webnovel

Itim na tupa sa pamilya

Uwi ba ng matinong babae yan! Bulyaw ng ina ni Kate. Eh, ma' natatakot kase ako umuwi ng dis oras ng gabi kaya nagpaumaga na ako, at saka nagkasarapan lang naman kame sa birthday party ni Amy , saad ni Kate.

Nangangatwiran ka pang bata ka eh wala ka naman sa katwiran! Ang hirap sayo kung anu anung natututuhan mo sa mga barkada mo pati na yata sigarilyo humihithit ka na rin! Wag kang iiyak sa akin kapag may nangyaring masama sa iyo, saad ng kanyang ina. Hay naku naman si Mama mapagimbento eh hindi mo naman ako nakitang naninigarilyo panu mo nasabing ako'y naghihithit nuon!! Padabog na sagot ni Kate.

Si Kate 16 taong gulang, kayumanggi, di katangkaran, singkit and medyo sarat ang ilong ngunit maganda pag iyong pagmamasdan. Isang dalagang mahilig sa barkada at madalas pasaway sa magulang.

Si Aling Nora 53 taong gulang, kayumanggi, medyo may katandaan na dahil sa kanyang mga puting buhok na marahil ay dala ng pagiging pasaway ni Kate sa kanya.

Sabado, ng araw na iyon ng umuwing amoy alak si Kate dahilan upang magalit ng husto ang kanyang ina. Ngunit sa tuwing kukumprontahin ito ng kanyang ama ay pinagtatakpan ito ng kanyang ina sa takot na masaktan ito ng kanyang ama.

Si Ka Lando, 60 taong gulang, ama ni Kate, medyo mataba at malaki ang tiyan. Kung titingnan mo ang muka ang mababanaag ang sungit neto.

Hay naku Nora, sige at pagtakpan mo pa iyang anak mo nang mapariwara yan! Magdamag ko sinilip ang higaan nyan pero madaling araw na wala pa yan! Anung oras ba nakauwi yang batang yan?! Ika ni Ka Lando.

Ku' eh hayaan mo na at mamaya mo na kausapin, saad naman ng ina. Halika na at ng makapag almusal na tayo nagluto ako ng sinangag at tuyo. Tamang tama may kamatis sa ref, kukunin ko sandali.

Kakausapin ko yan Kate na yan mamaya paggising, hindi pwedeng namimiyasa ng ganyan yang batang yan! Malilintikan sa akin yan! "Ika ni ka Lando"