webnovel

When a heart skips a beat

When there's love there's pain. Join krystal and thea as their heart skips a beat.

MissPaui · LGBT+
เรตติ้งไม่พอ
52 Chs

Chapter 19

Krystal's POV

One week na ang lumipas ng maospital si thea.

She's doing well na actually at pumapasok na siya sa school.

Nandito ako ngayon sa trabaho ko.

Busy ako sa paghanda ng order ng isang customer. Wala kasi ngayon si dian kaya kami lang ni jim nandito sa station namin.

Kasalukuyan niyang kinukuha ang order ng kakarating lang na customer.

Nang matapos na ako sa ginagawa kong paghahanda ng pagkain sa tray ay siya namang balik ni jim para iabot sakin yung papel na may laman ng inorder nang bagong customer saka kinuha yung tray sakin at dinala na ito dun sa isang customer.

Habang hinahanda ko yung order ay nakabalik na si jim sa station namin.

"K, pagkatapos mo diyan ikaw na magdala niyan dun sa customer" saad niya

Napaangat ako ng tingin sa kanya "bakit ako?" Di naman sa ayaw ko ha siyempre gawain ko rin naman yun pero nagtataka lang kasi bakit ako. Eh usually siya naman nagdadala ng mga orders sa table

"Request kasi ng customer ikaw magbigay ng order niya" napakunot naman ang noo ko at napansin naman niya yun "ako?"

"Yup. Kung di ako nagkakamali siya yung pinakilala mo sa akin dati sa school. Thea ba yung name nun? Basta siya yun" paliwanag pa niya

Nilibot ko yung paningin ko sa mga customer na nandoon hanggang sa napadako yung tingin ko sa table niya

Nakatanaw lang siya sa labas.

I slightly smiled at her

"Okay" sabi ko na lang kay jim

Nilagay ko na mga inorder niya sa tray. Di na ako nagulat bakit andami ng order niya eh ang takaw takaw ng babaeng yan eh haha

Inihatid ko na yung order sa table niya.

"Ehemmm..." I fake a coughed para maagaw ko yung atensyon niya na kanina pa nakatanaw sa labas

She automatically looked at her side then smiled ng makita niya ako.

"Hey!" masayang bati niya

"Hey" masayang bati ko rin sa kanya "eto na po ang order niyo ma'am"

Napatawa lang siya ng bahagya "wag mo na akong tawagin na ma'am parang di naman tayo friends" reklamo niya

Ngumiti lang ako sa kanya

She's wearing a gentle monster in the mood 32 (BK) na eyeglass. She matched it with her strawberry pink oversized tee na halos di na kita yung shorts dahil sa laki at haba ng t-shirt na suot niya. Naka Dr. Martens siya na leather boots sa paa. Messy bun naman yung hair niya. Ang cute niya tignan actually hehe

Pagkatapos kung ilagay mga inorder niya sa table ay nagpaalam na ako sa kanya ngunit di pa ako nakakaalis ng pigilan niya ako

"Wait, where you going?"

"Babalik na sa trabaho" nakita ko naman na umiling siya

"No, you stay here" napakunot naman ang noo ko "samahan mo ako"

"Pero may work pa ako at bawal makipag-usap sa kakilala pag work hours"

"Eh di ka naman makikipag-usap sakin eh. Kakain ka kaya samahan mo ako please"

So kaya pala andami niyang inorder good for two pala to.

Nakakainis naman tong babaeng to eh may trabaho nga ako eh

"Thea, as much as I want to eat with you, may trabaho pa ako" napansin ko naman na bigla siyang nagpout "di ko pwedeng iwan si jim dun lalo na't wala si dian kaming dalawa lang"

I heard her sigh "okay" she said in a sad tone

Hala. Kumirot naman ng slight yung puso ko dun. Sad siya dahil ayaw ko siyang samahan

"Just go back to your work then" sabi pa niya "sayang naman tong inorder ko"

Pinapaguilty niya ako and effective naman.

Umalis na ako pero bigla akong tumigil sa paglalakad. Napapikit ako ng mata sabay bumuntong ng hininga

Nagulat naman siya at tiningnan lang ako na naupo sa vacant chair sa opposite side ng table.

"What?" tanong ko.

Akala ko ba gusto niyang samahan ko siya kumain

"May trabaho ka pa diba?" ngayong sasamahan ko na siya parang ayaw naman niya

"Parang ayaw mo naman na samahan kita sige wag na lang" akma na sana akong tatayo ng agad niya akong pigilan

"Nooo! samahan mo ako" she pouted her lips kaya napaupo ako ulit sa kinauupuan ko.

Nagngitian lang kaming dalawa

"Basta mabilis lang ako baka mahuli ako ng boss ko lagot ako" sabi ko naman sa kanya

Nagthumbs-up lang siya sakin "wag ka mag-alala ako bahala sa boss mo"

Napairap na lang ako ng mata sa kanya

Sinenyasan ko muna si jim na kasalukuyang nasa counter na saglit lang ako. Tumango naman siya

Nagsimula na kaming kumain.

"Alam mo bang paborito ko yung strawberry cheesecake niyo dito" pag-amin niya

"Talaga?"

"Oo... eto palagi kong inoorder dito"

Tumawa ako ng bahagya habang iniiling ang aking ulo na ikinataka naman niya

"Oh bat ka tumatawa diyan?" tanong niya na may laman pa ang bunganga

"Alam mo ba yung kasabihan na - don't talk when your mouth is full?"

Tumango siya sabay lunok nung kinakain niya saka sumipsip dun sa oreo milkshake na inorder niya.

"I know... so bakit ka nga tumatawa?" Tanong niya ulit

Ngumiti ako sa kanya "para ka kasing bata kung kumain"

"Bakit mo naman nasabi?"

Sinenyasan ko lang siya na meron siyang something sa gilid ng baba niya

Agad niya yung pinunasan kaso may natira pa kaya ako na mismo ang nagpunas nun

"Akin na nga" pinunasan ko yung natirang cake sa bibig niya gamit ang hinlalaki ko "oh ayan wala na" pagkatapos kung punasan yung bibig niya ay napansin kong nakatitig siya sakin

Medyo nailang naman ako ng kunti kaya nilayo ko na yung kamay ko sa kanya saka nagstart ulit kumain

She cleared her throat "uhmm... a-ang sarap talaga nitong cheesecake" sabi na lang niya na medyo nautal pa sabay lamon then she make noises na parang sarap na sarap talaga siya sa kinakain niya

I just watched her. I don't know why but I suddenly feel happy being with her. It's like she knows how to brighten up my mood by doing whatever she's doing or just by seeing her face. It feels like she already completed my day.

I took this moment to examined her face. She has this pretty enticing dark brown eyes that makes you want to stare. Her attractive natural eyebrows. Her tiny dainty nose. Her lips. Her cute lips that I find too tempting not to taste.

Wait, what?

Dugdug....

What was that?

Dugdug....

Ugh! And what am I saying most especially about her lips? I rolled my eyes at myself mentally

'You're saying that her lips is so inviting you want to taste it'

Duh? Okay ka lang ba oself? Babae si thea so anong her lips is so inviting you want to taste it na pinagsasabi mo?

'Who cares if she's a girl? Wala. So okay lang'

Di kita maintindihan oself.

Well opo kausap ko na naman sarili ko kasi kung ano pinagsasabi eh.

'Edi papaintindi ko sayo'

Go ahead

'There's nothing wrong about kissing girls, about liking girls'

So ano point mo?

'What I'm trying to say is that be open to any possibilities that might happen'

Di pa rin kita maintindihan and I don't swing that way oself, you know that.

'uh-huh... Not yet. Wag ka na lang magsalita ng tapos. You never know what will gonna happen next'

Napahugot ako ng hininga saka yun dahan dahan na ibinuga

I looked up to see thea still enjoying her food

Posible kaya?

dugdug...