webnovel

When a heart skips a beat

When there's love there's pain. Join krystal and thea as their heart skips a beat.

MissPaui · LGBT+
เรตติ้งไม่พอ
52 Chs

Chapter 34

Kasalukuyan kaming naglalakad ni thea papuntang parking area.

I keep on glancing at her. Wala ka talagang maipipintas sa babaeng to. Kahit saang anggulo maganda.

Napangiti ako. Naalala ko yung sinabi niya kanina after niyang aminin na gusto niya din ako.

*flashback*

"...I like you too krystal"

"I like you, you like me" I smiled while thinking about that but eventually it faded when I suddenly remember her crush.

Yeah, what about her crush? Diba may gusto siya dun? Tapus gusto niya din ako. Aba, di pwedeng kaming dalawa yung nasa puso niya no. Dapat ako lang.

"What about your crush?" I curiously asked her

"What about her?" Kung kanina hawak ko pa mga kamay niya ngayon hindi na

Umiwas ako ng tingin sa kanya at piniling pagmasdan ang mga estudyanteng nasa paligid.

"You can't like me back kung may gusto ka din na iba" seryoso kong sabi

"Why not?" Napalingon ako sa kanya

Gusto ko siyang pagalitan sa sinabi niya. So ano? Okay lang sa kanya na dalawa kami. Aba kelangan niyang mamili. At isa pa, kung talagang gusto niya yung crush niya di na dapat siya nagkagusto sakin.

"You have to choose. Di pwede na dalawa kami sa puso mo" saad ko

"What if I don't want to?" Ah seriously this girl.

"Then you have to choose me" nakaharap ulit ako sa kanya while crossing my arms "kasi di ka na dapat nagkagusto sakin kung talagang gusto mo yung crush mo na yan" medyo mapakla kong sabi

Panira kasi yung crush niya eh. Sagabal siya sa plano ko kay thea. Not that I'm planning to do something bad at her. Siyempre alam niyo na kung ano plano ko sa kanya, ang mahalin siya.

Eugh! Ang cheesy nun!

She laughed a bit. Ano naman nakakatawa sa sinabi ko?

"Why you're laughing?" sinungitan ko nga habang nakataas ang isang kilay

Walang nakakatawa sa sinabi ko tapus tatawa siya dyan.

"It amused me to know that you still don't get it" what is she talking about? Ano yung di ko pa rin magets?

This time siya naman yung humawak sa dalawa kong kamay.

Ah those butterflies. Bigla akong nakuryente. Ang sarap sa pakiramdam. Hinawakan niya lang ako sari-saring emosyon na ang naramdaman ko. Ano pa kaya kung naghalikan na kami. For sure doble dobleng paru-paro at boltaheng kuryente ang mararamdaman ko. Napunta yung mga tingin ko sa mga labi niya. I gulped. I wonder what it taste like. I've never been like this to anyone. She's the only one who can make me feel this way.

Di ko naramdaman to kahit kanino. Not even with sir mark. Speaking of sir mark, I have to tell him to stop courting me.

"I can like you back..." she said "I don't have to choose kasi di naman kayo dalawa sa puso ko. Di ko kailangan mamili kung yung pagpipilian ko eh ikaw at ikaw lang"

Di ko siya gets

Bahagya siyang natawa "di mo pa rin gets?" Yes enlighten me kasi di ko maintindihan sinasabi mo "useless lang kung papipiliin mo ko kasi wala namang ibang choices. Ikaw lang. Ikaw lang ang natatanging choices kasi ikaw yung crush na tinutukoy ko"

Wait, what?

Ako yung crush na tinutukoy niya? Crush niya ako? Ako yung mahal niya!

Wait, so di pala kami dalawa sa puso niya kasi si crush at ako ay iisa.

Omg!

"Can you please say something?"

Wala akong masabi so instead I kissed her.

Yup! I badly want her lips on mine since kanina pa ako nagwo-wonder how does it taste like. I kissed her gently and passionately. She became stiff at first malamang siguro nagulat ng halikan ko siya but eventually she responded to my kisses. She taste like cotton candy. She taste like home.

Yes, I'm home. Thea is my home.

*end of flasback*

Nakarating na kami sa scooter niya. I really hate her riding that scooter. Di maalis sa isip ko yung nangyari sa kanya dati. Naalala ko grabe yung pag-aalala ko sa kanya nun. Now, I understand kung bakit ganon na lang naramdaman ko that time kasi noon pa man nandito na talaga yung nararamdaman ko sa kanya. It always here at ngayon ko lang narealise yun.

"So...are we together now?" tanong niya

Aba sinuswerte siya. Di porket naghalikan kami eh kami na. Kelangan niya muna dumaan sa butas ng karayom.

"Gusto mo maging tayo?" I sarcastically asked her

"Ayaw mo ba?" nagtatakang tanong niya

"Then court me" demanding na kung demanding pero dalagang pilipina ako kaya dapat lang na ligawan niya muna ako.

"Ako manliligaw?" di makapaniwalang tanong niya habang tinuturo ang sarili

"Siyempre. Alangan naman na ako manligaw. Babae kaya ako" pangangatwiran ko

"Excuse me? Baka nakakalimutan mo babae din ako"

"So? Babae din ako"

"Eh babae din nga ako" eto siguro yung sinasabi nila na isa sa mga struggle pag kapwa babae mo karelasyon mo.

"Basta ligawan mo ko" sabi ko ulit

"No" pagmamatigas niya "kung gusto mo ligawan kita, ligawan mo din ako"

Hayss...kung lalaki kausap ko di ko na kailangan sabihan na ligawan ako kasi pag lalaki automatic liligawan ka ng walang pasabi.

Kaso babae tong nagustuhan ko at ang tigas pa ng ulo.

"Umuwi ka na nga lang" sabi ko sa kanya saka kinuha yung helmet niya at ako na mismo nagsuot nun sa kanya.

Napansin kong napangiti siya kaya tinanong ko siya kung bakit

"Ang sweet mo kasi" I playfully roll my eyes on her

"Sweet naman talaga ako eh" pinat ko yung helmet niya ng matapos akong isuot sa kanya yun "mag-ingat ka" paalala ko sa kanya

"Mag-ingat sila sakin" biro niya

"Ha. Ha." I fake a laugh kaya sinamaan niya ako ng tingin

"Seryoso kasi ako. Mag-ingat ka" paalala ko ulit sa kanya "ayokong mangyari sayo yung nangyari dati"

"Don't worry di mangyayari yun" pano naman siya nakakasiguro as if naman napepredict niya ang mangyayari sa kanya.

"Kung ako lang nga masusunod ayoko na sana sumakay ka sa scooter mo na yan" pag-amin ko

She put her both hands on my cheeks then caressed it.

"Are you concerned as a friend or are you concerned as my soon to be girlfriend?" She asked habang taas baba yung kilay niya

Napatawa ako ng slight. Yun pa talaga iniisip niya eh nag-aalala na nga ako sa kanya.

Sinabayan niya ako sa pagtawa "don't worry, I'll be safe"

Napabuntong ako ng hininga "sige na. Kailangan ko pang bumalik sa clinic"

"Okay" sumakay na siya sa scooter niya saka pinaandar yun. Bago pa man siya umalis ay may hiningi pa siya sakin "kiss?" sabay pout ng lips niya

Napangiti ako sa kanya. Ang cute niya eh.

Agad ko naman siyang binigyan nun. Oh diba? Di pa nga nagsisimula yung ligawan may pakiss na haha "bye babylove" paalam ko sa kanya

Medyo nagulat siya ng slight saka ulit ako bingyan ng matamis na ngiti "bye my love"

My love? Ihhh...enebe haha

"Text mo ko pag nakarating kana sa inyo" pahabol ko pa

"Sure. Ingat ka din mamaya sa pag-uwi mo" sabi niya "bye!" tuluyan na siyang umalis

Hinatid ko siya ng tingin hanggang sa nawala na nga siya.

Ngayon ko lang napansin ang mabilis na pagtibok ng aking puso.

Eto na yata ang pinakamasayang araw na nangyari sa buhay ko

I smiled while touching my lips.

Napakagat ako ng labi saka iniling ang aking ulo habang nakangiti pa rin.

I have to tell ally sa nangyari.

For sure, she'll be the happiest to know about this great news.