webnovel

Chapter 17.(A family dinner)

Isang linggo na ang nakalilipas at gaya ng inaasahan ay ligtas si Niel mula sa dengue kung kaya malaki ang pasasalamat ni Arriane sa tulong ni Nathaniel sa anak niya.Bagamat nagkapareha ng dugo ang dalawa ay hindi na Nagtanong pa si Nathaniel dahil mahalaga din dito ang kaligtasan ng anak niya.Nakabalik na rin siya sa opisina niya at halos natambakan na naman siya ng trabaho ngunit hindi na niya kailangan makipaghabulan sa oras pa dahil kailangan niyang bigyan ng panahon ang anak niya.Natatakot kasi siyang baka maulit na naman ang nangyari sa anak niya at baka sa pagkakataong iyon ay hindi na ito makaligtas.Kaya nag bigay lamang siya ng oras niya para sa trabaho, hanggang alas syete lamang siya ng gabi at kailangan na niyang makauwi bago mag eight dahil iyon ang pangako niya kay Niel.Kagaya nga ng oras na pangako niya ay saktong alas syete siya umuwi, ibinilin na lamang niya ang pag sasara at paglilinis sa mga maaasahan niyang staff sa kanyang restaurant.Hindi naman kasi traffic dahil normal day lang naman at isa pa malapit lang ang condo na tinitirhan niya kung kaya nagbaon na lamang siya ng pagkain mula sa pinaluto niya kanina sa restaurant para sa dinner nilang mag ina.Habang papasok siya ng entrance ng building ay sakto namang makakasalubong niya si Nathaniel, napakagwapo nito sa suot nitong white polo shirt and maong pants.At ayun din ang puso niya.. nagkukumahog na naman na makaalpas ngunit pinigil niya ang sarili .Iiwas sana siya sa binata dahil kahit okay na sila ay nagbigay parin siya ng hangganan sa sarili niya dahil ayaw niyang masaktan na naman siya sa huli.Ngunit derideritso ito sa mismo kinatatayuan niya.

"hi"nakangiting bati nito sa kanya.

"h--hi"!kiming sagot niya dahil pakiramdam niya nanginginig ang tuhod niya.Pakiramdam niya tuloy ay bumabalik siya sa panahong teenager pa lamang siya.

"umuwi kana pala.. pupuntahan sana kita sa restaurant mo." sabi nito na ikinagulat niya.

"bakit anong gagawin mo doon?"naguguluhang tanong niya rito.

"aayain sana kitang mag dinner sa labas if okay lang."nag aalangang wika nito.

"really?"are you sure na dinner talaga not in a bar?pagbibiro niya na tinawanan naman ng binata.

"Im sorry hindi ko kasi alam na hindi ka pala mahilig sa ganoong place..":dispensa nito.

"okay lang iyon"tapos na iyon eh, mas malaki naman ang bawi mo dahil sa pagtulong mo sa anak ko."nakangiting sagot niya."pero hindi ko lang maintindihan ay kung bakit mo ako hinalikan non"tanong niya ngunit nanatili lamang iyon sa kanyang sarili."

"So it means, okay na yung dinner?"muli ay tanong nito.

"naku,, pasensiya kana Nath at nakapangako ako sa anak ko na uuwi ako agad at sabay kaming mag didinner".

"well ganun ba..? sayang naman"nanghihinayang na sabi nito.

"eh kung gusto mo pwede ka naman sa bahay kumain, madami naman itong food na dala ko.. mukhang malungkot ka naman yata ngayon sa unit mo".Kunyari ay tanong niya.

"really?so ibig sabihin welcome ako sa unit mo?eh baka naman ipahabol mo ako sa alaga mong aso"natatawang biro nito sa kanya kung kaya napangiti siya.

"Hindi, seryuso sa unit ka na namin magdinner bilang pasasalamat narin,"pahayag niya.

"sure!! pero ako nga itong nag invite pero ako tuloy yung naimbita!"biro nito kaya tuluyan siyang natawa.Nasa isip naman na talaga niya na imbitahin ito sa unit niya at ipagluto para naman maipakita niya ang kanyang pasasalamat sa ginawa ng binata para kay Niel, Iyon nga lang ay naunahan siya nito.

Pakiramdam niya ay inuugoy siya dahil sa excitement na nararamdaman niya ngayon lalo na at parang magiging kumpleto ang pamilya niya kahit sa panaginip lang naman.Maging si manang coreng ay nagulat din nang makita ang binata na kasama niya, ngunit hindi ito nagpahalata.Pinaupo niya muna si Nathaniel sa sala at saka tinawag niya si Niel upang ipaalam rito na may bisita sila.Hindi naman na kasi lingid sa kaalaman ng anak niya ang tungkol sa pagtulong ni Nathaniel rito dahil nakaharap naman na nito ang binata noong magising ito sa hospital.Maging si manang coreng ay hindi rin makapaniwala na magagawa iyon ni Nathaniel para sa anak niya.Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ni Manang Coreng kung sino talaga ang totoong nakabuntis sa kanya.

"Arriane, Halika ka nga rito.. "marahan siyang hinatak ng matanda sa isang bahagi ng kusina kung saan hindi sila matatanaw ng binata na ngayon ay abala sa pakikipaglaro kay niel.

"bakit po manang?"aniya saka lumapit sa matanda.Isa iyon sa binago niya sa pananaw niya sa matanda, hindi na kasi niya ito pinapatawag ng mam sa kanya dahil mas matagal na niya itong nakasama at parang pangalawang ina na niya ito.

"iyang si Nathaniel ba ay alam na ang tungkol kay niel?"tanong nito na halos pabulong nalang.

"Hindi pa ho"malungkot niyang sagot.

"eh bakit hindi mo pa sabihin?"

"mahirap ho manang, isa pa mas makakagulo lamang po ako sa relasyon nila ng nobya niya kung sasabihin ko pa."

"eh hindi mo ba naisip ang karapatan ni niel na malaman ang totoo?"muli 'y ay tanong nito.

"manang, hayaan niyo na lang po muna ako.. diko pa kasi alam kung papaano ko sasabihin kay Nathaniel ang totoo lalo na ngayon at nagsisimula palang kami bilang magkaibigan.,"

"Talaga?magkaibigan lamang ba talaga?"pang aasar nito sa kanya.

"manang naman eh, huwag na po kayong umasa at malabo pong mangyari iyon."

"ang gusto ko lang naman ay maging masaya kayong magkapatid lalo na parang mga anal ko na kayo.",seryusong wika nito.

"naku po.. magdadramahan na naman ho ba tayo".natatawang biro niya sa matanda.

Maya maya pa ay patakbong lumapit sa kanila si Niel.

"mommy, im hungry na po"hinihimas ang tiyan nito habang nakanguso.

"oh,, wait baby,, malapit na itong matapos,can you please tell your tito nathaniel to seat in dining table please.." malapit na ito baby."pagkasabi niya rito ay agad itong tumalima at pinuntahan ang binata.

Sila naman ni manang coreng ay nagkibit balikat na lamang dahil kailangan na nilang maghanda ng pagkain."

"wow!!halos sabay pang bulalas ni niel at Nathaniel ng mailagay nila ang pagkain sa hapag,

"sarap po mommy."

"mukha ngang masarap."segunda naman ni Nathaniel.

Naramdaman niyang siniko siya ng bahagya ng matanda dahil sa naging reaksyon nang dalawa ngunit pinandilatan lamang niya ito ng mata saka nagpatuloy sa paghahanda.

"sana always tayo magkasama kumain mommy at tito Nathaniel kasi parang ang sarap po kasi ng food pag may kasama."Natigilan siya dahil sa sinabi nang kanyang anak at nakaramdam din ng awa rito.Kahit maging siya ay ganun din ang pinangarap niya ang kumpletong pamilya ngunit hanggang pangarap lamang iyon.

"why?hindi ka ba nasasamahan ng mommy mo?"nakangiting tanong ni Nathaniel sa anak niya na parang balewala rito kung masasaktan ba siya.

"No, po eh,kasi po she's always busy.. malungkot nitong sabi.Ngunit bago pa man magsalita ang binata ay inunahan na niya ito.

"im sorry baby,as I promise lagi na akong uuwi ng maaga para may kasabay kang kumain,, and take note huh.. nextweek pupunta tayo ng resort para makapg swim tayo."diba like mo yun?"masayang balita niya sa anak.

"yeehhhheeeyyy really mommy?"masayang bulakas nito.

"ako,pwede ba sumama niel?"singit naman ni Nathaniel .

Natigilan siya dahil sa sinabi nito."bakit naman kaya ito sasama?"anang bahagi ng utak niya.

"mommy pwede daw po ba sumama si tito Nathaniel?"siya naman ang binalingan ng anak niya upang tanungin.

"hh--huh,,eh.."kandautal niyang sagot."pwede naman kung gusto niyang sumama".

"really mommy?"oh tito pwede ka daw po sumama!!"excited na bulalas ni niel na kulang na nga yata ay maglulundag.

Tiningnan siya ng binata kung kaya nagkatitigan sila ngunit mabilis rin niyang binawi ang kanyang paningin rito.

"wala nang bawian yan huh" nakangiting tanong ng binata kung kaya ngumiti na lamang siya.Pakiramdam niya kasi pag nagsalita pa siya ay talagang pipiyok na siya dahil sa labis na kaligayahan.Halos ilang oras din na tumambay sa kanila ang binata at nakatulog narin si Niel dahil sa pagod siguro sa paglalaro ng mga ito kanina.Sinabi kasi ng matanda na hindi naman ito nagmamadaling umuwi dahil nasa baba nga lang naman ang unit nito.

"maraming salamat sa pakikipaglaro kay niel, mukhang napagod talaga itong anak ko at nakatulog na".masayang wika niya habang inihahatid ang binata sa labas ng unit niya.

"ako nga ang dapat magpasalamat dahil pinayagan mo akong makipagpalaro sa anak mo at sa dinner na din".ngumiti rin ito ng pagkatamis tamis na kulang na nga lang ay magkandalaglagan ang panty niya.Ngunit agad niyang sinaway ang sarili niya dahil hindi maaring makaramdam siya ng ganun sa binata.

"Bye,!"goodnight and thank you." pagkasabi noon ay bigla siyang kinabig ng binata at saka banayad na hinalikan sa kanyang noo.Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa alapaap dahil sa kung anong enerhiya na dumadaloy sa ugat niya.Ngunit saglit lamang iyon dahil binitawan agad siya nito at tuluyan nang nagpaalam.

Siya naman ay naiwang nangangarap parin at hinahaplos ang kanyang noo na hinalikan ng binata kanina at kung hindi pa nga umiyak si Niel ay hindi talaga siya matatauhan.

SAMANTALA,hindi parin maipaliwanag ni Nathaniel ang nararamdaman niya hanggang ngayon dahil sa saya na naramdaman niya ng makasama niya ang mag ina kanina.Ang saya saya sa pakiramdam na parang buong pamilya sila na kumakain at magkukwentuhan.Ngunit nakaramdam din siya ng awa sa bata ng sabihin nitong busy lagi ang nanay nito kung kaya hindi ito nasasamahan kahit sa dinner man lamang.Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya nang inis kay arriane nang malaman niyang lagi na itong late kung umuwi.. Gusto na naman niyang mag isip ng hindi maganda tungkol sa pinag gagawa nito ngunit agad niya iyong iwinaglit.Ayaw niyang masira na naman ang pakikipagkaibigan niya rito lalo na at gusto niyang mailayo ito sa sitwasyong kinatatakutan niya.. ang pagiging kabit nito.

Huminga siya ng malalim saka ipinagpatuloy ang paglalakad sa hallway kung saan malapit na ang kanyang unit.Naalala niya kanina ng sabihin ni arriane na pupunta sila ng batangas sa resort kung saan niya ang mga ito nakita noon.Kaya kahit wala sa isip niya sumama ay talagang nagbuluntaryo siya dahil naisip niyang baka doon na naman magtagpo si arriane at ang nobyo nito.Iwan ba niya kung bakit siya naiinis pero di rin niya matiis ang babae.Nakokonsensiya kasi siya dahil sa nagawa niya kay arriane noon, kaya nga siguro ito naging ganun na lamang sa mga lalake.Titigilan naman niya na ito pag nalaman niya ang totoo doon sa pinaiimbistiga niya sa lalakeng kasama ni arriane at kung binata man ang lalake ay hahayaan na lamang niya si arriane na ipagpatuloy ang relasyon nito sa lalake, naisip niyang baka rin ayaw lang ni arriane na malaman ni niel na may nobyo ito dahil baka hindi pa handa si niel.Basta bahala na, ang importante ay unti unti niyang mailalayo si arriane sa kung sinumang mga lalake na lumalapit dito.Para naman sa kabutihan mg mag ina ang ginagawa niya.

"talaga o para sa sarili mo"sigaw ng isang bahagi ng isip niya.Bahagya siyang napapiksi at napailing.Hindi siya maaring mainlove kay arriane, lalo na at nariyan parin naman si kaithleen,bagamat lagi na lamang silang nag aaway ngayong mga nakaraan ngunit mas gugustuhin niya paring pakasalan ang nobya. ganun naman talaga dapat eh, isa pa nakakapanghinayang naman ang halos apat na taon na pinagsamahan nila ng nobya at itatapon lamang ba niya iyon na parang walang nangyari.Hihintayin na naman niya ang nobya pag malamig na ang isip nito at hindi na galit sa kanya.Ang mahalaga ngayon ay ayusin na lamang niya ang buhay ni arriane hanggat kaya niyang tulungan at ilayo ito sa kasamaang ginagawa nito.