webnovel

Tulad ng sa Panaginip

Wein's POV •

Ang init ng pakiramdam ko, at nakakasilaw yung liwanag. Pagdilat ko ng mata ko,

"Lia," bigkas ko nang makita ko sya.

"Uy, gising ka na pala. Ang taas ng lagnat mo. Wala si tito kaya ako muna mag-aalaga sa'yo. Pero ngayon lang 'to ah?" sabi nya habang nakangiti at nagpipiga ng bimpo na ipinangpupunas nya sa kamay ko.

Ibinaba nya ang bimbo, at tumuon sa akin.

"Kaya mong umupo? Kain ka muna bilis, para makainom ka ng gamot," dugtong nya pa.

"Hmm…" nanghihina kong sagot.

"Pwede akong magtanong?" sabi nya habang kinukuha ang mangkok ng lugaw.

Iniabot nya sa akin ito at tinanggap ko naman.

"Anong tanong mo maliban dyan sa una mong tanong?" pagpupumilit kong magpatawa kahit na walang masyadong lakas, sabay subo sa lugaw.

"Ba't hindi mo tinatanggap yung forum invitation?" tanong nya na nagpahulog ng kutsarang hawak ko.

"Huh?" pagtataka ko sa kanya.

Lumingon sya bigla sa direksyon ng pinto.

"Ah, may nagdo-doorbell tignan ko kung sino," sabi nya habang papatayo na sya.

Doorbell?

Pagkasabi nya nun, narinig ko ang paulit-ulit na doorbell.

*ding dong, ding dong, ding dong*

"Nga pala, pagkakita ko kung sino yung nasa pinto baka umalis na ko," sabi nya sabay talikod.

*ding dong, ding dong, ding dong*

Lumingon sya ng bahagya at nagsalita ulit, "Sabi ko naman sa'yo kanina diba, ngayon lang 'to?" dugtong nya bago abutin ang pinto.

Di ako makaalis mula sa pagkakaupo, at para bang nasimento ang mga paa ko. Sumigaw ako para marinig nya pero di sya lumilingon.

*ding dong, ding dong, ding dong*

Nalaglag ako mula sa couch na kinauupuan ko dahil sa pagsubok na maabot sya, at nang nasa sahig na ako, idinilat ko ang mga mata ko, sinalubong ako ng katamtamang dilim ng apartment ko.

*ding dong, ding dong, ding dong*

Agad kong pinuntahan ang pinto, binuksan ito at nang may makita akong taong nakatayo, niyakap ko lang sya. At sinubukang paniwalain ang sarili ko na sya si,

"Lia," bigkas ko.

Hinigpitan ko ang yakap ko na para bang mawawala sya pag nagpakawala ako ng pagitan sa amin, kahit konti.

• Fhay's POV •

Dumiretso ako sa apartment nila Wein pagkatapos ng lahat ng klase ko.

Ang sabi ni Cleo hindi sya makakauwi agad kasi may night classes sya ngayong araw.

May pakay ako sa pagpunta ko. Naisip ko na baka ito yung tamang chance para kausapin ko sya. Kasi kung nung una iniisip ko na iba sya sa mga kilala kong lalaki, ngayon, pagkatapos kong marinig yung kanina, nalilito na ko. Tulad nga ng sabi ko, sa nakikita at naririnig ko lang ako naniniwala.

Pagkarating ko sa tapat ng apartment, wala akong napansin na ilaw. Medyo madilim sa loob. Normal bang hindi magbukas ng ilaw kahit gabi na? Pinakinggan ko rin ang palaigid, pero walang TV na nakabukas o kahit anong ingay.

"Ayos lang kaya sya?" tanong ko sa sarili.

Masama ang pinta ng itsura nya nang umalis sya kanina eh.

Nagdoorbell ako sa unang pagkakataon.

*ding dong, ding dong, ding dong*

Walang sumasagot. Nasa loob naman siguro sya diba?

Sinubukan ko ulit sa pangalawang pagkakataon, pero katulad ng una, walang kahit ano.

"Baka nakatulog sya," sabi ko sa sarili.

Pinindot ko ulit ang doorbell sa pagbabakasakaling nakatulog nga lang sya, at magigising sya pag hindi ako tumigil, pero wala pa rin.

Ika-apat na doorbell, at may narinig akong sigaw. Nasa loob nga si Wein. Hindi masyadong malinaw ang sinisigaw nya pero habang pinapaulit-ulit nya narinig ko na kung ano iyon.

"Li..a!" sigaw nya na parang nahihirapan.

Binabangungot ba sya? Dapat bang magdoorbell lang ako para magising sya? Basta, kailangan ko syang magising.

Sa pagka-aligaga ko, kumatok ako habang sumisigaw

"Wein! Si Fhay to! Gumising ka!"

Nagdoorbell ulit ako sa ika-limang pagkakataon at may narinig akong malakas na kalabog.

Nagising na ba sya?

Pagkatapos ng ilang mga segundo, may narinig akong mga yapak. Mabibilis na yapak at papunta sa pinto.

"Wein," bulong ko bago bumukas ang pinto.

Bago pa ko may masabi ulit, nakulong ako sa mahigpit na yakap ni Wein.

"Lia," sabi nya habang may tunog na pinaghalong takot at pagkalumbay.

Wala akong nagawa kundi tumayo at hintayin na kumalma sya at magising sa realidad.

Napakabilis ng tibok ng puso nya. Iba rin ang ritmo ng paghinga nya.

Sinubukan kong pakalmahin sya sa pagtapik ng likod nya.

Nang medyo napapatagal na ang yakapan namin napagdesisyunan ko nang magsalita.

"Ah, Wein...si Fhay 'to," awkward kong sabi.

Ngayon lang ako nagdalawang-isip na sabihin ang pangalan ko. Dati pag napagpapalit ang pangalan namin ni Frisha, palagi kong mabilisan na itatama iyon, pero ngayon…

Naputol ang paglipad ng isip ko nang lumuwag ang pagkaka-akap ni Wein.

Nagising na siguro sya?

Hinawakan nya ko sa magkabilaang braso at inilayo sa pagkaka-akap. Ang layo namin sa isa't-isa ay ang haba ng braso nya.

Di pa rin kalmado ang paghinga nya at nanlaki ang mga mata nya sa pagkagulat.

Pinagpapawisan na sya.

Iniangat ko ang isang kamay ko para kunan sya ng temperature. Inalis nya ang isang kamay sa braso ko. Nung una natural nyang iniwasan ang kamay ko na papunta na sa noo nya dahil sa pagkagulat. Tinignan ko lang din sya na nakalutang ang kamay sa ere. At gaya ng sinabi ni Cleo kanina na para bang naiintindihan nya ang titig ko, hinayaan na nya ko sa pangalawang attempt ko.

"Sinat nalang," sabi ko sa kanya bago nya alisin ang isa pang kamay sa kabilang braso ko.

Hinawi nya palikod ang buhok dahil sa hiya matapos nyang marealize na ako nga ang niyakap niya

"Fhay...Pasensya na," sabi nya sa akin na hatalang halatang guilty nga sa nagawa nya.

"Ahh, ayos lang. Alam kong wala ka sa sarili mo. Kaso curious lang ako, pag hindi ka komportable, wag mo nalang sagutin," pasimula kong sabi.

Tumango lang sya.

"Ahm...kamukha ko ba yung Lia?" bitaw ko ng tanong kanya.

"Ha? Well, hindi. Actually, sobrang baliktad kayo, sa personality pati sa style," malinaw nyang sagot.

"So, pano mo ko napagkakamalang sya? Nung isang beses sa pub, ngayon, dito sa pinto," pagtatanong ko na para bang di ako makakatulog pag hindi nya sinagot.

"Ah, yung sa pub may nangyari kasi non sa party na pinaggalingan ko, tapos ngayon, may panaginip kasi ako kani-kanina lang," pagpapaliwanag nya.

"Tyaka, parang unconsciously nasanay lang ako na sya lang yung nakakasama kong babae," dugtong nya pa.

"Hmm…okay. Thanks sa pagsagot, I guess," sabi ko.

"Pasok ka, tara," sabi ni Wein kasabay ng pagbukas nya ng pinto.

Tulad ng una kong punta nung hinatid ko sya pauwi malinis ang apartment nya maliban sa couch.

Dun siguro sya nakahiga kanina.

Humiga ulit sya sa couch habang nasa ulo ang isang kamay nya. Baka nahihilo sya dahil sa sinat nya tyaka gutom.

"Pahiram ng kusina, thank you," sabi ko na tama lang para marinig nya. Kaso wala syang sagot, baka di pa sya nakaka-move on sa nangyari kanina o sa panaginip nya.

Inilagay ko ang lugaw na mainit-init pa sa mangkok at dinala ko sa kanya.

"Kaya mong maupo? Kain ka muna, para makainom ka ng gamot," sabi ko habang ibinababa ko ang mangkok sa lamesa sa tapat nya.

Napaupo sya ng mabilis at tumingin sa akin na may gulat na gulat na reaksyon. Napasakit ng mabilis nyang pag-galaw ang ulo nya kaya napahawak sya rito.

"Aww, ahh..aray," sabi nya.

Anong nangyayari?

Nang hinawakan ko sya sa balikat para suportahan sa pagkakaupo, bigla syang tumawa, mula sa pigil na tawa hanggang sa malakas na tawa.

"Nababaliw na ata ako, ahahahaha," ang sabi nya.

Tumingin lang ako sa kanya dahil di ko maintindihan ang gusto nyang sabihin.

"Yung sinabi mo, parehas sa sinabi ni Lia sa panaginip ko," pagpapaliwanag nya.

Lumaki ng panandalian ang mata ko matapos maintindihan kung bakit naging ganun ang reaksyon nya kanina sa sinabi ko.

"May sasabihin ka rin ba tungkol sa invitation ko sa forum?" dagdag pa nya.

Nakatingin lang ako sa kanya halatang iniiwasan nyang initidihin ang ibig sabihin ng titig ko dahil tumingin sya sa kabiling banda.

"Kasi kung oo, baka nababaliw na nga talaga--" naputol ang sinasabi nya ng sumagot ako.

"Oo," maikli kong sagot habang nakatingin pa rin sa kanya.

"--ako," tuloy nya sa sinasabi nya kasabay ng paglingon sa akin matapos marinig ang sagot ko.

Nagtitigan lang kami.

• Pia's POV •

Katatapos lang ng night class ko. Nagkaron kasi ako ng bagsak last year sa isang subject, at ngayon gusto ko nang matapos sa subject na yon ngayong term kaya pinatos ko kahit gabi. Nakauwi na si Fhay, wala na tuloy kong kasabay umuwi.

Mahilig ako sa romance contents, drama, anime, novels. Kasi lahat ng location, nagiging romantic. Comfort room, construction site, kalsada, tulay at kahit ang bising-bisi na tren.

Pagka-akyat ko sa platform para makasakay sa tren, biglang may tumawag sa pangalan ko.

Ito na ba yung romantic scene na ako ang bida? Parang nagslow-motion ang lahat.

"Pia!" paglingon ko, si Cleo. Ang pinakamamahal kong Cleo.

Matagal na kong may crush sa kanya, since elementary. Kaso nagkahiwalay kami ng junior high at senior high eh. Buti nalang at nagkita kami ulit ngayong college. Kahit gamitin ko pa yung title ko bilang kaisa-isang kaibigan ni Fhay gagawin ko, para lang di masayang ang chance na 'to. Sorry prend, labyu.

Tumakbo sya papunta sa kung na'san ako.

Ehem…kalma lang, kaya ko ito, nakakwentuhan ko na sya kanina, makakayanan ko ulit.

"Cleo, hello! dito ka rin pala?" sabi ko.

Ang awkward ko, mahahalata ako neto eh.

"Hmm…" pagsang-ayon nya, "Oh, yan na yung tren," dugtong nya pa.

Sumakay kaming dalawa at nakaupo rin dahil maluwag ang tren. Lagpas na kasi sa rush hour.

Anong topic paguusapan namin?

"Ah nga pala, pumunta si Fhay kanina sa bahay. Pinuntahan nya si Wein. Magjowa na ata yung dalawang yun eh di lang natin alam haha," sabi nya kasabay ng pagtingin sa'kin pansamantala at pagkalikot ng phone nya.

"Hahah nasabi nga sa'kin ni Fhay kanina," sabi ko matapos pagisipang mabuti ang sasabihin ko.

Napatingin sya sa akin sa gulat nya

"Na magjowa na sila?"

"Ha? Hindi, hindi hahaha, I mean, na pupuntahan nya si Wein," sagot ko habang hinahawi ang dalawang kamay na parang binubura ang sinabi.

"Ahh..Ahahaha," sabi nya sabay balik ang tuon sa phone.

"Nandun pa kaya si Fhay?" tanong ko na nagpalingon ulit kay Cleo papunta sa akin.

"Hmm...tawagan ko si Wein. Wait lang," sabi nya sabay ng pagdial nya ng number ni Wein.

Nang makita ko ang caller ID nanlaki ang mata ko.

Nilagay ni Cleo ang phone nya sa tenga habang nagriring. Napatingin sya sa akin at nakita nya ang gulat kong expression.

"Bakit?" pagtataka nya.

"Babe," lang ang nasabi ko.

"Ah eto, hehe. habulin kasi ako ng...er..babae eh heheh" nahihiya nyang sabi.

"Ginagamit ko 'to pag may mga ganong pangyayari," dugtong nya sabay angat ng phone para ipakita sa akin.

"Hmmm…" sabi ko habang tinatango ang ulo at ginagawa ang best para mapigilan ang tawa.

"Ba't ka nagpipigil?" tanong nya habang nakabungisngis.

Napapangiti ako pero di ko pa rin hinahayaan na matawa ako sa sitwasyon nya.

Biglang natigil ang quote and qoute, moment namin nang sumagot na si Wein sa kabilang linya.

Ang naririnig ko lang ay ang sinasabi ni Cleo, di ko tuloy alam kung tungkol saan pinaguusapan nila. Di naman kasi ako kasing lupet ni Fhay noh?

"Ah, Wein. Ba't ang tagal mong sagutin?"

-----

"Ba't ka muna humihingal?

-----

"Sira, hindi. May tatanong ako, baliw to."

-----

"Nandyan pa ba si Fhay? Kasama ko si Pia ngayon, pauwi."

-----

"Sige, malapit na ko. Bye."

Natapos na ang usapan nila at hinarap ako ni Cleo.

"Nandun pa raw sya. Ah, malapit na station ko. Ingat ka ah," magkakasunod na sabi ni Cleo, habang naghahanda na syang bumaba.

Ayoko pang mahiwalay sa kanya.

"Pwede akong sumama? nandun pa naman si Fhay diba?" tanong ko habang hawak ang braso nya para mapigilan ko sya.

"Ha? Ah, tara." sabi nya lang sabay labas sa kakabukas lang na pinto ng tren.