webnovel

When a heart skips a beat

When there's love there's pain. Join krystal and thea as their heart skips a beat.

MissPaui · LGBT+
เรตติ้งไม่พอ
52 Chs

Chapter 26

I found myself smiling while looking at her.

She's cutting some carrots. Oh, look at her. How can someone look so perfect while cutting some carrots? Unfair. I've never seen anyone looking so damn perfect just like her. I mean, beside of me though. Haha I know I look perfect too for some but I'm not sure about her.

Does she find me perfect too? I bet not since nobody's perfect but still she's perfect for me. No one's gonna change my mind about that.

We are here in the laboratory kitchen. We're having our cooking class right now. We're just one table away.

Ally is in between of our table.

Speaking of ally, she disturbed my day dreaming about krystal when she suddenly blocked my sight while copying my position.

I was resting my chin on the palm of my hand while lovingly looking at krystal. She mirrored me

I rolled my eyes at her as soon as I saw what she did and also for blocking my sight on seeing krystal.

She raised her brows up & down. See? She loves teasing me. Di ko na dapat inamin dito eh. Bwisit. Lakas mang-asar.

"Alam mo ikaw..."

"Ano?" Napabuntong na lang ako ng hininga

"Kung ako kasi sayo aminin mo na" bulong ni ally sakin "ano? Gusto mo hanggang tingin ka na lang?"

"Siyempre hindi no!" Agad kung tanggi. Ayokong hanggang dun lang ako. Di pwede

"Yun naman pala eh" she looked behind her. Napatingin din ako. Napasama yung tingin ko dahil sa may kausap ngayon si krystal na si Kyle.

Napakunot ako ng noo. Paano kasi ang ganda ng ngiti na binibigay niya kay kyle.

I hate to see her smiling because of someone else. Gusto ko ako lang. Sakin lang siya dapat ngumingiti ng ganyan.

Ugh! I don't care if I'm acting possessive! Di ko gusto yung nakikita ko

"Kita mo yan?" dinig kong sabi ni ally sabay nguso dun sa dalawa "galaw galaw ka naman kasi ganda hindi yung nagduduwag duwagan ka diyan"

Nalipat yung tingin ko kay ally. "Bakit kasi feel ko parang minamadali mo ko?" tanong ko sa kanya

"Bakla di kita minamadali. Ang akin lang life is too short. Aba malay mo isang kurap mo lang naghahalikan na yung dalawang yan" natatawang sabi niya. Ang tinutukoy niya ay si krystal at kyle na patuloy pa rin sa landian este tsismisan.

"But seriously though, Life is really too short thea kaya kung ako sayo umpisahan mo na ang paglande"

Napairap na lang ako sa kanya "paano?"

"Makipaglande?" kunot noo niyang tanong. I nod my head reason for her to laugh.

Napatingin naman yung iba naming classmates lalo na si k pati yung asungot na kyle na to dahil sa tawa ni ally

I hit her arm. She winced "aray naman ganda kung makahampas" napasimangot siya "tahimik kasi" suway ko sa kanya

"Natawa lang naman kasi ako. Akalain mo yun ang isang dyosang bakla like you di marunong lumande hahahaha" sige tawa pa kabagin ka sana tss...

"Stop laughing or else pektusan kita" I warned her

She rolled her eyes on me "haruuu juskoooo. Bagay nga na maging kayo pareho kayo namemektos" saad niya sa mahinang boses yung ako lang makakarinig

"Bakla kung ako sayo magpabida ka na dun! Dali!" tulak niya pa sakin papunta sa table ni krystal.

Sandali lang naman girl. Di ako prepared. Paano ako magpapabida eh di naman ako si jollibee na bida-bida? Hayys

Pero huli na para umatras dahil nasa gilid na ako ni krystal. Nag-uusap pa rin sila ni kyle. I wonder kung ano pinag-uusapan nila. Kanina pa tong kyle na to eh.

Lumingon ako saglit kay ally. She only give me a 'go bakla' smile. Haha Ewan ko ba sa babaeng yan tinatawag akong bakla although totoo naman pero siyempre mas prefer ko yung tinatawag niya akong ganda. Bakit ba? Maganda naman talaga ako eh.

Napaharap na ako sa kanila. I move closer to krystal, enough for me to tugged the hem of her chef uniform.

She then looked at me with her puzzled face.

Nagtataka siguro to bakit ako nanghahatak ng uniform.

"Thea..." I really like the sound of my name in her mouth "you need something?" saglit kong tiningnan si kyle na nakatingin din sakin ng mga oras na yun at agad binaling ang tingin ko kay krystal

"Masakit yung kamay ko" I lied

Ewan ko ba bat ako nagsusumbong dito. Bahala na

Napansin ko naman na agad siyang napatingin sa mga kamay ko. "Why?" Kunot noo niyang tanong

"Uhm..." pero bago pa man ako makapagsalita ay bigla niyang kinuha at inexamin yung mga kamay ko

Tinitingnan ko lang siya sa ginagawa niya "wala namang hiwa. Wala kang sugat" natingin siya sakin pagkatapus niyang icheck "bakit sumasakit?"

Nararamdaman ko ulit yung concern niya the way siya magtanong sakin. Kinikilig tuloy ako ihhhh.

"Uhmm... actually...nawala na yung sakit" sabi ko

"Really?"

I nodded "mmmm! Hinawakan mo kasi" booooooom! Hahahahaha I cringed on my own pick up line. Di ko lubos akalain na magagawa ko ang magbitiw ng mga ganong cheesy lines. Euh!

Gusto kong tumakbo palabas ng kitchen. Nakakahiya. Ganito bang pabida yung sinasabi ni ally?

Speaking of ally, dinig ko yung paghagikhik niya nung sinabi ko yun. Wala talaga ibang gawin tong babae na to kundi pagtawanan ako. Yung totoo? Tinutulungan ba niya talaga ako o pinapahiya?

A smile slowly formed on krystal's lips which makes me smile also.

Phew! Akala ko pa naman magiging awkard

"Loko ka talaga" sabi niya na natatawa pa na siya namang nagpakilig sa akin. Ang babaw ng kilig ko haha "bumalik ka na nga dun sa table mo" utos niya

Agad naman nawala yung ngiti ko saka tiningnan si kyle na nandun pa rin sa table niya.

Yung totoo? Ano ba sadya nitong asungot na to at andito pa to!

At tsaka...

"Ako pababalikin mo tapus siya hindi?" Sabay turo ko kay kyle

Napadako naman yung tingin niya kay kyle na biglang ngumiti nung napadako yung atensyon sa kanya ni krystal.

Ngiting aso. Pweee

"Kyle, may kelangan ka pa ba?" tanong niya kay asungot. Umiling naman ito "oh eh bakit nandito ka pa? Bumalik ka na nga dun" pagtataboy niya kay kyle

Wahaha tinaboy? Bleee.

Pero agad naman naglaho ang ngiti ko at napalitan ng mataray na mukha

"Sure" sagot ni asungot habang ngiting aso pa rin. At aba! Nagwink pa.

Eto namang krystal na to ngumiti pa! Aba, at sa harapan ko pa? Taksil!

OA girl ha? Taksil agad? Ano may kayo?

Sabi ko nga walang kami. Sad

Napansin siguro ni krystal na andun pa din ako sa tabi niya at masamang nakatingin kay kyle

She scoffed then she covered my eyes with her right palm.

"Tama na yan" sabi niya saka ako pinatalikod at marahang tinulak papunta sa direksyon ng table ko.

Nilingon ko siya pero sinenyasan niya lang ako na parang tinataboy gamit yung kamay niya.

Kaya naman bumalik na ako sa table ko.

"Hanep yung banat ah" bulong sakin ni ally

Iirapan ko na sana siya kaso pagtingin ko nakathumbs-up na yung dalawa niyang hinlalaki so instead napangiti na lang ako sabay iling ng aking ulo.