webnovel

THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel)

SI NERD - isang unpopular, weird, chaka pero matalino. Yun nga lang, madalas siyang binubully ng mga kapwa niya estudyante dahil sa pagiging nerd niya. But still, she's lucky for having her friends that always saves her day. SI HEARTTHROB - sikat, guwapo, mayaman, habulin ng mga babae, star player pero hindi masyadong matalino. In short, nasa kanya na ang lahat. But still, he's waiting for a girl he loves for many years. Ngunit paano na lang kung malaman nilang pareho ang sikreto ng bawat isa? Is there a complication between them? O mabubuo kayang pagtitinginan?

JhaeAnn_16 · วัยรุ่น
Not enough ratings
81 Chs

CHAPTER SEVEN

(Villa De Vega, next day)

(Satchel's POV)

"YOU MAY now kiss the bride..."

Nakangiti kong hinawi ang belo ni Kath Rence. Akmang hahalikan ko na sana ang mga labi niya nang biglang...

"Sachi..."

Bigla akong naalimpungatan sa pagkakatulog ko.

Haay...panaginip lang pala. Akala ko, totoo na eh.

But in fairness, napaka-romantic ng panaginip ko dahil ikinakasal daw kami ni Kath Rence sa simbahan...

Pero kung kailan nasa "kiss the bride" na ang takbo ng mga pangyayari ay tsaka naman ako binulabog ng kung sinumang Poncio Pilato ito.

Grr! Istorbo! Sinisira ba naman ang panaginip ko!

Kasabay ng marahang pagkatok ay may pumasok sa kwarto ko.

"Sachi, gising na't baka ma-late pa kayo ni Jack sa school." ang kalmadong sabi ng magaling kong stepmother.

Mas lalo lang akong nainis. Talagang feel na feel din ng Vivian na 'to ang pagiging nanay noh, akala naman niya, bagay na bagay sa kanya. Tss.

Maglalabingdalawang taon nang kasal sina Daddy at Tita Vivian. Simple lang ang naging seremonya at kaunti lang ang imbitado. 

Sa totoo lang ay hindi ko talaga gusto si Vivian maski ang anak niyang si Jack because of one and only reason: sila ang sumira sa pamilya ko. Sila ang naging dahilan kung bakit namatay ang Mommy Esprit ko. Idagdag pang nasanay ako na nasa akin lang ang atensyon ni Daddy, tapos bigla na lang iyon nahati nung dumating ang pesteng mag-ina na yun sa buhay namin. Lalo na si Jack, masyado na nga siyang sipsip tapos pabida pa kay Daddy, akala mo kung sinong magaling. Kaya siguro naging selfish at insensitive ako ay dahil na rin sa malungkot na nangyari sa pamilya ko.

Ewan ko lang sa Daddy ko kung bakit sa dinami-rami ng pwede niyang ipalit sa Mommy Esprit ko ay sa isang napakasimpleng tindera pa siya nagka-interes, gayong kung tutuusin ay higit na mas maganda, mas sopistikada at mas mayaman ang Mommy ko kumpara sa Vivian na yun.

"Sachi," at tinapik ni Tita Vivian ang balikat ko. "Male-late ka na sa school kapag hindi ka pa babangon dyan."

Irita kong tinabig ang kamay niya. "I know. Tsaka ano bang pakialam mo kung ma-late ako? At tsaka si Yaya Medel lang ang may permission na pumasok sa kuwarto ko at hindi ikaw."

Bagama't nagulat si Tita ay nakuha pa niyang ngumiti. "Mukhang masama ang gising mo ah. Sige na't bilisan mo nang maligo at nang makapag-almusal ka na."

"Wala kang karapatang diktahan ako kung ano ang dapat kong gawin at isa pa, wag kang umasta na parang nanay ko dahil hindi kita ina. Do you understand?!" pasigaw kong sabi sa kanya.

"Satchel!" ang galit na saway sa akin ni Daddy mula sa pintuan ng kuwarto ko. "Halika nga rito sandali at mag-uusap tayo." utos niya sa akin.

"For what? Wala na tayong dapat pang pag-usapan." I said sarcastically at him.

"Kailan ka pa natutong sumagot ng ganyan Sachi? Hindi kita tinuruang maging bastos sa nakakatanda!" galit na sabi ni Daddy.

"Albert, tama na." sabi ni Vivian pero sinadya kong sumabad sa kanila.

"Kailan ako naging ganito Daddy?" at hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko, tuluyan na akong napaiyak. "Naging ganito na ako mula nang patayin ninyo si Mommy at Chelsie."

Natahimik si Daddy habang napayuko sa hiya si Tita Vivian. Nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Tutal ay ipinagpalit mo na ako sa malandi mong kabit tsaka sa anak mo sa labas, mabuti pa siguro kung lumayas na lang ako." at galit kong kinuha ang naka-pack ko nang gamit sa cabinet maging ang mga documents ko at ang gamit ko sa school. "Magsama-sama kayo ng imoral mong kabit at ng anak ninyo sa labas. Mabulok kayo sa impyerno, mga demonyo!" at pabalabag akong lumabas ng kwarto.

"Sachi, bumalik ka dito! Sachi!" at hinabol ako ni Daddy pababa ng ground floor. Nakita ko si Yaya Medel na kasalukuyang nag-se-serve ng breakfast.

"Yaya, halika na. Wag na wag mong ide-degrade ang pagkatao mo sa mga imoral dito. Pupunta tayo kina Lola Martha. Doon muna tayo." sabi ko sa kanila.

"Pero hijo..." ang tila nag-aalangan pang sabi ni Yaya.

"Yaya Meds, sina Lola Martha at Mommy ang tunay mong amo. Sila ang tunay mong pinagsisilbihan. Hindi ang mga taong yan. Kaya halika na. Akong bahala sayo." at hinawakan ko ang kamay ni Yaya. "Yaya Medel, ikaw na lang ang kakampi ko sa bahay na ito."

Napatingin si Yaya kina Daddy at kapagkuwa'y nagsalita sila. "Kunsabagay anak, tama ka. Ba't nga ba ako nagpapaalipin sa mga yan, gayong kung tutuusin ay ikaw ang dapat kong inaalagaan at pinagsisilbihan. Hindi na sila naawa sayo at sa Mommy Esprit mo!" at maluha-luhang hinawakan ni Yaya ang kamay ko. "Halika na anak. Uuwi na tayo sa Lola Martha mo."

"Thank you Yaya." at lumabas na kami sa bahay.

"Sachi, please, pag-usapan natin ito. Give us a chance to explain!" ang pakiusap ni Daddy pero hindi ko siya pinakinggan, sa halip ay pinasakay ko na si Yaya at inilagay ko na ang mga malalaking maleta ko sa compartment ng kotse ko.

"Sachi anak, wag ka namang umalis oh! Wag mo naman kaming iwan!" ang naiiyak nang pakiusap sa akin ni Tita Vivian.

Tss. Once a plastic, forever a plastic.

"Satchel, anak." ang sabi ni Daddy sabay akmang pigil niya sa akin papasok sa loob ng kotse pero itinulak ko siya ng malakas.

"Wala kang karapatang tawagin akong anak dahil matagal ko nang kinalimutan na may tatay ako. Naiintindihan mo!" at sumakay na ako sa kotse. Agad kong pinaandar ang makina ng sasakyan at wala akong pakialam maski pa paulit-ulit ang pakiusap nilang tatlo sa akin. Hanggang sa tuluyan ko nang pinaandar ang kotse ko palayo sa bahay.

Habang nagmamaneho ako ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na mapaiyak. Bakit sa dinami-rami pa ng pamilyang pwedeng masira, bakit ang pamilya ko pa! Bakit sa dinami-rami ng pwedeng magdusa, bakit si Mommy Esprit pa! At bakit sa dinami-rami ng pwedeng maging miserable ay bakit ako pa! Ano bang nagawang kasalanan ng Mommy ko at bakit nagawa siyang lokohin ni Daddy at ipagpalit sa isang walang kwentang babae!

"Sachi, iho, tama na. Wag ka nang umiyak." ang nag-aalalang sabi ni Yaya sa akin. "Wag kang mag-alala, natawagan ko na ang Lola mo. Alam na niyang lilipat ka na sa poder niya."

"Yaya...bakit sa dinami-rami pa ng pwedeng maging malungkot...ay ako pa? Bakit ganun Yaya? Ang sama naman sa akin ng kapalaran." malungkot na sabi ko.

"Anak, wala kang kasalanan sa nangyari sa pamilya mo. Ang Daddy mo, siya ang may kasalanan kung bakit nasira ang pamilya mo. Siya rin ang naging dahilan ng kamatayan ni Senorita Esprit. At siya rin ang may kasalanan kung bakit nagkaganyan ka. Hindi kita masisisi kung naging masama't suwail kang anak dahil pinabayaan ka niya." sabi pa ni Yaya.

Saglit kong itinigil ang minamaneho kong kotse sa gilid ng highway. Napatingin ako kay Yaya na umiiyak na rin.

"Yaya, pwede bang yakapin mo ako tulad ng ginagawa mo sa akin nung bata pa ako?"

"Sige hijo. Walang problema." at niyakap ako ni Yaya. Umiyak ako ng umiyak sa bisig ni Yaya hanggang sa mamugto na ang mga mata ko sa kaiiyak.

Saglit lang akong binitiwan ni Yaya nung may dumating na puting Revo at nakita ko si Lola Martha na pababa na sa kotse. Naiiyak akong bumaba sa kotse at niyakap sila.

"Lola Martha, salamat at nandito na po kayo. Hindi ko na po alam kung saan ako lulugar. Hindi ko na po alam kung sino pa ba ang pwede kong pagkatiwalaan. Hindi ko na po alam ang gagawin ko. Naguguluhan na po ako. Lola, ano bang naging kasalanan ko at pinapahirapan nila ako ng ganito?" ang sunud-sunod kong daing sa Lola ko.

"Hijo, sssh, don't cry. Don't cry." ang malambing na pagpapatahan sa akin ni Lola. "Mabuti't naisipan mo nang umalis sa bahay na yun. Magaling ang desisyon mo hijo. Dahil katulad mo'y hindi ko rin masikmura ang makisama sa manlolokong Albert na yun at sa walanghiyang kabit niya. Kaya wag kang mag-alala Sachi dahil bukas ang tahanan ko sayo at sa yaya ninyo ng Mommy mo."

"Salamat po Lola Mart. Pasensya na po kung nakaabala pa po ako sa inyo." sabi ko sa kanila.

"Ano ka ba hijo, kailanman ay hindi ka nakakaabala sa akin. Mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat, maging masaya ka lang." sabi pa sa akin ni Lola.

"Kayo din po. Gagawin ko rin po ang lahat para sa inyo. And I love you too, Lola."

Muli'y nagyakapan kaming maglola habang umiiyak sa di kalayuan si Yaya Medel habang nakatitig sila sa amin.

"Anyways apo, okay ka lang ba? Kaya mo pa bang mag-drive?" tanong sa akin ni Lola.

"I dunno. I think I need to rest...for a while." ang sabi ko sabay sandig ko sa balikat ni Lola.

"Sige. Sumakay ka na muna sa kotse ko at si Mang Juanito na ang bahalang magmaneho ng kotse mo. Medel, sumakay ka na sa kotse ko."

"Opo Madam." at sumakay na sa kotse si Yaya.

"Halika na hijo. Uuwi na tayo." at pinauna na niya akong sumakay ng kotse. Pagkasakay ko ay sumunod na ring sumakay si Lola.

"Sige na Manong, mag-drive ka na." ang utos ni Lola sa driver niya. Agad namang pinaandar ng driver ang Revo palayo sa gilid ng highway.

(Roswell's Mansion)

(Satchel's POV)

♪ HEY DAD, look at me

Think back and talk to me

Did I grow up according to the plan?

And do you think I'm wasting my time doing things I wanna do?

But it hurts when you disapprove all along ♪

♪ And now I try hard to make it

I just wanna make you proud

I'm never gonna be good enough for you

I can't pretend that

I'm alright

And you can't change me ♪

♪ Cause we lost it all

Nothing lasts forever

I'm sorry

I can't be perfect

Now it's just too late

And we can't go back

I'm sorry

I can't be perfect ♪

"Sachi..."

Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ko at nakita ko si Lola Martha. Saglit kong tinanggal ang headset na nakakabit sa tenga ko.

"Lola Mart." at tumayo ako sa pagkakahiga ko sa kama. "May kailangan po ba kayo?"

"Kakain na tayo anak. Nakahanda na ang tanghalian." sabi ni Lola.

"Ayoko po. Wala po akong gana." mahinang sabi ko.

"Sige na, kumain ka na. Niluto ko ang favorite mong tinola at pochero." paglalambing sa akin ni Lola.

"Talaga? Favorite ko po yun!"

"I know, kaya nga nagluto ako para sayo, para makakain ka ng mabuti, kasi tignan mo oh, nangangayayat ka na." at inakbayan ako ni Lola. "Siguro hindi ka na inaasikaso ng Daddy mo kaya nagkakaganyan ang katawan mo."

"Ganun po ba?" at napatingin ako sa sarili ko. "Naku, oo nga. Pasensya na po Lola."

"Sachi, walang problema sa akin kung medyo pumayat ka. Ang sa akin lang, mababawi mo yung dati mong katawan kapag kumain ka ng marami. Kaya naman kumain na tayo at nang tumaba-taba ka naman." sabay kurot ni Lola sa pisngi ko. I kissed my Lola's cheeks.

"Sige po Lola. Tara na po at kanina pa nagwawala ang alaga ko sa tyan ko." at magkaakbay kaming lumabas ni Lola sa kwarto para mananghalian ng magkasama.