webnovel

Chapter 6.

Then the other day came another hurtful words at mga bagong pagsubok na paulit ulit ko lang ulit lagpasan.

Habang naglalakad ako sa corridor may kumalabit sa akin kaya lumingon ako sa likod pero pag tingin ko wala naman hayyss mga tao nanaman na walang magawa sa buhay nila.

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang may biglang kumalabit nanaman sa likod ko.

Arrrgghh!!

Tumingin ako sa likod ko pero wala parin akong nakikita kung sino iyon.

Hangang sa may biglang sumigaw sa likod ko na kung sino  at pigtingin ay si Kein lang pala

Pinagpapapalo ko siya dahil sa kabaliwan niya.

"Hey hey chill hahaha chill ka lang." at tinigilan ko na nga siya pag papapaluin.

"Ano ba kasing trip mo at bigla bigla ka nalang nanggugulat?! May bala ka atang patayin ako sa gulat e?!" sigaw ko sa kaniya.

"Hahaha ok im sorry nakita kasi kita na padaan kaya nag decide ako na gulatin ka hahahha" sagot naman niya habang tumatawa at nakangiti.

Myghad ang gwapo talaga niya hindi iyon maipagkakaila.

Pagkatapos ng eksenang yun ay naglakad kami ng sabay papunta sa room ko. Nagtataka ko siyang tiningnan nang pumasok siya sa classroom ko.

"Ba't ka papasok diyan?" tanong ko sa kaniya na nakataas ang kilay

"Bakit? Masama ba pumasok sa classroom NATIN?"

"Huh?"

"Magkaklase tayo grrr" sabi niya sabay inunahan ako pumasok sa room.

Diko napansin na kakalase ko pala siya hayyss pano ko nga ba mapapansin e no body lang naman kami sa isa's isa before katulad ng iba

Im glad na kahit isa sa mga kaklase ko may kakilala ako good thing na din.

Nag start na ang klase ng dumating ang profesor namin at nagsimula na mag discuss.

Nang matapos siyang magsalita ng 1 oras ay tumunog nadin ang bell hudyat na ng lunch at hudyat na din ng hell sa buhay ko hayysss...

Lumabas na ang iba kong mga kaklase. Habang ako ay nag aayos padin ng mga gamit.

Nagulat ako nang may biglang tumigil sa harapan ko kaya tumingala ako at nakita ko nga po ang Mukha ni Klein.

"Ohh ba't ka nandito?" tanong ko sa kaniya at as usual nakataas nanaman ang kilay ko.

"Hinihintay ka obvious ba?"

"No need" sakto naman na tapos na ko sa pagliligpit kaya umalis na ko.

Hindi naman sa nagiging mean ako sa kaniya pero ayoko lang magka issue sabihin pag nila ang pangit ko na nga lumalandi pa ko.

Aminin ko may o hindi oo may pakealam ako sa sasabihin ng iba tungkol sakin.

Narinig ko pa siyang tinawag ang pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon pa.

Dumiretso ako sa Cr at pagkapasok ko ay nandun ang grupo nina Sheena.

Dumiretso na agad ako sa isang cubicle at dun umupo.

Narinig ko sila na pinag uusapan ako pero di ko nalang pinansin.

Lalabas na sana ako ng cubicle nang may biglang bumagsak sa ulo ko tinanggal ko yun at nakita ko an basurahan pala iyon!

Lumabas ako ng cubicle at nakikitang tumatawa sila Sheena kaya di na ko nakapag timpi ibinato ko sa mukha niya yung basurahan na siyang kinainis niya.

Pero bago niya pag may ako magantihan uli ay tumakbo na ko.

"YOU B*TCH!!!"

Sigaw niya pag hahaha i bet mukha na siyang aswang dun.

Dumiretso ako sa canteen at umorder ng burger at orange juice.

1O mins. Later

Natapos ko na yung burger ko at kasalukuyang inuubos ang juice ko ng biglang may nagbuhos sakin nito pag angat ko ng ulo ko nakita ko si Sheena na pulang pula ang mukha at mukhang galit na galit.

Nakita ko na padapo na ang kamay niya sa pisngi ko kaya pumikit nalang ako.

Hinihintay ko ang sakit pero wala akong naramdaman kaya naman dumilat ako at may nakita ako na lalaki na nakatayo sa harap ko.

Gulat na gulat ang mukha ni sheena na siyang ipinagtaka ko kung sino ang  sumalag ng kamay niya.

Nakatalikod siya kaya hindi ko makita kung sino yun...

-----------------------Next-----------------------------