webnovel

Chapter 6

"Matagal na akong nagtitimpi sayo!" Giit ni Quinna.

Mainit na ang buong katawan ko, paniguradong pulang-pula na ang pagmumukha ko dahil sa sabunot niya. After she went down to me ay sinasabunutan niya ako.

"Ano ba ang ginagawa ko sayo?! Ha?!" I shouted at her habang sinasabunutan din siya! Hindi ako makakapayag na saktan niya lang ako!

Mas diniin niya pa ang sabunot sa akin pero hindi ko naramdaman ang sakit dahil mas nanaig ang galit ko sa kanya. She is not the usual Quinna that everyone in this University see's. Pinipigilan kami ng aming mga kaklase namin.

"Ang kapal naman ng mukha mo at sinasabunutan mo yang si Gianna!" Napaalis si Quinna sa ibabaw ko when Lacey pull her and slap her so hard! Halos kami ay napanganga sa kanyang sampal kay Quinna!

"A-aray!" Napaupo si Quinna sa sampal ni Lacey.

"This isn't the first you make a scandalous scene! Shuta bakit hindi ka pa pinaalis ng Unibersidad na ito ha?!" Napatahimik kami sa sigaw ni Lacey.

"Baka nilandi ang Padre." Napatawa sila sa tugon ng isang kaklase naming lalaki.

"Ha? Bakit naman niya lalandiin eh si Jared lang nilalandi niyan!" Lahat ay napa 'ohh' sa sagot ni Laurel. Laurel and Lacey smirked.

"Ano bang problema niyo sa akin ha?!" Most of us frowned by Quinna's question. Ang kapal!

"Ha! Ikaw ang dapat tinanong ko kung ano ang problema mo?! Sinabihan kita ng maayos na plagiarism ang ginagawa mo! Research natin iyon at hindi pang grade 1 activity na madali mo lang icopy sa internet at ipaste para may maipasa ka lang Quinna!" I exclaimed.

"Nakakahiya yang ginagawa mo pag napasa natin yan na hindi ko na proof read! Siraulo ka ba ha?! Grades ko at dignidad ang nakasalalay ko rin dun! By partner ito kaya kung anong problema madadamay ako!" I continued confronting her.

Napayuko lang siya at nanlilisik ang mata.

"Porke't may gusto si Jared sayo ay mayabang ka na!" Napamaang ako sa kanyang sinabi at napatawa pagkatapos.

"Inggit ka talaga sa mga taong malapit o mga gusto ni Jared no? Nakakadiri ka Quinna. Kababae mong tao desperada ka." Mariin kong sabi sa kanya.

Sumigaw siya at lumapit sa akin, aakma niya akong sasabunutan ulit ngunit napigilan siya nina Cheska.

"Tumigil ka na! Nababaliw ka na ba sa lalaking yan at kahit itong si Gianna ay gagawan mo pa ng gulo?!" Sigaw ni Kelly kay Quinna.

"Ang kapal ng mukha mo Gianna! Hindi ka talaga natinag sa video live mo kay Kyle no?! Ha! Anong akala mo? Malilimutan pa rin ng mga tao ang ginawa mo sa sikat na vlogger?! Wala kang pinalampas! Malandi ka!" She said and I knew already who took that video. I smirked.

"Bakit mo binuksan ang issue na yun Quinna? Ikaw ba ang nag video live nun?" I smiled sweetly to her and everyone gasp. Pinagtitignan na siya at pinag-uusapan ng mga kaklase namin.

Napatigil siya at nalilitong tingnan ang kung sino, hindi siya makatingin sa akin ng maayos. Nanginginig ang katawan lalo't lalo na ang kanyang labi. Pero ngumiti at tumawa siya ng parang demonyo! Napatigil ako!

"Nahulaan mo agad no?" She said and my brows furrowed.

"Alam mo kasi Gianna, kung nilayuan mo la—" Hindi na niya naituloy ang kanyang sinabi ng sinampal siya ni Cheska.

"Walang hiya ka!" Sigaw ni Cheska! Sa galit ni Cheska ay namumula na ang pisngi ni Quinna sa sampal niya. Sasabunutan pa sana to ni Cheska ngunit pinigilan siya ni Lauren.

"Che, enough!" Lau said.

"Hayaan mo yan Laurel! Nang matauhan sa sarili niyang katangahan!" Sabi naman ni Lacey.

"Hindi ito katangahan Lacey! Hindi ito katangahan ang ginagawa ko dahil ganoon ko ka mahal si Jared! Kung ang pagmamahal na ito ay nakakamatay ay baka binurol na ako ngayon!" Emotional na sabi ni Quinna.

"Akala niyo ata ay biro tong nararamdaman ko at nag-iilusyon ako no? Minsan iniisip ko noon na kung sana niligawan niya ako ay wala na ako masaktan! Kung sana ay nilakad niyo ako o nireto man lang sa kanya Che ay nandyan pa rin ako sa inyo!" Napatingin ako kay Cheska nang nanunumbat si Quinna sa mga kaibigan ko.

"Oo! Naiingit ako kay Gianna kasi yung pakiramdam na pwesto ko yan noon sa magkakaibigan natin ay nasasaktan ako, tapos dapat sana ako yung binibigyan ni Jared ng pagkain, tinitext o tinatawag, pinupuntahan dito sa room o yayain akong ihatid pero hindi! Inggit na inggit ako kasi sana nandoon nalang ako sa pwesto mo Yanna!" She sobbed.

"Oo! Desperada na kung desperada pero nagmahal lang naman ako eh! Nagmahal ako at alam kong mali tong pagmamahal na ito pero ang hirap tanggalin! Tangina lang kasi insecure na insecure ako sayo!" Turo niya sa akin. At napayuko ako sa sinabi niya.

It doesn't easy to feel being insecure, I know how it feels and I know how it destroys your confidence.

"Aaminin ko, ako yung nagvideo live sa pamamahiya ni Kyle sayo, eh kasi Gianna naghahanap ako ng pwedeng maging dahilan na maturn-off sayo ni Jared pero putangina! Mas lalo kang nilapitan niya! Inggit na inggit ako kasi kung ginaganun ako? Baka tatawanan lang ako at mas lalong pinapahiya o hindi kaya deadmahin!" Patuloy pa rin siyang umiiyak.

She stopped for a while and Lacey scoffed in the middle of silence. We look at Lacey.

"Pero hindi pa ring tama ang ginaganyan mo kami at ang kaibigan namin. Hindi lang yan pagmamahal Quinna, obsession na yan!" Pangangaral niya.

"Nagmahal ka na ba Lacey? Kasi kung wala, hindi ko tatanggapin yan." She said.

"Putanginang pagmamahal na yan kung ganoon! Marami akong nasaksihan na pagmamahal Quinna at ang pagmamahal mo ang pinaka nakakasakal at nakakadiri! Tigilan mo ang pananakit sa mga kaibigan o kapatid ko!" Lacey glared at Quinna.

Hindi sumagot si Quinna imbes ay emotional siyang tinignan ni Lacey. Ngumiti siya at tumango.

Napatigil kami nang dumating ang aming professor, bumalik kami sa aming kinauupuan at nagtataka sa pagmumukha ko at kay Quinna.

"What's wrong with your face Ms. Erinyan?" Tukoy niya kay Quinna. Quinna's face is worse than mine, sinampal ba naman siya ni Lacey at Cheska, paniguradong mamaga talaga ang mukha niya.

"A-ah, nothing po. I-I was a-ahm nadapa ako a-and saktong nasa p-pisingi ko p-po a-ako nahulog." She lied. My professor is not convinced yet she still nodded and look at me after she asked Quinna.

"How about you Ms. Cheshire?" She asked me.

"Personal matters, Ma'am." I said to her and she frowned but she end up nodded too.

"Okay, I hope you two will be okay." She said and we nodded. She asked about our research, good thing I made Quinna's part. Isa-isa niya kaming tinawag ng aming professor and when it was our Quinna's turn I didn't look back at Quinna. Instead I immediately went to the professor and gave her the USB.

Quinna followed me and she stand beside me. Our professor proof read our research, she just scroll down and read some important parts. Hindi naman ako masyadong kinakabahan dahil confident ako sa gawa ko.

"Good job!" I sighed as a relieve when the professor complimented. "Just be cautious with your respondents, okay?" She said and I nodded.

I went back after that and sat. The whole period was nothing but our professor proof read our research. Wala rin akong ginawa kundi gawin ang mga assignment para pagkadating ko ay babawi ako ng tulog.

Nang maglunch na ay tinext ko si Jared na hindi ako matutuloy sa usapan namin dahil wala naman akong gana kumain. Kaya sabi ko nalang ay babawi ako sa susunod.

Ilang oras din ang nakalipas ay wala lang kaming ginawa kundi discussion at pagkatapos ay quiz. Kahit nakakawalang gana ay pilit ko itong pakinggan para may maisagot ako.

Alas singko na rin natapos ang aming klase, lumabas kami nina Cheska. They were asking if I am okay and I assure them that I am good.

"How about you all?" I asked them.

"Okay naman kami no!" Kelly replied and the rest gave me a thumbs up.

"I think Quinna has a mental disorder, she have to look a psychiatrist." Cheska said and I agree with that. There is something within her and being in that state is not easy! Kailangan niyang magamutan bago pa ito maging malala sa kanya.

Nakalabas na kami ng gate nang may pumarada na sasakyan sa harap ko. Hindi ko na sana ito papansinin but the car's window went down.

A man wearing a a black shirt inside and a leather jacket cover with his arms pierced his looks to me. He wore a black sunglasses pero nakikita ko pa rin ang kanyang mata. Tiningnan niya akong mabuti at napanganga ako nang maalala ko ang kanyang mukha!

"C-cheska? T-tara na!" I nervously look at them at minamadali ko sila, papunta kami sana ng Mcdo nang naisip ko na sana ay umuwi na pala ako.

Bakit ba ako kakabahan? Baka dito lang talaga ang dadaanan niya o may dinadaanan lang!

"Sure!" My friends followed me, nagmamadali talaga ako at hinabol naman ako nina Cheska.

"Teka teh! Nagmamadali ka ba ha?" Laurel asked.

"A-ah kasi baka m-mahaba ang pila d-diba? Mas mabuting mabilis tayo doon." I nervously chuckled mabuti naman at sinunod nila ako. We came at Mcdo na pawisan kami. Nagrereklamo na si Laurel dahil siya talaga ang ayaw sa mainit.

"Ang arte arte mo naman! Ngayon ka pa nga lang pinapawisan!" Lacey said and Laurel mocked her.

Sinasawalang bahala ko nalang iyon ang nakita ko, sa isip ko ay baka kamukha lang niya o namalik mata lang ako.

Nag-order lang ako ng cheeseburger at ice chocolate coffee. Masaya kaming nagkwekwentuhan tungkol sa nangyari kanina at nawala na isip ko ang nakita ko.

Alas siete na nang nakaalis na kami sa Mcdo. Pumunta kami ng parking lot sa school para kunin ang aming sasakyan, madilim na rin pero traffic na dahil parami na ng mga studyante ang lumalabas. Walking distance lang naman ang Mcdo at ang Unibersidad namin kaya okay lang.

"Lacey! Ikaw nalang ang magdrive please!" Napatingin ako nang nagtalo na naman ang magkambal. "Ginagawa mo na naman akong driver eh!" Patuloy niya.

"Aba! Ako ang gumawa ng research natin, Laurel! Huwag mo akong maarte-arte jan at ako ang walang tulog sa atin, may ipapa revised pa nga si Ma'am doon eh! Ang hassle pa tapos ikaw kain lang ng kain nung gumawa tayo." Sabi naman ni Lacey at napasimangot si Laurel.

Napatawa nalang ako sa pagtatalo nilang dalawa, habang naglalakad ako ay napatingin ako sa kalsada. Sa right part ng kalsada ay doon ang traffic habang ang sa left ay hindi. Tiningnan ko ang ganda ng Cebu, ang ingay pero kapag iwan mo ito mamimiss mo pa rin. Habang tinignan ko isa-isa ang mga sakyanan ay nakita ko na naman ang sakyanan na nakita ko kanina! Mas lalo akong kinabahan at tumatayo ang balhibo ko kaya tumakbo ako ng mabilis para kunin ang sasakyan ko!

"Hoy! Bakit nagmamadali ka?!" Kelly shouted but I didn't respond!

Papasok na ako ng gate ng University nang may humila sa kanang kamay ko at kabang-kaba akong tiningnan iyon.

"Yanna! Are you okay?" I sighed when Jared was the one who pulled my hand.

"J-jared! Ikaw pala yan!" Utal na sabi ko.

"Yeah! It's me, are you okay? Pauwi ka na ba? I red your text message to me." He said and I unconsciously nodded, tiningnan ang kalsada kung naroon pa ang sasakyan.

"Can I ask you a dinner tonight?" He asked ngunit nawala ang atensyon ko sa kanya nang may pamilyar na sasakyan ang nasa likod niya. Bukas ang car window at kitang kita ko ang pangmamasid ng lalaki!

Wala akong nagawa kundi sumang-ayon ako kay Jared. Takot ako umuwing mag-isa kaya magpapahatid nalang ako. Di bale ay magcommute nalang ako bukas para makuha ko ang sasakyan ko.

"S-sige." I said to Jared and Jared smiled widely! Pilit din akong ngumiti at hinila siya papasok!

Alam kong sinusundan niya ako! Kyle Eliott, anong problema mo?