webnovel

WANTED PROTECTOR

When the protector of the law became the protector of the lawless. --- Gian Villareal, a PDEA agent, became a valiant protector of the law after completing his mission. But he became the bodyguard for Ellah Lopez, a stone-hearted heiress and unexpectedly fell inlove with her irreversibly. Circumstances forced him to learn a hideous truth, which led to him being chased down by the enemy and losing everything, including his name. But he returned with a new identity, rage in his heart and vengeance on his mind. He utilized deception extensively in the game of war he had to win.

Phinexxx · สมัยใหม่
Not enough ratings
107 Chs

Chapter 54 - The Protection

 DELAVEGA RESTHOUSE...

"Sandoval!" 

Mabuti na lang mabilis siyang nakailag kaya dumaplis ang bala sa braso niya, hindi dumeretso sa kanyang dibdib. 

"Gago ka ba bakit mo binaril! Umalis nga kayo!" 

Agad siyang nilapitan ng nagngangalang Alvin at tiningnan ang sugat. 

"Daplis lang 'to." 

"Parating na si senior. Ang mabuti pa humiga ka muna sa stretcher."

"Wala ito b-boss daplis lang," pinagmasdan niya ang tumutulong dugo mula sa braso. 

"May sakit ka sa tagiliran hindi ba?" 

Dahil doon ay napilitan siyang humiga. 

Saka ang pagdating ng amo.

"Senior!"

"Anong nangyari?"

Hinarap ni Alvin ang kongresista.

"Senior, binaril ni Warren si Ace."

"Papuntahin niyo rito!"

Agad umalis ang mga tauhan maliban kay Alvin na nasa tabi niya.

Siya naman ang hinarap ng senior.

"Ayos ka lang ba Ace? Ano bang nangyari at nagkainitan kayo ni Warren?"

"W-wala ho senior, galit siya nang makitang namilipit ako sa sakit ng tagiliran ko. Hindi ko na napigil ng patirin niya ako at tusukin ng baril ang gilid ko. Nagawa kong lumaban senior, pasensiya na."

"Kailangan mo bang magpa ospital? O magpapadala na lang ako ng doktor dito?"

"Hindi na po senior Roman. Gamot lang sana ang kailangan ko."

"Magpapatawag ako ng doktor."

"Salamat ho senior."

"Mabuti hindi ka napuruhan."

"Senior, sa dibdib sana patamaan ni Warren, nakailag lang talaga si Ace," dagdag ni Warren sabay tingin sa kanya.

Kitang-kita ang pagtatagis ng mga ngipin ng matanda.

"Kagagawan ni Xander ito," mahinang usal ng senior.

Noon dumating ang tinawag.

"Senior, pinatawag mo raw ako?"

"Bakit mo ginawa 'yon!"

"Pasensiya na senior, nabigla lang ako."

"Maiiwan ka rito! Si Alvin at Sandro ang isasama ko!"

Masamang tumingin sa kanya ang namaril na agad niyang pinantayan.

Tumingin ito sa amo kaya pasimply siyang sumulyap sa relong pambisig. May kalahating oras pa.

"Ace, pagdating ng doktor maiiwan na kita ha? Maghahanda pa kami ni Xander para bukas."

Hindi siya nakaimik, paano kung mabilis dumating ang sinasabi nitong doktor?

'Isip-isip Vince!'

"Senior, pasensiya na sa nagawa ko, hindi na po mauulit."

Tumalim ang tingin ng matanda sa nagsalita.

"Hindi ka naman ganyan Warren, bakit bigla ka na lang naghuhuramentado? "

Yumuko ito. "Pasensiya na senior, mainit lang talaga ang dugo ko sa Ace na 'yan. Wala siyang kakayahang protektahan ka senior-"

"Ako ang nakakaalam ng lahat Sandoval!"

"Lahat kami rito hindi siya gusto."

"Nakalimutan niyo na ba! Wala na ako sa mundong ito kung hindi dahil kay Hererra!"

Natahimik na ang alalay.

"Parating na ang doktor Ace, sila na bahala sa'yo."

Tumalikod na ito kasama ang mga tauhan at wala ng ibang paraan para mapigilan pa ito.

"AAAAHHH!"

Napabalik ang matanda ng makita siyang namilipit sa sakit.

"Kailangan mo ba ng ospital!"

"H-hindi na po senior!"

Kabadong ipinahiga siya ng mga tauhan sa stretcher.

Agad siyang kinarga ng mga ito at pinahiga roon. 

Habang nakahiga at mabilis na tinutulak ng mga ito ang stretcher ay nakamasid siya sa paligid. 

Minuto na lang at magaganap na ang pinakahihintay niya!

Bago makalabas ng gate ay biglang may nagtakbuhan na mga tauhan papasok.

"MAY KALABAN PINASOK TAYO!"