webnovel

THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel)

SI NERD - isang unpopular, weird, chaka pero matalino. Yun nga lang, madalas siyang binubully ng mga kapwa niya estudyante dahil sa pagiging nerd niya. But still, she's lucky for having her friends that always saves her day. SI HEARTTHROB - sikat, guwapo, mayaman, habulin ng mga babae, star player pero hindi masyadong matalino. In short, nasa kanya na ang lahat. But still, he's waiting for a girl he loves for many years. Ngunit paano na lang kung malaman nilang pareho ang sikreto ng bawat isa? Is there a complication between them? O mabubuo kayang pagtitinginan?

JhaeAnn_16 · วัยรุ่น
Not enough ratings
81 Chs

CHAPTER TWELVE

(Kensington High School, after one week)

(Kath Rence's POV)

"KATH, DALIAN mo nang magbihis dyan at hinihintay ka pa ni Satchel." ang sabi ni Mommy sa akin. Bihis na ako at inaayos ko na lang ang mga gamit ko.

"Andyan na po Ma!" at patakbo na akong lumabas ng kwarto and as usual, nakita ko ang shining in armour ko na si Satchel na may bitbit na bulaklak at halos tumirik na ang mga mata niya sa kakatitig sa akin...

"Satchel, nainip ka ba?"

"Hindi naman. Medyo nakaka-enjoy kasing kausap si Tita Czarina." and he smiled at me.

"Halika na, pasok na tayo. Ah, nakalimutan ko nga pala, flowers for you." at ibinigay niya ang bulaklak na dala niya sa akin.

"Salamat." and I smiled. "Halika na, baka ma-late pa tayo sa school." at humalik na kami sa pisngi ni Mama bago kami tuluyang lumabas ni Satchel sa bahay. At katulad ng kinagawian ay dala niya ang bag ko at pinapasakay niya ako sa front seat ng kotse niya.

Oo nga pala, one week nang nanliligaw sa akin si Satchel pero naguguluhan pa rin ako kung sasagutin ko ba siya o hindi. Ayoko namang masaktan siya kaya naman pinagbibigyan ko na lang siya.

(Kensington High School)

(Kath Rence's POV)

NAKARATING NA kami sa school at sabay na rin kaming pumasok sa classroom namin. Noong nasa classroom na kami ay kaagad na nagpaalam si Satchel dahil may tryout ang basketball team sa gym.

Pagpasok ko sa classroom ay sinalubong ako nina Rhian at Yhannie.

"Good morning bessy! Uy, tama ba ako ng nakita kanina? Nagsabay kayo ni Sachi sa pagpasok dito sa room." sabi ni Yhannie.

"Bessy Kit-kat, umamin ka nga sa amin, kayo na ni Sachi noh! Waaahhh! Sa wakas, may boyfriend ka na rin! Wahahahahaha!" at nagtatatalon si Rhian sa tuwa.

Haay naku Rhian at Yhannie, kung alam nyo lang ang mga nangyayari ngayon sa akin. 

"No Rhie. He's still courting me."

"What! He courting you?!!" - Rhian

"Sssh! Will you lower down you voice?" saway ko sa kanya.

"Woah. Just woah." Rhian said. "Pero in fairness, bagay kayong dalawa."

"Oo na. Tama na yang hula mo."

"Since pumayag ka nang manligaw siya sayo, kailan mo siya sasagutin?" tanong ni Yhannie.

"Ewan ko. Hindi ko alam."

"Whaaattt!" sabay hila ni Rhian sa kwelyo ng uniform ko. "Baliw ka ba? Wag mo nang palalampasin pa ang pagkakataong ito! Remember, sa dami ba naman ng mga babaing nagkakandarapa sa kanya, swerteng sayo siya nadapa at na-in-love! It's your chance na bessy!"

Natigil kami sa pag-uusap nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko. Tinignan ko iyon. 

- 1 unread message from Sachi Cute -

Binasa ko yung text message mula kay Satchel.

"Patingin!" at inagaw ni Yhannie ang cellphone ko at binasa niya ang text ni Satchel.

FROM SACHI CUTE: HI PRINCESS KATY, PLEASE WATCH THE TRYOUT. HIHINTAYIN KITA DOON KATY. I LOVE YOU.

"Ayiie! Ang sweet naman! Princess Katy pala ah! Uuuyy!" kantyaw nilang dalawa sa akin.

"Ano ba mga bessy, tantanan nyo na nga ako. Nasaan na ba yung boyfriend mo Yhannie? Layuan mo na nga ako't yun na lang guluhin mo." pabirong pagtataboy ko sa kanila pero biglang sumimangot si Yhannie at Rhian.

"Boyfriend ko? Hindi mo ba nabalitaan sa TV?" paingos na sabi ni Yhannie.

"Eh? Sa TV? Bakit, wag mong sabihing nag-audition sa Mr. Pogi sa Eat Bulaga yung boyfriend mo?!"

"Hindi. Ibig kong sabihin, kung hindi mo nakita sa news. Patay na eh." - Rhian.

Natigilan naman ako sa sinabi ni Rhian. "ANO?! TOTOO BA YUN YHANNIE?!"

"Oo patay na. Kinatay ko sila ng manok niyang kabit na si Heidi Sandborn. Inilagay ko sila sa kumukulong tubig, tinanggalan ng balahibo, ginisa sa mainit na mantika at ipinakain ko sila kina Padre Damaso, Padre Sibyla maging kay Don Juan Crisostomo Ibarra! At ang mga lamang loob nila, itinapon ko na sa Scarborough Shoal!" Yhannie said angrily.

"What?! Si Heidi Sandborn na naman?!" gulat na sabi ko sa kanila.

"Oo. Yung haliparot na yun na nang-agaw sa boyfriend ni Khendra ang ngayon nama'y nang-agaw sa boyfriend ni Yhannie." sabi ni Rhian.

"Yhannie...totoo?!" shocked na tanong ko sa kanya.

"Eh ano pa ba?! Wag na nga nating pag-usapan ang panget na lalaking yun! Hiniwalayan ko na siya noong isang araw pa kaya magsama na sila ni Sisa! Move on na ako sa kanya, akala mo kung sinong guwapo! Kainis!" 

Iyan ang bestfriend naming si Yhannie, kapag tungkol na sa mga heartbreaks ang pinag-uusapan, kakaiba siyang maglabas ng sama ng loob niya. Idinadaan niya ang galit niya sa kataku-takot na panlalait o 'di kaya sa pagkain kaya 'di na kataka-taka kung bakit patuloy siyang nadadagdagan ng bilbil (hehe...wag maingay...)

(Basketball Gym/Autumn Park)

(Kath Rence's POV)

MAG-ISA LANG akong pumunta sa gym since may practice pa sa cheering squad si Yhannie. Bagama't gusto kong maupo sa may bandang hindi ako makikita ni Satchel ay nakita niya ako at pinaupo kaagad sa players seat. Mula sa players seat ay dinig na dinig ko ang usapan ng mga estudyante tungkol sa akin.

"Oh my gosh, bakit sa dami pa ng pwedeng ligawan ni Prince Satchel ay yang panget pang yan?!" - Girl 1.

"Bakit ba laging sweet si Prince Satchel sa kanya?!" - Girl 2.

"Ano ba talagang meron, hindi ko ma-gets!" - Girl 3.

"This is so annoying!" - Girl 4.

Sige. Sabihin nyo na kung ano ang gusto ninyong sabihin sa akin, hindi naman ako mamamatay sa mga walang kwentang mga pinagsasasabi ninyo eh.

"Katy, excited ka na ba mamaya?" at inakbayan ako ni Satchel. Ako naman ay medyo naiilang sa ginagawa niya.

"Sachi wag dito. Ang daming tao." ang saway ko sa kanya pero mas hinigpitan pa niya ang akbay niya sa akin at ang resulta, nauwi na iyon sa isang yakap.

"Pabayaan mo lang sila Katy, inggit lang yang mga yan." Humarap siya sa akin at tinitigan ako ng maigi. "I love you Katy."

Hinawakan ko lang ang mukha niya, pero sa loob ko ay si Jack pa rin ang hinahanap ko. Haist! Bakit pa kasi pinag-iiisip ko pa ang lalaking yun! Kailan ba ako makaka-move on sa kanya?!

Noong umalis ako sandali para pumunta sa restroom ay hindi ko sinasadyang makita si Jack at Khendra...na naghahalikan.

Hindi ko alam kung ano na naman ang gagawin ko, ang pakiramdam ko na lang ay muli na namang tinablan ng matinding kirot ang puso ko...

Dahil sa mga nakita ko ay nag-walk out ako palabas ng restroom habang tumutulo na naman ang luha sa mga mata ko. Imbis na binalikan ko si Satchel sa gym ay pumunta ako sa Autumn Park kung saan hindi ako masusundan ni Satchel o kahit nina Rhian at doon ko inilabas ang sama ng loob ko.

Napakatanga ko talaga. Bakit ko pa minahal si Jack...gayong obvious namang may mahal siyang iba...

Kung nalaman ko lang kaagad iyon bago pa ako nag-ilusyon sa kanya, siguro'y hindi na ako mahihirapan pa ng ganito.

Ang sakit talaga.

Haay, napaka-hopia ko talaga.

"Katy..."

Lumingon ako at nakita ko si Satchel na agad akong nilapitan at niyakap. Ako naman ay lalong napaiyak dahil hindi lang ako ang nasasaktan sa mga sandaling ito...kundi pati na rin siya dahil patuloy ko siyang sinasaktan at pinapaasa sa wala.

"Satchel." at lalo akong napaiyak nang makita kong umiiyak na naman siya...katulad ng pag-iyak niya nung nagtatapat siya sa akin.

"Tama na. Tahan na." and he hugged me. "Kung ako na lang sana ang inibig mo, hindi ka na sana masasaktan ng ganito. Hindi ka na sana iiyak ng ganito. Please...ako na lang ang mahalin mo."

Hindi ko maiwasang maawa para kay Satchel. Ba't pa kasi ako nahulog kay Jack gayong may nagmamahal naman pala sa akin, si Satchel. Ang hopia ko talaga! Sobra!

"S-Satchel...s-sorry ha. Ayoko namang paasahin ka eh...tsaka ayokong masaktan ka. Pero alam kong kapag nilayuan kita, baka hindi mo naman matanggap. Please, tulungan mo akong makalimutan siya. At tutulungan ko ang sarili kong...mahalin ka."

"Salamat Katy." at niyakap niya ako ng mahigpit. Ramdam ko sa yakap na yun kung gaano niya kamahal ang isang tangang katulad ko.

"K-kaya nga...s-sinasagot na kita. Pumapayag na akong maging...g-girlfriend mo."

Ganun na lang katindi ang galak niya nang sabihin ko sa kanya ang bagay na yun.

"R-Really?! P-pumapayag ka na?! Yes!" and he hugged me again. "Salamat Katy! Maraming salamat! Sa wakas, natupad na rin ang pangarap ko...na maging tayong dalawa. Pangako, magiging masaya ka sa akin. Aalagaan kita, mamahalin kita, ibibigay ko ang lahat ng gusto mo at hinding-hindi kita sasaktan. I love you Katy." and he kissed me on my lips.

Hindi pa talaga ako handang sagutin si Satchel pero dahil ayoko nang umasa at masaktan pa nang dahil kay Jack...ay napilitan na akong buksan ang puso ko para sa kanya.

Sana lang ay hindi ako magkamali ng naging desisyon ko.

At sana'y wala nang masaktan pa sa mga katangahan ko...at magiging katangahan ko pa sa mga susunod.

(Satchel's POV)

Pagkatapos ng tryout namin ay nagpalit lang ako sandali ng damit at kumain kami ng girlfriend ko sa cafeteria.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa classroom. Nakaakbay ako sa kanya at siya naman ay masayang daldal ng daldal tungkol sa kung anu-ano. Di ko na makakaila pa sa sarili ko na mahal na mahal ko talaga siya at lahat ay gagawin ko, maging masaya lang siya.