Nakatunganga lang si Blare habang nakatingin sa nagkasalubong na kilay na si Kendrick. Seryoso itong naglalaro ng plants vs. zombie sa selpon niya.
"Alam mo ba kung ano Ang ginawa mo?"
Irritableng tanong niya sa bata na hanggang ngayon hindi pa rin siya pinapansin.
"Sinunod ang utos ni teacher." Chill pa nitong sabi.
"Sinunod ang utos ng teacher?! Bakit sinabi niya bang tusukin mo ang sarili ng lapis?!"
He breathe to control his anger. Nakita niyang napangiwi ang kausap dahil sa napalakas niyang boses at saka nag puppy eyes sa kaniya na para bang nakiki usap na 'wag na siyang pagalitan. Tinaas niya lang ang isang kilay para matabunan ang katotohanang nadala siya sa maamong mukhang 'yon. Damn.
"Ok, fine. Basta 'wag mo ng uulitin yun." Matigas na sabi niya.
"Roger that, papa."
Napasinghap siya sa narinig. Para siyang tangang pinapakinggan ang pagtambol ng sariling puso. Kung tutuusin, hindi naman ganito ang naging reaksyon niya noong una siya nitong tawaging papa, pero bakit iba ang epekto nito sa kaniya ngayon.
Parang siyang na stock sa sobrang init ng panahon at dahil don, nananatili siya sa freezer. Hindi makagalaw. Ni hindi maka imik sa sobrang lamig.
Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at tinalikuran ang batang nakahiga sa hospital bed.
Damn this feeling.
Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala. O mas tamang sabihing, hanggang ngayon, pilit niyang hindi paniwalaan.
Hindi sa ayaw niya itong tanggapin bilang anak. Sadyang nangingibabaw lang sa kaniya ngayon ang tanong na bakit. Like what the fuck, hindi siya bobo, 'of course, it takes a man and a woman to make a child, damn it.'
Ang ibig niyang sabihin, he doesn't even remembered having sex without protection. Ok fine, ilagay natin na nakalimutan niya or what so ever. Sino naman kaya ang ina nito? Bakit hindi niya alam.
Itinagilid niya ang kaniyang ulo habang patuloy na sinasakop ng kaniyang iniisip ang kaniyang sarili.
"He's your son."
"He's your son."
"He's your son."
Damn it. Paulit-ulit ang mga salita ni Xander sa kaniyang isipan. Mababaliw na 'ata siya sa kakaisip!
He's aware na kinidnap lamang ni Mitchell si Kendrick noong sanggol pa lamang ito. It was the reason all along kung bakit napadpad sa kanila si Kendrick.
Naikuyom niya ang kaniyang kamao. Habang naiisip niya ang mga kagagaguhan ni Mitchell.
What if Mitchell knew?
Kaya sa lahat ng pwedeng nakawing bata, ay anak niya pa!
Damn her.
Or pwede din namang nagkataon lang ang lahat?
"You look like a shit."
Sinamaan niya ng tingin si Xander. How dare him to say any remarks when he is the reason why his in deep shit.
"You?!" Tinuro niya ito but Xander just continue doing selfie in his phone. Nakakairita. Problemadong-problemado siya ta's chill lang ito. Tss. If he knows, mas gwapo pa siya dito.
"You brought this shit to me. Kaya pwede ba kung wala kang magawa, tigilan mo na ang pagpapasakay mo sa kin sa mga kagagaguhan mo sa buhay. Stop making me involved with your boredomness. If I know, DNA test result should atleast be out for 3 days. And fuck you! Wala pa ngang dalawang oras mula ng umalis ka at bumalik na may hawak-hawak na ganyan..."
Hindi maitago ang pag kairita sa kaniyang boses. Habang si Xander naman napatuwid sa pag upo. Seryoso ang mukha nito. Ang kaninang mapaglarong aura nito ngayon ay napalitan ng walang emosyong expresyon.
"You really thinks that I'm playing jokes here, are you."
Saglit siyang napatahimik. Hindi sa ayaw niya sa bata. He's fond of Kendrick alright, and he treated him as a family. Ang punto lang naman niya, ay kung siya man talaga ang ama nito, then damn he didn't even protect his child sa panahong kailangan siya nito. Imagine, in his early age, nasali na ito sa gulo ng ibang tao. Who knows ano ang pagtratong ginawa ni Mitchell dito.
It's frustrated. Habang buhay niyang dadalhin sa kaniyang konsensya ito. At kahit pa sabihing hindi niya alam ang nangyari at kahit pa sabihing kasalanan ni Mitchell ang lahat, ninakaw nito ang kaniyang anak, still not an excused. She put the child in this fucking situation. At kahit na patay na ito, he can feel the need to kill her again. Anak niya ang pinag-uusapan, he's protective of what's his.
"Kailan pa ba ako nagsinunggaling sayo, brod. Yes, I was fucking bored that time. Sinubukan kong kunin ulit si Sham, but then she's already pregnant. And I saw Kendrick playing and then I realized he's handsome like me. And, oh, FYFI, for your fucking information, hindi lang kayong dalawa ni Kendrick ang pinatest ko."
"What?!"
"As I was saying, I was bored that time. So pinatest ko sarili ko, ikaw at si Blaze kay Kendrick. It was 3 years ago, I guess. Nakalimutan ko lang kunin ang resulta. And then you said that you have the same blood type as Kendrick which I find it very odd. Rh-null is a very rare and others may not know that it exist, so ayun, don ko lang naalala yung DNA result."
What the fucking fuck revelation. Kung kanina hindi siya makaimik, ngayon hindi na siya makagalaw. So Xander isn't playing jokes at all.
Nagsasabi ito ng totoo!
"Pero kung talagang gusto mong makasiguro, pwede mong ipatest ulit..."
It's an unusual day for Blare. Hindi siya mapalagay. Tinatamad pa siyang magtrabaho. Damn. Hindi niya mapigilan ang maglakad ng pabalikbalik.
While on the other hand, Mikkadaise just stare at Blare. Confused.
'Ano naman kayang problema nito?'
"Ahmm, B-blare?"
"Ha? Are you calling my name?"
"May nagbilin kase nito sa mailbox, naka address sayo."
Blare then suddenly panicked. Hinablot niya ang papel sa kamay Ng babae at diretsong naglakad patungo sa kwarto.
Huminga muna siya ng malalim bago umupo sa sulok ng kaniyang kamay. He's nervous. He can even hear his own heartbeat. It was so loud and damn fast. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang binubuksan ang puting envelope na hawak-hawak niya at kinuha ang papel na laman nito.
It was the DNA test result that he'd been waiting for fucking three days. Hindi sa hindi niya pinagkakatiwalaan ang kaibigan or what so ever. He just wanted to make sure, alright.
At ngayong hawak niya na ang resulta sa kaniyang mga kamay, nawala lahat ng agam-agam niya sa dibdib. It changed into something warm that massage his wellbeing inside.
Huminga ulit siya ng malalim. It's not too late to take care and cherish the time with his son, right.
Damn. He's a father, dimwit!
Yes, Kendrick is his...
Mabilis pa sa alas kwatro siyang lumabas sa kwarto. At habang naglalakad siya palabas ng unit, nakasalubong niya si Mikkadaise. May hawak pa itong vacuum cleaner.
"Ako na ang susundo sa anak ko."
"Ha?"
Hindi niya pinansin ang pagkalito sa mukha ni Mikkadaise at diretso siyang nagtungo sa paaralan ni Kendrick.
"Guard, matagal pa ba ang uwian ng mga bata..."
Nagkasalubong ang dalawang kilay ng gwardiya na nagbabantay sa gilid ng gate ng eskwelahan. Kanina pa kase siyang nakatunganga sa loob ng kaniyang sasakyan. Ayaw kase siyang papasukin ng guard dahil bawal sasakyan sa loob. Ayaw niya din namang bumaba sa kaniyang Mercedes Benz dahil tinatamad siya.
"Sir, alas tres pa po ang labasan ng mga estudyante dito. Kaka alas dos pa lang ho."
Napatingin siya sa kaniyang relo at pasimpleng sinuklay ang sariling buhok gamit ang kaniyang mga daliri.
"Damn. How can I be so dumb."
Pasulyap-sulyap si Blare kay Kendrick sa tulong ng front mirror sa kaniyang sasakyan habang minamaneho ito.
He can still remember the first time he met Kendrick. He can't take his eyes off him. Kaya pala ang gaan ng pakiramdam niya dito. Ito siguro ang tinatawag nila na lukso ng dugo.
"Where are we going, papa?" Kendrick asked, pansin siguro nitong iba ang daan na kanilang tinatahak.
"Ahmm." Blare calm his nerves and compose himself. "Is there some place that you wanted to go?"
"I think..." Umakto itong parang nag-iisip. "Disneyland."
"Oum. Why do you wanna go there?"
"Liligawan ko po si Snowwhite."
He chuckled at his remarks. Good thing the atmosphere becomes light.
"Roger that. But let's go to the mall for now, okay. May gusto ka bang bilhin? Like toys?"
"I want mannequin!"
They spent hours touring in the mall. Wala man lang silang binili, they just walking around. Yes, mannequin talaga ang gusto ni Kendrick, at nong sinabi niyang hindi, naglibot-libot na lang sila, tumitingin sa mga naka display na mannequin. Ewan niya talaga kung ano ang trip ng anak niya.
At nung tinanong naman niya ito kung ano ang gagawin n'ya doon, he just answered,
"I want to study mannequin, at gagawin ko silang tunay na tao, in that way, hindi na sila magpapakapagod tumayo at ipakita ang peke nilang ngiti."
See, how this kid thinks. Sabagay, bata lang ito, maaari pang mabago ang mga paniniwala nito. But he can't deny that this kid is pretty genius.
'Sabagay mana ito sa'kin.'
He smile at his thoughts.
Yes, nakakapagod ang ginawa Nila, but he cannot deny the fullfilling feelings inside him. The feeling of contentment, lalo na ng makita niya ang mumunting ngiti nito sa labi. Damn. The perks of being a father.
His phone rings, sinagot niya ang tawag habang sumusulyap-sulyap sa pinto ng men's comfort room kung saan doon umihi si Kendrick.
"Ok. I'll sign the papers tomorrow."
"So. War Alvarez, saang hayop ka ba ipinaglihi at hindi ka mawala wala sa mundo."
"Excuse me."
Nagkasalubong ang dalawang kilay ni Blare habang pinagmasdan ang isang ginang na nagsalita at nakapamewang sa kaniyang harapan.
She looks like in her early 50's, pero maganda pa rin ang tindig nito. She's wearing branded clothes and diamonds in her body. And her make up is not that thick kaya mukha ito anghel. But that angelic aura fade when she talks. Nakataas ang isang kilay nito habang nakatingin sa kaniya ng napakamatalim. Like she's gonna murder him. Pakiramdam ni Blare mayroon siyang isang malaking kasalanan dito.
Blare suddenly feels cold. Who the hell is this woman. Bakit parang iba ang epekto ng mga titig nito sa kaniya. He can sense something that is not good. Like danger. Kilala niya ba ito?
"With due all respect, kilala ba kita, miss?"
"Tsk. Acting dumb are you? Well, para sabihin ko sayo, bilang na lang ang masasayang araw mo—"
"Is that a threat?"
Hindi mapigilan ni Blare ang pagputol dito. His face remains emotionless. Ano ba ang kasalanan niya dito. He can't even recognize her face in the first place.
"War Alvarez, you're a nothing but a trash—"
Blare breathe and tried hard to control his temper.
"I'm not War Alvarez," Madiing sabi niya. Who the hell is that War Alvarez na yan! "And I don't know you, so if you're gonna excuse me."
"Put*ng'ina mo, War! Ano bang pinakain mo sa anak ko at pilit niyang sinisira ang sarili niya para sayo?! You're no good for her. Isang hampas lupa at galing sa bahay ampunan! You doesn't deserve my princess!"
Napakuyom ang kamao ni Blare dahil sa napalakas na boses ng ginang. Pinagtitinginan na sila ng mga tao. Some were whispering pero parang walang pakialam dito ang ginang. And Blare twice his self-control, fighting hard not to lose his temper, not to do something impulsive.
Blare Alvarez, the man who doesn't afraid of anyone. Dapat hindi nito hinayaang ganituhin siya.
Oo nga't hindi niya ito kilala but his guts is telling him that she's fucking dangerous!
"War Alvarez, uulitin ko, where the hell did you hide my daughter?!"