webnovel

INTRO

INTRO

Lucky is a lucky girl, sabi ng iba, tsismis ng mga may lahing marites. Pero hindi yan totoo. That's a scam.

Naranasan ko na lahat ng kamalasan. Pero sa kabilag banda, sinuwerte naman din ako, sa Mukha at katawan. Si lord talaga kasi, gusto laging may thrill daw dapat ang buhay para di boring. Yun nalang ang iniisip ko para gumaan-gaan naman yong kamalasan ko at least binigyan at pinalasap din naman ako ng swerte, may pambawi sa kamalasan.

Gaya ngayon. Gusto ko nalang lumubog sa taniman ng mga palay nang magsink in lahat ng kabobohan ko. Hay buhay.....

See you in my next life, paalam. Nagmamahal, Luc.....

De joke lang, pauwi na ako sa bahay na tinitirhan ko, sa isang boarding house. Tita ko ang may-ari nito Kaya nakakadiscount ako, sana nga libre nalang, e.

"Laki, ineng!"

"Ay jusko kang bata ka, andumi ng uniporme mo. Nagahasa Ka ba sa palayan?!"

"Minalas ata ang SWERTE. Kawawang Lucky. Binastos!"

Walang hiya talaga. Sa harap ko pa talaga nagchika mga kamari na 'to. Hinarap ko sila nang nakangiti kaya si Tandang Mari na nasa harap, napasign of the cross akala ata nadepress at nabuang agad ako.

"Mga Kamari ko, MAKINIG KAYO!" malakas na sabi ko at talaga namang parang batang tumunghay ang mga mosang sa harap ko naghihintay ng balita.

"Pasensya na mga Kamari, pero nagkakamali kayo. Walang nakahula sa inyo. Di po ako nagahasa, di rin po ako nababaliw, at di rin po ako laging siniswerte. Kaya pasensya na, mali ang mga chika nyo."

"HA! Eh ANONG NANGYARI SAYO?!" halos nagchorus pa ang mga mosang sa pagtanong.

Nginisihan ko sila na parang si Sisa kaya napaatras si Tandang Mosang. Gusto ko nalang matawa.

"Secret, walang clue. Magkrim stix nalang kayo."

Pagkatapos tumalikod na ako. Akala nyo, ha. Magkrim stix nalang kayo habambuhay.