webnovel

Throne Ring [battle of two kingdom]

Ring for god, book for darkness, power for man, throne for king. Singsing para sa mga diyos at libro para sa kadiliman at kapangyarihan para sa kalalakihan,trono para sa hari. Bawat lahi ay may mga tungkolin na kailangang gampanan sa nuhrim eartin at bawat hari ay may karapatang pamunuan ang kanyang masasakop. Ang singsing ng mga diyos ay pipili ng karapat-dapat na magiging hari ng white mountain, ang singsing ang magsasabi kung sino ang itinakdang mauupo sa gintong trono ng mga elves. Written by Chris servano

iamkuyachris12 · แฟนตาซี
เรตติ้งไม่พอ
49 Chs

Chapter 10

Nagpalinga-linga ang hari at naglakad pabalik sa kanyang trono. Tinawag nito ang isa sa nakabantay nyang kawal sa kanyang harapan.

"Ihanda ang lahat ng mga mandirigma at tayo'y tutungo sa tarzanaria!"

"Masusunod kamahalan!"

Labis na natuwa si tamberow laurhim sa pahayag ng hari, isang malaking tulong ang kanyang pagpayag para labanan ang kawal ni lord teraiziter.

"Ang tubig! Maibibigay ba ito ng tarzanaria?"

Tanong ni haring vinner sa matandang salamangkero, noon pa man hangarin na ng mga dwarves ang magkaroon ng malinis na tubig. Ngunit binigo sila ni lord airin enirin na maibigay ito.

"Ang tarzanaria ay sagana sa tubig kaya't natitiyak kong maibibigay nito ang inyong kailangan!"

"Mabuti! kung gano'n umalis na tayo!"

Paglabas ng dalawa sa palasyo bumungad kay tamberow laurhim ang libu-libong mga dwarves na nakaabang sa labas. Nakasuot ng matibay na baloti at may mga matitibay na espada na gawa sa pilak.

Ang kanilang pinunong si haring vinner gair ay nababalotan ng matibay na bakal na likha sa bato at pilak. May hawak itong sibat at makikitang may korteng araw ang kanyang koronang nakapatong sa ulo, simbulo umano ng pag-asa.

Naglakbay ang mga mandirigma ni haring vinner gair patungo sa tarzanaria habang si tamberow laurhim ay nagpaiwan dahil may pupuntahan pa ito. Kasama ni tamberow laurhim ang hukbo ng white counsel.

"Salamangkero!saan tayo pupunta?" Saad ng isang kawal sa matandang salamangkero na abalang pinagmamasdan ang malawak na kabundukan ng toretirim.

"May pupuntahan tayong kaibigan! Pupunta tayo ngayon sa kaharian ni haring hruen sturin ng sagador"

"Ang abandunadong lupain ni haring hruen sturin ? Hindi ba't wala na ang kahariang iyon? Matagal ng nawasak?"

"Oo alam ko! Pero masama ang kutob ko sa nagaganap doon! Bilisan na natin!"

Mabilis na pinatakbo ni tamberow laurhim ang kanyang kabayo gano'n din ang mga mandirigma ng white counsel. Aabutin sila ng walong araw na paglalakbay bago marating ang gubat ng miailer, papasok sa kaharian ni haring hruen sturin.

Matagal ng nakalimutan ang sagador dahil sa digmaang naganap noon. Ang sagador ang kahariang nagtatago sa matatayog na puno ng miailer at isa sila sa may mahuhusay na mamamanday ng sandata na noo'y kinakatakutan ng mga kalalaban.

Bumungad kay tamberow laurhim ang lumang kastilyo ng sagador at makikitang ang dalawang tore na lamang ang nakalitaw.

"Sagador kaharian ni haring hruen sturin!"

May masamang kutob si tamberow laurhim sa lumang kastilyo. Pinabalik ni tamberow laurhim ang mga mandirigma ng white counsel.

"Bumalik na kayo sa tarzanaria ako na ang bahala dito!"

"Masusunod!"

Naiwan ang anim na kawal ng white counsel upang samahan si tamberow laurhim. Tinungo nila ang palasyo upang alamin ang nagaganap dito.

"Alam nyo ba naninirahan sa palasyo ni haring hruen sturin ang mga halimaw na nagbibigay bangungot sa lahat ng nilalang dito?"

"Ang mga narcan? (Batibat)"

"Tama! sila ang dahilan kung bakit nagkaganito ang sagador!"

Sila ang mga nagbibigay bangungot sa lahat ng nilalang, tinatawag silang narcan. Hindi mo nanaising makita ang kanilang wangis dahil nakakakilabot itong pagmasdan.

Sa ibang mga k'wento sinasabing gawa sila sa putik ngunit ang totoo gawa sila sa mga patay. Ang sagador ay kanilang ginawang tirahan mula nang ito'y kanilang sakupin.

Binigyan nila ng masamang bangungot ang haring hruen sturin at doon nagsimula ang pagkawala sa sarili ng hari. Ang kanilang pananatili sa sagador ay naging bangungot sa lahat ng mamamayan nito.

Iniwan ng mamamayan ng sagador ang kanilang lupain at nagtungo sa tarzanaria mountain at doon naninirahan bilang isang ordinaryong mamamayan. Ang sagador at ang bundok ng miailer ay tuloyan ng kinalimutan.

"Humanda kayo! Ang mga narcan ay takot sa liwanag kaya't sindihan nyo ang mga dala nyong tela at itali sa sibat! Gawing ilaw na magsisilbing liwanag"

Malawak ang palasyo at nababalot ito ng malalaking ugat ng kahoy. Nakakatakot ang loob ng kastilyo ni haring hruen sturin.

-BATTLE OF TWO KINGDOM-