(Kensington High School, next day)
(Kath Rence's POV)
PAPUNTA NA sana ako sa locker ko nang masalubong ko si Ma'am Nicdao.
"Hi Kath Rence!"
"Hello po Ma'am. Bakit po?"
"May good news pala ako sayo."
"Ano po yun?"
"Ikaw ang magiging representative ng section natin sa upcoming Miss Campus Princess. How great right? Excited na ako."
Ako? Ahaha. Pwera biro Ma'am.
"P-pero Ma'am..."
"No buts Kath Rence."
"Hindi pa naman ako pumapayag Ma'am! Tsaka hindi ako mananalo sa contest na yan! Si Yhannie na lang po ang pasalihin ninyo at wag na ako. Please Ma'am...don't do this to me..." pakiusap ko sa kanila.
"Yes, hindi ka nga pumapayag. Pero hindi na pwede pang sumali si Yhannie dahil siya ang nanalo last year. Tsaka naisulat na kita sa listahan kaya wala na tayong magagawa."
"Ma'am naman eh!"
Tinitigan ako ng masama ni Ma'am.
Waah! Sapilitan talaga?!
Hindi pwede! Ayoko!
Bago pa ako makapagsalita ay nakita kong naglaho na si Ma'am sa paningin ko.
Ang unfair talaga!
Pero kapag umangal naman ako, tiyak na tanggal ako sa honor roll. Ayoko namang mangyari yun noh!
Waah! Tell me, paano ako sasali sa isang BEAUTY PAGEANT, gayong sa Miss Barangay pa lang ay hinding-hindi na papasa ang itsura ko! Huhubels.
Bumalik na lang ako sa classroom namin and as usual, sinalubong ako ni Sachi. Sinabi ko sa kanya na isinali ako ni Ms. Nicdao sa Miss Campus Princess.
"Talaga? That's great news! Pwedeng-pwede ka dun Katy." sabi niya sa akin.
"Bebeyonce, sa tingin mo ba, papasa 'tong itsura ko sa mga judges? Baka sa preliminary round pa lang, talo na ako." sabi ko sa kanya.
"Mananalo ka. Sinisiguro ko sayo. Magtiwala ka lang sa sarili mo, okay? Tsaka nandito kami para sumuporta sayo." sabi ni Sachi.
"Yes, tsaka konting make-over lang sayo Kit-kat, tiyak na pagpapantasyahan ka na ulit ng bayan!" sabad ni Rhian sa amin.
"Korek ka dyan Rhie! Gagawin ka naming dyosa ng kagandahan! Swear!" sabi ni Yhannie.
"Basta, kung anuman ang maging desisyon mo ay nandito lang kami para sumuporta sayo. Kaya wag ka nang masyadong mag-worry dyan." ang pagpapalakas-loob na sabi ni Kuya Leonard.
"Salamat talaga ha. Nandito kayo palagi para sa akin."
"Siyempre naman! Special ka sa amin noh." sabi naman ni Kuya.
Natigil lang kami sa pag-uusap nung dumating na si Ms. Nicdao. Mas lalo lang tuloy akong kinabahan.
"Anyways, before we proceed to our lesson, sasabihin ko na kung sino ang magiging representatives ng IV-1 sa Mr. Campus Prince at Ms. Campus Princess. Okay, so our Mr. Campus Prince candidate is Mr. Satchel De Vega."
Maraming nagtilian sa kilig nang mabanggit ni Ma'am si Bebeyonce.
"Congratulations Sachi!" bati ko sa kanya.
"Thank you Katy." at hinalikan niya ako sa pisngi. Halos mahimatay na sa matinding inggit sa akin ang buong klase.
"And our Ms. Campus Princess is..."
WAG AKO. WAG AKO. WAG AKOOOOO!
"Ms. Kath Rence Villas!"
WHAAAT!
MISS NICDAO NAMAN!!!
BAKIT AKO PA!?
"What?! She's the representative of our section?! Ms. Nicdao, baka naman matalo tayo nyan!" - Classmate 1.
"Oo nga! Wala namang beauty ang babaing yan eh!" - Classmate 2.
Alam ko naman eh. Wag mo nang ipamukha. Please lang.
"Ako na lang ang gawin ninyong Ms. Campus Princess!" - Classmate 3.
At nagsunud-sunod nang nagreklamo ang iba ko pang classmates. Haist, sabi ko na nga ba't ang daming magrereklamo eh. Akala naman ng mga 'to, gustung-gusto kong maging Ms. Campus Princess? Tss. Isaksak nila sa ngangalangala nila ang title na yan. Magpatayan pa sila kung gusto nila.
Natigil sa pagrereklamo ang lahat nang biglang tumayo si Rhian at nilapitan si Classmate 3. At natigilan ang lahat nang makatikim si C3 (Classmate 3) ng masakit na sampal mula kay Rhian. Halos mawasak na ang panga ni C3 sa lakas ng pagkakasampal ni Rhian eh.
Haay...ang dragonesa mo talaga Bessy Rhie.
*sigh*
"P-Princess...R-Rhian..." ang takut na takot na sabi ni C3.
"Ang kapal din ng mukha mong laitin ang bestfriend ko noh." at hinila ni Rhian ang buhok niya. "Tapos ang kapal din ng mukha mong i-recommend ang sarili mo kay Ma'am." at napangisi ang bestfriend ko. "Ano kaya kung panipisin naman natin ang pagmumukha mo noh, at nang mabawas-bawasan naman yang pagiging feelingera mo." at kinuha ni Rhian ang juice na iniinom ni Yhannie. Ibinuhos ni Rhian ang juice kay C3. Pahiyang-pahiya si C3 habang takut na takot na ang buong klase kay Rhian. Si Ma'am naman ay tahimik lang at tila nakikiramdam pa sa susunod na mangyayari.
"Yan ang nararapat sayo, feelingera." at inihagis ni Rhian ang bote ng juice sa mukha ni C3. Sunod namang pinagbalingan ni Rhian ang dalawang babaing katabi ni C3.
"At kayong dalawa, tigil-tigilan nyo rin yang kahuhusga ninyo sa kaibigan ko, akala nyo, ikinaganda nyo yan. Pwes, para sabihin ko sa inyo, IKINAKAPANGET NINYO ANG PAGIGING MAPANLAIT NINYO. Alam nyo ba kung anong ginagawa sa mga mapanlait na tulad ninyo...TINO-TORTURE NG PAULIT-ULIT." at laking gulat ng lahat nang pinagsasampal ng tatlong beses ni Rhian sina C2 at C1. Nung magsawa na si Rhian sa kasasampal sa kanila ay itinulak niya ang mga ito pasubsob sa mga upuan nila.
"YAN ANG NAPAPALA NG SINUMANG NAGTATANGKANG MANLAIT SA BESSY NAMIN. KAYA KUNG AYAW NINYONG MATULAD SA MGA IMPAKTANG FEELINGERANG ITO, MANAHIMIK KAYO. UNDERSTAND?!!!" ang ubod lakas na sigaw ni Rhian sa kanila.
Takut na takot na um-oo ang mga classmates namin. Relax na bumalik si Rhian sa upuan niya na para bang walang nangyaring kaguluhan.
"Sige na po Ms. Nicdao. Magsalita na po kayo." sabi ni Rhian kay Ma'am.
"Okay, sila na ang official representatives natin sa Mr. Campus Prince and Ms. Campus Princess. Kung sinuman ang magtatangkang magreklamo ulit sa inyo, ipapaulit ko kay Ms. Pascual ang ginawa niyang pagdidisiplina sa mga walang modong classmates ninyo. Kung wala na kayong katanungan pa, magklase na tayo. Open your books on page 25." at nagbuklat na ng libro si Ma'am. Binuklat na rin namin ang mga libro namin at inumpisahan na ni Ma'am ang discussion.