webnovel

To Capture a Flame

Si Rebel ay laking-kumbento at naghihintay lang ng tamang pagkakataon para maging malaya. Si Bullet ay isang mersenaryo na inupahan upang sundan siya. Isang dalagang rebelde at isang lalaking matalas ang mga mata, saan magtatagpo ang dalawa? Rebel was free! She was done at playing dumb, submissive, and oh-so-obedient. When she turned twenty-one, she got her trust fund. She bought a yacht and planned on a world tour. Bullet was a mercenary who accepts money to hunt a fugitive. And he was commissioned to catch a fugitive lady, Rebel Tiangco. Her name alone said something about her—that she would fight him than let him capture her!

ecmendoza · สมัยใหม่
Not enough ratings
16 Chs

Chapter One

Nakasimangot si Rebel habang nakasalampak sa ibabaw ng bubungan ng kumbento.

Tinatanaw niya ang malayong kalsada na nasa paanan ng burol.

"Ang tagal naman nina Papa at Kuya!" bulalas niya sa sarili.

She had just finished her studies in the convent school.

At sigurado siyang tuwang-tuwa na rin ang mga madre dahil aalis na siya.

Napahagikhik si Rebel pero agad din naman siyang nalungkot dahil napamahal naman sa kanya ang mga naging tagapag-alaga magmula nung anim na taong gulang siya.

Her dear and gentle mother had died because of a heart attack.

And her father and one brother did not know what to do about her.

Oo, mahal na mahal siya ng mga ito. But she had went a little wild when her mother had passed away.

Kaya walang nagawa ang kanyang Papa kundi sundin ang suhestiyon ng isang kapatid na pari. Ipinasok siya sa isang kumbento upang doon na lumaki at mag-aral.

Palibhasa ang Familia Tiangco ang pinakamalaking donor ng Convent of the Eastern Pearl, hindi natanggihan ang unica hija ni Don Ramon.

Hindi rin na-expelled kahit na ubod nang sutil.

Admittedly, she had deliberately did all the mischievous things as she grew up. Dahil ibig na nga niyang makaalis sa kumbentong iyon.

Ngunit sadyang matiisin ang mga butihing babaeng naka-abito. Pinagtiyagaan siya hanggang sa makatapos siya.

Kahit na anong kapilyahan pa ang gawin niya, pinagpapasensiyahan siya.

Kahit na ilang ulit siyang tumakas, tinatanggap pa rin siya nang malugod kapag ibinabalik siya ng Papa niya.

Bumuntong-hininga si Rebel. "I'm free now," sambit niya sa mga ulap na pinapanood.

Nakahiga naman siya ngayon sa bubong na yari sa tisang pula.

Dito ang paborito niyang lugar kapag nagpapalipas ng inip.

She had always felt that something momentous awaited her.

Na sinasayang lang niya ang buhay dito sa loob ng kumbento.

At ngayon nga, isang linggo na lang ay magiging dalawampu't isang taon na siya.

Sa wakas, malayang-malaya na siya!

Ngunit iyon lang pala ang akala niya...

*****

Namumula ang hugis-pusong mukha ni Rebel. With anger, not with excitement.

Galit na galit siya dahil nalaman niya kung ano ang bagong plano ng ama para sa kinabukasan niya.

"W-what did you say, Papa?" tanong niya. Ibig niyang makasiguro na tama ang narinig.

Ang Kuya Richie niya ang tumugon. "Nasa ayos na ang lahat, Rebel. Sa gabi ng twenty-first birthday mo, ang announcement ng iyong engagement kay Joselito."

Huminga siya nang malalim. Pinilit niyang magpaka-kalmado dahil kauuwi lang niya.

Eksaktong tatlong oras at labing-apat na minuto pa lamang siyang tumutuntong sa marangyang mansiyon ng mga Tiangco.

"I just arrived," pakli niya. "Bakit parang gusto n'yo na naman akong ialis dito?"

"Hindi naman sa gan'on, anak," pang-aalo ni Don Ramon. "Nais ko lang na mailagay sa ayos ang iyong kinabukasan habang malakas pa ako."

"Can't you let me enjoy my freedom? Kalalabas ko lang sa kumbento. Gusto ko namang makatikim ng kaunting kalayaan."

"Walang problema, iha," sang-ayon ng matandang lalaki. "Sa isang buwan pa naman ang kasal n'yo ni Joselito. You can do anything you like during that time."

Hindi na napigil ni Rebel ang pagkayamot. Padabog siyang tumayo.

"Next month!" bulalas niya. "Ni hindi ko nga kilala ang lalaking 'yon! Ipapakasal n'yo na ako d'on?"

"Huwag kang mag-alala, baby sister," sabad na naman ni Kuya Richie. "Kaibigang matalik ko 'yon. Kasama ko sa school, kasabay kong lumaki."

Tumigas ang ekspresyon ni Rebel. Kung kilala siya ng kapatid na panganay, tiyak na mahuhulaan na nito ang estado ng sumpong niya.

"Bakit hindi kayong dalawa ang magpakasal?"

"Iha!" saway ng Papa niya. "Huwag namang ganyan ang pakikipag-usap sa kuya mo."

"I'm sorry, Kuya Richie," she apologized in a rigid tone. "Hindi ko gusto ang suhestiyon n'yo na magpakasal ako sa lalaking ikaw lang ang nakakakilala."

Nagkatinginan ang mag-ama.

"May katwiran ang bunso natin, Richie," pahayag ng matandang lalaki.

"Puwede sigurong maging magkaibigan muna sila ni Joselito. Wala pa namang tiyak na petsa ng kasal, kaya puwede silang magkaroon ng engagement period, hindi ba?"

"Kung iyan ang ibig n'yo, Papa."

"What about me?" Rebel wailed. "Hindi n'yo ba ako tatanungin kung ano ang gusto ko?"

Muli, nagkatinginan ang mag-ama.

It dawned to her that the two men were just tolerating her tantrums.

Hindi siya siniseryoso ng ama at kapatid. Para bang natural lang na maging pabagu-bago ang isip niya dahil babae naman siya.

She stopped herself from stomping her foot. Kailangang magpakita siya ng maturity sa dalawang ito.

"Papa, Kuya," umpisa niya sa seryosong tono. "I don't want to marry anybody--right now. Maybe, someday. Pero matagal na matagal na matagal pa 'yon. Ang gusto ko ngayon ay ang mag-enjoy sa buhay ko. Kalalaya ko pa lang, ano?"

"Hindi puwede, anak. Kapag sinunod namin ang gusto mo, baka maging old maid ka," tanggi ng ama.

Tumango si Kuya Richie. "Tama si Papa, Rebel."

"I'm just twenty-one!" Muli, muntik na naman siyang mapatili. "Paano ako magiging old maid? Ang bata-bata ko pa," tugon niya.

"Mabilis lumipas ang panahon. Bukas-makalawa lang, baka napaglipasan ka na ng panahon."

"Papa, iba na ang panahon ngayon. Kahit na umabot ang isang babae sa edad na kuwarenta, puwede pa ring mag-asawa," katwiran niya.

"A, iha, hindi mo ako naiintindihan. Ibig ko na kasing magkaroon ng mga apo. At ikaw lang ang maaasahan ko sa mga ganyang bagay."

Lalong napamulagat si Rebel. Hindi niya akalaing ganito lang ang pangarap ng nag-iisang magulang para sa kanya.

The nuns used to praise her sharp mind and resourcefulness. Matalino raw siya at magaling gumawa ng paraan.

Kaya nga lalong yumabong ang sikretong pangarap niya na maging abenturera. She believed that she had the talent to be a world-class traveller.

May trust fund silang magkapatid. Galing sa sariling pera ng kanilang ina, na mayroon ding kaya sa buhay bago nag-asawa.

Tatanggapin ng bawa't isa sa kanila, pagsapit sa ika-dalawampu't isang taong gulang.

Buo na ang mga plano niya, nung isang taon pa.

Ang trust fund ay gugugulin niya sa paglalakbay. Bibili siya ng isang yate na kumpleto sa lahat ng pasilidad.

At maglalakbay siya sa buong mundo.

Ganoon lang ang pangarap niya... magmula nung maliit siya.

"Babae ka lang, kaya dapat ay makapag-asawa ka agad," patuloy ni Don Ramon. Walang kamalay-malay sa pagdaramdam na yumayabong sa kalooban ng dalagang anak.

Umiling si Rebel. Sunud-sunod. "Hindi ako mag-aasawa agad, Papa," pahayag niya sa matatag na tono. "Sa iba mo na lang ireto si Joselito, Kuya Richie. I'm not interested!"

Padaskol siyang tumalikod at humakbang patungo sa hagdanang marmol.

"Rebel!" Tinawag siya ni Kuya Richie pero hindi niya ito nilingon.

"Iha? Bibigyan ka namin ng panahon para makapag-isip. Don't worry, nobody will force you," pahabol naman ni Don ramon.

Nagtagis lamang ang mga bagang ni Rebel sa sinabing iyon ng ama.

Ganoon din ang mga salitang binitiwan nito sa kanya noong paslit pa lang siya.

Ayaw niyang mag-aral sa kumbento. Pero doon din siya bumagsak. Napapayag siya ng matandang lalaki sa pamamagitan ng malumanay na pananalita.

"Hindi n'yo na ako mabobola ngayon, Papa!" pahayag niya sa harap ng salamin ng dressing table.

Tinitigan niya ang sariling repleksiyon.

Nakita niya ang isang dalagang may mukhang hugis-puso at balingkinitang pangangatawan.

Mahaba ang buhok niya. Alun-alon at itim na itim.

Malalantik ang mga pilikmata ng mga matang malalaki at medyo patulis sa magkabilang dulo.

Ang kanyang balat ay makinis at maputi. Madaling mamula pero hindi madaling masunog sa araw.

Mestisahin kasi ang lahi ng mga magulang niya.

She regarded her appearance as passable, not attractive.

Hindi niya nakikita ang nakakabighaning kislap ng mga mata kapag nakatawa siya. O kapag nagagalit man.

The flashing fire in her eyes was always an exciting spectacle to watch.

Para bang ang lahat ng kislap at kinang ng mga bituin sa kalawakan ay inipon at inilagay sa kanyang mga mata.

Sa kanyang opinyon, masyadong ordinaryo ang kanyang hitsura.

Pangkaraniwan ang hubog ng kanyang bibig na may natural na pagkapula. Ang kanyang baba at mga pisngi. Pati ang kanyang ilong.

And she was thankful.

Dahil sigurado siyang aatras agad si Joselito sa sandaling makita siya.

Ayaw niyang makipag-away agad sa pamilya dahil bagong uwi pa lang siya.

Pero kapag hindi niya nakuha sa paliwanagan ang mga ito, mapipilitan siyang maging suwail.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

ecmendozacreators' thoughts