webnovel

Chapter 1

It is already 8 in the morning, saktong sakto ang gising ko ngunit ayaw ng katawan kong kumilos para maghanda sa skwela. Hindi sa nawalan ako ng gana pero nahihiya ako kagabi sa ginawa ko.

Ang bobo mo Yanna!

Pumunta agad ako ng shower room, ginawa ko ang morning routine ko at naghanda na para sa unang subject ko ngayon. Masyado akong lutang kaya naman ay bago ako pumunta ng University, kumain muna ako dahil baka babalik ang wisyo ko.

"What time did you came home yesterday night, hija?" My mom asked. Kakagising lang din.

"12:00 am mommy. Hinatid naman po kami ni Cheska." I said to her.

"You have a good friends anak." Napangiti ako sa comment ni mommy, hindi ko idedeny na mababait ang mga kaibigan ko ngayon. Mga hindi drawing sa gala at go na go kahit ikakamatay mo sa inom.

Pagkatapos kong kumain ay wala ang driver namin kaya naman I decided to drive alone. Mayroon akong licensed at marunong akong magmaneho, may sarili rin akong sasakyan pero nakakatamad talaga.

BMW ang sasakyan ko, nung dumating kami ng Pilipinas ay binilhan na rin ako ni mommy ng akin.

I drive safely and I came to school on time, masyadong traffic pero dahil maaga ako gumising sakto lang din ang dating ko, may 30 minutes pa.

"Ganda ng car beh, sana ol." Kelly said.

"Mas sana ol ka beh umiiyak ka pa rin sa ex mo yesterday eh." Ginantihan ko naman siya.

"Pasmado yang bibig mo Yanna!" Napatawa ang mga kaklase ko sa amin.

"Pst! Gumawa ka ba ng assignment mo?" A girl looked at me, mukhang tinatawag ako at blockmates ko ata to.

"Saan ba? Yung Business Law?" Tanong ko sa kanya at tumango naman siya.

"Pwede bang pakopya Gianna?" Nahihiya niyang pakiusap.

"Oo naman! Ito oh." I get my extra paper, dalawang copy ginagawa ko kasi noon maraming kumokopya sa akin tapos pag hinahanap ko mawawala dahil maraming nangongopya o kaya naman nalulukot yung sheet ko kaya naman dinadalawa ko na.

"Salamat Gianna ha! Quinna pala." Pakilala niya sa akin.

"Yanna nalang sis." Ngiti ko sa kanya.

"Nagfefeeling close na naman ang impostor Rel oh." Napatingin ako kay Lacey, mukhang may pinaparingan pero halata naman kung sino iyon. Si Quinna.

Napayuko ang babae at pumunta sa kanyang upuan, mukhang wala ngang kumakaibigan sa kanya, walang lumalapit at tinatawanan pa.

"Bakit niyo naman ginaganun?" I asked my friends, something's feel so wrong. I'm not a bully type person, I let other people judge me and I do the same naman but I'm not that warfreak type that is why I asked.

"May attitude problem yan Yanna, siya yung tinutukoy naming nangtraydor. After she leaked our conversation sa GC, kina kaibigan niya yung sinisiraan namin at pagkatapos nun nangleaked na naman siya." Cheska said in a nice way.

Napatango ako sa kwento nila.

"Kaya ikaw sis wag ka ng makipag kaibigan jan, hindi mapagkatiwalaan at nangdadagdag pa ng sinasabi kahit hindi mo naman yun sinasabi." Kelly advised me.

"Kaya lang naman ganyan yan teh kasi patay na patay kay Jared eh! Parang tanga ampota naging kaibigan ko lang si Jared nun kasi nga magbestfriend ang mga magulang namin, sinisiraan ba naman ako kina Cheska. Tapos yung babaeng sinisiraan namin na nileaked niya ay may gusto raw kay Jared kaya ayun teh sisirain niya reputasyon ng iba wag lang maagaw si Jared Rain Quereno!" Laurel said. May attitude problem nga pero napaka one sided ko naman kung papaniwalaan ko sila diba? Bahala na nga, bat ba ako nangingialam!

Matapos ang fourth period namin ay maglulunch na kami. Lumabas ako dahil nagugutom ako at tinatamad sila Cheska kaya mag-isa akong kakain, since wala akong nagustuhang pagkain sa canteen ay lumabas ako ng University. I brought my car din naman kaya goods lang. Papunta ako ng parking lot at iniisip ko na anong magandang pagkain, should I eat fastfood or sa restaurant nalang? Ang hirap naman nito!

Habang nag-iisip ay tinawagan ako ni mommy.

"Yanna, I'll come home after three days anak ha? Something came up eh I have to work on the business, pupunta ako ng Davao." Mukhang nagmamadali nga si mommy dahil wala man lang entradang hi at hello. Magsasalita na sana ako nang inend call na niya ang tawag. Napahinga ako ng malalim at tumipa nalang ako ng text.

Me: Mom, please be safe. Update me once you're not too busy. I love you my birth giver<3

Binulsa ko na ang cellphone ko at pumasok sa sasakyan ko. Habang pinainit ko ang engine ay may nagtext sa akin, akala ko si mommy.

09586433258

Lunch date tayo Yanna. Balita ko mag-isa ka lang daw kakain:))

Napakunot ako ng noo, sino na naman ba to at pinagtrippan na naman ako! Ito talaga si Cheska at binibigay lang kahit kanino ang numero ko.

I ignored the text message, wala akong panahon at oras sa pakikipaglandian. Nagdrive na ako papuntang Ayala Mall, doon na ako kakain dahil masarap at maraming pagkainan doon fresh pa dahil may terrace ang ibang restaurant nila. Habang stop light pa ay may tumatawag sa akin.

"Hello?" Hindi ko na nacheck ang numero dahil go light na.

"Yanna, stop ignoring me babe." A man's voice again!

"Sino na naman ba ito?" Walang pasensya kong tanong sa ginoo.

"Kinalimutan mo na naman ako no? Hindi mo ba na save yung number ko Yanna?"

"Hindi ka naman ata importante para ilagay sa contacts ko." Walang gana kong sagot.

"Yanna, it's me Jared."

"Oh tapos? Pake ko? Alam mo Jared, wala akong panahon sa mga laro mo. Kung trip mo ang bagong single na accountant lumipat ka ng ibang University o lumipat ka sa ibang course dahil hindi naman ikaw ang hilig ko. Nanahimik ako tapos ikaw parang tangang ampota na para bang karera na kailangan mo akong abutin para mailagay mo ako sa collection mo! Tigilan mo na ako! Napaka spoiled brat mo, alam mo ba yun?! Para kang aso na nauulol pag hindi ka binibigyan ng dog food. Now fuck off!" Deritsong sabi ko at walang hiningang pinakawalan. Tinapos ko ang tawag.

Nakarating ako sa Ayala Mall na nakabusangot ang mukha ko. Binibwesit talaga ako ng isang to at hindi talaga ako tinatantanan. Nag spam pa ng text!

09586433258

Ang cute mo magalit mahal, nakakainlove ka lalo<33

09586433258

Pagbigyan mo na ako, sagot ko na tuition mo dear:)

09586433258

Lunch date lang eh, damot mo naman!

09586433258

Iiyak talaga ako rito sa USJR Yanna!

09586433258

Mag reply ka naman Yanna oh? Bawal ba? Sorry haha sabi ko na, sorry sa istorbo. Ayaw talaga sa akin ang mundo, life is so unfair. Sana hindi nalang ako nagtanong haha sensya na ha ito lang kasi ako. Walang kwenta, sana hindi nalang ako pinanganak haha. I'm just a simple person kasi, lowkey. I am just a nobody, walang magkagusto sa taong walang kwentang katulad ko hahaha sana hindi nalang ako nabuhay.

09586433258

Yanna, reply ka naman jan oh:( Ano pa ba gusto mo? Yung tenderjuicy message gusto mo isend ko rin para magreply ka?

09586433258

Yanna, lunch date lang eh hmp!

09586433258

Anu bha MehRon Sa LunCh dAte Mar$ at @yaw mo0????

09586433258

(28 missed calls)

Sana maubos yang load mo shuta kang lalaki ka! Inignore ko pa rin yung text niya, tunog na tunog pa cellphone ko kasi tumatawag siya kaya I silent my phone. Napagdecisyunan kong kumain na lang sa Casa Verde.

"Chicken salad and baby ribs please, ice tea nalang for my drink." Nakangiti kong sabi sa order ko kay kuyang waiter. Habang hinihintay ko ang order ay chineck ko na ang aking cellphone. Patuloy pa ring nagbibigay ng mensahe si Jared. Mahaba pa naman ang oras dahil malaki ang vacant namin kaya naman ay hindi ako naprepressure sa oras.

Cheska is calling you...

Sinagot ko ang tawag galing kay Cheska.

"Where are you?" Cheska asked.

"Nasa Ayala teh, oh bakit? Nagsisisi na ba kayo na hindi sumunod sa akin?" Asar ko sa kanila.

"Ge mang-asar ka beh hehe san ka kumakain?" She said.

"Nasa Casa Verde lang, sunod na kayo boring naman kung ako lang mag-isa." Sabi ko sa kanya.

"Ge may sasama na sayo mars." Cheska laughed and ended the call. My forehead furrows.

Parang tanga naman, may nakakatawa bang sasamahan ako kumakain?

Nag-antay ako ng ilang minuto nang may dumating sa harap ko at umupo sa harap ng upuan ng table ko.

"Nag-order ka na Yanna?" Nagulat ako ng si Jared ang dumating!

"Bakit ka nandito? Umalis ka nga jan! Sila Cheska rito, kung gusto niyo ni Chase kakain rito doon kayo sa kabilang table, nakakaabala pa kayo." Pagalit kong sabi at inirapan siya.

"Who said to you that Cheska will come?" He smirked.

"Sabi niy—" napatigil ako sa nang naalala kong hindi nga pupunta ang mga kaibigan ko! Mga bruha talaga sila!

Jared Chuckled.

"Doon ka nalang sa kabilang table! Hindi naman ata sinasadya na kakain tayo sa iisang restaurant! At isa pa hindi ako ang dinadayo mo rito." Binubughaw ko talaga siya.

"Sinong sabi na hindi ikaw ang punta ko rito? Lunch date nga diba Yanna?" Saktong dumating ang order ko at kasunod din iyon ang order niya. Ang galing naman at same pa kami ng inoorder!

"Napakagaya-gaya mo naman at pati order ko ginagaya mo. Inggetero!" Sabi ko sa kanya.

"Crush kita eh, bakit ba?" Sabi niya.

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, namumula ata ako dahil ang init ng pisnge ko ngunit tumitibok naman ang puso ko.

"Bakit ka naman nagblublush?" Tanong niya at may ngisi na sa labi.

"Blush on lang yan Jared o d kaya ang init din naman!" I sounded so defensive!

"Sos aminin mong crush mo na rin ako." Asar niya sa akin and I mentally rolled my eyes.

"Panaginipan mo yan para feeling mo may pinaniwalaan ka. Masyado kang assuming eh hindi nga mababa standards ko, amfeeling mo mars." I insult him.

"Nye, subuan nga kita?" Aakma nga niyang susubuan ako pero pinapatulan ko yung inaasar niya.

"Saan ba? Sa kutsara o sa baba?" Ngisi ko at namumula naman siya!

Malakas akong tumawa at napamaang siya.

"HAHAHAHAHAHA ayan kasi! Nangunguna kasi eh. Kumain ka na nga diyan baka mawalan pa tayo ng gana kumain." Sabi ko sa kanya pero tinititigan niya pa rin ako na para bang hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko kaya nagsalita ulit ako.

"Hoy anuba! Kumain ka o baka ikaw kainin ko jan eh, rawr." Namumula na naman siya! Ibang meaning yun jusko close minded pala to!

"Joke lang anuba kumain ka na." Sabi ko sa kanya at napatango naman siya.

"May sex life ka rin pala no." Muntik na akong nabulunan sa sinabi niya, kinuha ko agad ang tubig at napatingin sa kanya. Imbes siya ang inaasar ko, sumilay ang ngiti niyang mapang-asar!