webnovel

When a heart skips a beat

When there's love there's pain. Join krystal and thea as their heart skips a beat.

MissPaui · LGBT+
เรตติ้งไม่พอ
52 Chs

Chapter 41

"Girl, mabuti naman at naisipan mong pumasok ng school" bungad sakin ni ally.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway ng school papuntang cafeteria.

Before akong pumunta dito sa school ay binisita ko muna si thea dun sa ospital. Sinabihan ko din si tita tanya na babalik na lang ako dun mamaya pagkatapos ng school ko.

Natutuwa nga siyang malaman na papasok ako ngayon. Di kasi daw maganda na umabsent pa ako lalo at panigurado daw na di matutuwa si thea pag nalaman niya yun.

"Kailangan kung bumawi dun sa mga absences ko" sagot ko sa kanya

"Akala ko pa naman pababayaan mo na ang pag-aaral mo" she said

"Of course not" sagot ko "bakit ko naman gagawin yun"

Nang makarating na kami sa cafeteria ay agad kaming nag-order ng makakain saka naghanap ng bakanteng table.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ni ally ng biglang dumating si lea kasama si george.

Naging kaibigan namin ni ally sina lea at george simula nung naging kami ni thea. Di naman sila mahirap kaibiganin since mga kilala naman namin sila dati pa ni ally. And no hard feelings din sa dalawa kahit na niloko nila si thea. Si thea nga na niloko parang wala lang sa kanya yung nangyari, so sino kami ni ally para magalit sa kanila especially ngayon alam namin yung totoo, diba? Naikwento na kasi lahat samin ni thea simula dun sa reason kung bakit naging sila ni george at lahat lahat.

"Look, whose back!" excited na sabi ni george ng makita ako.

Napangiti naman ako dun

"Hey, krys" bati sakin ni lea na ngayon ay nakaupo na sa gilid ko "buti naman pumasok kana"

"Yan din sinabi ko kanina sa kanya eh" sabat naman ni ally

Umalis muna si george para bumili ng foods nila ni lea.

"Andami mong namiss na lesson" sabi pa ni lea

"I know. Kaya nga andito na ako diba" sarkastikong sabi ko

Natawa naman sila ni ally.

"By the way, how are you holding up lately?" lea asked. She sounded concern

I heaved a sigh then slightly smile at them "I'm fine" I simply answered

"Babe, wala na silang veggie salad" si george na kakarating lang galing counter "binilhan na lang kita nito" sabay pakita kay lea ng sandwich na puro vegetable ang sangkap

Naging vegan na kasi si lea. Gusto niya daw healthy living. Like duh? Pag sinabi bang kumain ka ng veggie healthy life na yun? Ewan ko ba dito kay lea

"Mabuti naman at nagkacommon sense ka na babe" ewan ko lang kung joke yun o ano pero natawa kami dun ni ally sa sinabi ni lea kay george

"Babe naman" aww si boy george nagpapout haha

"Wag ka nga mag-pout di bagay. Halikan pa kita diyan eh" sabi ni lea na nagpangiti naman kay george na kanina lang nakapout haha

Mga baliw

"Magpapout ako para kiss mo ko" pabebeng sabi ni george na agad naman nagpout ulit.

Natawa na lang si lea

"Oy ang babastos niyo. Wag nga kayong ganyan" suway ni ally sa kanila "may single dito oh" dagdag pa niya

"Eh kung di ka lang sana pabebe diyan eh di sana di kana single ngayon" saad ni lea

"What are you saying?"

"You know...nurse cassie" si lea

"Alam mo ally di kita gets eh..." nakisali na din si george "ang hot kaya ni nurse cassie ang ganda pa! Ano pa bang hinahanap mo?"

"Yung pake ko. Yun ang hanapin mo kasi wala akong pake sa sinasabi mo" sagot naman ni ally kay george

Lea and I chuckled. Nagsisimula na naman kasi yung dalawa eh. Palagi kasing nagbabangayan yan.

"Ang choosy mo masyado. Kung ako siguro sa posisyon mo matagal ng naging kami ni nurse cassie" sabi pa ni george

"So you're saying na type mo si nurse cassie?" lea asked

Patay ka ngayon george

"Wala akong sinasabing ganun babe. Ang sabi ko kung ako nasa posisyon niya" paliwanag naman ni george

"Kaya nga. Kung ikaw nasa posisyon ni ally so that means you're referring to yourself"

Napakamot na lang ng ulo si george "I'm just telling my opinion babe"

Napairap naman ng mata si lea

"Bakit kasi di mo pa sinasagot si nurse cassie?" Ako na ang nagtanong

"Eh bakit ba kayo nangengealam? Di ko nga kayo pinakealaman ni thea dati kahit alam ko feelings niyo sa isa't isa"

"Iba naman kasi samin ni thea. Iba din sa inyo"

Inamin kasi ni nurse cassie na may nararamdaman siya para kay ally. Si ally pala yung tinutukoy niya samin dati. Eto namang kaibigan ko di alam ang gagawin since hindi naman daw siya bakla gaya ng sabi niya kuno.

"at teka nga, di lang naman ako yung single dito ah" napatingin naman kami sa kanya. Napahinto si ally bigla "I mean, well, apparently...thea's not here... so single ka ngayon" turo pa niya sakin

"How's thea nga pala? Tulog pa din ba?" tanong ni lea

"She's still sleeping" sabi ko

"We're planning to visit her after school. Sabay ka na lang samin later kasi for sure dun din naman yung punta mo" lea said

Nginitian ko lang siya "oy sama din ako. Gusto ko rin bisitahin ulit si ganda" si ally

Nagsimula na kaming kumain habang nagkukwentohan pa rin. Di rin matigil ang bangayan nina george and ally sa kada topic na pinag-uusapan namin.

Ilang subjects at oras pa ng kabagutan ang tiniis namin bago mag-ring ang bell. Uwian na.

Sabay sabay na kami nagpunta sa ospital gaya ng napag-usapan.

Pagdating namin ay si nanay elma lang ang nandun. Agad naman namin siyang binati. Nasa flower shop daw si tita tanya sabi ni nanay elma at mamaya pa daw ang balik.

Binati ko si thea sabay halik sa kanyang noo "how are you mahal kong baby?" Nginitian ko si thea habang hinihimas ang noo niyang hinalikan ko gamit ang aking hinlalaki at saka lumipat ng pwesto para bigyan ng space yung tatlo

"Oy ganda gising kana diyan" sabi ni ally sa natutulog na si thea

"Oo nga thea. Di ka ba napapagod kakahiga diyan?" si george

"Bes, nagdala kami ng prutas para sayo" si lea. Hinawakan niya yung kamay ni thea saka ito hinimas himas "namimiss na kita alam mo ba yun. Namimiss ka na namin"

Nasa paanan lang ako ni thea habang pinapalibutan siya ng tatlo.

Gaya nila, nakatingin lang din ako kay thea.

Magsstay daw muna yung tatlo dito sa ospital. Samahan daw muna nila ako na magbantay. Pinauwi ko kasi si nanay elma para magpahinga. Ako na muna magbabantay kay thea. May dala din akong damit pamalit tsaka yung uniform ko para bukas pati na rin yung mga ilang kakailanganin ko like toothbrush and everything.

Naglalaro kami ngayon ng never have I ever haha

"Okay, ako na magtatanong" excited na sabi ni ally

Nakaupo ako sa upuan sa gilid ng kama ni thea habang nakaupo naman si ally sa bandang dulo ng kama. Si lea naman na naka indian sit ay kasalakuyang nasa couch katabi naman niya si george.

"Never have I ever touch my bf/gf in public"

"What do you mean by touch?" George curiously asked

"Oh c'mon boy george. Don't pretend like you're an innocent. You know what I mean" bwelta sa kanya ni ally

George, lea and I ate a piece of grapes.

Kung sino kasi yung nagawa na yung bagay na yun kailangan kumain ng isang pirasong grapes. Wala kasing alak dito.

Mostly kasi ganun eh alak yung iniinom but since nasa ospital kami grapes na lang muna atleast healthy.

I heard ally gasped "woah! Wait, these two..." turo niya kina george and ally "expected ko na yun but you...you touched thea? In public?" di makapaniwalang tanong ni ally

What? Ganun na ba ako or rather kami ka inosente sa paningin niya? Akala niya ba di ko magagawa yun kay thea? Pwes nagawa ko na haha at gagawin ko pa basta gumising lang talaga tong damulag na to haha

I shrugged my shoulders "I mean why not? She's my girlfriend. I can touch her whenever I want" proud ko pang sabi

"even in public?" Ulit ni ally

"Even in public" sagot ko "besides di lang naman ako eh. Thea touched me also like all the time" natatawa kong sagot habang naaalala yung mga pinaggagawa namin dati.

"Woah!" natawa na lang si lea and george

"That's my girl" puri ni lea "Bat ba kasi parang di ka naniniwala diyan?" Tanong ni lea kay ally "magjowa yung dalawa ano iniexpect mo?"

"Di ko lang kasi inakala na horny din pala tong dalawa kagaya niyo lalo na in public" sabat naman ni ally

"Wait...I'm horny?" ngayon si lea naman ang di makapaniwala sa sinabi ni ally.

Ally nodded her head "hmm-mm"

Lea scoffed "coward" sambit ni lea sa mahinang boses

"Ano sabi mo?" tanong naman ni ally sa kanya

"What?" patay malisyang tanong ni lea

"May sinasabi ka eh" si ally

Iniling lang ni lea yung ulo niya saka tinanong si george "meron ba akong sinabi?"

"Ha?" si george na parang di rin narinig sinabi ni lea "may sinabi ka ba?"

"See? Guni guni mo lang yun" nakangiting sabi ni lea

I heard ally hissed

Napapailing na lang ako ng aking ulo.

After ng ilang tanongan sa game na yun ay napagpasyahan ko munang matulog. Mamaya pa naman daw sila uuwi eh at isa pa medyo inaantok ako.

They were talking about something nung inihiga ko yung ulo ko sa braso ko na nakapatong sa kama ni thea saka siya pinagmasdan

Napapapikit na ako ng aking mata habang di pa rin naalis ang tingin kay thea

Hayaan ko na muna sila makipagkwentuhan diyan. Idlip lang ako saglit.

Hanggang sa nakatulog na ako

See you in my dreams babylove.