webnovel

Chapter 8

Triton's Point of View

"S-Shania?" nakakunot ang mga noo ko habang nakatingin sa kanya. Anong ginawa niya? Bakit niya ako hinalikan?

"Hi!" nakangiting bati niya sa akin na para bang walang nangyari.

"Bakit mo ginawa iyon? Bakit mo ako hinalikan?" tumataas-baba ang dibdib ko habang tinatanong siya. Hindi pa rin kasi ako makapaniwalang ginawa niya iyon. Paano kung malaman ni Lei?

"Why not? I like you, Triton that's why I kissed you."

"What are you saying? Mali itong ginagawa mo! Kaibigan mo si Lei!" inirapan niya lang naman ako at saka naglakad palapit sa akin. "J-just stay there!" sigaw ko sa kanya dahilan para mapatigil siya sa paglalakad. "H-huwag kang l-lalapit sa'kin. Diyan ka lang!"

Napayuko lang naman siya sa kanyang kinatatayuan at saka nagsalita.

"Gusto kita. Gustong gusto kita, Triton kahit alam kong mali." iniangat nito ang kanyang mukha at saka niya ako tiningnan sa mga mata ko.

Hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya kaya naman yumuko ako. Habang nakayuko ako ay naalala ko ang unang beses na nagtapat siya sa akin. Iyon ang araw kung kailan sinabi ko rin sa kanya ang tungkol sa amin ni Lei.

"I like you, Triton." ilang beses akong napakurap nang sabihin iyon sa akin ni Shania.

"What?" huminga naman siya ng malalim bago muli iyong nagsalita.

"I said, I like you." ulit nito sa kanyang sinabi kanina. Naintindihan ko naman ang una niyang sinabi pero kasi gusto ko lang marinig ulit dahil baka nagbibiro lang siya pero hindi. Seryoso siya nang bitawan niya ang mga katagang iyon.

Napatingin naman ako sa loob ng klase. Iilan palang kaming nandoon dahil masyado pang maaga. Tumingin muli ako kay Shania bago ko siya sinagot.

"I'm sorry pero may iba akong gusto, Shania at iyon ay ang kaibigan mo, si Lei." nakita kong nanlaki ang mga mata niyang napatingin sa akin.

"P-paano? A-akala ko magkaibigan lang kayo?" nauutal na tanong nito.

"I'm going to court her after her eighteenth birthday."

Iyong araw na iyon ay sinabi ko kay Shania ang totoo. Alam kong nagulat siya sa mga sinabi ko pero kalaunan ay naintindihan niya naman. Pero mukhang nagkamali yata ako.

"Shania..." tawag ko sa kanya at tiningnan siya. Nakatingin pa rin pala ito sa akin kaya muli kong iniwas ang tingin ko sa kanya. "Hindi ba pinaliwanag ko na sa'yo na hindi mo ako pwedeng gustuhin kasi may iba akong gusto? Hindi ko masusuklian iyong nararamdaman mo. Gusto ko si Lei—mali mahal ko siya at ayaw ko siyang saktan."

"Ano bang mali sa pagkakagusto ko sa'yo? Ano naman ngayon kung gusto mo ang kaibigan ko?" nagulat ako sa biglaang pagsigaw niya sa akin. "Hindi ba apat na taon na ang nakalipas simula nang magtapat kayo ng inyong nararamdaman sa isa't isa? Sa tingin mo ba talaga Triton gusto ka pa rin ni Lei?"

"Of course! She still likes me!" pasigaw na sagot ko sa kanya. Napipikon na ako sa kanya. Nakita ko namang ngumisi ito dahilan para mapikon lalo ako sa kanya.

"Wake up, Triton. This is not a fairytale kung saan lumipas man ang maraming taon e, gusto ka pa rin ng taong gusto mo." naglakad naman ito palapit sa akin at saka siya bumulong.

"Don't fool yourself, Triton. People change and feelings fade."

Naikuyom ko na lamang ang mga kamao ko sa sinabi niya.

Napalingon naman ako sa kanya nang nagsimula na itong maglakad palayo sa akin.

"See you around, Triton!" rinig kong sambit niya bago siya tuluyang lumabas ng silid.

Huminga naman ako ng malalim. Kailangan kong kumalma dahil sa nangyari at sa sinabi ng babaeng iyon. Napasandal na lamang ako sa pader dahil sa nangyari ngayong araw. Paano ko sasabihin ito kay Lei? Kailangan ba niyang malaman o ililihim ko na lang?

Halos mapatalon naman ako sa gulat nang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa kaya naman kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang nag-text. Biglang tumibok nang mabilis ang aking puso at halos manginig ang dalawang kamay ko habang binabasa ang magkasunod na text galing kay Lei.

Im here in the classroom.

Where are you?

Halos hindi ko na mapindot ang mga letra na nasa screen ng cellphone ko habang ni-re-reply-an ko ang text niya. Kinakabahan kasi ako. Paano kung malaman niya iyong nangyari sa amin ni Shania rito sa computer laboratory?

Nang ma-send ko ang reply ko kay Lei ay agad akong lumabas sa silid na iyon. Halos mabangga ko na iyong ibang estudyate na naglalakad sa hagdan habang paakyat ako papunta sa classroom ko.

"Sorry." iyon lamang ang sinasabi ko sa tuwing may nababangga ako.

Pagkarating ko sa harap ng classroom ko ay naririnig ko ang mga tawanan at sigawan ng mga kaklase ko. Huminga ulit ako ng malalim bago ko pinihit ang seradula. Pagbukas ko ay agad hinanap ng mga mata ko si Lei. Nakita ko naman agad siya. Nakaupo ito habang may kausap.

"Lei!" tawag ko sa kanya habang palapit ako sa kinauupuan niya. Napatingin naman siya sa akin at saka niya ako nginitian. "Bakit wala ka kaninang umaga?" tanong ko nang malapitan ko siya.

"Pumunta siyang hospital." napatingin naman ako sa sumagot na nasa tabi niya. Si Shania. Hindi ko na lamang siya pinansin at agad kong hinawakan sa braso si Lei.

"Bakit anong nangyari sa'yo? Nasugatan ka ba? Napaso? Nagkaroon ng bulutong? Ano?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya habang sinusuri ang braso at mukha niya. Narinig ko namang napa-tsk si Shania sa ginawa ko pero tinapunan ko lang siya ng masamang tingin.

"Stop." mariing saad ni Lei kaya nabitawan ko ang braso niya.

"Sorry." Tinapunan niya lang naman ako ng masamang tingin. Kahit kailan talaga napakamainitin ng ulo ng babaeng ito.

"Nasa hospital ngayon ang Lola ko." nakatingin lang ako sa kanya nang sabihin niya iyon.

"Bakit anong nangyari sa kanya?" tanong ko.

"Inatake siya sa puso kaninang umaga at ako ang dahilan kung bakit nangyari iyon sa kanya." napayuko ito nang sabihin niya iyon.

"Nagkasagutan na naman ba kayo ng Lola mo kanina?" tinanong naman siya ni Shania.

Tumango lang naman ito at saka pinunasan ang kanyang pisngi. Umiiyak ba siya? Nakayuko kasi ito kaya hindi ko makita kung umiiyak ba siya o hindi.

"Kung hindi ko lang s-sana inungkat na naman ang t-tungkol sa mga m-magulang ko hindi siguro mangyayari iyon kay L-lola." umiiyak na sambit nito kaya naman niyakap siya ng kaibigan niya. "S-sana kasi h-hindi na lang ako n-nagtanong pa."

Hinawakan ko naman ng mahigpit ang hawak kong brown envelope. Alam kong nalukot na ito sa paraan ng pagkakahawak ko. Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit niya natanong ang mga magulang niya sa Lola niya nang inunahan ako ni Shania.

"Why did you ask Lola Corazon about your parents na naman kasi? Alam mo namang ayaw na ayaw niyang tinatanong mo siya tungkol sa yumao mong mga magulang." sambit ni Shania sa kanyang kaibigan. Pinunasan na muna ni Lei ang kanyang pisngi bago niya hinarap at sinagot si Shania.

"Dahil buhay pa ang mama ko."