Anya POV
"Nahihibang na ba ang babaeng iyon? Emprelta? Ha?! Ano naman ang lugar na yon?!" Mahina kong bulong sa sarili at naglakad na habang binubusisi ko ang cellphone ko dahil magmula pa kanina ay hindi na ito gumana. Hindi ko alam ang problema.
Sa paglalakad ko ay pansin ko ang mga tingin ng tao sa akin at ganon na din ang tingin ko sa kanila dahil sa kanilang kasuotan.
"Hindi ba sila naiinitan sa mahabang suot nila?" Nakakunoot noo kong saad sa sarili ko at tinignan naman ang damit na suot ko dahil sa kaiklian. Ang alam ko bago ako mawalan ng malay hindi naman ganyan ang suot nila ha at ang mga bahay dito ay puro kahoy at wala ni isang mga building ang matatanaw.
"Nananaginip ba ako?" I stopped walking as I closed my eyes and take a deep breath. Umaasang pagmulat ko ng mata ay hindi na iyon ang mabubungaran ko
"1...2...3..." I opened my eyes and to my disappointment. I'm still here standing on my place and see all the women looked at me with disgust in their eyes.
What's happening people? First time makakita ng gantong damit?
Napairap nalang ako dahil sa aking sinabi sa sarili. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ko na ang sinag ng araw na tumatama sa akin balat. Nagugutom na din ako.
Nagpasya akong lumapit sa mga nagchichismisan na babae dito sa may gilid ng isang bakery shop? I think? Basta may mga tinapay na tinda ito
Nakangiti akong lumapit sa kanila kahit na halata mo ang kalituhan sa kanilang mga mata
"Hi! Gusto ko lang sanang tanungin? May cellphone ba kayo? Makikitawag or makikitext lang sana ako?" Nakangiti kong sabi sa kanila ngunit mas lalo lang nila akong pinangunutan ng noo at litong tumingin sa akin
"Pasensya na binibini ngunit ano ang tinutukoy mo?" Litong saad nito sa akin kaya naman ay kumunuot ang noo ko dahil sa tanong nya
Wag mong sabihin na hindi mo alam ang cellphone?
"Ahmm cellphone? Ito oh?" Ipinakita ko naman sa kanila ang cellphone na hawak ko at lumaki naman ang kanilang mga mata dahil sa nakita nila
"Paumanhin binibini ngunit walang ganyan dito sa amin kung kaya't hindi ka namin matutulungan sa iyong nais" saad sa akin ng isa sa babaeng nagkukumpulan dito
"Imposible naman yang sinasabi mo! Lahat ng tao may cellphone na!" Paliwanag ko dito at nahihiya naman syang umiling at hindi na ako sinagot
"Sige ahm ano nalang. Anong oras na? At ano ang araw ngayon?" Muling pagtatanong ko sa kanila
"Ang oras ay umaga na dahil sa sinag ng araw—" agad ko namang pinutol ang sinasabi ng isa pang babae sa akin
"Alam kong umaga na. Ang tinatanong ko ay insaktong oras?" Pag uulit ko dito
"Binibini bumabase lamang kami sa itaas para malaman ang oras." Naguguluhan na ako sa sinasabi nila ha. Pati ba naman oras ay hindi nila alam. Ngumiti naman ako sa kanila ng pilit at bumuntong hininga ng malalim bago ulit nagtanong
"Ito huli na. Ano ang petsa ngayon?" Napipilitang ngiti ko sa kanila. Agad naman akong sinagot ng isa sa kanila at ganon na lamang ang gulat at pagkabigla ko dahil sa sinabi nya
"Ngayon ay Enero labing-apat, isang libo't pitong daan at animnapu't limang taon binibini" feeling ko ay bumagal ang bawat letrang kanyang binibigkas sa akin at naguguluhan na napatingin sa kanya
"January 14, 1765? Tama ba ang sinasabi mo?" Naguguluhan na saad ko sa kanya
"Tama ang binanggit ko binibini at kung pwede lang sana ay tama na ang kakatanong sa amin" iritang saad nito sa akin at nilayasan ako kasama ang mga kaibigan nya
"Ano? 1765? Ha?! Nababaliw na ba ang babaeng iyon? Paanong nangyare ito?!!!" Hysterical na saad ko sa sarili ko at sinabunutan ang sariling buhok at umikot ikot sa pwesto ko. Kung sino man ang makapansin sa akin ay tiyak na iisipin nilang baliw ako
"1765? 1765?!!!!!" Hindi makapaniwalang saad ko at naramdaman kong nay tumulong maliit na butil ng aking luha galing sa mata ko.
"Paanong nangyari ito?" Naguguluhan na saad ko at tinignan ang kalangitan kung saan ay payapa ang sinag ng araw sa amin.
"Paano?" Nanghihinang saad ko dito at tumungo ng walang makuhang sagot. Kaya pala ay ganon nalang ang tingin nila sa akin at ang kanilang salita ay purong tagalog.
Wala sa sariling nilisan ko ang bakery shop na iyon at hinawakan ang aking magkabilang braso. Ramdam ko na din ang init na nanggagaling sa araw. Kailangan kong bumalik sa mga taong tumulong sa akin para naman ay maliwanagan ako.
Oh baka naman ay may nagshoshoot at ganto lang ang tema ng palabas? Pero sobra naman ata? Wala man lang cut direct?
Sa aking paglalakad ay hindi ko namalayan na nasa isa na akong pamilihan? Para syang palengke ang pagkakaiba nga lang ay sa gilid lang sila nagtitinda.
Dumaan naman ako sa gitna at tinignan ang bawat tinitinda nila at natuon naman ang atensyon ko sa aleng nagbebenta ng balabal. Tamang tama kailangan ko ito.
Lumapit naman ako agad don at pinakatitigan ang tinda nya bago ngumiti sa aleng ito. "Magkano po ang isa ng balabal" tanong ko dito
"Singkong dungil binibini" saad nito sa akin.
Duling? Ano naman ang duling? Yun ba yung duling ang mata?
Nangiti naman ako ng pilit at agad na binuksan ang bag para kumuha ng isang libo sa wallet ko at iniabot ito sa ale, ganon nalang ang pagtataka nya ng abutin ko ito sa kanya.
"Keep the change po!" Abot ko dito at walang pasabi na tumakbo habang daladala ang balabal
"Babae!! Ang balabal ko!!" Rinig kong sigaw nya kaya naman ay mas lalo kong binilisan ang pagtakbo at agad na lumiko sa maliit na eskinita na aking nakita.
Malalalim na hininga ang pinakawalan ko ng maisandal ko ang likod sa bato na semento na ito at pinakatitigan ang balabal na hawak ko
"Lord, sorry po! Sana po ay patawarin mo ako at tanggapin padin sa langit" pagpepray ko habang magkasiklop ang mga kamay ko at nakapikit na nagpray.
Agad ko namang sinuot ang balabal na ninakaw este binili ko? Binili ko naman ito dahil binayaran ko ang ale.
Nang masuot ang balabal ay agad na akong lumabas sa eskinita na pinasukan ko at agad na naglakad sa may gilid para makaalis na dito at bumalik sa mga taong nagdala sa akin dito!
Nakarinig naman ako ng padyak ng isang kabayo di kalayuan sa pwesto ko. Hinalungkat ko naman ang bag ko at tinignan ang pitaka ko para malaman kung magkano nalang ang pera na meron ako ng biglang nilipad ng hangin ang isa sa mga ito.
Agad agad ko naman itong inaabot na tinatangay ng hangin hanggang sa liparin ito sa gitna ng daan kaya naman ay tinakbo ko ito para pulutin at ng makarating ay agad ta yumuko para kunin ito ngunit sa aking pagtayo at pagharap ay isang mabilis na tumatakbong kabayo ang sasalubong sa akin at dahl sa takot nabitawan ko ang mga perang hawak ko at ipinikit ang mata para sa paparating na kabayong ito
Pigil hininga ang aking ginawa at inabangan ang pagdagan sa akin ng kabayo kung sakali mang dumerederetso ito sa kinaroroonan ko ngunit nagtagal ang ilang minuto ay wala namang nangyayare sa akin kaya naman ay idinilat ko ang aking mga mata at sa pagdilat ko ay siyang bungad sa akin ng mukha ng kabayo...
Napabuga naman ako ng hangin dahil sa nangyare at nagulat sa taong biglang nagsalita
"Ano ang ginagawa mo diyan sa dinadaanan ko?" Dinig kong malalim nyang saad sa akin kaya naman ay tiningala ko ang kabayo at nakitang may nakasakay dito na isang napakagwapo at napakakisig na lalaki. Ang mga mata nyang mapanuri at ang napakatangos na ilong. Ang mga labi nyang kay sarap halikan dahil sa kapulahan.
Ano? Halikan? Luh Anya? Ayos ka lang?
"Babae. Ano ang ginagawa mo sa dinadaanan ko." Dinig kong ulit nito sa akin kaya naman ay napalunok ako dahil sa lalim ng kanyang boses
Nakita ko naman ang mga tao sa paligid na nakayuko ang mga ulo? Bakit? Ano meron sa lalaking ito?
"Pinupulot ko ang pera ko, bakit?" Nakataas na kilay na saad ko dito at pinakatitigan naman nya ako mula sa mata at nagbaba sa katawan ko
"Isa kang bayaring babae" pagtatanong nya ay mali pagsasabi nya na parang totoo at tama sya kaya naman ay agad na nagsalubong ang kilay ko dahil sa ginawa nya
Umalis naman ako sa harap nya at pumunta sa gilid nya bago siya tiningala "Anong sabi mo? Ako bayaring babae?! Hoy!" Duro ko sa kanya at pinanlakihan siya ng mata
"Ang isang tulad ko ay hindi bayaring babae dahil ay maganda lang" saad ko sa kanya at pinameywangan siya
"mujer asquerosa" dinig kong saad nya at hindi ko ito naintindihan kaya naman kumunuot ang noo ko dahil sa kanya
"A-ano?!!" Sigaw ko dito ngunit hindi na nya ako pinansin at iwawasiwas ang taling hawak nya ngunit bago pa man nya magawa yon ay agad kong hinaklit ang kwelyo ng kanyang suot at walang pagdadalawang isip na sinuntok sya sa labi ng napakalakas na naging dahilan ng pagkahulog nya sa kabayo.
Narinig ko namang nagsinghapan ang mga tao sa paligid namin.
"Yan ang nararapat sa isang tulad mo! Peste!" Saad ko sa kanya at agad na lumayas doon at tumakbo ng mabili para makalayo na sa lugar na iyon na may daladalang kaba sa aking dibdib.
Mali ata ang aking nagawa. Patay na! Takbo lang ako ng takbo at hindi na alintana ang init ng araw sa akin hanggang sa makita kong muli ang bahay ng aking iniwan kanina at walang pasabi na kumatok ng napakabilis sa pintuan na ito.
"Sandali! Sandali lang!" Dinig kong sigaw nito mula sa loob kaya naman ay nilakasan ko itong muli at kumatok ng tuloy tuloy
"Buksan nyo na dali!!!" Hindi din nagtagal ay binuksan na ang pinto at agad naman akong pumasok sa loob at ako na ang nagsara ng pinto nito at inilock.
"Binibini?" Dinig kong saad ng lalaking ito at masama siyang tinignan. Ayoko talagang nakikita ang pagmumukha nya. He reminds me of someone.
"Bakit ay nagbalik ka binibini?" Tanong sa akin ng babae na siya ding tumulong sa akin daw
"Pahingi ng tubig hehe" nahihiya kong turan at agad namang kumilos ang lalaking nasa tabi ko para kuhaan ako ng tubig at agad din naman nagbalik at iniabot sa akin ito.
"Thanks" walang ganang saad ko sa kanya at matapos ubusin ay huminga ako ng malalim dahil sa pagod ng aking natamo.
"Umupo ka muna dito binibini at mukhang pagod na pagod ka" inilalayan naman nya ako sa pag upo at tinignan ko naman sya sa kanyang mata sa sa suot nyang damit ganon na din sa lalaking ito at sa isa pa nilang kasama na tiyak ko ay ina nya?
"Ang sabi mo sakin ay bayan ito ng Emperta?" Pagtatanong ko dito kaya naman ay umupo siya ganon na din ang ina nito at nanatiling nakatayo ang lalaki
"Emprelta, binibini" nakangiti nito saad sa akin kaya naman ay ngumiti ako ng pilit
"Maaari ko bang malaman kung ano ang taon ngayon?" Nakangiti kong pilit at natatakot sa maaari niyang sabihin
"Ang taon ngayon ay isang libo't pitong daan at animnapu't limang taon binibini" doon na tuluyang nanghina ang aking katawan dahil sa kanyang tinuran.
"It's 1765. Paanong?" Saad ko sa sarili ko at hindi makapaniwala dahil sa nangyare.
"Maniniwala ba kayo kapag sinabi kong hindi ako nagmula dito at galing ako sa kasalukuyang taon" mahina kong turan sa kanila at tinignan naman nila ako ng may pagtatakha sa mga mukha at lito.
"Masamang biro iyan binibini" agad na saad sa akin nitong babae kaya naman ay hindi ko nalang ipinilit sa kanila ang nais kong sabihin dahil alam kong hindi din sila maniniwala
"Pwede bang wag mo na akong tawaging binibini? Anya ang pangalan ko" nakangiti kong saad dito at gumanti naman sya ng ngiti
"Ako naman si Amelia at siya naman ang kaibigan kong si Nolan" turo nya sa kanyang kaibigan at ngumiti ng napakatamis sa akin kaya naman inismiran ko nalang ito "at ito naman ang aking inang, si inang lourdes" pagpapakilala nya sa kanyang ina. Tama nga ako ina nya ito.
Ngumiti naman ako at nakipagkamay maliban lang sa lalaking nagngangalang Nolan
"Anya? Yang kasuotan mo? Bakit ganyan?" Out of nowhere na tanong sa akin ni amelia
"Ah ito? Ano.. ahmm mainit kasi kaya pinunit ko galing sa damit na yan hehe" mahinang turan ko dito at ngumiti ng pilit
"Ganon ba Anya?" Agad naman akong tumango sa kanyang sinabi
"Anya? Tama ba? Marahil ay gusto mo ng magpahinga? Maaari mo ding gamitin ang damit ng aking anak pamalit muna sa iyong damit" malumanay na saad sa akin ni nang Lourdes kaya naman ay agad akong tumango dahil ramdam ko na ang pagod at bigat sa aking dibdib.
"Nolan samahan mo ang binibini na ito sa kwarto ni Amelia" pag uutos nito na agad namang sinunod ni Nolan daw
"Tara na binibini" nakangiting saad nito kaya naman ay tinalikuran ko na ito at mas nauna ng maglakad sa kanya tutal alam ko din naman kung saan iyon
"Pansin ko lang binibini, mukhang mainit ang dugo mo sa akin?" Pagtatanong nito sa akin
"Mainit talaga, lalo pa at kamukha mo ang damuhong lalaking nagwasak sa puso ko." Mahinang turan ko na ako lamang ang makakarinig
"Ano iyon binibini?" Agad naman akong umiling at ng makarating na sa kwarto ng amelia ay agad ko itong binuksan at pumasok sa loob ay walang pasabi kong isinara ang pinto para hindi na sya makasunod.
Naramdaman ko ang sunod sunod na pagtulo ng aking luha dahil sa mga nangyare ngayong araw na ito. Paano ako makakabalik sa amin? Kailangan ko na bang tanggapin na dito nalang ako?
Ang mahihinang hikbi ay lumakas at ang mga luha ay walang patid sa pagbagsak.
Paano na ako nito? At ang lalaki kanina na nakasakay sa kabayo? Bakit iba ang pakiramdam ko sa kanya? Bakit ganon nalang kung itrato sya ng mga tao?