webnovel

When a heart skips a beat

When there's love there's pain. Join krystal and thea as their heart skips a beat.

MissPaui · LGBT+
เรตติ้งไม่พอ
52 Chs

Chapter 20

"HAHAHAHAHA"

Tawa ng tawa si thea. Kinukwento niya kasi sakin yung nangyari sa kanya nung first day of school.

Nakaapak lang naman daw kasi siya ng popo. Oh diba? Kumakain kami tapos ganyan yung topic namin haha. Nakakadiri nga eh pero dahil siya si thea, wala akong pakialam kahit gaano pa kadiri yung topic namin haha.

Ewan ko rin ba sa babaeng to kung bakit diyan napunta yung usapan namin.

Pasalamat talaga siya girl crush ko siya

Natatawa na lang din ako di dahil sa kwento niya kundi dahil sa kanya mismo, sa tawa niya to be exact haha. Her laugh is so contagious parang gusto mo na lang din sumabay sa kanya sa pagtawa.

Ang sarap pakinggan. It's like a music to my ears.

"Tapus di lang yun basta popo ah kasi mabasa basa pa eh hahahahah" hinampas ko siya sa kamay saka napailing ng ulo sa kanya habang tumatawa

"Hinaan mo nga boses mo..." palinga linga ako sa paligid baka kasi may nakarinig sa sinabi niya eh "nasa coffee shop tayo maraming taong kumakain" suway ko sa kanya

"Oops! Sorry" saka nilibot yung tingin sa paligid at nung mapadako yung tingin niya sa akin ay bahagya siyang napatawa na sinabayan ko naman

"Bakit ba kasi napunta tayo sa ganyang topic?" tanong ko na natatawa pa

"Ikaw eh... gusto mo malaman funniest moment ko"

Napataas naman ang isa kong kilay "funniest na yun para sayo?"

Napakibit balikat na lang siya habang ngiting ngiti pa

Nginitian ko lang din siya habang iniiling ang aking ulo

Nang mga oras na yun ay napatingin ako sa balikat ni thea at napansin ang taong papalapit sa table namin

Automatic na tumayo ako pagkakita ko sa kanya. Napansin ko naman na napaangat ng ulo si thea sakin na may pagtataka sa kanyang mukha

"What's wro—"

"Sir Mark" di ko na pinatapos si thea sa tanong niya. Pagkasabi ko nun ay agad siyang lumingon dun sa tao na tinawag ko na sir.

Nakita ko naman na napatingin si sir mark sa nakaupong si thea na nakatingin din sa kanya.

"What are you doing krystal?" tanong ni sir mark ng ibaling niya yung tingin niya sa akin. "Work hours ngayon you're supposed to be working"

Medyo napayuko ako sa kanya.

"Excuse me sir" dinig ko naman na sabi ni thea "I'm thea, krystal's friend"

"So?" tanging sabi ni sir mark sa kanya with expressionless na mukha

Napatingin naman sakin si thea at agad binalik ang atensyon kay sir mark

"So... I just wanted to say that... you shouldn't be mad at krystal since ako naman yung pumi-"

"I'm not mad" pagputol niya kay thea

Binaling ni sir mark ang tingin niya sakin "We have do's & don'ts here you know that" Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo saka sinabing "go back to your work"

Tumango ako sa kanya bilang pagsang-ayon.

Tumingin ako kay thea. She mouthed "I'm sorry" I mouthed back "It's fine" saka siya binigyan ng ngiti. Assuring her na okay lang at wag siya mag-alala then umalis na ako at bumalik na sa work.

It's 9:00 o'clock in the evening already. Meaning magsasara na kami.

Tapus na akong magbihis sa locker room kaya naman lumabas na ako. Nagpaalam na ako kay jim na mauna na since may pupuntahan pa ako.

Gusto pa sana niya akong sabayan pero sabi ko wag na.

Habang tinutungo ko yung pintoan palabas ng coffe shop ay bigla na lang may nagsalita

"Pauwi ka na ba?" Si sir mark

Nilingon ko siya na kakalabas lang din sa opisina niya

"Yes sir!" siyempre kahit nanliligaw yan sinisir ko pa rin yan.

"Tapus na yung work so stop calling me sir" he demanded

Papalapit siya sakin habang sinasabi niya yun

Huminto naman siya mismo sa tapat ko "hatid na kita"

"Sir wag na" agad kong tanggi

Mabilis siyang nagpakawala ng hininga "I told you don't call me sir"

"Sorry" tanging sabi ko

"So? Hatid na kita" ano ba yan. Mapilit much

"Sir... I mean mark. Thank you pero wag na"

"Gabi na baka mapaano ka pa sa daan"

Nginitian ko muna siya bago sumagot "I'll be fine at isa pa may pupuntahan pa ako"

"Oh eh kahit ihatid na lang kita sa pupuntahan mo" ayaw talaga sumuko

Kaya wala na akong nagawa at napapayag niya ako.

Nakalabas na kami ng coffee shop kasabay ng paglabas ko sa pinto ay agad nahagip ng aking dalawang magagandang mata ang isang magandang dalaga. Eheee

Anong oras na? Bakit pa siya nandito?

Wait? Don't tell me hinihintay niya ako?

'Hoy! Wag assuming'

Ayan ka na naman oself kahit kailan talaga apakademonyo mo

'Makademonyo ka diyan! Anghel ka?'

Ewan ko sayo.

"Thea?" Tawag ko na agad naman niya ikinalingon

Kasalukuyan kasi siyang nakaupo sa isang parking block. Nasa harapan naman niya yung vespa scooter niya.

Napatayo siya ng makita niya ako

"K" tawag niya sakin

"Bakit andito ka pa?" agad kong tanong sa kanya. Curious talaga ako eh.

"I'm waiting for you"

Napakunot naman ako ng noo. Sabi ko na nga ba hinintay niya ako. Oh ano ka ngayon oself? Assuming pala ha...

'Oo na! Ikaw na hinintay! Sana all diba'

Loko talaga tong demonyong side ko.

"Bakit?"

"Sasabayan kita sa pag-uwi" sabi niya "gusto ko lang makabawi"

Napangiti naman ako dun. Siguro akala niya pinagalitan ako ng boss ko kanina kaya nasabi niya na gusto niyang bumawi. Ewan ko ba at may bigla na lang akong naramdaman sa bandang tiyan.

Sasagot na sana ako kaso umepal yung katabi ko.

Actually nakalimutan ko saglit na may kasama pa pala kaming isang tao dito at yun ay si mark.

He cleared his throat saka nagsalita "sorry kid pero ako makakasabay niya ngayon. Kung ako sayo umuwi ka na lang" utos niya kay thea.

Napansin ko naman na biglang sumama ng slight yung tingin ni thea kay mark

"No. Sakin siya sasabay" sabat niya

"Di mo ba naintindihan sinabi ko bata? Sakin siya sasabay ako maghahatid sa kanya. Let's go krys" sabat din ni mark

He grabbed my left hand. He's about to pull me para umalis na ng hawakan naman ni thea yung other hand ko which makes him and I to stop at agad napadako yung tingin niya sa kamay ko na hawak ni thea.

"Let her go" he ordered in a bossy way

"You let her go" diin naman na sambit ni thea

He scoffed. "C'mon kid. Gabi na. Let krystal go with me at umuwi ka na lang"

Hinatak ako ni mark palapit sa kanya pero di rin nagpatalo yung isa dahil kasabay nun ay hinatak din ako ni thea.

"Wag mo nga akong tawaging kid or bata. Sakin sasabay si krystal. Ikaw umuwi" ayaw talaga magpatalo ng batang to

"At saan mo naman isasakay si krystal? Diyan sa scooter mo?"

"Oo! May problema ka dun?" Grabe talaga confidence ng babaeng to makipag-away. Di ko naman alam na may pagka-war freak pala to.

Patuloy sila sa hatakan nang padabog kong binitawan yung kamay nila na nakahawak sa akin

"Ano ba?! Tumigil nga kayo! Gusto niyo atang maputol yung mga kamay ko eh" medyo inis kong sabi sa kanila

"Yan kasi eh... sinabi na nga na sakin ka sasabay" sabat ni thea

"Anong ako? Sakin naman talaga sasabay si krystal eh"

Ayaw talaga magpaawat ng dalawa. Nagsisihan pa.

"Di ba talaga kayo titigil?" Tanong ko sa kanila while giving them death glares

"Yan kasi" sabi ulit ni thea pero sa mahinang boses na dinig ko naman since malapit lang naman siya sakin

Binigyan ko lang siya ng naiinis na tingin. Kasi naman sasabat pa eh.

Iniwas niya lang yung tingin niya sakin kaya naman nagsalita na ako

"Umuwi ka na" utos ko sa kanya

Agad naman siyang tumingin sakin at tinuro yung sarili. Di siguro siya makapaniwala na pinapauwi ko na siya. Eh ikaw ba naman kasi mag-antay ng ilang oras tapos pauuwiin ka lang.

"Oo ikaw. Alam mo di mo na dapat ako inantay eh. Sige na umuwi ka na" utos ko sa kanya. Magsasalita pa sana siya kaso nabaling yung tingin niya kay mark na kasalukuyang nakasmirk.

"Sabi ko naman sayo bata umuwi kana eh" pang-aasar naman ni mark sa kanya

Napasinghap si thea pero bago pa man niya sabihin ang sasabihin niya ay hinarap ko na si mark sabay sabing "umuwi ka na din dahil di ako sasabay sayo"

Nagulat naman siya "pero diba ihahatid pa kita?"

"Nagbago na isip ko. Wag na lang" walang emosyong sabi ko "Thank you sa offer"

Nagsimula na akong maglakad "wait... are you serious? Where you going?" tanong ni mark. Lumingon ako sa kanya "do I look like I'm joking?" Sarkastiko kong tanong pabalik sa kanya

"Aalis na ako at kayo uwi na" sabi ko saka binaling yung tingin ko kay thea "lalo ka na baka kung ano pa mangyari sayo"

"but I wan-" di ko na siya pinatapos sa sasabihin niya sana "Text me na lang pag nasa bahay ka na"

Bago pa man ako tumalikod para umalis ay napansin ko naman ang pagtingin ni mark sa gilid niya kung saan nakatayo si thea at binalik ang tingin sakin

Iniwan ko sila dun at agad sumakay sa isang pampasaherong jeep