webnovel

When a heart skips a beat

When there's love there's pain. Join krystal and thea as their heart skips a beat.

MissPaui · LGBT+
เรตติ้งไม่พอ
52 Chs

Chapter 22

Andito na ako ngayon sa parking lot. Pinaandar ko na yung scooter ko at akmang paalis na ng bigla naman humarang sa harapan si krystal dahilan para apakan ko ng todo yung preno.

Gusto niya bang magpakamatay?

"Baliw kaba? Kung gusto mo magpakamatay wag ka sa scooter ko magpasagasa" iritable kong sabi

Magpapakamatay siya eh di pa nga kami... char haha

Oh diba parang di lang ako niloko sa mga pinagsasabi ko.

"Tanga, di ako magpapakamatay!" Aray ko naman. Tanga daw ako. Tanga sayo awit haha

"Eh kung ganon ano ginagawa mo?"

"Kanina pa kasi kita hinahabol"

Ganon? Sorry naman di kita napansin my love

"Oh eh bakit?"

"Uhmm... I just want to make sure na okay ka lang. I mean... uhm... you know af-"

"Don't worry about me. I'm fine" I cut her in. I gave her a smile

She just looked at me. Yung para bang sinusubukan niya akong basahin

"Basta if you need someone to talk to or makakasama, you know my number. I'm just one call away" how sweet of you

I sighed. "Thank you. Anyways, I have to go"

"Hmm. Ingat" I forced a smile

Nang pinaandar ko na ang scooter ko ay nakaramdam ulit ako ng pagkahilo pero binalewala ko lang yun. Di pa naman ako nakakalayo kay krystal. I looked over my side mirror and nakita ko siyang nakatayo dun habang sinusundan ako ng tingin and as soon as I averted my gaze to the road ay dun na nagsimulang umikot ang aking paningin. Madiin kong pinikit yung mga mata ko saka minulat ito. Saktong pagmulat ko ng aking mga mata ay naramdaman ko na lang ang aking pagkatumba and the last thing I heard is krystal's voice calling my name from afar.

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Medyo nanghihina ako.

"Thea" agad kong hinanap kung saan galing yung pamilyar na boses na yun at yun nga nakita ko siyang nakatayo sa gilid ng kama ko.

Wait, asan ako? Nilibot ko ang aking mga mata and right, I'm in the school clinic.

"Mabuti gising ka na" she softly said "okay ka na ba? Wala bang masakit sayo? Di na ba masama pakiramdam mo?"

I just gave her a sweet smile while shaking my head

"Nasa langit na ba ako? Are you an angel? Sinusundo mo na ba ako?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya na pabiro

"Sorry wala ka sa langit. Andito ka sa clinic at pwede ba sagutin mo yung mga tanong ko" pagkaklaro niya

"then are you my guardian angel?" hirit ko pa

She slightly let out a giggle. "Sira! Siguro grabe yung pagkabagok ng ulo mo sa helmet ng matumba ka kanina kaya kung ano-ano na lang pinagsasabi mo. Di mo pa rin sinasagot mga tanong ko ha? Okay na ba pakiramdam mo?" She asked again

Pero di ko siya sinagot instead I asked her a question.

I furrowed my brows "natumba?"

"Natumba ka kasi kanina habang sakay sa scooter mo. Mabuti na nga lang at nasa school campus ka pa nung nangyari yun. Pano na lang kung nasa kalsada ka na nung mga oras na yun? Alam mo di ka na dapat sumasakay sa scooter mo na yan eh. Mahirap na baka bigla ka na lang ulit atakahin. Sino tutulong sayo kung sakali? Mabuti na lang talaga andun ako kanina..."

Ang haba naman nung sinabi niya eh parang natumba lang naman yung tinanong ko haha

Pero wait... bakit parang feeling ko concerned siya sakin?

Hayss ang assumera mo talaga thea.

"Don't get me wrong, concerned lang ako sayo as your friend" akala ko pa naman tapus na siya may dagdag pa pala dun sa sinabi niya.

And I'm right... concerned nga siya but

as your friend

as your friend

Of course, as her friend.

Haysss

"Don't be" napakunot naman siya ng noo "wag ka maconcern sakin. Kaya ko naman sarili ko eh"

"Anong kaya? Thea, nawalan ka ng malay habang nagdadrive. Sa tingin mo ba napunta ka dito sa clinic dahil kaya mong dalhin sarili mo dito? Hindi. So don't tell me to stop being concerned about you kasi kahit alam kong kaya mo but somehow... di mo kaya"

"Why you're mad?"

"I'm not mad. It's just that..." she sighed "nag-aalala lang talaga ako sayo lalo na't nalaman mo na yung tungkol kay lea at george"

"You sound like you knew about them cheating on me, do you?"

Bahagya siyang napayuko

So she knew...

"Why you didn't tell me?" I asked her with a straight face

Di naman ako galit. For sure inaalala niya lang yung kalagayan ko that's why di niya nagawang sabihin sakin yung totoo.

"Sasabihin ko naman eh. Actually, kanina sasabihin ko na dapat sayo kaso..." she paused "yun na nga ang nangyari"

Bahagya siyang napayuko ulit. Nakatulala akong nakatingin sa aking paanan.

Bumalik ulit yung sakit. Bakit nila yun nagawa sakin? Bakit nila ako niloko? Of all people... bakit yung bestfriend ko pa ang kelangang tumraydor sakin?

"Galit kaba sakin?" napaangat ako ng tingin sa kanya

Umiling naman ako "bakit naman ako magagalit sayo?"

"Kasi di ko sinabi?"

I smiled at her "I understand why you did what you did. You're just concerned about me, right?" she smiled back at me

Bigla naman dumating si nurse cassie.

"Oh mabuti naman at gising ka na" sabi niya habang papalapit sa kama ko "okay na ba pakiramdam mo?"

"Yes, nurse cassie" nakangiti ako habang sinasabi yun

"Mabuti pa si nurse cassie sinagot mo, ako hindi"

Aww.. tampo ka na ba niyan? Haha Pano naman kasi kita sasagutin eh di mo pa nga ako nililigawan char ulit haha

"Malamang nurse ako dito" sabat naman ni nurse cassie "kaya dapat lang na sagutin niya ako"

Niroll niya lang yung eyes niya haha.

"Kung okay ka na pwede na kayong umuwi" paalala ni nurse cassie

At umuwi na nga kami.

Ngayon ko lang din napansin na may gauze yung siko ko. Siguro nasugatan nung natumba ako.

Natagalan bago kami nakauwi ni krystal dahil nakipagdebate pa ako sa kanya about sa scooter ko.

Ayaw niya kasi na sumakay ako dun knowing nung nangyari kanina pero di ako nagpatinag siyempre. Ayoko naman na iwan dito yung scooter ko no.

"Mas mahalaga pa ba yung scooter mo kesa sa buhay mo?"

Ganun yung mga tinatanong niya sakin.

Siyempre mahalaga yung buhay ko no lalo na't parte ka nito eheee haha

Sa hinaba ng debate namin, in the end ako pa rin nanalo bwahahaha.

Siyempre alam ko naman na di niya ako matitiis another char haha

Siyempre wala siyang magagawa eh ayaw ko talaga iwan scooter ko sa school. Ayaw ko din magcommute.

Sinigurado ko rin siya na walang mangyayari sakin na masama.

Kaya ayun text ko na lang daw siya pag nakarating na ako sa bahay ng buhay haha

Grabe yung concern mo sakin my loves ha? Di naman ako nagcocomplain. Actually, gusto ko nga eh haha