webnovel

Under The Moonlight Completed

THE MAN WHO CAN’T BE MOVED 2 Under the Moonlight WARNING;SPG/R18 True love.. Will I be able to get one for myself? In a home where she was raised with so much love, she dreamed about having someone she could call hers. She met boys.. chased them..and failed. Then came Coles Trevor Wright. Her saving grace.. Grey eyed beast, sexy, perfect and an alpha male in a true sense of word. But a playboy.. and casanova. She should've avoided him.. but when he aimed his attention on her, she couldn't say no. She fell.. and fell hard. But everything was really a lie.. The love she thought he has for her wasn't really there.. It was a game.. For Him to win.. And For Her to lose.. (Revenge & Family issues) 29/7/2020 Revision 3/2/2021 16/8/2020 Finished 19/3/2021

greighxx · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
37 Chs

Chapter 7

SENSITIVE

Friday afternoon ay nasa library pa kami ni Travis para sa gagawin naming reporting para sa susunod na lunes.

Pero dahil napakatalino nyang bata ay nagawa na niya agad ang share niya samantalang ako ay halos hindi pa nakakalahati.

Paano ba naman! Nakaharap siya sa akin habang natutulog. Nakapatong ang mukha sa braso niya.

Namumula ang mga pisngi niya at bahagyang nakabuka ang bibig. Napakagwapo. Ang tangos ng ilong. Perpekto.

Nadidistract ako sa kanya!

Napabuntong hininga ako at nagkopya nalang nang irereport mula sa libro. Para makauwi na siya. Kawawa naman kasi.

Nang matapos ako ay tulog pa rin si Darlingbebe ko.

Ang badoy naman non..

Hindi na ako nakatiis at tinusok ko na ang pisngi niyang makinis.

Hindi man lang nagising..

Nangalumbaba na ako at pinanood siya.

Gustong gusto ko talaga siya.. kung pwede lang sanang ako na ang manligaw ay gagawin ko para maging kami.

Masarap siguro siyang maging jowa..

Kasi ang sabi nila ang mga tahimik na tao ay mabagsik sa kama.

De joke lang.. hehe..

Speaking of kama.. siguro kapag naging kami, ang past time namin ay matulog lang ng matulog.. cuddle ganern.. kinikilig na ako agad. Ang sarap sigurong makulong sa mga braso niyang matatag..

At for sure.. wala siyang time maghanap ng babae dahil sa pagtulog pa lang kinukulang na ang oras niya.

Napabuntong hininga ako at inilapit ang mukha sa mukha niya.

May nunal pala siya sa ibabaw ng labi.

Para akong nahihipnotismo na naghanap pa ng nunal nang bigla siyang dumilat.

Ang abuhin niyang mga mata ay tumutok agad sa mga mata ko. Bumilis ang kabog ng puso ko.

Napakurap ako at dagling lumayo.

"He..he..he.."awkward kong sabi at napakamot sa buhok ko.

"Are you done?"Namumungay ang mga mata niyang tanong sa akin at umupo nang maayos.

Nanlaki ang mga mata ko.

Nang makipagtitigan siya sa akin.

Feeling ko para akong organism na nakasalang sa microphone..Microsoft.. ay.. basta may micro yon.

Napakurap ako nang magtanong siya ulit. Pero sa tagalog na.

Nakatunganga lang ako sa kagwapuhan niya.

Hindi naman siguro masamang mangarap na maging kami..

"Are you listening to me?"may bahid irita nang tanong niya sa akin.

Para akong natauhan sa tono nang boses niya at napakurap ako ng ilang beses.

Bumuntong hininga siya at tumingin sa akin na parang ang tanga tanga ko. Namomoblema.

Napalunok ako at umiwas ng tingin. Bigla akong nahiya.

Halata bang tatanga tanga ako?

Nahihirapan na ba siyang maging partner ko dahil lagi niya akong dinadala sa mga gawain namin?

Mangiyak ngiyak na ngumiti ako pero hindi siya tinignan sa mga mata.

"O-oo!"sagot ko at tumayo na para umiwas. 

Kinuha ko ang mga libro sa mesa para ibalik ito sa pinagkuhanan ko.

Nang manlabo ang mga mata ko ay pinunasan ko na papatulo kong mga luha.

Nakakainis.. kasi ganito lang ako.

Nakakainis kasi hindi man lang ako makapag pa impress sa crush ko.

Bobo. Tanga. Mataba.

Yan ang alam kong tingin nang mga tao sa akin. Kahit hindi ko marinig mula sa kanila ay pakiramdam ko ay yon sinasabi nila kapag nakatalikod na ako.

Sinubukan kong ibalik ang libro sa itaas. Pero hindi ko maabot.

Tumalon ako para sana maabot ito pero mas lumala lang dahil nagsihulog ang ibang libro papunta sa akin.

Napapikit ako at hinintay bumagsak sa akin ang mga malalaking libro. Nakarinig ako nang nagsi-bagsakang libro at pagsinghap pero wala akong naramdamang sakit.

"You owe me this Megan."kinilabutan ako sa mainit na hiningang tumama sa may batok ko.

Nang lumingon ako ay si Travis na nakayuko at nakasandal ang mga kamay sa bookshelf.

Tinignan ko ang mga libro sa lapag at ibinalik ko sa kanya ang tingin.

Itinakip niya ang sarili para hindi ako mabagsakan ng mga libro...

"Travis.."umiiyak kong pagtawag sa kanya. Malakas ang kabog ng puso ko.

Ngumiti siya nang malamlam ang mga mata.

"B-bakit..? N-nasaktan kapa tuloy.."napapalunok kong sabi.

Napasinghap ako nang inilapit niya ang matigas na katawan sa akin.

Nakabilanggo na ako sa kanyang mga bisig.

"I know what you have to do to relieve the pain."paos niyang sabi.

Napatango tango ako habang nakatingala sa kanya.

Kapag tumingkayad ako ay maaabot ko na ang mga labi niyang mapupula.

"K-kahit ano gagawin ko.."paos ko na ring sagot. Hindi humihiwalay sa mga mata niya. Nakakaakit titigan ang abuhin niyang mga mata.

Halos dumagundong ang dibdib ko nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko at punasan ito.

"Kiss me."he said in his serious tone.

Napaawang ang mga labi ko sa bigla.

Masigla akong naglakad papasok sa school. Lunes na at reporting na namin mamayang hapon ni Travis..

Shocks! Kinikilig ako!

Ngiting ngiti ako habang binabati ang mga schoolmates ko. Parang feeling ko, kahit ang puting kulay ay sobrang ganda sa paningin ko.

Iba pala talaga kapag inspired. Lahat maganda sa paningin mo.

Friday afternoon ay hinatid ako sa aming bahay ni Travis after nang eksena namin sa library. Sayang lang dahil hindi ko siya nahalikan dahil dumating ang librarian na nakarinig sa ingay ko.

So imbis halik ay pinaayos sa amin yong kalat ko.

Pero wala din akong reklamo dahil panay ang dikit ni Travis sa akin. Lalo na nong binabalik namin yong mga libro.

Hiyang hiya ako nong binuhat buhat niya ako sa baywang para maabot ko yong estante ng libro. Talagang pinahirapan pa ang sarili..

Pero parang wala lang sa kanya dahil ni hindi siya nagreklamo sa kabigatan ko.

Inilagay ko na ang bag ko sa upuan ko at naghintay kay Travis.

Nong Friday ay nagsabi siya na pag-uusapan namin ang gagawin naming reporting para mamaya.

Kahit ako kasi ang magbabasa at siya ang magpapaliwanag ay baka tanungin kami kaya dapat may nakahanda akong pwedeng isagot.

Ang swerte ko kasi siya ang kapartner ko.

Ang gwapo at ang talino..

Napangalumbaba ako at ngumiti nang kinikilig.

Napabuntong hininga ako nang sa pagdi-daydream ko ay nakita ko siyang pumasok sa classroom namin at dumiretso sa upuan niya. Nang mapatingin siya sa akin ay madilim niya akong tinitigan at tumayo ng dahan dahan.

Parang nang aakit. Ngumiti ako sa kanya at nang lumuhod siya sa harapan ko ay pinanood ko ang abuhin nyang mga mata.

Ang gwapo..

Hinila niya ang batok ko nang marahas at inilapit ako sa mukha niya.

Napapikit ako at ngumuso.

Kailangan makahalik na ako.

Hahalikan-

"Megan.. megan! Hoy!"napadilat ako at nakita si President na nakapamaywang sa harapan ko.

Sa tabi niya ay sina Shanelle at Arana na natatawa sa akin.

Napahawak ako sa nguso kong nakausli.

Shocks! Pati dito nadala ko ang pagde-day dream ko!

"You're so funny bestie."sabi ng conyo naming kaibigan na si Shanelle.

"Parang pwet ng manok."natatawang sabi ni President.

"Sagwang tignan."nakangisi si Arana.

"Ano ba!"namumula kong saway. Nang ilibot ko ang paningin ay nakita ko si Travis na umiiling at papalabas sa classroom namin.

Feeling ko ay mas nag init ang mukha ko.

Nakita niya yong pwet ng manok? I mean yong pag nguso ko?

Napasikdo ang puso ko nang lumingon siya sa akin at nagkatitigan nang may mumunting ngiti sa mga labi niya.

Napakagat labi ako at umiwas na.

Nakaramdam ako ng pagkurot sa braso ko.

"Aray naman.."pabebe kong sita kay Gia. Hindi ako makabwelo dahil baka maturn off sa akin si Bebe ko. Ramdam ko ang pagtingin niya sa gawi namin.

"Hoy! Kilala ka na namin! Lumalantod ka na naman na walang paalam. Kanino? Kay Calvin pa rin ba?"malakas na sabi ni Gia.

Nanlaki ang mga mata ko at bumaling kay Travis na nakatalikod na.

Parang gusto ko siyang kausapin. Iklaro na hindi na si Calvin ang gusto ko.

Nang patayo na ako ay hinila ni Arana ang manggas ko para makabalik sa upuan.

"H'wag mong susundan. Tinitignan namin kung hanggang saan lang siya."nag aalalang tinignan ko ang nilabasang pinto ni Travis at napalabi.

"Crush na crush ko siya.."ungot ko.

"So what?"supladitang sagot ni Arana.

"Baka naman... kahit ngayon lang. kakausapin ko siya. Ipapaliwanag ko lang na siya na ang gusto ko."

"Timangers! Parang binigyan mo na siya ng karapatan na saktan ka kung ganoon! Konting pakipot!"suway ni Gia sa akin.

"Yeah right. You should take your time. What if hindi siya ang makatuluyan mo?"nakakunot ang noo ko sa reaction nina Shanelle. Parang kulang na lang ay magsabi sila ng DUH sa dulo.

"Ngayon ko lang to naramdaman! Yong kabog ng puso ko. Tapos parang.. parang magkapareho kami ng nararamdaman!"paliwanag ko sa kanila.

Umiling silang tatlo.

"Masyado kang inosente. Malanding inosente." Dagdag ni Gia.

Tumayo ulit ako pero tatlo na silang humawak sa braso ko.

"Gusto ko lang siyang kausapin tungkol sa project namin."angil ko na.

Tinaasan lang ako ng kilay ng mga loka.

Hinalungkat ko ang bag ko at pinakita ang notes ko na may mga nakasulat.

"Ito oh! Sabi niya pag uusapan nAmin ito ngayon!"

"Okay fine.. pero walang aamin! Subukan mo lang talaga. Susungalngalin ka naming tatlo."napangiti ako at tumango tango.

Binitiwan na nila ako kaya agad akong tumakbo palabas.

Kinakabahan na nae-excite akong tumakbo para hanapin siya.

Palinga linga ako sa daanan.

Napadpad na ako sa may mini forest pero hindi ko pa rin siya makita.

Bagsak ang balikat na babalik na sana ako pero nakarinig ako ng nag uusap.

Dahil chismosa ako ay lumapit ako sa boses at nakita ko si Travis na nakasandal sa puno habang nakaupo. Sa harapan niya ay ang babae na nakaluhod pabuka sa mga hita niya at nakahawak sa kanyang mukha. Animo naghahalikan..

Naramdaman ko ang pagkirot ng dibdib ko sa eksena. Agad nanlabo ang mga mata ko. Nanginginig na pinagpatuloy ko ang panonood.

Baka.. baka tulog lang siya..

Kahit naiimposiblehan ako sa dahilan ng utak ko ay yon ang pinaniwalaan ko.

Antukin siya kaya madali siyang makatulog!

At sinasamantala nang babae ang sitwasyon niya!

Walang hiya!

Pinunasan ko ang aking mga luha at animo pasugod na naglakad palapit sa kanila para hablutin ang buhok ng malanding babae.

Pero napatda ako nang kumilos si Travis at humawak sa buhok ng babae para iangulo ang mukha nito.

Bigla akong nanghina.

Napakuyom ako ng mga palad at nagsimulang bumagsak ulit ang mga luha ko.

Ilang sandali pa ay itinulak na ni Travis ang babae. At kinausap ito. May igting ang bawat salita na hindi ko na maintindihan dahil para akong nabibingi sa lakas ng tibok ng puso kong kumikirot.

Napalingon silang dalawa nang makagawa ako ng ingay. Napayuko ako sa notebook kong nalaglag na pala sa paanan at tumama ang spring sa pebbles.

"S-sorry.."sabi ko na hindi tumitingin sa mga mukha nila at tumakbo palayo sa kanila matapos kong pulutin ang aking notes.

Ang sakit pala.. dahil inakala kong gusto niya ako..

Ang sakit.. kasi akala ko..

Marami pala talagang namamatay sa maling akala.

Dahil hanggang sa makapasok na ako sa classroom namin ay hindi niya ako sinundan at sinubukang magpaliwanag..

Ang nagkakasiyahang mga kaibigan ko ang nakita ko.

Siguro.. tama nga sina Mommy.

Pagkain.. pagkain lang dapat ang isipin ko..

Dahil hindi ka papaasahin ng pagkain.

"So class, is there any questions you want to ask?"tanong nang teacher namin sa buong klase. Lahat sila ay napatingin sa aming dalawa ni Travis.

Kakatapos lang naming magreport sa harapan ng klase kaya inaasahan ko na ang mga tanong nila habang nangongopya sa white board ng mga sinulat ko.

Pero dahil sa naramdaman kong lumapit si Travis sa tabi ko ay parang gusto ko nang matapos ito agad.

Hindi ko alam bakit kailangan niya akong siksikin dito sa gilid samantalang marami pang espasyo sa gitna.

Maraming nagtaas ng mga kamay kaya pinanlisikan ko sila nang mga mata. Napababa agad sila ng mga kamay na animo natakot nga sa akin.

"Yes Miss Abraham?"tanong ni Missus.

Binalingan ko ang babae na biglang namutla at umiling. Hindi makatayo at nakatingin lang sa akin.

Nagtatakang lumingon si Missus sa akin kaya ibinalik ko ang inosente kong tingin.

"Don't shoot daggers at them." Mahinang sabi ni Travis at humawak pa sa may siko ko.

"I'm not."kaswal kong sagot at binawi ang aking siko.

Hinila niya ako palapit sa katawan niya kaya nataranta ako at tinulak ko siya.

Napasandal siya ng malakas sa pader at napaupo sa sahig. Animo nasaktan talaga.

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko inaasahan na masyado palang napalakas ang pagtulak ko sa kanya.

"What's happening there?" Tanong ni Missus.

Napatingin ako sa kanya at sa buong klase.

Lahat sila ay nakanganga maliban sa mga best friends kong nakataas ang mga kilay.

Umismid ako sa kanila at tumingin sa teacher namin.

"Wala po Missus."sabi ko at pinamaywangan si Travis na namimilipit sa sahig.

"Tayo na dyan."sabi ko at bahagyang sinipa ang binti niya.

"The fuck Megan.."angal niya at nakapikit.

"The fuck ka dyan. Bawal magmura dito huy!"sabi ko at tinalikuran na siya.

Pinandilatan ako ni Missus.

"Shouldn't you help your partner stand up?"

"Missus, kita nyo naman, mas malaki katawan niya. Paano ko naman siya matutulungan."kunwari ay nagpaawa pa ako.

At sinipa ng bahagya si Travis na nasa lapag pa rin.

Ganti ng api!

Napaismid ulit ako sa hangin at tumalikod na sa harapan ng paasang lalaki at tumingin sa mga classmates ko.

"No more questions guys?"Nakangiti kong tanong.

"None."sabay sabay nilang sagot.

"Thanks Miss Relano and...Mr Wright."nag alangang sabi ni Missus.

"Calvin, Rome, take Travis-"natigil ito sa pag uutos sa mga classmates kong lalaki kaya napalingon ako sa aking likuran.

Nakatayo na si Paasa. Ngalang ay lumapit siya sa akin at umakbay nang mahigpit. Parang galit.

"Missus, my partner will take me to the infirmary."matigas niyang sabi.

Mas lalong nahirapan akong intindihin siya  dahil sa accent niya. Gusto kong mapairap.

"Okay. Megan, take him now and come back here quick."

Napapadyak ako at balak pa sanang magprotesta kung hindi ako binulungan ni Travis. Nagbabanta.

Napairap lang ako sa kanya at sumimangot.

Naglakad na ako palabas nang nagmamadali. At dahil nakaakbay siya sa akin ay napahakbang din siya ng mabilis.

"What's your problem?"nakangiwing tanong niya sa akin.

"Problema ko? Yong pagmumukha mo."angil ko at hinawakan na siya sa braso para hilain papunta sa infirmary.

"Oh.. so you planned this? To be alone with me.."nakataas ang kilay na saad niya.

"Asa ka."Kinatok ko ang pintuan nang makarating kami sa infirmary. Pero walang sumagot.

Naiinis na binuksan ko ito at pinalibot ang braso sa baywang niya para akayin.

Napasinghap siya at lumayo ng konti sa akin.

"Bilis na!"asar kong sabi at hinapit siya palapit sa akin para makapasok na kami.

Nanahimik naman siya. Kaya wala akong oras na sinayang.

Pinaupo ko siya sa isang single bed at hinila ang kurtina. Para may privacy siya. Bago ko siya hinarap.

"Okay. Dyan kana. Tatawagin ko lang yong nurse!"pairap kong sabi at tumalikod na.

Nagulat ako nang hilain niya ako sa braso at ipaharap.

He then caged my thighs with his long legs and held my waist.

Napaawang ang bibig ko. Hindi makapaniwala sa ginawa niya.

"Why are you acting like this?"mahinahon niyang tanong sa akin na nagpakaba sa puso ko.

Para na naman akong nahihipnotismo sa abuhin nyang mga mata.

I struggled for him to let me go but he just wrapped his legs around my thigh and pulled me closer.

"T-teka.. b-baka may pumasok d-dito." Kinakabahan kong itinungkod ang aking mga kamay sa dibdib nyang matigas.

"Everyone's in their class Megan. Now tell me what's the matter?" Pilit niyang hinuhuli ang mga mata ko.

"W-wala!"tanggi ko at tinulak siya nang mas malakas.

Tumingin na lang ako sa mga braso niyang may katamtamang muscles nang hindi ko man lang siya nailayo sa akin.

"I thought.. we have something special.."pagkasabi niya non ay napatitig ako sa mukha niya.

Gusto kong malaman kung nagbibiro ba siya or nagbibiro talaga siya.

Nang makita ang seryoso nyang mukha ay napatawa ako ng malakas.

Nababaliw na ba siya?

Nang mapagod ay natigilan ako dahil hinawakan niya ang aking mukha at pinunasan ang magkabilaang pisngi ko na basa na pala ng mga luha.

"Are you crying because of me?"seryoso niyang tanong sa akin.

At dahil tatanga tanga ako ay napahagulhol na lang ako sa harapan niya.

Hindi ko alam bakit nagkakaganito ako.

Marahil ay hindi ko lang siya crush..

Marahil ay iba na itong nararamdaman ko..

Gusto ko na talaga siya.

At ngayong nasukol niya ako ay hindi ko alam ang pwede kong sabihin dahil napapangunahan na ako ng damdamin ko.

Tanga talaga ako. Dahil imbes umiwas ay andito ako at iniiyakan ang ginawa niya kanina. At ang masama pa, sa harapan niya!

Naramdaman kong hinapit niya ang baywang ko palapit sa kanya at niyakap ako. Ipinatong niya ang kanyang mukha sa aking balikat.

"Hush.. I'm sorry.. hush.."masuyo nyang pagpapatahan sa akin.

Napakapit ako sa kanyang long sleeves at isinandal ang mukha sa kanyang buhok na makapal.

"I was sleeping when she suddenly came and kissed me. I pulled her hair but she won't let go so I bit her lips and pushed her away Megan."paliwanag niya. Ang hininga nya ay tumatama sa leeg ko na naghahatid ng kilabot sa akin.

Tumigil na ako sa pag iyak at sumisinok na lang.

"You're so sensitive..and violent."dagdag niya.

"Ikaw kasi!"naiinis kong sagot.

He chuckled and raised his head to check my tear stained face.

He then smiled sexily and caressed my wet cheeks.

"Nakakatakot ka palang magselos. You become violent."Biro niya.

"Maarte ka lang. konting tulak lang gumulong gulong kana sa sahig."umirap ako sa kanya.

"Hmm.."ngumisi siya at nagsimulang magtanggal ng butones sa long sleeves niya.

Napa atras ako at muling kinabahan sa pinag-gagagawa niya.

"Not so fast sweetheart."paos niyang sabi. Animo nang aakit.

"H-huy! A-anong ginagawa mo!"Utal utal kong tanong.

He just secured me in between his thighs with his legs but didn't pull me back.

"I wanna show you something."kumagat labi pa siya kaya napatulala na naman ako sa kanya.

He chuckled again and tapped his chest.

"Look here sweetheart. Not my face."

"A-anong gagawin ko sa dibdib mo?"

"Lick it? Touch it?"nakangisi niyang sagot.

Napahampas ako sa kanya.

"Bwisit ka naman!"sabi ko.

Hinuli niya ang mga kamay ko at ipinatong sa mga hita niya.

Nakaramdam ako ng alinsangan nang magseryoso siya ulit.

"T-travis.."

"Kiss me where it hurts Megan."utos niya at hinigpitan ang hawak sa mga kamay kong nasa ibabaw ng mga hita niya.

Napalunok ako at tinignan ang mga kamay naming magkapatong.

At nabigla sa nakitang bukol.