webnovel

Chapter 7

I AM so irresponsible.

I called her para magkausap kami about sa concern niya kay Kuya. Tapos tatakbuhan ko lang siya after she get in trouble with my other kuya.

Ang sama ko.

Nakikita ko pa sa likod ng isip ko ang galit sa mukha ni Vyra kanina. Gusto kong mag-sorry pero, it's useless. Alam ko na sarado ang isip niya para pakinggan ako. Well, wala rin naman akong excuse na matino para mag-explain.

Pagkatapos akong iwan ni Vyra sa daan kanina, tinawagan ko ang ilang high school friends ko na sa ibang school nag-aaral.

We hang out and leave all our worries behind. Pero pagpatak ng alas-sais at kailangan na naming umuwi, again, I was left alone. Kinakain ako ng konsensya ko.

Sumakay na ako ng taxi at bumaba sa park na ilang metro lang ang layo mula sa bahay. Dumiretso ako sa swing at doon naupo. Tumanaw ako sa kalangitan.

It's dark. Iilan lang din ang bituin. Lalo tuloy bumigat ang pakiramdam ko kaya yumuko na lang ako at pinako ang tingin sa mga kamay.

Dito muna ako magpapalipas ng mga ilang oras. Alam ko na nag-aabang sa sala si Kuya Liam at naghahanda ng katakot-takot na sermon. Thoung it's not so him na pagalitan ako for the second time about the same thing. Pero ibang kaso iyong kanina.

May na-involve na ibang tao, at muntik pa mamatay. At si Kuya pa ang nakabangga.

"Argh!"

Anong sasabihin ko?

Tapos ano na lang ang gagawin ko kay Vyra. For sure, things will get worst at school if she runs her mouth against me.

"Ashene Lei, ang selfish mo!"

Why am I thinking about myself after all of these?

Gusto ko lang ng katahimikan.

I just have to apologize, and don't ever get involved with her. From now on, I will mind my own business.

"Yes, that should do."

Tumayo na ako at napagpasyahan na umuwi na. I look at my wristwatch and it says eight o'clock.

"Crap!"

Nadagdagan na naman ng isesermon sa akin si Kuya. Kung dati, ayos lang na umuwi ako ng late dahil na rin sa gagong iyon, ngayon hindi na. Wala akong kasama, at wala akong excuse!

Tsk! Dali-dali akong naglakad pauwi. Nasa kalagitnaan pa lang ako nang may mga humarang sa akin na mga aso at tahol nang tahol sa akin. May isasama pa ba ang mood ko? Nasa dulo pa ng kalsada ang bahay namin!

Nagdahan-dahan ako sa paglalakad sa mga nagkukumpulan na aso. Siguro hindi nila ako kilala dahil na rin palagi akong nakasakay sa kotse pag dumadaan dito. Natatakot ako.

May isang aso na humarang sa daanan ko at tahol pa rin nang tahol. Nabibingi na ako sa kanila. Nang tumingin ako sa gilid ko para maghanap ng malulusutan, nakita ko na lang na napalilibutan na nila ako.

Oh my gosh! Help me.

"Shht!"

Sa gitna ng naglalakasan na mga tahol, nakarinig ako ng boses ng lalaki. Hindi nagtagal ay nagsialisan ang mga aso sa harap ko.

Akma akong magpapasalamat sa tao pero hindi ko na nagawa dahil naglalakad na siya palayo. His back feels familiar. Winaksi ko na lang iyon sa isip ko at nagsimula muling tahakin ang daan pauwi. Tumakbo na ako just in case magsilabasan na naman ang mga aso.

Pagdating ko sa gate, may nakaharang na kotse. Hindi ko na iyon pinansin, ayaw ko nang madagdagan pa ang ka-badtripan na nararamdaman ko.

Ilang beses akong huminga nang malalim. Right behind the door, is a kuya waiting. I can imagine myself kneeling on a keyboard. Sana mawala na sa isip ni Kuya ang nangyari kanina at huwag niya na muna ako pagalitan.

Binuksan ko na ang pinto at bumungad sa akin ang ibang boses.

Good, may bisita si Kuya.

Pinagmasdan ko ang side view ng mga bisita. Parang kilala ko sila at nakita sa kung saan.

"Hi, Ash!"

Oh, I get it.

Hindi ko sila kilala totally. They are Vyra's parents.

Dumako ang mata ko sa Dad niya. Hindi ko gets kung saan banda ang pagiging womanizer sa kanya. He seems so close to his wife, taliwas sa sinabi ni Vyra kanina.

"Ash, meet my parents. Mom, Dad, she's Ashene Lei, my best friend," masayang pahayag ni Vyra. Lumapit pa siya sa akin at hinawakan ako sa braso.

Bigla akong nahiya. Vyra is introducing me as her best friend when all I did to her is bring trouble.

Palihim akong humingi ng tawad kay Vyra. Bahagya akong yumuko sa parents niya at magalang na bumati. "Good evening po."

"Oh hi there, Ashene Lei. Our baby here talks a lot about you. Saying you're the best friend she ever had," her Mom said.

"Our Elvyra is a little spoiled and hard to handle that she end up losing her so-called friends," her Dad said. He even intertwined his hands with his wife.

"Mom, Dad, we have a little fight earlier. Can I stay the night here so we can talk about it?"

"If it's ok with Liam," sagot ng Mommy niya at tumingin kay Kuya.

"Sure. Fine with me. Besides, my sister really needs a girl to talk to. If it's ok with you, she can stay here as long as she wants."

"You're very thoughtful, Liam. Well, please take good care of our princess," saad naman ng Daddy niya.

"I will, Tito."

After a little more chit-chat, Vyra's parents see their way out.

Nang maiwan kami sa sala, ang unang hinarap ni Kuya ay si Vyra. Ni hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin at tanungin kung kumain na ako.

"You can stay in the guest room, Elvyra."

"I want to stay with Ash. Thanks, Liam."

"Ok, good night, Princess. Lei, take good care of her."

Napamaang ako sa sinabi ni Kuya. Wala man lang paliwanag kung ano ang nangyari kani-kanina lang.

Why is Elvyra here? And most importantly, what is with him calling Vyra "Princess?"

Hindi siya interesado sa babae, at isa pa, engaged na siya so-

"Wait a minute…" I whisper and look at Vyra with questioning eyes.

"Don't give me that creepy look, bitch." Pagtataray niya.

Tinaasan ko siya ng kilay. Kung makaasta siya, aba! "For your information, you are in my territory-"

"Not anymore, Young Lady." She smirked at me.

"What?"

"Let's go to your room for our little reunion not as frienemies but as in-laws."