webnovel

Chapter 35 Fell In Love

I AM in the middle of daydreaming sa sala nang pumasok si Kuya Nico. He is talking on the phone.

"I think we are closer to the truth," sabi niya na hindi ko na binigyang pansin. For sure, mga kalokohan lang ang mga sinasabi niya.

I just confirmed to myself na I'm in love, and yes, with the same person who hurt me.

I was reminiscing about things that happen in these past few months. And I realized that I really wanted Ken back. That I just want to hear the truth from him para may closure, at para na rin makapagsimula kami for real.

I was so naïve. Kasi kung talagang gusto ko siya paalisin sa bahay, the obvious option is to slap him with my words full of anger. Pero wala akong ginawa kundi ang subukan siya, kung makakatagal siya sa attitude ko.

At ang resulta, ako lang ang na-fall lalo.

His sweetness, the way he whispers my name, the way he shows his love for me– they are all the same. Mga bagay na hinanap-hanap ko noong nag-break kami.

"I love him…"

"Kuya, kailangan yata ng psychiatrist ni Lei. She is laughing like crazy and saying she loves the anime character in the commercial."

Hindi ko na lang pinansin ang pang-aasar ni Kuya.

Kinuha ko ang phone ko. I want to talk to Ken right now. Nasaan ng aba siya? Umuwi ba sa kanila?

"Narito lang pala ang prince charming mo. Umayos ka na riyan!"

"Bakit po, Kuya? May problema ba?"

Nang marinig ko ang boses ni Ken, mabilis akong tumayo at hinanap siya. Nasa kitchen door siya at nakasuot ng apron. Puno rin ng arina ang kanyang kamay.

Hindi ko napansin na narito lang pala siya. Siguro I was just so busy in my lala land.

Iniwan ko na sa sala si Kuya at sinamahan sa kusina si Ken.

"Anong niluluto mo?" tanong ko.

"Lasagna. Sabi mo kasi noong nakaraan, gusto mo kumain nito habang nanonood. Kaya ito, pinagluluto kita."

"You're so sweet talaga, ano?"

Ngiti lang ang ginanti niya at nagpatuloy sa apgmasa ng harina. Tumulong na rin ako sa paghanda ng palaman ng lasagna.

"Wala ka bang balak umuwi sa inyo? You stayed here for long? Wala pa rin ba si Ate Jana?" sunod-sunod na tanong ko.

"Pinapaalis mo na ba ako?"

Siguro kung dati, ang isasagot ko ay oo dahil iyon ang intension ko. but now, I just want to know kung anong lagay ng household nila. The reason why he's staying here. Baka mamaya, nag-aaway sila ni Ate Jana, tapos pinatagal niya ng ganito.

"Gusto ko lang kasama ka," sagot niya nang nanatili lang akong tahimik.

Naghihiwa ako ng hotdog.

"Ang lapit lang ng bahay niyo. Pwede ka naman pumunta dito. Hindi iyong dito ka na talaga nakatira."

"Pinapaalis mo na talaga ako," nagtatampong sabi niya.

Wala sa sariling hinalikan ko siya sa cheeks. I feel his muscles stiffen as my lips brush on his skin.

Nang lumayo ako, nakita ko na namimilog ang mata niya sa gulat. Namumula na rin ang tainga niya.

He's cute.

"Huwag ka na magtampo, hmm?"

"What the fvck? Kung magluluto kayo, magluto lang. bakit kailangan maglandian?"

Tumingin ako sa gawi ni Kuya Nico. Kumukuha siya ng tubig sa ref.

"Bitter ka lang!" sabi ko at binalik ang atensyon sa ginagawa.

"Tsk! Magpakasaya ka. Palalayasin ko iyan, humanda ka."

Nagkatinginan kami ni Ken nang makaalis si Kuya Nico. Ilang saglit pa ay nagtawanan kami.

"Well, I can just bring you home with me."

"Baliw!"

I FELL in love again for the first time. Iyong tipo na kahit kalimutan na lang namin ang nakaraan, back to zero as if we are just getting to know each other. Na tila ba walang makabubuwag sa pagsasama namin, even death himself.

These lines are from the last chapter ng latest story ni John Lei. It's almost five months mula nang mag-post siya na magpapahinga muna siya at maghahanap ng inspiration para sa better outcome daw ng relasyon ng main leads.

If given a chance, I want to meet him at sabihin na ako na lang ang gawin niyang inspirasyon.

Kinilig ako bigla. Tama si Vyra. This mysterious writer can caught any woman's heart. Hindi sa mga picture niya, kundi through his stories. Tamang tama sa mga babae na may pinagdadaanan na tulad ng mga female leads niya.

"What are you doing?"

Nasa isang milktea shop kami ngayon sa labasan ng subdivision. Mainint ang panahon at tinatamad pa akong gumala. Abala na rin kasi si Vyra sa wedding preparations. At gusto ko, kung makakagala man, I am with my circle of friends.

May mga upuan lang nan aka-set up sa tapat ng shop. And the best of all motif, napalilibutaan ng potted flowering plants ang lugar. Nakaupo ako sa malapit lang sa counter.

"Binabasa ko ulit iyong story ni John Lei," sagot ko kay Ken. Mukha siyang nagtataka. "Oops, hindi mo pala kilala. Writer siya, at ngayon nga wala pang update sa story niya. Five months na."

"Nagagandahan ka ba sa mga stories niya?"

"Actually, recently ko lang siya nakilala. Last year pala, si Vyra ang nag-introduce. Dahil sa likas akong bookworm, at sinabi niya na sikat daw iyon, I gave it a shot. And yes, magaganda ang mga stories niya."

Tinago ko na sa bulsa ng maong shorts ko ang phone ko. It is not a good etiquette when having a date ay distracted ako ng phone.

"I see. So ano ang mga stories niya?" tanong ulit ni Ken.

"Interesado ka ba? Or you're just trying to like what I like?"

Napapikit ako sa biglang paglakas ng hangin. Wala akong salamin ngayon, baka bigla na lang may foreign object na pumasok sa mata ko.

Naramdaman ko na lang ang mga daliri ni Ken sa mukha ko. He brushed off some of my hair. Sinilip ko siya and he is smiling at me.

"Both," sagot niya sa kaninang tanong ko.

I tucked my hair at the back of my ear. Ramdam ko na rin ang pag-init ng pisngi ko. "Baliw," I mumbled. I am becoming more and more like a tsundere.

I look to the other side only to see that familiar face. Bigla, a line from one of John Lei's stories pop out of my mind.

I didn't see it coming, I guess I fell in love too much.