webnovel

Chapter 17

MAAGA akong nagising kahit uminom kami kagabi ni Kensh. Halos hindi naman kasi ako nakatulog kakaisip. Nasasaktan ako para kay Kenshin. Hindi ko naman kasi lubos maisip na sa sobrang dami niyang kalokohan, may kinikimkim pala siyang sama ng loob.

Tapos iyong tungkol sa nanay niya...

Huminga ako ng malalim. Hindi pa rin ako makapaniwalang may ganoong ganap sa bebe ko. Akala ko ganoon lang siya. Iyong mahilig mambara, mambwisit at inosente pero ang bigat pala ng pakiramdam niya at ang masakit pa nito, kinimkim niya iyong mag isa. No one knows what he feels inside even his friends.

I salute him for being the best friend for Drake. He's protecting him. Nagpapanggap siyang walang alam sa nanay niya dahil gusto niyang iparamdam kay Drake na hindi siya nag-iisa na walang nanay. Damn their friendship.

Hindi ko kinatok si Kensh sa guest room dahil ayoko siyang istorbohin. Kahit gusto ko siyang pasukin at halayin, isasantabi ko muna iyon because I know he's not okay. Nag aalala lang talaga ako sa kaniya.

Tumunog ang phone ko.

Kumunot ang noo ko dahil number lamang ang naka-register sa screen.

"Hello?" Sagot ko.

"Umamin ka, baba. Ang ibig ko sabihin ay babae! Nasaan si sperm? Hawak mo ba siya? Ikinulong mo ba siya? Ilabas mo si sperm! Napapaligiran na kita!"

Nagpoker face ako. Si Daddy Ken pala pero bakit iba ang number niya. Saka sa akin talaga niya hinanap si Kensh?

"Sorry, Dad pero wala si Kenshin dito. I don't even know where he is." Pagsisinungaling ko.

"Liar. Hindi maaari! Irereport kita sa DSWD!"

Anong klaseng tatay siya. Ang weird niya talaga, promise. Para siyang budoy.

"Then report me, Daddy Ken. Sabi ko naman, wala si Kensh dito. Bakit hindi sina Drake at Duke ang tanungin niyo? Baka alam nila dahil sila ang bestfriend."

"Hindi! Bata pa lamang si sperm ay nakita ko na kung gaano siya katalino. Alam kong hindi siya magtatago sa mga kaibigan niya doon ko siya hahanapin. Kaya ikaw ang suspek! Ikaw ang nagtatago kay sperm. You don't do that to me. Susugurin ko ang bahay niyo."

Tumawa ako. "As if you know where my house is." Biro ko. Minsan masarap asarin si Tito Ken like he's parang bata din e.

"Mahahanap ko ang bahay niyo. Ipagtatanong ko lamang kung saan nakatira ang babaeng palging may dalang matalim na bagay. At alam kong may sasagot sa akin. Kung akala mo hahayaan ko siya sa iyo, that's a no no! Magkano ang kailangan mo?"

What the hell?!

"I don't need money, duh! Mayaman din kaya ako, Dad!"

"Magtigil ka! Huwag mo akong tinatawag na Dad. Hindi kita anak. Nasaan na si sperm ko!"

"Duh, baka nasa chukchakchenes niyo! As in, sa akin pa talaga hahanapin ang sperm mo po?"

"Napakabastos ng bibig mo. Talaga namang patawarin ka! Hinding hindi ko hahayaang magkagusto sa iyo si sperm!"

Binabaan na niya ako. Jusko, si Tito Ken, hindi ko na talaga maintindihan kung may psychological problem ba siya, isip ba siya or what?

Sakto namang pababa si Kenshin galing taas. Nagkukusot pa siya ng mata niya. At ang gwapo gwapo niyang ngayong umaga.

"Goodmorning, babe!"

"Sino si babe?"

"Ikaw. Syempre para na rin kaya tayong mag-asawa kasi nakatira tayo sa iisang bahay."

"Hindi tayo mag-asawa, Frey. Sabi sa bible, masasabi lamang na mag-asawa ang dalawang tao kapag sila ay ikinasal na."

"Then let's get married!" Bulalas ko.

"At sabi pa sa bible, ang nagpapakasal lamang ay ang dalawang taong may busilak na puso at nagmamahalan ng wagas."

Nag-inat inat pa siya. Napaka-normal niyang magsalita kapag about bible. Ang bait bait niya pero kapag nagiging wild siya dinaig pa niya ang dinosaur.

"Nagmamahalan naman tayo, ah!"

"Ikaw lang ang nagmamahal, Frey. Hindi naman kita mahal."

Punyeta. Gusto ko iyong honest na lalaki pero ang isang 'to, nasobrahan naman! Hindi man lang isaalang alang ang damdamin ko!

Tumayo ako. "Kailan mo ba ako mamahalin, Kensh? I can give you everything. My whole life and my virginity."

"Frey, kapag nagmahal ka ng isang tao, kahit wala siyang ibigay na kahit ano pa man, mamahalin mo pa rin siya dahil iyon ang nararamdaman mo. Kahit kailan, hindi mauutusan ang puso na magmahal. Kahit ibigay mo pa sa akin ang sarili mo, kung hindi kita mahal, hindi pa rin kita mahal."

Bwisit! Para bang normal nalang sa akin na masaktan niya sa mga salita niya. Tanggap ko naman na hindi niya ako mahal pero jusko, kahit landian lang oh! Papatusin ko na para sa kaniya. I don't mind kung wala siyang nararamdaman sa akin.

"Whatever! Matututunan mo din akong mahalin!"

"Frey, ang pag ibig, hindi 'yan pag aaral na kailangang aralin. Hindi ba't mas maigi kung mahal kita dahil iyon ang naramdaman ko kesa mahal kita dahil pinilit ko ang sarili kong mahalin ka? You're a nice girl, Frey."

"Kahit na! Saka nice naman pala ako sa paningin mo e!"

"Mahaba nga lang ang baba."

Binato ko siya ng throw pillow. "Bwisit ka talaga!"

Tinignan ko si Kensh sa mga mata at sa tingin ko ay okay naman siya. Siya ang klase ng taong magaling magpanggap. Hindi ko mabasa sa mukha niya kung bumabagabag pa rin ba sa puso niya ang ikinwento niya sa akin kagabi. Ayoko rin namang i-open iyon sa kaniya. Mas gusto kong kusa siyang nagku-kwento sa akin. Hindi dahil ayoko siyang pakialaman but because I respect him.

"What do you want for breakfast?" I asked.

"Ikaw."

Nanlaki ang mga mata ko. "Kensh naman e!"

"What? Ikaw nga. Ikaw ang bahala."

Sinamaan ko siya ng tingin. Umasa ako sa part na iyon. Ke aga aga kinilig ang pearly shell ko.

"Let's go to kitchen?" Yaya ko sa kaniya habang kinakamot ang ulo ko. Napahiya kasi ako, ano ba! Muntik na akong maghubad sa harap niya e.

Sa halip na sumagot ay lumapit siya sa akin saka ako hinila. "Let's go."

I tilted my head dahil hinila niya ako, pero hindi patungong kusina kundi pataas. Wait, saan niya ako dadalhin? E kesye magpapadala naman ako kahit saan e.

Wala akong idea kung ano ang binabalak ni Kensh. Baka kasi kunin na niya ang virginity ko? May pagka dalagang Pilipina pa naman ako so I think, kung gusto niya talagang gawin ang bagay na "iyon" gusto kong pag-isipan pa rin. Mag iisip ako kahit limang segundo sana.

Kumunot ang noo ko nang binuksan niya ang pinto ng kwarto saka niya ako hinila papasok. Ohmy! Punyeta eto na yata talaga. Baka naramdaman na ni Kensh na hindi na niya kayang palampasin ang pagkakataon. I think we're going to make it!

Nang makapasok kami ay inalalayan niya ako sa pag upo sa kama. Lumakas lalo ang pagkabog ng dibdib ko. This is it! Ito na nga yata talaga ang pinakahihintay ko!

I bit my lower lip. Alam kong anytime ay huhubaran na niya ako. Shocks, ready na ba ako?

One, two, three.

Okay, ready na talaga ako. Pumikit pa ako kasi nahihiya ako saka isa pa, first time namin ito kapag nagkataon.

Pero... natigilan ako at nagmulat ng mata nang maramdaman ko ang kamay ni Kenshin sa ulo ko.

"What are you doing?" Tanong ko.

"Huwag kang malikot, Frey. Kukuhanan kita ng kuto. Nagkakamot ka kasi ng ulo. Alam mo kasi, Frey, kapag ang isang tao nagkamot ng ulo,ibig sabihin ay may kuto siya."

Napatayo ako saka sinamaan siya ng tingin. "Bwisit ka talaga! Wala akong kuto!"

"Ganyang ganyan si Jennifer e. Iyong classmate ko noong highschool. Puno ng kuto ang ulo nun at palaging nagkakamot." Inosenteng sabi niya.

What the hell, right!? Paasa talaga siya!

"Ewan ko sa 'yo! Paasa ka!"

"Hala, inaano kita, Frey? Ikaw na nga ang tatanggalan ko ng kuto e. Wala kang utang na loob."

I rolled my eyes at him. "Tse! Kumain na nga tayo sa baba!"

"Kakain tayo sa 'yo, Frey?"

"Huh?"

"Sabi mo sa baba. Ayan oh haba baba mo."

Mas sinamaan ko siya ng tingin. "Argh!"

Nagmartsa na ako palabas ng kwarto. Nakakainis talaga. Akala ko pa naman matitikman ko na siya! Ugh! Kahit kailan talaga, ang weird niya!