webnovel

UNDEAD: Dawn of the Damned 1 (Tagalog)

Welcome sa panahon na kung saan makikipaglaban ka sa mga naglalakad na patay at mga kapwa mo buhay para lang makasurvive. UNDEAD: Dawn of the Damned 1 Your zombie apocalypse story with a twist. Horror, Romance, Comedy, Adventure, Action in one. Book 1 of Dawn of the Damned series.

hoarderelle · สยองขวัญ
Not enough ratings
115 Chs

Chapter 1

Crissa Harris' POV

"Yaya Nerry, can I have the key sa isang kwarto dun sa basement? Gagamitin ko po mamayang gabi."

Bago pa maiabot ni Yaya Nerry 'yung mahiwagang susi sa magaling kong kakambal na si Christian, bumuluga na agad ako at pumagitna sa kanila. Humarap ako kay Christian at tinaasan s'ya ng kilay.

"Excuse me lang ha? Pero anong gagawin mo dun?"

"Do you really need to know, huh?"

"Of course yes! Anong malay namin, diba? Baka ginagawa mo na palang drug den 'tong mansyon natin kapag nakatalikod kami!"

"Lunatic! May research paper lang kaming gagawin, okay? Wag ka nang makialam." hinawi nya ako at kinuha kay Yaya Nerry yung susi. Si Yaya Nerry naman, ayun. Nakangiti pa habang pinagmamasdan kaming magkakambal habang nagtatalo.

Sinundan ko si Christian. "Oy! Teka! Sinong kasama mo aber?"

"Malamang mga classmates ko. Pwede bang si Jackson at Olga ang isama kong gumawa ng research paper?"

"Aba't! Pilosopo ka, ha? Ilan silang pupunta?"

"Mga 300. Joke. 3 lang."

Napangiti naman ako. "Hmp. Tatawagan ko si Harriette para mag-sleep over mamaya. At doon kami sa katabing room ng sa inyo. Mag-iingay kami hanggang bukangliwayway para hindi kayo makagawa ng gagawin nyo. HAHAHAHAHA---"

Napatigil ako bigla sa pagtawa. Pagtingin ko sa tabi ko, wala na pala akong kausap. Lumayas na yung magaling kong kakambal.

Tsk. Bastos talaga ng ugali nun kahit kailan. Di man lang ako pinatapos na asarin sya.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko at dinial ang number ni Harriette.

"Hello Harriette?.. No! This is not McDonalds delivery.. This is me, Crissa. Haler.. Please come over tonight.. Okay.. But wait, kita nalang pala tayo sa mall. I have something to buy.. Okay. Bye! See you.." in-end ko na yung call at dumeretso sa may garahe para magpahatid kay Jackson sa mall. Wow. Rhyme!

** Sa Mall..

"Seriously, Crissa? Ito ang bibilhin mo?" takhang tanong ni Harriette sa akin habang naglalagay ako ng mga samu't-saring canned goods sa pushcart. "Magca-camping ka ba or magpapamigay ng relief goods?"

"Tss. Just leave it there, okay? Parang nati-tripan ko kasing kumain ng mga ganyan. Lalo na yung corned tuna. Nakita ko kasi sa TVC e. Naglaway tuloy ako." hindi naman nya na ako pinakialaman pa at tumulong nalang din sya sakin na mamili.

Pero sa huli, parang natauhan naman ako at bumili nalang ako ng limang kahon na corned tuna kaysa naman isa-isa pa kong pumili at bumili. Nakakapagod masyado. At nakakangawit din kaya sa kili-kili na mag-aabot sa shelf at rack.

Pinili ko nalang din yung may 2-3 years pa ang expiration date para mas mahaba ang shelf life. Malay nyo diba? Baka 3 years akong di makapag-grocery tapos maubusan ako ng stock nito. Mukhang masarap pa naman to.

Pagkatapos namin dun sa may grocery, pinababa ko muna kay Jackson sa van yung mga pinamili namin at dumeretso naman kami ni Harriette sa isang denim wear shop.

"Pagkatapos ng limang kahong canned goods, limang bagong jeans naman ngayon ang bibilhin mo? You're acting weird, Crissa. Diba, you hate wearing jeans?"

"Tss. Bakit ba? E sa natripan ko ring magsuot na ng ganito e. Ayokong habambuhay nalang na magpalda at magdress." sagot ko.

"Okay, okay. So, ano namang sunod, bag?"

Nagliwanag ang mga mata ko sa sinabi nyang iyon.

"Nice, Harriette. Yun nga. I barely forgot. But wait. Bumili ka na rin ng sayo."

"Well, gusto ko sana. Kaya lang, you didn't mention earlier na wagas na pagsha-shopping pala ang gagawin natin. So wala akong dalang cash."

"Wuuu. Sige na. Ako na bahala." inakbayan ko sya at mahinang sinakal. "If I know, sinasadya mo talagang iwanan ang kayamanan mo pag ako ang kasama mo.. Para ilibre kita.. HAHAHAHA! Joke lang! Tara na nga!" hinaltak ko na sya at ako na mismo ang pumili ng jeans nya.

Nung makabili na kami, dun naman kami sumunod sa shop ng traveling bags. Bumili ako ng 3 malalaking bag. Sa sobrang laki nun, kasyang-kasya si Christian sa loob.

Kaya pag nainis nya ko, ipapasok ko sya dun at ihahagis sa ilog. Hahahahaha!

Nagpahinga kami saglit ni Harriette pagkalabas namin doon sa shop ng mga traveling bags. Umupo kami sa isang bench habang inaantay namin si Jackson na makabalik. Ibinaba nya rin kasi sa van yung mga bago naming binili.

"Almost 5pm na, Crissa. May bibilhin ka pa ba? Kung wala, wag na nating pabalikin si Jackson. Baba nalang tayo."

"Wait.. Iniisip ko pa nga e. Hmm.. Ayun! Tara dali.." hinawakan ko si Harriette sa kamay at saka hinaltak uli.

Hinaltak ko lang sya nang hinaltak. Ewan ko rin ba kung bakit ngayon, yun naman ang natripan kong bilhin.

Huminto kami sa harap ng shop na puro gardening tools ang tinda.

"What? So, wheelbarrow naman ngayon ang trip mo, ganun? Sasakyan mo ba yan, ah? Tas mamimigay kang relief goods sa mga makakasalubong mo?" reklamo agad ni Harriette.

"Tss. Wag kang magulo. Dyan ka lang sa labas. Mabilis lang akong bibili." agad naman akong pumasok sa shop at kumuha ng bibilhin ko. Pagkatapos nagbayad na ako at lumabas uli.

"Shovel? Yung isa malaki, yung isa maliit. Saan mo gagamitin yan?" takhang tanong nya habang nakatingin sa hawak ko.

"Gagamitin ko tong kutsara. Tss. Malamang sa garden! Papaturo tayo kay Bud na maghukay ng lupa para kapag nainis ako kay Christian, tutulungan mo kong ibaon sya sa limot. Saka sa lupa rin mismo."

Binatukan nya ko. "Baliw ka talaga. Pati kakambal mo e, pinagtitripan mo. Baba na nga tayo. Tinext ko na si Jackson. Sabi ko, pupuntahan nalang natin sya sa parking lot."

Umoo nalang ako at bumaba na nga kami sa may parking lot.

Habang nasa biyahe pauwi, dun kami parehas ni Harriette sa may likod na part naupo dahil almost yung buong van, occupied na ng pinagbibili namin.

"Bakit po ang daming mga de-lata, Ms. Crissa? Magpapamigay po ba kayo ng relief goods?" tanong ni Jackson mula sa driver's seat. Nasapo ko naman ang noo ko.

"Pati ba naman ikaw, Jackson? Tss. Stock natin yan sa mansyon. Para kapag dumating na yung taggutom, hindi yung mga dila natin ang kakainin natin." biro ko.

"Ah, ok po. Pero para saan po yung mga pala?"

Ano ba yan! Naniwala naman to si Jackson! Tsk. Ang sarap tuloy pagtripan.

"Ayan ba? Yan ang gagamitin nila Christian at Yaya Nerry na panghukay sa libingan natin kapag hindi ka pa tumingin ng deretso sa daan.. Hahaha. Tignan mo nga oh. Ilang beses na tayong muntik sumadsad sa barrier." natatawang sabi ko. Mabilis namang naging alerto si Jackson at ibinalik agad ang atensyon sa daan.

Salamat sa mahabaging langit at nakauwi naman kami ng ligtas sa mansyon.

"Jackson, magpa-full tank ka pala. Pati na rin yung ibang mga sasakyan. Saka bumili ka na rin pala ng mga limang galon na gasolina." sabi ko nang makapagpark na sya at makababa na kami ni Harriette sa van.

"Limang galon? Para saan po, Ms. Crissa?"

"Papasabugin ko na kasi tong mansyon. Bili ka na rin ng posporo, ha?"

"Ah, sige po!" nakangiting sagot nya saka sabay umalis. Narinig ko naman ang pagpipigil ni Harriette ng tawa.

Kainis talaga to si Jackson! Napaka-patola sa kalokohan ko.

Deretso nalang kaming pumasok ni Harriette sa loob ng mansyon. Agad naman kaming sinalubong ni Bud na head ng security ng mansyon, at ni Olga na secretary ng family namin, kasama na rin yung ibang mga maid.

"Good Evening Ms. Crissa, Ms. Harriette." bati nila. Nginitian ko naman silang lahat.

"Hello. Good Evening din po. Hehe. Mr. Cotton, pakidala pala po yung mga binili namin dun sa isang kwarto sa basement." nagbow nalang si Bud kasi alam nyang sya ang tinutukoy ko. Tumingin naman ako kay Olga.

"Hi, Olga. Peram naman nung susi nun. Hehe."

"Pero Ms. Crissa, bilin po ni Mr. Christian na wag na wag daw po kayong makatapak-tapak sa basement."

"Ano!? Sinong Christian ba? Yung balladeer singer? Ay, nako! Wag nya kamo akong paandaran. Hahambalusin ko ng pala yung vocal cords nya. Hmp. Akin na yung susi."

Si Olga ay isang klase ng tao na sobrang hinhin at pormal. Pero pag ako na yung nagsalita, lumalabas na yung isang side nya.

Dahan-dahan nyang inabot sakin yung susi habang abot langit ang pagpipigil ng tawa.

"Thanks! Hehe." sabi ko bago namin tinahak ni Harriette yung way papuntang basement.

Bago kami pumasok sa isang room doon, may narinig kaming mga kausap ni Christian sa kabilang room. Mukhang andun na yung mga classmates nya. Pero wala akong pake. Hambalusin ko pala silang lahat ng pala e.

Pagpasok namin ni Harriette dun sa isang room, halata sa expression nya ang pagkagulat. Ngayon lang kasi sya nakapasok dito.

"Wow! Ang cute na bunk bend nito, Crissa! Naka-engraved sa may pader."

"Ganda ba? Ako nagdesign nyan."

"Oo. Pero bakit apat yung bunk bed?"

"Kasi minsan, inaaya ko na dito matulog si ate Zinnia, si Yaya Nerry saka si Olga. Tas nagma-mahjong kaming apat habang tulog." tinignan ako ng masama ni Hariette.

"Pero, ang cool talaga, ha. Nice design." dagdag nya.

Nung magsawa si Harriette na pagmasdan yung kabuuan ng kwarto, napagpasyahan na naming kumain. Pero hindi na kami umakyat. Nagpahatid nalang kami ng kanin saka inumin at dessert. May ulam naman na kami. Limang kahon pa nga e.

Bale naka dalawang lata lang si Harriette. Tas ako, naka lima ata.

"Wait. May good idea ako, Harrie. What if, papuntahin ko rin dito si Alexander The Great pati si Elvis Presley?" biglang tanong ko habang nagpe-prepare ng magshower.

"Sige! That'd be awesome! Isama na rin kamo ni Alex si Alessa."

Tumango ako at dali-dali kong kinuha ang phone ko.

"Akala nito ni Christian sya lang ang may kaibigan na iimbitahin ah.. Hmp. Isang masayang slumber party na ito." bulong ko habang nagtetext. Tapos bigla nalang--- NO BALANCE!? Anak ng tuna oh!

"Wala nakong load, oy. Ikaw nalang magtext sa kanila." sabi ko kay Hariette at dumeretso nakong banyo.

Mga kalahating oras din akong naligo. Dun na rin ako nagbihis ng pajamas.

Pagkalabas ko ng banyo, tumambad na agad sakin ang dalawang lalaki na kabilang sa mga pinakapaborito kong tao.

Si Elvis Wang at Alexander Valdez na kaibigan na namin ni Harriette at Christian simula palang ng elementary kami. Kasama pa ni Alex yung younger sister nya na si Alessandra Valdez na close na rin namin ni Harriette. Mas matanda lang kami ni Harriette ng isang taon sa kanya pero parang magkaka-edad lang din kami.

"Hi guys!" bati ko sa kanila. Akmang yayakapin na sana ako ni Elvis nang maunahan ko na syang hatawin nung lotion na hawak ko.

"L-look at that, Crissa. Ang w-warm ng welcome mo." sabi nya habang hinihimas yung braso nya.

Hindi ko nalang sya pinansin. Napako na kasi agad ang atensyon ko dun sa malaking kulay hot pink na maleta na bitbit ni Alessa.

"Oh, sukang-suka ka na ba sa ugali ng kuya mo kaya magpapaampon ka na sakin?"

Tumawa ng pilit si Alessa pero bigla ring nabawi dahil pinandilatan na nya ng mata si Harriette.

"Yan kasi, Crissa. Sinabi nya sakin na sinabi mo raw na magdala ako ng maraming damit at canned goods dahil magpapamigay daw tayo sa mga nasalanta ng bagyo." sabi nya habang nakatingin kay Harriette na kasalukuyan nang dahan-dahang naglalakad papasok ng banyo para takasan ang ngitngit ng galit ni Alessa.

"Naniwala ka naman? Hello. January palang oh. July pa dating ng mga bagyo." sabat ni Alex. Maghahampasan na dapat ng maleta yung magkapatid nang biglang may kumatok.

Pagkabukas ni Alex, tumambad naman samin ang isang cute at maputing chinitang babae.

Si Renzy Tiangco. Bestfriend sya ni Alessa. At close na rin kami sa kanya.

"Hello.." nahihiyang bati nya.

"Pasok na Renzy. Hehe." sabi ko. Napatingin naman agad ako sa lilac na maletang dala nya. "Oh, galing kang States?"

"A-ay hindi no! Tinext kasi ako ni Alessandra na pumunta raw dito. Eh, sakto namang papunta rin si kuya kaya sumabay na ako."

"Ah. So isa pala yung kuya mo sa pinapunta ni Christian na classmate nya? What a coincidence! Eh, ano namang laman nyan?" sabay turo ko dun sa maleta.

Binuksan nya yun at tumawa na ng parang sabog si Alex habang gumugulong sa carpet.

"Sinabi kasi ni Alessandra sakin na sinabi raw ni Harriette sa kanya na sinabi mo raw na magdala ako ng maraming damit at canned goods dahil magpapamigay daw tayo sa mga nasalanta ng bagyo." sabi ni Renzy. Humagalpak na naman ng tawa si Alex kaya hinataw ko na sya nung lotion na hawak ko.

"Lumayas na nga kayo dito ni Elvis! Dun kayo kay Christian!"

"Whaaatt!? Matapos mo kaming papuntahin dito, papalayasin mo na agad kami!?" hiyaw ni Alex.

"Wala naman akong sinabing dito rin kayo mismo matutulog e. For ladies lang ang room na to. Dun kayo kila Christian. Mas maluwag don!" hinanap naman ng mata ko si Elvis na kasalukuyan na palang titig na titig sa mga shovel na binili ko.

"Oy! Di sasagot yan. Wag mong kausapin!" sigaw ko. Nakuha ko naman ang atensyon nya mula sa malalim na pag-iisip. Ngumiti sya ng pilit at saka lumabas na sila ni Alex.

Problema ni Elvis? Parang may saltik e. Kaya ba sya nagpilit ng ngiti dahil hinampas ko na nga sya ng lotion, pinalayas ko pa sila? Ang oa ha.

"Crissa, bakit mo nga pala naisipan na magkaron ng slumber party dito ngayon?" nakangiting sabi ni Alessa. Kasalakuyan na syang nag-a-unpack ng maleta nya.

"As usual. Pang-inis sa magaling kong ka-kambal. Gumagawa raw sila ng research paper e. Kaya mag-iingay tayo buong gabi."

"Grabe talaga kayong kambal. Hahaha!" natatawa-tawang sabi ni Renzy habang nag-a-unpack na rin ng maleta nya. Parang may bigla naman na kung anong nag-udyok sakin para pigilan sila sa ginagawa nila.

"Wag! Wag nyo nang alisin yung mga damit at canned goods nyo dyan!" sigaw ko.

Takha naman silang tumingin sa akin. Miski ako, nagulat din dun sa pagsigaw ko."Kasi malay nyo, umalis din tayo bukas. I mean.. mag-outing tayo nang biglaan tutal Saturday naman?" pagpapatuloy ko.

Biglang nabuhayan ang aura nilang dalawa pati na rin si Harriette na kalalabas lang ng banyo. Narinig nya rin siguro yung sinabi ko. Nagtatalon sya sa harap ko at sumayaw-sayaw pa.

"That'd be really great, right guys? Sige. Balik nyo na yung mga damit nyo. Ako nga rine. Nasa bag ko pa yung mga things ko." masiglang sabi nya at sumunod naman yung dalawa.

"Asan pala sila si ate Zinnia? Pati si kuya Marion at Scott?" pag-iiba ni Alessa ng usapan.

"Si Zinnia, nasa school yun. Kina-career yung thesis nila kaya ilang gabi na syang dun natutulog. Si Marion, nasa isang local meet. Ano namang aasahan natin sa baseball superstar na yun diba? Ang daming lakad. And si Scott naman, nasa retreat nila since yesterday."

"Eh kelan sila uuwi?" tanong ni Renzy.

"Hmm. I don't know. Pero sure akong hindi sila uuwi tonight." mukhang nadismaya silang lahat sa sinabi ko dahil napa-sigh sila. Idol na idol kasi nila si Zinnia, yung ate ko. Fierce daw kasi masyado at mysterious.

Well, totoo nga yun. Masyado kasing serious at tahimik yun si Zinnia. Actually, mas natatakot pa nga ako dun kesa kay Marion e. Si Marion kasi, kakampi ko sa kalokohan. Although 3 years lang ang tanda sakin ni Zinnia at 20 na sya, ang taas pa rin ng tingin ko sa kanya dahil napakatapang at palaban nya.

And speaking of Zinnia and Marion, napatayo ako out of the blue dahil may bigla akong naalala.

Ayokong palagpasin ang gabi na ito nang hindi napupuntahan yung lugar na yon.