka niyakap

Wait, does this mean na tanggap ako ni mom?

"Tanggap niyo po ako?"

"Of course! You accepted me as your new mother so who am I para di ka tanggapin?" Naluluhang niyakap ko ulit si mom

Wait, how about dad?

"I want to see that thea girl" I heard dad said kaya naman kumalas na ako sa pagkakayakap kay mom "I want to talk her"

Binaba ko yung tingin ko sa sahig "pwede mo siyang makita dad at kausapin but you won't be able to get a response from her"

"What's that supposed to mean?"

Iniangat ko na yung tingin ko kay dad "she's in the hospital"

Nagkatinginan naman sina dad and mom

"What happened to her sweetie?" tanong ni mom

"Heart problem" maikli kong sagot sa kanya

Napatakip naman ng bibig si mom "is she okay?"

"I believe she's okay" I forcefully smile

"What's her case?" tanong ni dad

Kinwento ko sa kanila ang kalagayan ni thea lalo na ang tungkol sa sakit niya and that she's on the waiting list for a heart donor.

"and that's actually what I wish for...na sana magising na siya at makahanap na ng heart donor"

"Well, sana matupad yang wish mo" dad said "and I still want to talk to thea. Maybe not now but soon"

I smiled at him "You'll definitely gonna like her dad, once you know her"

Napangiti na lang din si dad

Bigla naman nagring yung phone ko at si tita tanya ang nakalagay sa caller id.

Bakit kaya siya tumawag.

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Di ko alam kung ano nararamdaman ko ngayon.

I excused myself kina dad and mom saka sinagot yung tawag ni tita tanya.

"Hello tita? Napatawag po kayo? May problema po ba?" Sunod sunod kung tanong "may nangyari po ba kay thea?" Ayoko man itanong yung tanong na yun pero kailangan. I need to know kung bakit siya tumawag.

"Krystal, iha..."

I froze when I heard what tita tanya said.