webnovel

TJOCAM 2: The Authentic Love

The tragic incident had finally ended but now that Haley Miles Rouge lost all of her memories and became a different person. Magagawa bang maibalik ng mga kaibigan niya ang kanyang alaala? How about her feelings? Nagbago ba o nanatili? Magagawa nga ba ni Reed sabihin ang kanyang nararamdaman lalo na't ngayong ibang-iba si Haley sa kanyang nakilala?

Yulie_Shiori · วัยรุ่น
Not enough ratings
65 Chs

Kei and Haley's ARC Part 2 

Chapter 58: Kei and Haley's ARC Part 2

Haley's Point of View 

 Araw ng Sabado. Araw kung kailan pahinga ko lang sana ngayon but I ended up going out para mamasyal kasama si Kei at nung lalaking iyon-- 'yung ama namin. Umuwi siya kahapon ng gabi, sinundo siya nung service na naghahatid sa amin ni Kei sa E.U. 

 Gabi na rin kasi kaya hindi kami p'wedeng mag drive. Lalo pa ako na 'di naman din talaga marunong. Wala pa kasi sina Reed, baka mamaya o bukas pa 'yung uwi dahil bumagyo raw bigla sa Baguio kaya 'di rin sila nakauwi kahapon. Ngunit ibinalita nila sa amin na nanalo sila, maliban lang doon sa team ni Harvey.

 Kasalukuyan akong na sa labas at nakatayo lang sa isang tabi habang hinihintay sila. Hindi naman mainit, makulimlim pa nga dahil nasabi sa balita na uulan daw mamayang hapon. Pero baka mapaaga 'yung pagbagsak ng ulan. 

 Binuksan ni Kei 'yung gate at bumungad sa akin 'yung maganda niyang get up. Pero hindi siya nakasuot ng skirt ngayon, naka skinny jeans siya at burgundy bow-tied collar sleeveless. Naging mature 'yung datingan niya lalo pa't naka twisted ponytail siya. "Dito na lang daw natin hintayin si Dad. Nilalabas na niya 'yung sasakyan." Sambit niya at tumabi sa akin. 

 "Yeah, sure." Sagot ko 'tapos napatingin sa kanya na ngiti pa ring nakatingin sa akin. "What?" Taas-kilay kong tanong. 

 Ngiti lang siyang umiling. "Natutuwa lang ako na pumayag ka." Sabi niya 'tapos ibinaling ang tingin. "Magandang pagkakataon na rin kasi 'to dahil may mga gusto akong malamang sagot sa kanya na gusto ko ring marinig mo." 

 Is she doing this for me? 

 Ibinaling ko rin ang tingin ko't pumikit sandali. No, hindi lang din 'to para sa akin. Para rin 'to sa kanya. 

 Binuksan na ni manang 'yung gate para makalabas ang sasakyan na gamit gamit ng lalaking iyon. Hindi ko siya magawang matawag na papa. 

Naaasar pa rin kasi ako sa mga nagawa't ginawa niya. 

 Kahit noong na sa gitna ako ng pagpapagaling mula sa pagkaka-hostage ko sa Redecio sibling. Hindi pa rin niya nagawang magpakita sa akin sa ospital at nandoon lang siya sa ibang bansa para sa trabaho niya. 

 It may sound selfish pero hindi ba pwedeng kahit na isa o dalawang araw man lang? Magpakita siya sa akin para kumustahin ako ng harap-harapan kahit 'di ko siya natatandaan? Hindi 'yung itatanong pa niya ako mula sa iba? 

 Pero parang inaamin ko na gusto ko nga talaga siyang makita o makausap? 

Hindi! Trabaho rin kasi 'yun ng isang ama! 

 Hindi ko naman namalayan na nasa harapan na namin 'yung sasakyan. Bumalik lang din ako sa wisyo noong bumusina na siya kaya umangat ang tingin ko. Binuksan niya 'yung window shield at inilabas ang ulo para tawagin kami. "Let's go." Yaya niya na may blankong tingin. What's with that? 

 Tumitig ako sa asul niyang mata, ito rin 'yung mata na nakita ko bago niya kami iniwan ni Lara. "Haley." Tawag ni Kei kaya lumingon ako sa kanya. "Tara." Kinuha niya 'yung kamay ko 'tapos iginiya na ako paloob ng sasakyan. 

 Na sa gitna pa rin ako ng pag-alala ng nakaraan kaya hindi ko naiwasan ang mapahigpit ng hawak sa kamay ni Kei. 

*** 

 UMAANDAR PA rin kami pero wala pa ring tinutukoy ang lalaking iyon kung saan kami pupunta. Wala rin naman sa amin ni Kei ang nagbalak magtanong. 

 "Nagugutom na ba kayo?" Tanong niya. "Gusto n'yo bang kumain muna?" Dugtong pa nito na nginitian ni Kei na nasa tabi niya. Nakaupo siya ro'n sa passenger seat samantalang dito lang ako sa likod. Ayoko rin naman kasi siyang makatabi. 

 

 "Okay lang Dad, bakit? Nagugutom ka na?" Tanong ni Kei na inilingan naman ng lalaking 'yun bilang pagsagot. Sa akin naman inilipat ni Kei 'yung tingin. "Ikaw, Haley?" Tanong niya sa akin. 

 Mas inilingon ko ang ulo ko paharap sa bintana. Naramdaman ko kasi 'yung pagtingin ng lalaking iyon sa akin mula sa rear mirror. And I don't wanna see him. "No, busog pa 'ko." Parang pataray na sagot ko. 

 "Ah, okay." Tugon ni Kei 'tapos ibinalik ulit 'yung tingin sa lalaking iyon. "Dad, hinto ka nga muna sa gas station na 'yan. Magbabanyo lang ako." ani Kei habang nakaturo sa susunod na gas station sa 'di kalayuan. Pasimple ko silang tiningnang pareho. 

 

 Tumango ang lalaking iyon. "Sige." Sagot niya. Nagsalubong ang kilay ko dahil naiinis ako sa paraan ng pagsagot at pag react niya. Parang 'di naman talaga siya masaya ngayon. 

 Inilabas ko 'yung phone ko at tiningnan ang messenger ko kung sa'n puno ng missed call mula sa lalaking ito ang makikita. Ito 'yung araw na tinanong ako ni Kei kung free ba ako ngayong weekend para makasama siya. 

Hindi ko sinagot dahil wala rin naman kaming pwedeng pag-usapan. At ayoko siyang kausapin. 

 Pero ngayon na gusto niyang lumabas kasama kami ni Kei. Bakit wala man lang siyang ipinapakitang reaksiyon? 

 Para sa'n ba talaga 'tong pagsasama naming tatlo ngayon? 

 Itinabi na ang sasakyan malapit sa banyo ng mga babae saka lumabas si Kei dala-dala ang wet wipes niya. Gusto ko sanang sumunod dahil ayoko ring mapag-iwanan kasama itong lalaking ito pero isinara na niya 'yung pinto at nagmamadaling pumasok sa banyo. 

 "Kanina pa ba niya kailangang mag banyo?" Sabay na wika namin ng taong iyon kaya pareho kaming napatingin sa isa't isa pero inilayo rin pagkatapos. 

Namuo ang katahimikan, binasag lang niya iyon para kausapin ako. 

 "Salamat at pumayag kang sumama ngayon kasama ako." aniya na nagparamdam pa sa akin ng inis kumpara kanina. 

 "Shut up. I didn't come just because I like it." I said as I looked away. Kung hindi lang naman dahil kay Kei. Hindi rin naman ako papayag na sumama kasama siya. 

 

 Bumalik na si Kei at ikinabit na 'yung seat belt niya. "Sorry, medyo matagal." 

 "Hindi, tama lang 'yung dating mo." Sagot naman ng lalaking iyon, sa hindi malamang dahilan. Parang gustong tumulo ng luha sa mata ko kaya umalis ako sandali sa sasakyan. 

 "Magbabanyo rin ako sandali." Paalam ko't isinara ang pinto. Kailangan ko munang maghilamos. 

Kei's Point of View 

Sinundan ko ng tingin si Haley na papunta ngayon sa banyo. Mukhang hindi rin naging maganda 'yung sandaling pag-iwan ko sa kanila. 

 

 Lumingon ako kay Dad na wala pa ring reaksiyon na nakaharap ang tingin 'tapos napanguso. "Dad, did you do something to her?" I asked him. But I'm not blaming him or anything. 

 

 Kinamot niya 'yung ulo niya 'tapos mahinang nagbuga ng hininga. "Maybe." Sagot lang niya na animo'y inaamin niya na parang may kasalanan nga siya. 

 Sinimangutan ko siya. "Hindi talaga kayo magkakasundo niyan kung ganyan 'yung ipinapakita mong sagot o reaksiyon. It's like you don't really care at all, although I know that you also have a hard time to express yourself." 

 Lumingon naman siya sa akin para makita ako. "You used to be so sweet and innocent little girl, pero ngayon. Ikaw na 'yung pinagsasabihan ako. Ang laki mo na talaga." At ipinatong pa niya ang kamay niya sa ulo ko na pilit kong nginitian. 

 

 "Stop it, Dad." Nahihiya kong suway pero ginulo lang niya 'yung buhok ko.

 Simula noong kausapin ako ni Dad sa ilang araw na walang malay si Haley sa ospital at ipaliwanag 'yung mga bagay na 'di namin nagawang pag-usapan nooon, gumaan kahit papaano 'yung pakiramdam ko at naging maayos 'yung pakikitungo namin. 

Flash Back 

 SA ROOFTOP ng ospital malapit sa kung nasa'n nakasampay ang mga basang bed sheet. Magkatabi kami ni Dad habang nakabaling ang tingin sa malayo. 

Nakahawak ako sa rails at hinihintay 'yung sasabihin ni Dad dahil gusto rin niya akong makausap. 

 Ngunit lumipas na yata 'yung ilang minuto at hindi pa rin niya ako kinakausap kaya ako na 'yung bumasag sa katahimikan. "Dad, may sasabihin ka ba talaga? Kung wala, sige na. Baka ma-late ka pa sa flight mo, may aasikasuhin ka pa sa trabaho, 'di ba?" Tanong ko. 

 Tumungo siya nang kaunti. "Mamayang gabi pa naman 'yung alis ko." Sagot niya. "Babalik din ako ng one week after magising ng kapatid mo, sa ngayon kailangan ko lang talagang bumalik dahil nagkakagulo rin sa opisina." Sagot niya na hindi ko kaagad inimikan. 

 Tipid ko siyang nginitian. "I'm sure Haley would understand." 

 Nakita ko 'yung paggalaw ng kamay niya. "Kei." Pagatawag ni Dad sa pangalan ko saka niya ibinaba ang kanyang tingin. "The thing is, there's something I really wanted to talk about." 

 Nakabuka lang 'yung bibig ko nang ngitian ko siya ."Kaya nga tayo nandito, Dad." 

 Namula naman siya 'tapos napakamot sa kilay niya. "A-Ah, Oo nga, sabi ko nga." Nauutal niyang wika 'tapos tumikhim. Naging seryoso na rin 'yung mukha niya. "Are you somewhat mad at me?" Tanong niya pero hindi ko rin nasagot. Nagtataka lang ako bakit bigla niyang natanong. 

 

 "Kei, anak." Malakas na tumibok ang puso ko sa pagtawag niya sa akin ng anak. "Lalaksan ko na 'yung loob ko kahit lumipas na 'yung ilang taon at malaki ka na. Alam kong 'di mo ako mapapatawad but I still wanted to apologize for what I had done as a father. Sa mga pagkukulang at pagkakamali ko, I'm sorry. I'm sorry kung ngayon lang kita kinausap ng ganito kung kailan nangyari 'to sa kapatid mo." Paghingi niya ng tawad sa akin at tukoy niya kay Haley.

 "Especially that time when I forced you to have an arranged marriage, na inaakala kong tama lang para sa 'yo." 

 My eyebrows furrowed. "Then why didn't you listen?" Nalulungkot kong tanong. 

 

 "I'm sorry." Paghingi lang niya ng tawad. "Ayoko lang kasi na dumating sa punto na masasaktan ka sa ibang lalaki." Pag-iling niya. "Kilala ko ang anak ng mga Llanes. But I never thought that he would do such things. Nakakatakot isipin na kung hindi dahil sa mga kaibigan mo, baka mas masaktan pa kita, na baka hindi ka maging masaya dahil sa selfish decision ko." Pagbaba niya nang tingin sa akin. 

 This time, nakikita ko na 'yung totoong nararamdaman ni Dad. Nasaktan siya, nalulungkot siya para sa akin. 

 Humarap siya sa akin. "Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa 'yo, dahil wala akong ideya kung pa'no. Kapag titingnan kita, hindi ko magawang tingnan ka ng diretsyo sa mata. Wala akong kwentang ama, eh. Nahihiya ako. Pareho kayo ni Haley na nasaktan ko, imbes na ako 'yung pumo-protekta sa inyo." Lumunok siya nang sariling laway samantalang nakatitig lang ako sa ama ko. 

 Wala akong naiintindihan sa sinasabi niya, lalo na ang nararamdaman niya pero hinawakan ko 'yung kamay niya para tumahan siya't maramdaman niyang hindi iyon ang sapat na rason para ipagtabuyan ko siya o kaya'y hindi siya patawarin. 

 "Dad, hindi ako galit sa 'yo. Masama lang 'yung loob ko dahil sa ginawa mo." Litanya ko 'tapos yumuko kaunti. "I'm not sure. Maybe the reason you're distancing yourself to me for a very long time now because you felt that way-- na wala ka kamong kwenta. But don't you know na hindi nagiging maganda 'yung dulot ng paglayo mo sa 'kin? You hurt me."

 Mas nakita ko 'yung sakit kay Dad nang tingnan ko ulit siya. "But I love you, Dad. There's no way I will stay mad at you." Nangilid ang luha sa mata niya kaya niyakap ko siya. "Just promise that you won't ever do that again. Huwag mong ilayo sarili mo sa 'kin, Dad. Please." Pagpikit ko nang mariin. 

 Naramdaman ko 'yung pagpatak ng luha ni Dad sa ulo ko kaya nanlaki ang mata ko. Akmang lalayo sa kanya para makita siya pero niyakap niya ako nang mahigpit. "I'm sorry, Kei. I'm sorry." Hinalikan niya ang tuktok ng ulo ko. 

 Maraming araw ang nasayang na hindi kami nagkasama ni Dad but now that he's trying to cope up habang nagkukwento sa panahong wala siya sa tabi ko, I realized that he's actually watching from the distance. 

 He knows what I like or what I hate.

 "But you still chose na ipa-arranged marriage ako." Pagtatampo ko kunwari kaya nalungkot nanaman siya. 

 "I'm sorry." Paghingi lang ulit niya nang tawad na nginitian ko 'tapos kumapit sa mga braso niya. 

 "Maaga pa naman kaya 'di ka pa naman siguro aalis, 'di ba? Baka gusto mo 'kong samahang bumili ng pagkain? Ta's doon tayo sa kwarto ni Haley, para may kaunting oras ka rin na makapagpaalam sa kanya." Sambit ko na nagpatitig sa kanya.

 Sa unang pagkakataon, I finally saw his smile without looking away. "Better." 

End of Flash Back 

 And ever since nangyari iyon. Madalas na talaga niya akong kumustahin kapag may free time siya sa trabaho niya. Tuwing gabi naman ay nakikipag video chat siya sa akin with mom beside him. Pero madalas ay siya lang din 'yung makausap ko at nakakakwentuhan ko. 

 

 Siyempre, kasama na ro'n ang pangangamusta niya kay Haley nung nagka-amnesia siya. Nung araw kasi na 'yun, I tried to convinced our father na umuwi rito para kausapin si Haley. At kahit gustuhin man ni Dad, iniisip pa rin niya 'yung nararamdaman ng kapatid ko. 

 Sinabi ni Dad sa akin na kung magpapakita raw siya kay Haley para kausapin ito, parang tine-take advantage lang daw niya 'yung pagkawala ng memorya ni Haley para lang magkasundo sila. Kaya nasabi niya sa akin na hindi muna siya magpapakita hangga't 'di pa bumabalik lahat ng alaala ni Haley. 

 

 Mapapabuntong-hininga ka na lang din talaga minsan sa mga rason ni Dad.

 

 Nakabalik na si Haley mula sa pagbabanyo niya. "Tapos na." Mataray na sabi ni Haley 'tapos humalukipkip. "Sa'n na tayo pupunta?" Tanong niya pero ngumiti lang si Dad. 

 Ngumanga ako pero ngumiti na lang at ibinaling ang tingin lalo na noong paandarin na ni Dad 'yung sasakyan. 

Haley's Point of View 

Rinig ang pagkulog ng kidlat mula sa itaas habang lumalakas ang pag-ihip ng hangin dahilan para magsilipad ang mga ibong nandoon sa puno para manatili. 

Maririnig mo rin sa paligid ang pagbangga ng mga halaman sa isa't isa. 

 Nakatitig lang ako sa pangalan ni Lara sa headstone. Hindi lang ako makapaniwala na dito kami ipupunta ng lalaking iyon. Ano'ng iniisip niya? 

 Naglakad ang lalaking na iyon palapit sa headstone ni Lara 'tapos umupo sa damuhan katabi nito na tila parang gumaan ang kalooban niya dahil sa mabigat na paglabas ng hininga.

 Nagsalubong ang kilay ko. "I don't know what you're thinking, pero bakit dito mo kami dinala?" Mainahon pero nagpipigil sa inis. 

 Wala pa siyang sinasabi samantalang lumapit naman si Kei para tumabi sa akin. 

 Blanko lang ang mukha nung lalaking iyon habang nakatingin sa headstone. Ngunit inilipat din niya sa amin pagkatapos. "Iku-kwento ko 'yung mga nangyari sa nakaraan with your twin sister."

Lesley's Point of View 

 I am currently sitting at the grass looking at my two beautiful daughters as they made their own reaction habang ikinukwento ko na 'yung mga bagay na hindi ko nagawang masabi sa kanila kahit napakarami ng pagkakataon. 

Flash Back 

Nasa opisina ako ng kapatid kong si Mackley para ayusin ang dapat na ayusin, siya ang sumunod na nagmana sa kumpanya ng mga magulang namin ngunit sa kasamaang palad, inatake siya sa puso't nabawian ng buhay. 

Kaya ngayon, nag desisyon ang lahat kasama ang mga nagta-trabaho sa kumpanya na ito na ako na ang magmamana sa business na pinaghirapan ng pamilya namin. Tutal ay dalawa lang kaming anak ng Montilla. 

 Ipinasok ko sa carton ang mga sliding folders na hindi na pwedeng gamitin 'tapos inilapag ito sa malamig na simento. Pagkatapos ay napatingin sa labas ng napakalaking glass wall upang tingnan ang mga ilaw na paunti-unting nagbubukas mula sa mga gusali sa siyudad. 

 Samantalang dito ay nanatiling nakapatay ang mga ilaw. 

 Masama ang loob ko sa magulang ko dahil sa mga ginawa nilang desisyon sa nakaraan, sa halip na ako ang piliin nilang mamuno sa kumpanya dahil ako ang panganay ay si Mackley ang pinili. 

Iniisip ko noon. 

 Ano ba ang mayroon kay Mackley na wala ako dahilan para siya ang piliin? Ginawa ko lahat ng makakaya ko, dugo't pawis ko ang tinaya ko para lang ipakitang karapat-dapat ako. Kaya 'di matanggal sa utak ko kung bakit. 

 Sa totoo lang, ngayong ako na ang mamumuno sa Meng Di Li Ya. Masaya dapat ako pero, 

 …bakit sa ganitong rason pa? Hindi ko 'to masikmura, ayoko 'tong tanggapin. Ayokong mamuno sa kumpanyang 'to kung wala lang choice. Hindi 'to patas, eh. 

 Kinuha ko 'yung picture frame namin ng kapatid kong si Mackley na nakapatong sa dating desk niya. May kanya kanya kami ng posed pero pareho pa rin ng paraan ng pagngiti. Dahil ba kambal kami? O pareho lang kaming masaya sa litratong ito? 

 "You really pissed me off." I said. 

 My twin brother, Mackley. I want to see him sitting on his chair. Gusto ko na marami s'yang inaasikaso para sa kumpanya habang ginugulo ko siya sa trabaho para isuko na niya sa akin 'yung Meng Di Li Ya. Napaka immature ng paraan ko pero ngayong nawala siya, na-realized kong naiinggit lang ako sa kanya. Na gusto ko lang din na I-acknowledge ako ng kapatid ko dahil napakagaling niya. Marami siyang talent, at talagang maaasahan siya ng nakararami. Nababagay lang talaga sa kanya ang mamuno sa kumpanya. 

Pabagsak akong umupo sa swindle chair na inuupuan ni Mackley habang nakaangat ang tingin sa blankong kisame. "Ang dilim…" Paanas kong wika 'tapos hindi namalayan na napaluha na pala ako. 

I clicked my tongue and wiped my tears after a minute para magpatuloy sa dapat kong ayusin. Ngunit may nagbukas bigla ng pinto dahilan para mapatingin ako sa taong pumasok. 

 Nakatungo lang siya habang naglalakad palapit sa akin. Madilim pero nakikilala ko naman kung sino siya. "Jen?" Tawag ko sa pangalan niya saka huminto sa harapan ko. 

 Inangat niya 'yung tingin niya para makita ako. Si Jen 'yung asawa ni Mackley at isa sa mga childhood friend ko. Pilit akong ngumiti. "Kumusta?" Walang kwenta kong tanong. 

 Alam ko namang hindi siya okay pero nagtanong pa rin ako. Sino ba namang hindi masasaktan kung yumao na 'yung taong nagbigay ng kulay sa buhay mo?

Plus, mahirap din para kay Jen na makita ako ngayon lalo na't nakikita niya 'yung mukha ng lalaking mahal niya sa ibang tao.

 Nakatitig lang siya sa mukha ko nang biglang tumulo ang mga luha niya dahilan para mapatayo ako. "Je-Jen--" Mabilis niya akong niyakap. Mahigpit iyon at mas lumakas ang paghikbi. 

 Napatulala na lang ako sa kawalan. Ramdam na ramdam ko 'yung sakit na nararamdaman ni Jen, kung mariringi 'to ni Mackley. Paniguradong malulungkot siya. 

 Niyakap ko pabalik si Jen ng walang ibang sinasabi at hinayaan siyang mag-iiiyak doon. 

 Lumipas din ang ilang minuto noong tumahan siya kaya inilayo ko na siya sa akin. "Gusto mo bang dalhan kita ng tubig?" Tanong ko sa nakatungong si Jen pero hindi siya nagsalita. Marahan ko siyang iniupo sa swindle chair ni Mackley at nginitian siya. "Diyan ka lang muna, kunan kita ng tubig." Wika ko at tumalikod para sana kumuha ng tubig sa dispenser ng hawakan niya ang kamay ko. 

 Lumingon kaagad ako sa kanya na may bahid na gulat sa aking mukha. "Lesley…" Paanas na tawag niya sa pangalan ko pero nagawa ko namang marinig. "Please," Panimula niya. "…make me pregnant." Katagang nagpahinto sa mundo ko. Wala akong ideya sa kung ano ang sasabihin o ire-react ko. 

 

 "Jen…" Tawag ko lang sa pangalan niya. 

"Kahit sa magiging anak ko lang, makita ko siya." Nanginginig na sambit niya at higpit na hinawakan ang kamay ko. "Please, isang pabor lang ito. Pangako, hindi ko ito ipagsasabi lalo na kay Rachelle. Aalis din ako pagkatapos." At muli nanamang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. 

 Hindi ko nagawang pumayag nung una. May asawa ako, at si Rachelle iyon. May plano na nga rin sana kaming magpakasal kaya ayoko ng gumawa ng dahilan para mag-away kami't maghiwalay.

 Ngunit nabigo ako. Sa araw-araw na nakikita kong nahihirapan si Jen habang nakatitig sa litrato ng kapatid ko ay hindi ko maiwasang hindi gumawa ng isang desisyon na alam kong hinding hindi ko pwedeng kalimutan kailanman. 

 Isang napakalaking kasalanan, consequence na kailangang harapin. 

Gagawa kami ng bata at hindi ko pwedeng ipagkaila na anak ko rin iyon. Tatanda ang bata ng hindi kilala ang tunay na ama. At ang higit sa lahat, magtataksil ako sa 

Ngunit kahit alam ko 'yung mga pwedeng mangyari, ginawa ko pa rin ang gusto ni Jen. Nakagawa pa rin ako ng bagay na hindi na pwede pang baguhin. 

***

 MALAKAS NA DUMAPO ang mga palad sa pisngi ko matapos makita ni Rachelle ang E-mail ni Jen sa akin tungkol kay Kei na hinahanap pala ako. 

Ilang taon din bago ko buntisin si Jen dahil sa hiningi niyang pabor pero kahit na ano pang rason iyon ay hindi ko magawang 'di magpakita sa anak ko-- si Kei.

 Madalas kong idahilan sa anak kong iyon na nasa trabaho lang ako kaya hindi ako makauwi sa bahay para makasama siya. Pero ang totoo, umuuwi ako sa totoo kong tahanan. 

 Alam ko, alam kong napakasama ng loob ni Kei dahil 'di niya ako magawang makita o makasama ng matagal. Gusto kong yakapin ang anak ko, gusto ko siyang makita pero hindi ko magawa. Duwag ako, eh. 

 Napakasama ko pang ama. Wala akong kwenta. 

"How dare you?!" Lukot na lukot ang mukha ni Rachelle at sobrang higpit ang pagkakayukom ng kanyang kamao. Nakalingon pa rin ang ulo ko sa kaliwang direksiyon. 

 Mas ramdam ko 'yung sakit sa dibdib ko kaysa sa pisngi kong sinampal niya. 

Wala akong karapatang magpaliwanag dahil una pa lang. Pinili ko 'to, kasalanan kong nangyayari 'to sa amin ngayon. "Kailan pa?" panimulang tanong niya na iniwasan ko ng tingin. 

"Matagal na." Nanghihina kong sagot kasabay ang pagkuyom ko ng kamao. 

 Kumuha siya nang maraming hangin at tila parang nagpipigil na mapaluha. "Matagal na..." pag-uulit niya sa sinabi ko. "Ayoko na 'tong pahabain pa, Lesley..." Ibinaling ko na ang tingin ko sa kanya habang nangingilid na ang mga luha sa aking mata. "Dito pa lang, tapusin na natin kung ano ang mayro'n tayo." 

 Hindi ko na napigilan ang mapaluha. Kusa na lang din akong napaluhod sa harapan niya. "Please, no. Huwag lang 'yan." Nanginginig kong pagmamakaawa at hinawakan ang mga kamay niya. "Rachelle, mahal na mahal kita. Please, let me explain." 

Umiling siya at dahan-dahang inalis ang nakahawak kong kamay. "Kahit na ano pa ang rason mo, Lesley. You betrayed me. You cheated on me." 

 Bumagsak lalo ang mga luha ko. "Rachelle… Listen, please listen." Pagmamakaawa ko pa habang pilit na hinahawakan 'yung mga kamay niya na inilalayo lang din niya sa akin. 

 Ipinapakita niya 'yung tapang niya pero makikita mo sa mga mata niya ang pait, lungkot, at sakit. "We've known each other for a long time, Lesley. Alam kong may rason ka about this, pero ayokong lumaki ang bata na walang ama." Tukoy niya kay Kei. 

 "No, wai--" 

 "Don't worry about the twins, Haley and Lara are stronger than what you think. I know maiintindihan nila ang sitwasyon balang araw." Kalmadong litanya ni Rachelle ngunit bakas ang pagpipigil ng galit. 

 "Rachelle, huwag mo naman 'tong gawin sa akin, oh? Mahal ko kayo ng anak natin." Humihikbi kong sabi. 

 Hindi na rin napigilan ni Rachelle ang mapaluha at marahas na tinabig ang kamay ko na patuloy pa rin sa pag-abot ng kanyang kamay. 

"Kung totoong mahal mo 'ko, una pa lang. Hindi mo na 'to ginawa sa 'min ng anak mo." 

 Noong nalaman kong nabuntis na si Jen, apat na buwan bago rin sabihin sa akin ni Rachelle na buntis siya sa kambal kong si Haley at Lara. 

 "Rachelle..." Muli kong tawag sa pangalan niya nang walang tigil sa pagbuhos ng luha sa aking mata.

 Huminga siya nang malalim. "Umalis ka na." Udyok niya at pilit na pinapatigil ang kanyang pag-iyak. Pinupunasan niya 'yung basa sa kanyang pisngi. 

 Nag-alanganin ako pero bigla niya binanggit ang buong pangalan ko. "Lesley Drake Montilla. UMALIS ka na!" She exclaimed.

Kapag tinawag na ni Rachelle ang buong pangalan mo. Ibig sabihin ay seryoso siya sa sinasabi niya't nakapag desisyon na siya. 

 Wala akong ibang nagawa kundi ang tumayo at umalis sa kwarto, iniwan siyang umiiyak na mag-isa. Lumabas ako sa mismong mansion at naabutan ang dalawa kong kambal na nagkukulitan, kung iisipin ko na mawawala ako sa tabi nila, ang sakit. 

Lalo na't lalaki sila na may galit sa akin. 

 Sandali ko silang tiningnan na masayang bumubungisngis. Ta's noong pakiramdam kong liligon sila sa akin ay nagpatuloy ako sa paglalakad. "Where are you going, Pa?" Tanong ni Haley sa akin. 

 Hindi ako sumagot pero nagawa kong pasadahan siya ng tingin. Nanlalabo ang tingin ko, mukhang iiyak nanaman ako kaya bibilisan ko na 'tong paglalakad ko. 

 Tinatawag ako ni Haley pero hindi na ako lumingon para magpaalam sa kanila. Subalit habang papalabas ako ng gate. Sandali kong nilingunan si Lara na malungkot pero ngiting nakatingin sa akin habang papaalis ako sa tahanan na iyon. 

 "Bye, Pa." Basa ko sa paggalaw ng bibig ni Lara, na hindi ko inaasahan na iyon din pala ang huli na makikita ko siya. 

End of Flash Back 

 Yumuko na ako nang makatapos ako sa pagku-kwento. Napailing na lang din ako habang inaalala 'yung mga nakaraan. "Saying sorry to the both of you is not enough. Wala akong pwedeng gawin sa mga nangyari dahil nagawa ko na. Now it's up to you guys. Whether you hate me or no--" 

 

 "You're indeed an annoying old man." Pagputol ni Haley sa sasabihin ko kaya umangat ang tingin ko. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa damo. "Hindi ko alam kung maaawa ba ako o magagalit sa mga pinagsasasabi mo. But if that situation didn't happen. I don't think makikilala ko si Kei ngayon." 

 Napatingin si Kei sa kapatid niya. "At kahit na ano pa ang rason na mayro'n ka. It's a blessing." ani Haley na nagpaawang sa aking bibig. 

 Ngumiti naman si Kei 'tapos ibinaling ang tingin sa akin. "Thank you for telling us the truth, Dad." 

 "You're not mad…?" Marahan kong tanong kay Kei. 

 She hummed. "I'd be lying if I said na hindi masakit sa part ko. Pero kahit na hininging pabor lang ni Mom ang pagbubuntis niya sa akin. Minahal mo pa rin ako bilang anak mo. And that is already enough for me to forgive you." 

 Napuno ng saya ang dibdib ko kaya nagtakip ako ng bibig. "I don't know what to say, but you easily forgive those people around you, Kei." 

 Binigyan ako ng walang ganang tingin ni Kei. "Dad, sabihin mo lang sa akin kung ayaw mong patawarin kita." 

 "I-It's not like that!" Natataranta kong wika 'tapos humawak sa aking batok. "Hindi ko lang talaga alam kung ano 'yung sasabihin ko pero masaya ako dahil pinatawad n'yo ako sa mga ginawa ko." 

 "Wala akong sinasabi na pinapatawad na kita." Balewalang sabi ni Haley na may blankong ekspresiyon kaya napatingin ako sa kanya. 

 "S-Seriously?" Kinakabahan kong tanong pero binelatan lang niya ako. 

 "Joke." Bawi naman niya kaya naglabas ako ng hininga. Ngunit laking gulat ko noong pareho silang yumakap sa akin. Hindi kaagad ako nakagalaw pero napuno ng halo-halong emosyon ang puso ko. 

 Ta's ang sunod na lang na nangyari ay sunod-sunod na ang pagbagsak ng mga luha ko. 

 "You can't reach the future if you won't let go of the past." Panimula ni Kei. 

 "But don't ever forget those hurtful memories that brought you here." Dugtong ni Haley. 

 "Dad/Pa." Simpleng tawag ng dalawa na nagpabagsak sa mga luhang gustong-gusto kong ilabas mula noon. 

 Niyakap ko silang pareho't hinalikan sila sa kanilang mga ulo. "Mahal ko kayo, mahal na mahal ko kayo anak." 

Haley's Point of View 

 Nakasimangot akong nakatingin sa ama kong blanko pa ring nakatingin sa akin lalo pa't babalik na nga ulit siya sa California para sa trabaho niya. 

 "Grabe, dalawang araw ka lang dito? Hindi ba't ikaw 'yung boss? Ba't parang employee ka lang at hindi ka makapag leave ng matagal?" Sunod-sunod kong daing. 

 Siniko ako ni Kei. "Haley." Mahinang sita niya sa akin. 

 

 "Wala kasing pwedeng um-attend sa meetings at mag discuss sa mga projects kundi ako lang. Pero kung tutulungan ako ni Kei…" Unti-unti niyang tiningnan si Kei na nasa tabi ko pero humalukipkip lamang siya't tumagilid kay Papa. 

 "Ayoko. Napag-usapan nating si Reed 'yung magmamana ng Meng Di Li Ya at hindi ako. May iba pang future para sa akin." Kahit hindi ko nakikita 'yung mukha ni Kei, pakiramdam kong nakanguso na siya. 

 "B-Bakit si Reed?" Tanong ko. 

 

 "Part na siya ng Montilla, eh." Parang balewala na sagot ni Kei nang lingunin ako. "Remember? Only child lang 'yung mga magulang niya kaya walang pwedeng magkupkop sa kanya na kamag-anak. 'Yung lola't lolo naman niya, wala na rin." 

 Pinagpawisan naman ako. 

 Edi para na nga talaga silang magkapatid ni Kei? At magkapatid kami ni Kei by half, so ibig bang sabihin niyan ay magkapatid na rin kami ni Reed? Taboo ba ang tawag dito? 

 'Di pwede! 

 

 "I see, gusto mo rin pala si Reed?" Sambit ni Papa nang hindi gumagawa ng kahit na anong reaksiyon. "Huwag kang mag-alala. Evans pa rin naman ang apilyedo niya kaya wala ka ring law na ilalabag kung magpapakasal kayong dala--" 

 "I-It's not like I love him or anything! I'm just asking anyway!" Pagde-deny ko. 

 Humarap si Kei sa akin 'tapos nginisihan ako. "Too easy to read." 

 

 Sumabog ako sa kahihiyan. 

 Nag announce naman bigla 'yung flight number na susunod na mag de-departure kaya napatingin na kami kay Papa na nakaangat ang tingin doon sa airline service screen. 

 Ibinaba niya 'yung tingin sa aming pareho. "Mukhang sa susunod na lang ulit?" Patanong niyang sabi kaya nagpameywang ako. 

 "Dapat lang 'no. Pero sa susunod sana na uuwi ka rito. Matagal-tagal na." 

demand ko. 

 Tumawa si Kei. "Gano'n talaga kapag nabitin na makasama ka, Dad." Pang-aasar niya kaya namula ako. 

 "Ano ba, Kei!" Asar na sabi ko pero tinawanan lang din niya ako. 

 Lumapit naman si Papa sa amin 'tapos niyakap kaming pareho. Hinalikan niya ang mga ulo namin. "Pangako, sa susunod. Mas matagal na." Ngiti niyang sabi nang makalayo sa amin. 

 Tumango si Kei 'tapos hinalikan sa pisngi si Papa. "Do your best, Dad." 

 Inilayo ko naman ang tingin. There's no way I'm going to kiss him. "S-Sabi mo, eh." Hiya kong tugon pero ginulo niya ang buhok ko 'tapos kinuha na ang kanyang maleta para maglakad paalis.. 

 Kumaway na siya at paunti-unting nakakalayo habang nawawala na ang kanyang imahe. Nanatili lang kami ni Kei sa pwesto namin 'tapos napatingin sa isa't isa. 

 "I love you." Biglang sabi ni Kei kaya binigyan ko siya ng walang ganang tingin. 

 "A-Ano naman ang trip mo, Kei?" Nauutal kong tanong 'tapos tumalikod sa kanya. "Tara na lang, baka naghihintay na si Reed sa labas--" Kumapit siya sa kaliwang braso ko. 

 "Hindi ba't mas matanda ako sa 'yo? Ate dapat ang itawag mo sa akin." Nguso niyang sambit kaya napatingin ako sa kanya. 

 "You're crazy. Ayoko, ilang buwan lang naman ang tanda mo sa aki-- Oy! Tigilan mo 'yan!" Inilalapit kasi niya sa akin 'yung nguso niya para asarin ako.

 ��Call me ate muna." Pangungulit niya sa akin pero tumakbo na ako palayo sa kanya nang makabalik na ako sa sasakyan ni Reed. 

 Natawa na lang din ako dahil sa ginagawa niyang reaksiyon.

 Our paths may change as life goes along, but the bonds we made as sisters will remain strong.