webnovel

Under The Moonlight Completed

THE MAN WHO CAN’T BE MOVED 2 Under the Moonlight WARNING;SPG/R18 True love.. Will I be able to get one for myself? In a home where she was raised with so much love, she dreamed about having someone she could call hers. She met boys.. chased them..and failed. Then came Coles Trevor Wright. Her saving grace.. Grey eyed beast, sexy, perfect and an alpha male in a true sense of word. But a playboy.. and casanova. She should've avoided him.. but when he aimed his attention on her, she couldn't say no. She fell.. and fell hard. But everything was really a lie.. The love she thought he has for her wasn't really there.. It was a game.. For Him to win.. And For Her to lose.. (Revenge & Family issues) 29/7/2020 Revision 3/2/2021 16/8/2020 Finished 19/3/2021

greighxx · สมัยใหม่
เรตติ้งไม่พอ
37 Chs

Chapter 14

BET

These past few weeks ay sobrang busy naming magkakaibigan.

We were preparing for an open day and a celebration of our school anniversary this month of July.

Sakto ring busy si Coles.

My ever so sexy and hot friend.

Nasa America siya para sa mall opening nila. Noong nakaraan naman ay nasa Hongkong.

Text at tawag na lang ang nagagawa namin sa isat isa.

Nakakatuwa lang dahil ni minsan ay hindi niya ako nakalimutang itext.

Laging niyang sinasabi ang mga ginagawa niya. Minsan nagpapaalam pa.

Hindi ko tuloy maiwasang kiligin.

Kung tratuhin niya kasi ako, Para niya akong girlfriend.

Bago matulog ay tinatawagan niya ako. Kung ano ano lang ang napag uusapan namin.

He was so sweet and caring.

Pero medyo may pagkastrikto at palaging aburido.

Lalo na kapag lumalabas kaming magkakaibigan. Kaya minsan ay hindi ko na sinasabi. Minsan pinapatayan ko na rin ng phone dahil tatawag at tatawag siya kapag hindi ko siya nireplyan.

Nasa favourite fast-food kami ni Gia. It was Sunday and our bonding day. Every Sunday ay naka'save ito para sa aming magkakaibigan.

Umakyat kami sa taas dala dala ang mga inorder naming pagkain.

"Bestie..how's you and Kuya?"curious na tanong ni Shanelle nang makaupo na kami sa mesa malapit sa may glass wall. Kita namin ang cake shop mula dito.

Makabili nga mamaya..

Napasulyap na ako kay Gia nang hindi siya umimik.

Nakayuko siya at pinaglalaruan ang mga plastic fork and spoon niya.

I nudged her shoulders. Ilang araw na siyang ganito.

I thought because it was the pressure from everything that was why she's acting like this. Pero parang iba pala.

Anong possibleng problema? Nakakaguilty naman. Kasi maayos lahat sa akin. Mula sa pag aaral, at lovelife. Si Coles na ang nagpapakilig sa akin eh.

Parang natauhan siya. At napaayos ng upo.

"Wala.. ahmm.. i lost interest. Tsaka busy ako."nakakaunawang tumango na lang kami ni Arana.

Si Shanelle naman ay napalabi pero walang sinabi.

We respect each other's decisions.

"Di ba nagpalit ka ng number?"nang aalangang sabi ni Shanelle.

"Oo. Ang dami na rin kasing nagtetext sa akin. Ultimo mga students sa Guillermo at Golden West alam na yong number ko. Samantalang last month ko lang ginamit yong number."

"Tayo tayo lang sana ang makakaalam ng number ko.. ayoko ng may nangungulit sa akin."dagdag niya.

"Sure."sabay naming sagot.

We ate and went back to our discussion.

Okay na lahat ng mga gawain namin.

Friday ng umaga ay ang open day. Then sa gabi naman ang program para sa mga bisita.

Intermission numbers sa umpisa, then may pa auction kami. Lastly, ay ang sayawan.

Kinakabahan na excited na ako. Dahil sabi ni Coles ay darating siya.

Nang matapos kami ay tumambay pa kami sa covered court dahil may laro si Kuya Bryce. Ang dati naming Student Council President. He's a basketball player. Nainvite nga siya sa isang prestigious school sa Manila. Pero dahil sa pag ibig, tinanggihan niya yon.

He threw away that opportunity just to be here. To be close to Joi. Yong su-shunga naming schoolmate na mas makapal pa ang make up kaysa sa balat niya.

"Zup?" Pagsalubong sa amin ni Kuya Bryce. Kasama nya ang mga naggagwapuhan niyang mga kaibigan. Sina Kuya Marcus, Lycan at Trio.

Crush ko si Trio. Pero itinuturing lang niya akong nakababatang kapatid. Sayang..

"Okay pa sa alright! Musta Trio?"sagot ko pero nakatingin na ako sa aking crush.

Ngumiti siya sa akin at lumapit para tapikin ang ulo ko.

Napanguso ako. Ginawa pa akong aso.

He chuckled and pulled me to his side.

At dahil crush ko siya, iniyakap ko ang isang braso sa kanya. Pakapalan na ito ng mukha.

"Kaya ka lang nandito dahil sa kanya eh."napapalatak na sabi ni Kuya Bryce.

I giggled. Then glanced up at Trio who was looking at me intently. Totally ignoring Bryce's remark.

Nagpacute ako at nagpeace sign. He pinched my cheek.

"Aray naman! Alam kong maganda ako. Pero h'wag mo namang panggigilan."sabay hawi sa kamay niyang malaki at maugat.

"You're eighteen now.. may nanliligaw naba sayo?"Napakapit ako sa jersey shirt niya. Ang sarap pakinggan nang boses niya. Deep and throaty..

"Wala! May sumpa ka ata eh!"nakakunot kong sagot.

I remembered him telling me before he went to America five years ago na Kapag wala pa raw akong manliligaw after I finished college at wala din siyang girlfriend, liligawan daw niya ako.

Noong una nagalit ako sa kanya. May pagkamayabang kasi siya dati.

Pero noong bumalik siya dito, three years ago, maayos na siya. Nakikipagbiruan na rin sa akin. Siguro nahulog na sa charms ko. At hindi ko maiwasang isipin yong sinabi niya.

Hindi ko nga lang alam kung natatandaan pa niya yon. That was five years ago na rin kasi.

"Good girl. Four years pa."

Nanlaki ang mga mata ko at pinakatitigan ang mga mata niya.

Naglalaro doon ang amusement. Hindi ko tuloy alam kung seryoso talaga siya.

Napaiwas ako ng tingin. Nakikipag usap na sina Shanelle sa iba pang mga kaibigan ni Kuya Bryce.

"Puntahan mo na sina Gia. We'll just warm up."he said then tapped my head again.

Napapikit ako sa diin nang tapik niya.

"Natuturn on ka lang kasi magkalapit tayo."biro ko pero tumakbo na sa mga kaibigan ko. Hindi na siya tinignan pa.

Gaga ko talaga. Ang kapal ng mukha kong sabihin yon. Buti sana kung mala angel locsin ang katawan ko.

Napatigil ako nang makarinig ako ng tawa niya.

Napangiti na rin ako.

At least naging good mood siya bago ang laro nila.

Punuan na rin ang covered court nang maupo kami sa may harapan.

Marami kasing fans sina Kuya Bryce at mga kaibigan niya. Dahil gwapo na, magaling pang mambola. Magshoot pala.

"Hey! Musta?" Lumapit sa amin si Clare. Ang girlfriend ni Kuya Marcus. Maganda at simple. Pastor ang tatay at teacher ang nanay. Masyado siyang mahinhin para kay Kuya M. Hindi ko alam kung anong naipakain ni Kuya dito at hanggang ngayon at pinagtatyagaan pa rin siya nito.

"Good. Ikaw? Kaya pa?"ito palagi ang tanong ko sa kanya.

Kung kaya pa niyang magstay sa relationship nila ng boyfriend niya na tatlong taon na rin.

Tumawa siya ng mahina at ngumiti.

"Oo naman. I'll never get tired of him. But you should ask him that question instead Meg."nahihiyang sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay.

Siya pa ngayon ang nagtatanong non? Eh perfect girlfriend na siya.

"Gago siya kung lolokohin kapa." Sagot ko agad.

Nanlaki ang mga itim niyang mata.

"H-hindi yon ang ibig kong sabihin."malungkot siyang tumingin sa gitna ng court.

Nagdidribble si Kuya Marcus habang nakikipagusap kay Trio.

"May problema kayo?"tanong ko at binawi na ang tingin sa mga lalaki.

"Kasi..gusto niya na akong pakasalan."napalapit na rin ang mga kaibigan ko sa narinig.

Napatili ako sa saya.

"Ang galing. Maayos naman palang jowa yon."nakisali na si Gia.

"So what's with that face?"tanong naman ni Shanelle.

Natanggal ang ngiti ko nang makitang naluluha na ito.

"Umayaw ako.."piyok na sagot nito.

"What?"sabay sabay kami.

"We're too young. Ano nalang ang mangyayari sa amin? Pareho kaming nakadepende sa parents namin. Tapos paano kung.. yong feelings niya magbago?."naluluhang sagot niya.

"Baka gusto lang niyang engaged kayo. Ganern."nawika ko.

Umiling ito.

"Pinakilala na niya ako sa tito niyang judge. Natakot ako. So nilayasan ko siya."

Nagkatinginan kami ng mga kaibigan ko.

"Tapos.. ngayon.. parang may nagbago na sa amin.. pero okay lang yon. It's my fault naman. Sinusubukan kong ibalik yong dati.."malungkot niyang sabi.

Napabuntong hininga ako. Napaisip na rin.

May punto kasi si Clare. Ang hirap nga namang umasa lang sa mga parents. Kahit pa napakabait ng mga magulang ni Kuya M.

We fell into silence.

Then nagkagulo sa may entrance. May mga baklang nagtitili. Baka may gwapo sa kabilang team.

Lahat kami ay napatingin sa mga papalapit na kalabang team. Sina Calvin ang kalaban nila. At napanganga kami nang huling lumakad si Travis. May hawak ding bola at nakajersey.

Naglalaro pala itong lalaking ito?

Lumapit at nakipagkamayan sina Kuya Bryce sa mga bagong dating. Nagkausap. Si Travis ay tahimik lang na nakatingin kay Trio. Seryoso at madilim.

Siguro ay napansin din ito ni Trio kaya tinignan din niya ito. Pero nananantya naman.

Lumapit ang isang lalaki na kasama nina Calvin. Kuya ata niya.

Nagkamayan ulit nagkahiwalay.

Nagwarm up na rin sila Calvin. Si Travis naman ay naupo lang at pinagpatuloy ang pagtingin kay Trio.

Gusto kong mapapalatak.

Mukhang namali ng pinasok si Travis?

Gusto ko siyang lapitan para sabihan ng hindi ito staring competition.

Parang ayoko nang panoorin kung paano tambakan nina Kuya Bryce ang team nina Calvin.

Nakakahiya. Dala pa naman nila ang pangalan ng school namin.

"Sakit makatingin ni Travis kay Trio bestie."bulong ni Gia.

"Baka crush niya."pagbibiro ko.

Nanahimik na kami at pinanood sila.

Nang makapag three points si Trio ay napatayo ako at nicheer siya. Kahit wala pang game ay alam ko nang sila ang mananalo.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ng mga classmates ko at isinali si Travis! Ni minsan ay hindi ko siya nakitang humawak ng bola!

Trio jogged towards me so I pulled out his towel from his duffel bag and handed it to him.

Sanay na ako sa mga ito. Ako lagi ang taga kuha at abot ng mga tubig at tuwalya nila.

"Thanks."he took it and wiped his sweat.

Kinuha ko na rin ang dulo at pinunasan ang batok niya nang yumuko ito.

Para akong girlfriend.

"Kamusta naman yong iniuwi mo kagabi?"tanong ni Kuya Lycan na nakalapit na rin sa amin.

Agad kong hinila ang towel nito ay ibinigay sa kanya. He tapped my head gently to acknowledge me.

"Nah. I didn't bring her home. Too boring. And she's not as good looking as Megan."nangingiti akong binale wala ang sinabi nya.

Sanay na ako sa pag uusap nila tungkol sa mga babae nila.

"Bro, too bad you can't bring Megan home!"

Tumawa si Trio tapos tumingin sa akin nang nakataas ang isang kilay.

"I'll bring her home. In my own house. Someday."

"Yon oh! Bantay salakay!" Kuya Marcus came up to us too. Katabi na si Bryce.

Tinapik ni Bryce nang madiin si Trio. Nagkatinginan muna sila bago tumango si Bryce.

Trio then looked away.

Lumapit na rin ang mga kaibigan ko. Kaya naiwala ko ang atensyon sa mga nag uusap na lalaki.

I felt Trio came closer to me. Pasimple din akong lumapit pa. Sayang yong chance.

Ilang minuto pa ay may naramdaman akong lumapit sa amin.

Tumigil na rin sa pag uusap ang mga kasama ko at tinignan kung sinuman ang lumapit sa amin. Curiously, I looked behind me too.

It was Travis. Looking grave and dark.

"Did he knew about this?" Sabi niya habang nakatingin kay Trio.

Hindi ko alam kung sino ang kausap ni Travis.

Magkakilala ba sila ni Trio?

Nang bumaling si Travis sa akin ay nakataas na ang isang kilay. Madilim pa rin ang abuhing mga mata.

Malaki talaga ang pagkakahawig niya kay Coles. Namiss ko tuloy yong gwapo kong friend.

"Hi Travis! How are you?"masaya kong bati. But he just remained silent and stoic.

Napalabi na ako. Sungit talaga.

"Answer."he said sternly then clenched his jaw.

Humakbang siya ng isang beses.

Kung hindi ko siya kilala ay matatakot ako. Pero sanay na ako sa kasungitan niyang ubod ubod.

"Ako ba yong tinatanong mo? Kay Trio ka nakatingin eh."nangingiti kong tanong.

"Naglalaro ka pala-"naputol ang sasabihin ko nang hinablot niya ako palapit sa kanya.

Napatingin ako sa braso kong hawak niya. Then another hand pulled me back. It was from Trio.

Trio was looking at him intently.

"Let go."utos nito.

"Why would I?"Travis shot back.

"You're gripping her arm too tight.

She'll get bruises." Mariing sagot ni Trio.

Palipat lipat ako sa dalawang lalaki na may hawak sa braso ko. Yong kay Travis ay mahigpit na parang gusto niya nang putulin yong braso ko. Yong isa naman sakto lang. mahigpit. Pero hindi masakit.

Nagtitigan sila, nag iigtingan ang mga panga. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila.

Nang mapatingin ako sa paligid ko ay nagsisimula nang magumpukan ang mga miron.

Pinagsalubong ko ang mga kilay ko nang hinila ako ulit ni Travis palapit sa kanya. Hindi naman nagpatalo yong isa.

Para akong manyika na pinag aagawan.

Nang mahilo ako ay hinila ko na ang mga braso ko.

"Ano ba! Tigilan nyo nga ako!"inis kong sagot.

Bumaling ako kay Trio.

"Maglaro ka na doon."taboy ko sa kanya. At tinulak siya.

Kailangan kong makausap itong magaling na kapatid ni Coles. Mamaya mabangasan pa. Baka pati ako madamay sa galit ng Kuya nya.

"Don't touch him Megan."utos ni Travis.

Pinamaywangan ko na siya at hinarap.

"Pwede ba, bumalik ka na doon sa team mo."

"I'm representing our school. Bakit sa kanila ka kumakampi?"nakataas ang isang kilay niya.

"Wow. Nagsabi ba kayo na kayo ang maglalaro?"ganti ko.

"Now you know, come with me."

"Ayos ah."hindi ako makapaniwala. Kung hindi lang talaga siya kapatid ng crush ko, hindi ko siya pagtatyagaang kausapin. Natatawa na lang ako na naging crush ko itong kumag na ito.

"Let's go."diin nya. Parang inis na.

"Sa kanila ako! Mga kaibigan ko sila!"ganti ko.

"So? Who would help us with our towels and drinks?" Galit niyang untag.

Napanganga ako.

Kaya siya nagpunta dito ay para gawin akong katulong nila? Kupal naman.

"Marami tayo mga schoolmates dito. Pili ka na lang."gigil kong sagot.

"Ikaw ang gusto ko."he stated.

Napasimangot na ako. At tinalikuran siya.

Nakita ko na rin sina Calvin na papalapit kay Travis.

"I want to have a bet."malakas na sabi ni Travis na nagpatigil sa akin.

Sina Kuya Bryce ay napalingon sa amin sa hindi kalayuan. Hindi na bumalik sa pagpapractice.

Mas naunang lumapit si Travis sa kanila.

Nang hindi sumagot si Kuya Bryce ay nagsalita na si Kuya Marcus. Beside him was Clare holding his arm.

"Sorry brad. But we don't play for money."

"It's not that."tumingin na si Travis sa akin nang makalapit na rin ako sa mga kaibigan ko. Kita ko ang aliw nila sa napapanood.

Bakit parang ako lang yong kinakabahan na nahihiya? Ano na naman kayang katangahan ang pumasok sa isip nito?

Siya pa talaga ang may lakas ng loob na makipagpustahan.

Siya, na magiging pabigat sa grupo nila Calvin.

Parang gusto kong busalan ang bibig nitong lalaking ito.

"Whoever scored more on the first quarter will have Megan and her friends."

Napatanga ako. Sina Gia naman ay napapangiti.

Nang tinignan ko si Kuya Bryce ay umiling iling siya. Ayaw sigurong patulan ang kumag.

"Travis, sure ka?"alanganin na ring tanong ni Calvin. Ang team captain sa school namin. Dating team captain si Kuya Bryce at nasa team ang mga kaibigan nito kaya kilala niya sina Kuya.

Tumango lamang ito at hindi pinutol ang tingin kay Kuya Bryce.

Napahawak sa noo si Calvin.

"Sure."sagot ni Trio. Napabaling ang tingin namin sa kanya. I could sense something different from him.

Tumingin ang lahat kay Kuya Bryce. Nag eexpect ng sagot. Napabuntong hininga lang ni Kuya Bryce at tumango ng bahagya. Parang napipilitan.

"Cool."Trio breathed out then looked at me.

"There's no way that I'll let him take you away from us Megan. I got you." Bulong niya sa akin.

My heart beat fast when our eyes met.

He withdrew when Travis walked in between us to offer his hand.

Tinanggap niya ito at kinamayan nang mariin.

Ramdam ko ang tensyon nang luminya na mga manlalaro sa gitna ng court.

Si Trio ang captain ngayon. At sa kabila ay si Travis.

Napanguso ako.

Bakit parang hindi na friendly game ang nangyayari?

Tapos isinama pa kami sa pustahan nila. Mga tanga.

"Ay ang haba ng hair. Hawiin mo nga at natatapakan ko."pang aasar ni Gia.

"This is the first time I've seen the crowd so serious. And the tension was in the air.."puna ni Shanelle.

"Yeah.."nakisali na rin si Clare.

"Let them be. Egotistical ang mga lalaki. Konting hamon lang, sunggab agad. Tignan natin kung saan sila dadalhin ng ego nila." Arana said.

Kitang kita ko na kinakabahan na sina Calvin. Pero si Travis parang wala lang.

Napapalatak ako. Kahit ako ay kinakabahan. At nahihiya para kina Travis.

Ang lakas manghamon tapos baka matambakan lang.

"Antanga naman kasi."hindi na ako mapakali nang inihagis na ng referee ang bola.

Agad tumalon si Trio at nakuha ang bola.

Gusto kong mapasampal sa noo.

Parang tangang nakatayo lang kasi ni Travis sa gitna.

Tumakbo na ang mga team mates ni Travis para sa depensa.

Yumuko na ako.

Ako na ang nahihiya para sa future brother in law ko.

Napapalakpak ang crowd kaya binalik ko ang tingin sa court.

"Nakathree points si Trio."

"Talagang serious mode na."untag ni Gia.

"Ayoko nang manood! Ako ang napapahiya kay Travis eh!"sabi ko nang maagaw ni Kuya Bryce ang bola mula kay Travis.

Binalingan ko na ang mga nanonood. Napapailing na rin sila.

Muling nag ingay ang crowd. Three points for Kuya Bryce.

"Yabang naman kasi nong isa. Gwapo sana."narinig kong nag uusap yong mga nasa likuran namin.

Calvin's team asked for a time out five minutes after at seryoso silang nag uusap.

Napapailing lang sina Kuya Bryce nang makalapit sa amin.

"You should give him a chance to score at least once."sabi ni Kuya Lycan kay Trio.

They tapped his shoulders. Trio shook his head.

"Not happening."he said seriously.

Inabot ko agad ang tuwalya ni Kuya Bryce at Trio pagkatapat nila sa amin.

They smiled at me and took their towels.

"Fired up ah. Anong nakain nyo mga Kuyas?"tanong ni Gia.

"Wala. I just don't like how he treats Megan." Napalingon ako kay Trio na sumagot.

"Paano ba nya itrato?"Arana piqued.

"Like he owns her. Psh."he took my water bottle then chugged it.

Napanganga na lang ako dahil akin yong nakuha niya.

Tumingin siya sa akin at tinapik ang pisngi ko. Tila bale wala lang sa kanya na nainom nya yong may laway ko.

"I got you." He said after handing his towel back to me. Then he walked back to the court.

Napasunod na lang ako ng tingin sa kanya at naupo.

Agad akong pinaghihila nina Shanelle at Gia sa kilig. Pwede din daw kaming dalawa.

Si Arana naman ay nangingiti na rin.

Napatigil kami nang maghiyawan ang mga nanonood.

"Anong nangyari?"tanong ko.

"Teka.. Clare. Anong nangyari?"tanong din ni Gia sa katabi niya.

"Nakapuntos si Travis. Three points."nagulat kami.

Sabay sabay kaming lumingon sa court. At napatanga.

Naagaw ni Travis ang bola kay Kuya Lycan at tumakbo nang ilang hakbang lang bago ishinoot ang bola.

Parang nagslow motion na tumingin pa muna sa akin si Travis at ngumisi bago inihagis ang bola.

Then.. it went through.