webnovel

Under The Moonlight Completed

THE MAN WHO CAN’T BE MOVED 2 Under the Moonlight WARNING;SPG/R18 True love.. Will I be able to get one for myself? In a home where she was raised with so much love, she dreamed about having someone she could call hers. She met boys.. chased them..and failed. Then came Coles Trevor Wright. Her saving grace.. Grey eyed beast, sexy, perfect and an alpha male in a true sense of word. But a playboy.. and casanova. She should've avoided him.. but when he aimed his attention on her, she couldn't say no. She fell.. and fell hard. But everything was really a lie.. The love she thought he has for her wasn't really there.. It was a game.. For Him to win.. And For Her to lose.. (Revenge & Family issues) 29/7/2020 Revision 3/2/2021 16/8/2020 Finished 19/3/2021

greighxx · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
37 Chs

Chapter 16

STAND

"Damn that boy." Kuya Marcus uttered when they all went back to the bench.

The game was finished and they won by just one point. Kuya Bryce's three points.

Napatanga lang kaming lahat ng umiscore ng dire-diretso si Travis.

Kahit nasa malayuan siya ay naisho-shoot niya ang bola. Amazing talaga.

Kaya pala malakas ang loob ng kumag.

Sinulyapan ko muna si Trio na pawis na pawis na lumapit sa akin at naupo.

Iniabot ko ang towel niya. Sa first quarter, sila ang lamang kaya dito pa rin kami sa bench nag stay.

"Okay ka lang? Tubig pa?" I asked then handed his water bottle. Ang tubigan ko ay nasa bag ko na. Naubos na rin kasi niya.

Nang tumingin siya sa akin ay nginitian niya ako sabay abot ng tubig niya. Tapos para siyang may gustong sabihin.

"May sasabihin ka? May tanong?" I inquired.

He swallowed then looked away while wiping his sweaty face.

"Manliligaw mo yon?"he asked quietly.

Napatawa ako sa tanong niya.

He looked at me instantly.

"Nako naman! Yon? Taong bato yon eh!" Sabi ko habang tumatawa at tinignan si Travis na papalapit sa duffel bag niya. He was scowling.

"He seemed possessive towards you."sabi niya na nagpalingon sa akin.

I kept my smile.

"Trip trip lang nya yon. Wala sigurong magawa sa buhay."

"You don't know what a guy can do just to have the girl he likes."mahinang sabi niya. Pero narinig ko.

I didn't know what to say.

Biglang naging awkward ang hangin na nakapagitan sa amin. So I looked around instead.

"Kuya Bryce! Libre mo na ako!"Pagtatawag ko sa kanya at tumayo.

"Why me?"at itinuro pa ang sarili.

May pagkakuripot ito eh.

"Because.. may chika ako tungkol kay Joi!"mala demonyo kong sagot.

I saw him paused. Then looked at me with curiosity.

I got him. Hah!

Lumalabas lang ang kayaman nya kapag involved na si Joi. Ang kanyang sinisinta.

Naramdaman kong lumapit si Trio sa akin. Hawak ang towel niya.

Nilingon ko siya at inabot ito bago siya nagtanggal ng jersey shirt.

Pinunasan ko na yong likuran niya. Maskulado at malapad. Sexy talaga.

Pero mas mamuscle si Coles at mas matangkad. Siguro dahil matanda na yon!

When I finished, he stepped out of my way and put his fresh shirt on.

Binalingan ko ulit si Kuya B at pinunasan din ang likod niya. Dami kong baby damulag dito.

"Where do you want to go then?"he asked seriously.

I grinned at him. "Sa Red Ribbon. May gusto akong cake doon."

"Fine."

Thursday afternoon nang nagkaroon kami ng time para makapagchikahan.

Sobrang busy dahil bukas na yong open day at anniversary.

Nasa may cafeteria kami para sa merienda nang tumunog ang cellphone ko.

It was from Coles.

I read his message and I couldn't help but to laugh at his silly pick up lines.

I pursed my lips and typed my reply.

"Kaibigan lang pala.. kaibigan lang daw pala.."binago ni Gia at Shanelle ang lyrics nang kanta. Hawak hawak nila ang tray nang inorder naming pagkain.

Nasanay na ako sa pang aasar nila sa akin. Mga shunga.

"Anong kaOA-han na naman ba ang pinasa niya sayo?" Curious na tanong ni Arana. Pati siya ay nakangisi.

Ang akala ko, mananahimik ito. Pero siya pa ang naglaglag sa akin na nagkasama kami ni Coles buong magdamag pagkatapos ng wedding anniversary nina Tita.

"Magsitigil nga kayo."pairap ko at akmang itatago ang cellphone pero naagaw ito agad ni Gia.

Hinayaan ko na. Hindi rin naman ako titigilan eh.

"From CWright."pagbabasa ni Gia nang malakas tapos tumikhim pa siya.

"Hindi na ako gagamit pa ng google.."napahagikhik na siya at hindi na itinuloy ang pagbabasa. Pati ako ay natawa na rin dahil alam ko na ang katuloy.

Infairness kay Coles, panay send niya sa akin ng mga banat dahil nagrequest ako sa kanya nong nasa America na siya.

"Ano! Hoy ituloy mo!"bitin na angal ni Shanelle.

Ipinasa na lang ni Gia sa kanya ang cellphone ko at tumawa na ng malakas.

"Okay. Here it goes.. hindi na ako gagamit pa ng google, dahil nung nakilala kita, the search is over!"pati ang dalawa ay tumawa na rin.

"Wow! Coles lang sakalam!"comment ni Gia matapos tumawa.

Nang magbeep ulit ang phone ko at inagaw na ito ni Arana. Hindi rin ito papatalo eh.

"It's from him again. Another banat from her new best friend!" Best friend na ang bansag nila kay Coles.

"Nung nakita kita nalowbat ako.. nalowbat first sight sayo."

Nahampas, nakurot at hinila hila ang manggas ko nang dalawa sa kakatawa.

"Aray! Aray! Para na akong ginahasa dito!"reklamo ko.

Arana handed my phone back to me.

"Replyan mo na. Bumanat ka na rin. Para naman kiligin din."

"Oo nga. Ano bang itsura ng lalaki kapag kinikilig?"Gia asked.

Napaisip din ako.

"Si Daddy, nakangiti lang ng parang ewan maghapon ganoon. Parang tanga. Kaya nga alam ko kapag nagto-toot sila ni Mommy eh."

Inabot ni Arana ang tainga ko at piningot.

"Aray naman."

"Gaga ka! Too much information!"she said.

Shanelle and Gia just started laughing.

"So paano ba yan? Si Daddy ko, araw araw na nakangiti at good mood. Does that mean he gets laid too?"

Napahagalpak kami ng tawa.

Wow. Mahilig.

Napatingin kami kay Gia na namumula na ang mukha sa kakatawa.

Patay si Gia kay Kuya A. Nasa dugo daw ang mga ganyan eh.

"Tigil-tigilan nyo na nga ang pag uusap nyo tungkol sa sexlife ng mga parents nyo. Mga dugyot!"Arana grimaced.

"Share ka naman dyan. Laging seryoso si Tito Chief. Nahahalata mo ba kung nagto-toot sila ni Tita?"nagkatinginan kami nina Gia sa tanong ko kay Ara.

She looked at us as if disgusted about what I've asked her.

"Sige na! Kwento ka na. KJ mo." Gia nudged her.

"Bakit kasi napunta pa sa ganito pag uusap natin!"namumula nang sagot ni Ara.

Nagkatawanan kami ulit at kinulit siya ng kinulit.

"Oo na. Mga bwisit kayo!"she said after we pulled her coat and hair.

"Para namang hindi nyo nakitang ngumiti si Dad."pairap na sabi nito.

"Well.. yong kakaibang ngiti bestie. Mararamdaman mo naman kasi kapag nakathree points sila!" Tumatawa kong sagot.

"Oo! Araw araw! Sumisipol pa habang pinagluluto si Mommy nang breakfast."

"Aba matende!" Gia slapped her hand on the table.

Then we laughed again.

"Oo kuya. No problemo." I giggled then dropped the call. 

Grabe talagang pagmamahal ni Kuya B kay Joi.

Nong nagkausap kami last Sunday, sinabi ko yong tungkol sa auction.

Ang kuripot kong Kuya, handang gumastos para lang hindi makuha si Joi. So nakiusap siya sa akin na i-bid ni Daddy si girl. And the rest would be history. Char.

I put my phone back in my purse and walked quickly towards the admin building. I was quite late for our meeting but, I guessed everything's okay.

Lahat plantsado. Ganito kumilos si President. Nasa lugar. Maayos.

Pangiti ngiti akong umaakyat sa hagdan. Sa kalagitnaan ay nagvibrate ang phone ko.

Excited akong inilabas ito. Only to find an unknown number with a link.

Napanguso ako at tinignan ito.

An article about my new found male best friend.

Hindi ko na masyadong inintindihin dahil hindi naman ako genius sa inglesan.

I scrolled up until I found photos of him and his friends.

Nasa bar sila. Then the second one was them with girls in each side.

Napakunot na ang noo ko.

Kuya A had a girl with him here. My insides churned.

I didn't know what to do.. chismosa ako.. pero I felt like I couldn't tell Gia about this..

Kahit pa sabi ni Gia, nagsawa na siya kay Kuya A.. alam naming hindi yon totoo.

Napalunok ako at mabilis na iniscroll ang iba pang pictures.

Si Peter na nakayuko at walang pakialam sa babaeng katabi niya, Lindsey was drinking while his arm was over the girl's shoulders. Napanguso ako. Sayang.. ship ko pa naman sila ni Arana.

The next pictures, made me nauseous. It was Coles with some girl on his lap.

She was like grinding on him. Napahawak ako sa bibig ko at pinagpatuloy ang pag scroll.

Wala eh. Dakilang chismosa...

The skinny girl was leaning onto him while kissing his jaw. They looked almost having sex with their clothes on while there were people everywhere.

I felt like my bile will come out of my mouth.

I rushed to the bathroom and washed my face when I only managed to spit my saliva.

Then my phone vibrated again.

Nanginginig na tinignan ko ito.

It was now from Coles. He said, he'll be here in ten minutes..

Kung kanina excited akong makita siya.. parang nagbago na ang isip ko.

Ang gulo gulo ng isip ko..

I shouldn't feel this way.. kasi best friends lang kami..

I shouldn't hope for us to be more than friends..

Kasi kahit ako.. marami ding crushes..

Pero ang kalooban ko, naghihimagsik.

Kasi he made me feel like I'm so special to him.

Late night calls. Early morning calls. Messages.. sino bang hindi aasa?

Bakit paasa sila?

Paasa Brothers?

Laro lang ba ito para sa kanila?

Ako.. isa lang ba akong laruan para sa kanila?

Huminga ako ng ilang beses just to calm my painful heart.

Marami akong crushes.. but I never kissed them..

Tamang kilig lang ako sa kanila..

I gargled some water and spat it out before wiping my face dry.

Nang tumingin ako sa wrist watch ko ay late na ako ng ten minutes.

I ran to the SC room and found them all gathered.

I slipped on my seat and quietly listened to them.

But my mind was somewhere.

Rather on someone..

I breathed deeply then walked back stiffly at the back stage after Coles bid one point five million for me.

Hindi ko alam kung bakit kailangan pa niyang gumastos.. pero siguro.. okay na yon. At least nakatulong ako sa mga batang makakakuha ng donations.

Paglabas ko ay nakita ko si Joi na sobrang ganda sa simpleng make up.

She was like a queen sitting on the plastic chair. Kakaiba siya ngayon. Parang may hangin na nakapalibot sa kanya.

She looked regal and sophisticated.

Walang wala sa araw araw niyang itsura.

Sayang lang dahil na iclose na agad ni Shanelle ang bidding even before my Daddy could bid for her.

Kung bakit kasi nagbanyo pa siya! May iba tuloy na nakakuha.

Sa sobrang tuliro ko, hindi ko man lang nakausap si Shanelle tungkol sa usapan namin ni Kuya B kanina.

Antanga ko lang talaga.

Naninigas na tumabi ako sa mga kaibigan kong kapwa may malalim ding iniisip.

Gia ended up with Kuya A. While Arana with Kuya Lindsey. At ako.. kay Coles.

Ilang sandali pa ay tinawag na kaming mga magkakapartner para makapagpirma na nang contract.

Sa kamalas malasan ay ako ang pinakahuli.

So kami lang ni Coles ang nakaupo sa labas ng kwarto dahil bawat magkapareha ay pumunta na sa kasiyahan.

Ramdam ko ang mainit niyang titig sa akin. Naninigas na ang leeg ko sa pagpigil na sulyapan din siya.

I instead played with my phone. Bahala siyang mamuti sa kakahintay na magsalita ako.

When Arana and Kuya L came out of the room, mabilis akong tumayo at pumasok.

Nagtanguan na lang kami ni Arana. Alam kong nakikiramdam din siya sa akin. Lahat silang mga kaibigan ko. Masaya ako dahil hindi nila ako pinipilit magsalita. They respected my silence.

Narinig kong nag usap saglit sina Coles kaya naupo na ako.

Nakangiti ng maluwag si Mrs Marasigan sa akin. Bakit hindi? Eh ako ang may pinakamalaking bid.

"I couldn't believe that you'll have the highest bid Megan."

"And he's Travis big brother. A Wright. Owner of Wright Malls around the world."nakangiti pa rin siya ng malaki habang binabasa ang papel na nasa mesa.

Of course.. the school invited rich and famous families here in Pangasinan. At lahat ng mga pamilya ay may records sa amin tungkol sa mga ari-arian nila.

"Lucky you."umiiling iling na siya.

Anong ibig niyang sabihin? Lucky me?

Gusto kong umismid. Purke gwapo at mayaman, lucky na ako?

"Sorry."bulong ni Coles sa akin at hinila palapit sa akin ang upuan niya. His minty breath fanned on my cheek.

Ngali-ngaling iusog ko ang aking upuan palayo para hindi kami magkalapit masyado.

I could feel his body heat. Kinikilabutan na ako agad.

"So, this is the contract. You can read it first then sign it." Formal nang sabi ng guro namin.

Kinuha agad ni Coles ang ballpen at walang isang salitang nagpirma.

Gusto kong pagtaasan siya ng kilay dahil hindi man lang niya binasa. But I was amazed when I saw his penmanship. Napakaganda. Tinalo pa ako na kasing katawan ko ang mga sulat ko.

Nang matapos siya ay naramdaman ko ang paglingon niya sa akin.

Binawi ko ang tingin at nagpirma na rin.

Alam ko na ang nasa contract. Ako ang nagtype, at nagprint nito eh.

Nang matapos ay tumayo na ako kahit nag uusap pa ang dalawa. Napatayo na rin si Coles.

Naputol ang sasabihin sana ni Mrs Marasigan. Tinignan niya ako na parang hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.

Hindi ko rin naman nagustuhan yong sinabi niya sa akin kanina, may ginawa ba ako?

"Very well.. enjoy your weekend together." Nagkamayan muna sila bago ako tumalikod.

"By the way Megan.. "pagtatawag niya sa akin.

Diretso akong lumingon sa matandang epal. Ni hindi tinapunan ng tingin si Coles.

"Make sure he enjoyed his time with you."nakangisi na siya at tinapunan ng tingin ang katawan ko.

Bakit parang may malisya ang sinabi at tingin niya? Ganito rin ba siya sa mga kasama ko?

"Sure Misus. I'll let you know...I know you want gossip." Sabi ko. Nakita ko pa ang panlalaki ng mga mata ng matanda bago ako tumalikod.

I heard Coles excused us.

Mabilis akong lumakad papunta sa kasiyahan. Too bad, Coles caught up with me. Then held my elbow.

I jerked my arm away. "No touching!"

"Baby.."

"Baby, baby..bwisit."bubulong bulong ko.

"What's the matter? Okay naman tayo kanina.. ako pa nga ang dapat magalit."hinarangan niya ang lalakaran ko.

I dodged him and walked to the other side. He did the same.

"Ano ba! Nagugutom na ako!"singhal ko at pinanlisikan siya ng mga mata.

My heart twisted painfully inside my chest when I saw confusion in his eyes.. and hurt?

Agad ko itong binawi at lumakad na palayo sa kanya.

I felt him follow me.

Nang makarating kami sa mesa nila ay nakita ko si Travis na tahimik na nakaupo.

Ang balak kong pagtabi sa kanya ay naantala dahil sa mabilisang paghila sa akin ni Coles.

"I want us to talk baby. Just us."madiing nang sabi niya sa akin.

I then found myself sitting beside him.

Ipinatong niya ang makapal niyang braso na siksik ng muscle sa mesa.

"What's our problem?"he asked while clenching his jaw.

He really looked so handsome and hot.

And a player.

"Wala."maikli kong sagot at iniwas na ang tingin sa kanya.

"Okay lang tayo kanina!"he insisted.

"Walang tayo!" I snapped.

Napahawak na siya sa batok niya at bahagyang minasahe ito habang nakapikit. Sumandal na rin sa upuan niya.

I looked away when he opened his eyes.

"Okay then. Okay ka at okay ako a while ago. So anong problem natin?"

"Wala nga. Ang kulit."

"Then why's this cold shoulder?" Inilapit pa niya ang upuan niya at hinila ang mga binti ko para ipatong sa kandungan nya.

Napasimangot na naman ako ng maalala ang kadry humping niya sa pictures.

I removed my fat legs from his thighs. But he put them back immediately.

"I'm not going to let you go unless you tell me what had happened."

Napakibot ang mga labi ko at pinakatitigan siya.

Para siyang nay malaking problema.

Bigla akong nahiya.

Anong sasabihin ko? Na nagselos ako sa pictures niya na kasama yong sexy na babae?

Then ano nang mangyayari? Aamin na akong gusto ko siya? Tapos hindi naman pala niya ako gusto? Then magkakasira kami.

Napalunok ako nang mas ilapit pa niya ang kanyang makinis na mukha.

Ibinaling ko ang paningin sa iba. Sumakto ito kay Travis na nakatingin sa amin.

May nababanaag akong emosyon mula sa mga mata niya. Pero iniiwas niya na ito bago ko pa mabasa kung anuman ito.

"We're still talking baby."mahinahong paalala ni Coles.

Napakibot ulit ang mga labi ko at nilingon siya.

"May PMS lang ako."sagot ko. Pilit isinisiksik sa kaibuturan ng puso ko ang pait na aking nararamdaman.

Kinuha niya ang mga kamay ko at ikinulong sa mga palad niyang malalaki.

I looked at him with my neutral expression.

"Do you wanna go home to rest? Are you in pain?"sunod sunod niya tanong.

Umiling lang ako.

Mukhang nakahinga siya ng maluwag.

"Okay then. Maybe we can dance after you eat?" bumalik na ang kislap ng mga mata niya.

Gusto ko talagang mahiya sa katangahan ko.

Ako lang talaga ang nagpapahirap sa loob ko.. at niya.

Wala naman talaga siyang kasalanan..

Dahil ako lang ang dapat sisihin..

Because I should really have known where I stand.. in his life.