webnovel

Under The Moonlight Completed

THE MAN WHO CAN’T BE MOVED 2 Under the Moonlight WARNING;SPG/R18 True love.. Will I be able to get one for myself? In a home where she was raised with so much love, she dreamed about having someone she could call hers. She met boys.. chased them..and failed. Then came Coles Trevor Wright. Her saving grace.. Grey eyed beast, sexy, perfect and an alpha male in a true sense of word. But a playboy.. and casanova. She should've avoided him.. but when he aimed his attention on her, she couldn't say no. She fell.. and fell hard. But everything was really a lie.. The love she thought he has for her wasn't really there.. It was a game.. For Him to win.. And For Her to lose.. (Revenge & Family issues) 29/7/2020 Revision 3/2/2021 16/8/2020 Finished 19/3/2021

greighxx · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
37 Chs

Chapter 17

BREATHLESS

"Sige na ate. Kumain na muna kayo."pantataboy ko nang sumapit ang tanghalian.

Nagkatinginan ang dalawa naming sales lady sa isa't isa. Nag aayos sila ng mga bagong dating na stocks namin.

Usually ay ako kasi ang nauunang kumain sa tuwing nagbabantay ako ng pwesto.

"Sige garud. Bibilisan nalang namin."untag ni Ate Rica at itinabi ang karton sa gilid.

Si Dolores naman na kaedaran ko ay ibinaba ang medium size boxes ng mga batteries.

Nang pumasok na sila sa looban ay agad kong tinype ang mga oorderin namin.

Every two weeks ay nag iinventory at naglilinis kami ni Jestoni. Ang nag iisang lalaki namin dito. Pero dahil may emergency sila ay naantala pa.

Napabuntong hininga na ako nang makita kong imbes ten pieces ang nakalagay ay one hundred. Kinansel ko na lang oorderin ko at isinara ang aking laptop. Next time na lang. hindi naman urgent ito.

Nagwalis walis nalang ako kahit nagawa ko na ito kanina. Tapos pinakialaman ko na rin ang glass display namin.

Paminsan minsan ay napapatulala ko.

Nang matapos ako ay naupo ako ulit. Panay ang tingin ko sa aking wrist watch. Gusto kong pagsisihan na iniwan ko pa yong cellphone ko. Wala tuloy akong mapanooran..

May laptop pala ako!

Pero para akong nawalan nang gana nang mahawakan ito.

Napangalumbaba na lang ako.

Ang hirap naman.. hindi talaga 

ako mapakali.

Iniisip ko na baka nagtext na siya..

Ang gulo kasi ng utak ko.

Ang balak kong pag iwas na sa kanya ay parang hindi ko kaya.

Humugot ako nang hininga at yumuko. Pilit kinakalma ang sarili.

Baka maghalf day na lang ako ngayon. Tutal wala naman yong kasama kong maglilinis. At wala akong gagawin dito.

Nang iangat ko ang aking paningin ay nakita ko ang isang lalaki na humarang sa harapan ko.

"Kuya, balik na lang po kayo. Kumain lang po sila."tinatamad kong sabi at iniusog ang upuan para makita ang buong tindahan.

"That's bad for your business baby."malalim na boses ng lalaki ang narinig ko.

Dumulas ang baba ko mula sa palad ko sa gulat kaya tumama ito sa braso ko.

"Fuck!"mura niya at sinubukang saluhin ang baba ko.. Pero nahuli siya.

Nakangiwing tiningala ko siya. Balak ko sana siyang singhalan pero nabitin ito sa ere ng makita ang pag aalala sa abo niyang mga mata.

Itinaas niya nang dahan dahan ang baba ko ay ininspeksyon ito.

"Sorry if I startled you. I didn't mean to."paghingi niya ng paumanhin.

Tila naumid ang dila ko.

Napakagwapo niya at fresh na fresh sa suot na maroon polo ralph lauren at black khaki shorts. Ang sapin niya sa paa ay black louis vuitton moccasins.

Kanina lang ay hindi ako mapakali na makita kung nagtext ba siya.. tapos ngayon nasa harap ko na at may malambot na expression habang nakatunghay sa mukha ko.

"C-Coles.."tawag ko sa kanya.

"Yes baby?"sagot niya at iniangat ang mukha.

We stared at each other.

"B-bakit ka nandito?"utal kong tanong.

Tumuwid siya nang tayo at namulsa.

"You're not replying to my texts and calls."simple niyang sagot.

Napakagat ako ng ibabang labi.

Nagtext nga siya sa akin..

I pursed my lips to hide my smile.

"Magiging busy kasi ako sa pwesto kaya iniwan ko yong phone ko. Sorry hindi ko pala nasabi sayo."

"That's fine. Have you eaten?"

Umiling ako agad.

"Sa bahay na lang. Maghalf day lang ako ngayon."

"And why's that?"I could see his curiosity.

"Maraming pagkain sa bahay. Half day ako, dahil wala yong kasama kong maglilinis sa stockroom."

Napatango tango siya.

"Hindi ka ba busy?"Nahihiya kong tanong. Paano ba naman ay tutok na tutok ang mga mata nya sa mukha kong pwede nang pagprituhan sa kalangisan.

Umiling siya at lumapit pa sa harapan ko.

Ipinatong nya ang mga braso sa glass display namin at hinawakan ang aking mga kamay.

Tiningala ko na siya.

"I can help you if you want.."

Napailing iling ako.

"Hindi na! Bukas na lang. babalik ako dito." Tanggi ko agad.

"Then you should do it now. So you have free time tomorrow."giit niya.

"Baka mapagod ka lang. tapos mainit sa stockroom at maalikabok. Tapos-"Pinutol niya ang sasabihin ko gamit ang daliri niyang idinikit sa mga labi ko.

Biglang nanulay ang libo libong kuryente sa akin.

"I'll help you. But after we eat lunch."

Napalabi na ako. Halatang wala nang makakapagbago sa isip niya.

"Ako na ang manlilibre."nakapout kong sabi.

Mabilisan siyang yumuko at hinuli ang nga labi ko gamit ang mapupula niyang mga labi.

My eyes widened with what he did.

"C-Coles!"

He smirked. I felt my cheeks burning.

"Kiss lang solve na."he said then winked.

"Lunch lang kami."paalam ko sa mga kasama ko. Pareho mga nakatanga sa lalaking nakahawak sa baywang ko.

Nang hindi sila kumilos ay tumalikod na ako.

Baka abutin pa kami ng siyam siyam kung hihintayin pa naming magising sila sa pagkakatulala.

"Babalik kami after lunch."untag ko bago kami lumabas.

Iginiya ako ni Coles papunta sa pula niyang Range Rover.

"Seatbelt baby."paalala niya at siya na ang mismong nagkabit.

Napasiksik ako sa upuan ko nang sadyain nyang ilapit pa ng sobra ng mukha niya bago siya tumayo nang diretso.

His eyes were dancing with amusement.

"We've kissed a lot of times. Hindi ka pa rin sanay sa akin?"

Inirapan ko siya. "Dalawang beses pa lang. excuse me. Baka sa ibang babae yang sinasabi mo."

Umikot na siya nang hindi man lang sinasagot ang pasaring ko.

Gusto ko siyang irapan nang paulit ulit.

Sa sobrang daming babae niya, hindi na nya matandaan ang mga pinaggagagawa niya.

Pinagkrus ko ang mga braso ko nang mastart na niya ang makina.

At talagang nanahimik!

Wala sigurong maisagot kasi tama ako!

Huminga ako ng ilang beses para kumalma.

Nang lumagpas kami sa plaza ay napalingon na ako sa kanya.

"Doon tayo sa Jolibee."

Hindi man lang niya ako nilingon.

Kinalabit ko na ang kamay niyang

nakahawak sa gear stick

When he didn't move, I pinched his hand hard.

"Ow!" Naipagpag niya ang kamay na nasaktan.

"You're so violent!"

"Doon nga tayo kasi sa fast food!"Sabay turo ko sa nalagpasan naming Jolibee.

"No. I'm not feeding you shit food."nakakunot ang noo niya at nakasimangot.

"Ako ang manlilibre kaya ako ang masusunod!" 

He tsked but kept driving.

Naiinis na hinampas ko na siya sa balikat.

"Hindi mo ba ako narinig? Ako ang masusunod!"giit ko.

"Fucking hell!"he said while clenching his jaw. He looked at me with his annoyed expression but steered the wheel to do a U turn.

Tinaasan ko siya nang isang kilay.

Hindi talaga ako papatalo dito! Hah!

Tahimik niyang ipinark ang sasakyan niya at bumaba para umikot sa side ko.

Binuksan ko na ang pinto nang sasakyan na hindi siya hinihintay.

Napahawak siya sa temple niya nang maisara ko na ang pinto.

"Tara na! Anong gusto mo dito?"Excited kong tanong.

Hindi na naman siya umimik.

"Ganito na lang, ako na ang oorder, hanap ka nang maupuan natin." Nang makapasok kami ay mahaba ang mga pila.

At lahat sila ay napalingon sa amin.

Bakit kapag kami-kaming magkakaibigan ang pumupunta dito, wala namang tumitingin sa amin?

Nagkasulubong ang mga kilay ko.

Biglang nainis sa mga nakapalibot sa amin.

"Sige na. Punta ka na sa taas. Baka wala na tayong maupuan."bulong ko sa kanya at tiningala siya.

Seryoso siya nakatingin sa menu sa itaas.

"Tell me which one you want."mahina niyang tanong at yumuko para ibulong din sa akin.

Kinikilabutang iniatras ko ang aking mukha. At binalewala na ang paghila niya sa baywang ko.

"Two piece chicken with rice, spag and shanghai then ice cream. Tapos yong soft drinks-"

"Just water baby. Too much junk food."bulong niya at mas kinabig ako.

He squeezed my waist then kissed my hair before walking quietly to queue.

Lahat ng mga tao ay nakatingin pa rin sa kanya. Curious sila.

Baka akala artista. Or baka nagtataka sila dahil mukha siyang mayaman pero andito siya para pumila.

Nang maalala ko ang bayad ay sinundan ko siya.

Nakikipag usap na agad ang nasa harapan niya. Pangiti ngiti pa.

Mga malalandi!

Gusto ko sanang tawagin si Coles at mainis pero hindi man lang niya ito binalingan so natahimik ako.

"Coles, yong pera oh!"tawag ko nang pansin at iniabot ang pera.

Napalingon ang mga babaeng nasa harapan niya sa akin. Mga nakasimangot.

Binalingan ko si Coles na nakataas na ang kilay sa akin.

"Do you think I can't pay for our date?"Pasuplado niyang tanong.

"Sabi ko ako ang manlilibre eh."giit ko.

Napalingon ako sa harapan namin nang marinig ko ang mga babaeng malalandi.

"Sayang yong lalaki, may girlfriend nga, mataba naman."

"Oo nga. Mas maganda naman ako ng di hamak sa kanya."

"At sexy tayo. Periodt."nagtawanan sila.

Napasimangot na ako at pinamaywangan sila.

"Baby.. just look for a table."pantatawag ni Coles sa akin.

Pinanlisikan ko ng tingin ang mga malalandi bago ko binalingan si Coles.

"Okay." Inis kong sabi at mabigat ang mga paang lumakad palayo.

Hindi man lang niya ako pinagtanggol!

Nagmamadali akong tumakbo pataas. Nakarinig ako ng hiyawan mula sa baba pero hindi ko na pinansin.

Nang makarating ako sa taas ay nakita ko ang papatapos na mag boyfriend sa may gilid kaya lumakad na ako para maireserve ito.

"Tapos na kami Miss."nakangiting sabi nong babae at tumayo.

"Salamat!"I returned the gesture and sat.

Inimis ni boyfriend ang pinagkainan nila at kinuha.

"Thanks ulit."

Tumango sila at umalis na.

Napalingon ako sa tatlong babaeng may hawak hawak na tray.

Biglang kumalam yong tyan.

"Ayos yong gwapo sa baba. Pati tayo nalibre!"kinikilig na sabi nong isa.

"Ang swerte nong kasama nya. Gwapo at mayaman. Galante pa."

"Talaga? Dapat pala ikaw nalang ang nagreserve dito para nakita ko naman!"excited na sabi nong isa. At inaalis ang mga pagkain mula sa tray.

"Lahat to libre nya?"nito ulit.

"Oo. Dinagdagan ko na. Minsan lang may manlibre sa atin eh!"tawa nilang apat.

"Nakakatawa lang. Nilibre niya halos lahat. Maliban doon sa nasa harapan niyang mga babae. Mga feeling maganda kasi."

Tinignan ko sila.

At parang alam ko na kung sino ang nanlibre sa kanila nang makita ko si Coles na paakyat dala ang isang tray na puno nang pagkain.

May isa ring crew na dala ang isa pang tray namin.

Nangingiti na siya nang makarating sa akin.

Parang proud sa ginawa.

"What?"he asked when I didn't return his smile.

"Bakit ambilis mo? Ang haba nong pila ah."

Nagkibit balikat lang siya at inasikaso na ang kakainin ko. He then sat opposite to me.

"Siya yon!"Rinig kong sabi nang katabi naming mesa.

"Talaga? Ang gwapo niya. Kakaiba yong mga mata!"

"Oo! Swerte nong girl no? Kahit mataba, nakabingwit!"

"Hoy! Ang ganda kaya nong girl! Parang angel. Bagay sila!"

Bulungan pa ba yan? Wala bang mas ilalakas?

"Pero ang bagay don sa guy, mala mode!"

"Gaga! Kapag pumayat yan, mas gaganda pa siya. Tsaka malay mo, alagang alaga ni guy kaya tumaba!"

"Sabagay. Ang swerte niya.."

"Eat up. Your mood isn't good when you're hungry."Coles said while removing the paper off the rice.

"Andami kasing mga chismosa!"Inis kong sabi.

"Next time, we'll eat somewhere private. Now, eat up so you can smile at me."Napanguso ako sa sinabi niya.

He even sliced my chicken and the pasta.

"Para naman akong bata nito!"angal ko nang ibigay niya ang napira piraso nang chicken. Maiikli na rin ang mga hibla nang pasta.

"Please eat up."malambing na niyang sabi at kinuha ang tinidor para subuan ako.

"Ako na. Kain ka na rin. Magkano yong nagastos mo?" Sabi ko at kinuha ang wallet ko.

Napatitig siya sa wallet kong nakabukas na. Iwinagayway ko ito sa harap ng mukha niya.

"Who's that?"Matalim ang tingin niya sa wallet ko.

Nagtatakang tinignan ko rin yong wallet ko. Oh! Si Jinhwan!

"Crush ko! Kpop siya. IKon."nangingiti kong sabi at ipinaharap ito sa mukha niya.

Tumango tango siya at nanahimik. Iniabot na rin niya ang kutsara sa akin.

"Magkano?"tanong ko ulit.

"Just eat baby. We'll go somewhere after this."

"Saan?"Tanong ko habang hinahanap ang resibo. Kung ayaw niyang sabihin, ako na ang gagawa nang paraan.

"Mall. I need extra clothes."napatango ako.

Sabagay, pagpapawisan talaga siya sa init nang stockroom namin. Hindi naman pwedeng maglagay ng electric fan kasi lilipad din yong mga alikabok.

Kinuha ko ang resibo at itinabi bago sumubo.

Nang mapansin ko siyang nakatingin pa rin sa wallet kong nakabukas ay itinupi ko na ito at inilagay sa sling bag ko, kasama ang resibo.

Nagwapuhan din siguro kay Jinhwan ko.

"Kain ka rin!"alok ko at iniumang ang chicken.

Walang arte na ngumanga siya at isinubo ang pagkain gamit ang tinidor ko.

"Ano? Masarap?"excited kong tanong.

Tumango lang siya at tahimik na kumain.

"I can do better."he said while giving me a bottled water after I finished all our food.

Nakaisang rice lang siya at chicken. Tapos ilang pirasong shanghai. Mahina siyang kumain.

Sa laki nang katawan niya, ewan ko kung saan siya nakakakuha ng lakas.

"Weh?"alanganin kong tanong matapos uminom.

"Uh huh..i can make your favourite lasagna."Sabi niya at iniabot ang labi ko para punasan gamit ang daliri niya.

Then he put his finger in his mouth.

Napatingin ako sa paligid para umiwas.

Bakit parang ang hot niya doon?

"Sige nga! Dalhan mo ako bukas!"excited kong sabi.

"At your shop?"

Napailing ako.

"May bonding pala kami nina Gia bukas. Next time na lang."

Tinitigan lang ako ni Coles. Parang hinihintay pa ang sususnod kong sabihin.

"Are you with them until dinner?"he asked slowly.

"Usually, lunch hanggang magdinner. Pero may basketball game sina Kuya Bryce kaya baka sabay sabay na kaming magdinner nang mga yon."

Nanahimik na naman siya. Parang may iniisip?

Tumayo na ako nang makalahati ko yong tubig ko.

Kinuha ito ni Coles at naglakad na kami palabas.

Nagtataka ako nang batiin si Coles at pasalamatan ng mga nakakasalubong namin.

"Bakit parang nangangampanya ka?"nagtataka kong tanong.

"Don't mind them." He then pulled me beside him and placed his arm over my shoulders.

Nanahimik na rin naman ako at ninamnam ang masarap at mainit na pakiramdam na hatid ng katawan niya sa akin.

"What time does the basketball game starts baby?"tanong niya habang pasakay ako ng kanyang sasakyan.

"Mga one in the afternoon. Bakit?"sagot ko at tinignan siya.

Seryoso syang nakatingin sa akin habang umiiling.

Masyado siyang tahimik. At parang nakikiramdam.

Anong mayron dito?

Nang mabilis kaming nakarating sa mall namin at nagpark na siya sa harapan.

This time ay hinintay ko na siyang pagbuksan ako at tulungang makalabas sa sasakyan niya.

Papasok sa mall ay inakbayan niya ulit ako.

Okay na ulit yong mood ko.

Pagkain lang talaga ang nakakapagpa good mood sa akin.

Nagse-cellphone siya habang naglalakad kami.

Paminsan minsan ay humihinto kami kapag itinuturo ko ang mga damit na pwede niyang gamitin pamalit. He would buy it and continued walking.

"Teka.. damit lang ba kailangan mo?"tanong ko at huminto ulit.

Nakisilip na rin ako sa screen niya nang hindi ako makatiis.

Baka girlfriend niya yong tinitext niya. Nakaramdam ako ng sakit sa dibdib pero ibinasura ko ito.

Ayokong ma bad mood ulit kaya dapat iwasan ko ang sobrang pag iisip. Basta best friends kami. Okay na ako!

Inangat nya ang paningin sa akin at tinaasan ako ng isang kilay nang mahuli akong nakatingin sa cellphone niya. Hindi naman niya ito iniiwas kaya pinagpatuloy ko ang pagbabasa.

Curious ako. Ewan ko kung anong nangyari pero para akong nakahinga nang maluwag nang mabasa na si Kuya A lang ang katext niya. Inaaya niya ang mga ito bukas ng tanghali.

He canceled it and gave the phone to me. I saw his same text to Kuya L and P.

Napanguso ako. Akala ko naman.. makakasama ko siya bukas na manood ng game..

Okay sana yong may katabi ako at nakaakbay sa akin na gwapo. Kunwari boyfriend ko.

"May lakad kayo bukas?"tanong ko nang mabasa ang palitan nila ng messages.

Okay din ang pagkakaibigan nila. Nagtutulungan.

Nang kinansel ko ito ay ang mybaby,heart,heart lang ang nandito maliban sa mga messages nila kuya A.

Napaismid ako. Kadiri nang tawagan nila ng jowa niya ah.

"Yes."he answered then guided me to the photo booth shop.

Patingin tingin ako habang kausap niya ang sales lady. Halatang attracted yong babae. Lahat na lang talaga gusto siya.

Napanguso ako at tinignan na ang phone niyang hawak ko kaysa mangunsiyami sa pagiging magnet niya sa mga babae.

In-unlock ko ito gamit ang pangalan ko. At kinansel ang message app para magtingin ng photos niya.

My eyebrow nearly hit the roof when I found his gallery full of my insta and Facebook photos. Pati yong mga one year ago kong mga pictures!

Anong trip nitong mama?

At nahintakutan ako nang makita pati yong mga JEJE pictures ko na nabura ko na.

Stalker lang? Teka.. gwapo siya kaya dapat admirer.

Nakansel ko ang app nang maupo siya sa tabi ko at humawak sa hita kong nakahantad.

"They'll call my number soon."he said while looking at my exposed thighs. He then got up and pulled a handkerchief in his pocket.

Napatango lang ako. Parang gusto kong magtanong tungkol sa mga pictures ko..

Napakagat ako nang ibabang labi nang takpan niya ang mga hita ko gamit ang panyo niya at ipinatong na ang malaking palad dito.

"Kuya. Kayo na po."tawag nong babae sa kasama ko pagkaraan ng ilang minuto.

He looked at me and pulled me up.

Nagulat ako pero hindi na umimik.

Nagpahila ako hanggang makapasok kami sa picture booth.

"Para saan to?"tanong ko habang inaalalayan niya ako na makaupo sa mataas na bangko. Naging hanggang sa leeg na niya ako.

"Pictures."

"Alam ko. Para saan nga?"

"You'll find out soon. But for now, show me your gorgeous smile."he said then kissed me on top of my nose.

Nagulat ako nang makarinig ako ng shutters nang camera at ang pagflash nito.

He settled on my back and hugged me from behind. His arms were holding me firmly.

"Smile baby.."he whispered on my ears huskily.

Napalunok ako at tinignan siya. He was looking at the camera with his small smile.

Ang gwapo.. talaga..

Nang magclick ulit ang camera ay napalingon na siya sa akin.

"Nagagwapuhan ka na sa akin? Liligawan mo na ako?"he said while smiling seductively.

Napangiti na ako at humarap sa cam.

"Asa." I said breathless. My heart was beating fast.