webnovel

THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel)

SI NERD - isang unpopular, weird, chaka pero matalino. Yun nga lang, madalas siyang binubully ng mga kapwa niya estudyante dahil sa pagiging nerd niya. But still, she's lucky for having her friends that always saves her day. SI HEARTTHROB - sikat, guwapo, mayaman, habulin ng mga babae, star player pero hindi masyadong matalino. In short, nasa kanya na ang lahat. But still, he's waiting for a girl he loves for many years. Ngunit paano na lang kung malaman nilang pareho ang sikreto ng bawat isa? Is there a complication between them? O mabubuo kayang pagtitinginan?

JhaeAnn_16 · วัยรุ่น
Not enough ratings
81 Chs

CHAPTER NINETEEN

(School Cafeteria, Lunch break)

(Yhannie's POV)

HABANG hinihintay ko si Erich na umo-order ng snack namin sa counter ay kanina pa ako nakatingin kina Satchel at Kath Rence na wagas kung makapaglambingan. Haay, hindi ko tuloy maiwasang mainggit sa bestfriend namin, kasi nakabingwit siya ng straight, guwapo at napaka-faithful na boyfriend, samantalang ako, minalas na nga sa naging boyfriend ko, iniwan pa ako. And worst, until now, I still can't move on. Ba't ganun?

Nung dumating na si Erich dala ang order naming chicken and cheese sandwich, Fettucini carbonara at mango shake ay nag-umpisa na kaming kumain. Habang busy siya sa pagkain ay nakatingin pa rin ako kina Kit-kat at sa kanyang beloved Bebeyonce a.k.a Satchel.

"Huy, hanggang kailan mo tititigan sina Kit-kat dyan?" untag sa akin ni Erich. "Kumain ka na dahil kasinlamig na ng hanging amihan yang pagkain mo."

"Erich...ba't ganun? Ang daling i-repair ang sirang gamit sa bahay...pero ang puso...hindi." I said so sadly.

"Hmp! Si Kyle na naman yang pinatutungkulan mo noh?!" sabi ni Erich sa akin. "Kung ako sayo, wag na wag mo nang iisipin pa ang lalaking yun dahil sumama na siya sa malanding Heidi na yun!"

"Eeeh! Ang sakit pa rin kaya! One week na rin ang nakalipas mula ng mag-break kami pero mahal ko pa rin siya eh..." ang sabi ko sabay subsob ko sa mesa. Agad naman akong itinayo ni Erich.

"Yhan, don't degrade yourself to that low lying level cheap guy! Maraming mas pogi, mas mayaman at mas sophisticated na guys ang bagay sayo! Hindi yung low lying taste na Kyle na yun! So cheer up girl and start dating with other." sabi ni Erich sa akin.

"Pero..." at huminga ako ng malalim. "Mahal ko siya eh...hindi ko pa kaya..."

"Mahal mo nga siya. Eh minahal ka naman ba?" Erich frankly asked me.

Natahimik ako sa sinabi niya.

"Sorry Yhannie if I offended you but sometimes, truth hurts, kaya tanggapin mo na ang katotohanang wala na kayo ni Kyle at wala nang pag-asa pang magkabalikan pa kayo. Kaya kung ako sayo, bigyan mo ng chance ang mga suitors mo at nang makapili ka na ng susunod na boyfriend mo. Hindi yung forever ka na lang magpapaka-emo dyan."

"Pero Erich...ang sakit eh...hindi ko na alam ang gagawin ko..." and I frowned at her.

"Ako alam ko."

"Talaga? Anong pwede kong gawin?"

"Kumuha ka ng kutsilyo at laslasin mo ang pulso mo at nang matapos na yang paghihirap mo. Okay ba yun?"

"Ikaw talaga!" sabay hampas ko sa balikat ni Erich. "Tinutulungan mo ba ako sa lagay na yan? Parang gusto mo na yatang mamatay ako ah!"

"Pasaway ka kasi eh." depensa naman ni Erich. "Sorry pero wala nang ibang solusyon dyan sa problema mo kundi ang kalimutan mo na si Kyle at maghanap ka na lang ng ibang boylet mo. Okay? Kaya kaysa magmukmok ka dyan, kumain ka na lang, at least nabusog ka pa." at ipinagpatuloy ni Erich ang pagkain niya. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa pagkain ko para kahit papano'y hindi ko na maisip pa ang ex boyfriend kong hudas.

(School Corridor)

(Yhannie's POV)

PAGKATAPOS naming kumain ay nauna nang pumunta si Erich sa gym para sa practice ng cheering squad. Susunod na lang ako dahil may nakalimutan akong kunin sa locker ko.

Saktong pagbukas ko sa locker ko ay may nalaglag na pink na papel sa sahig. Kinuha ko iyon at tinignan.

"Ano 'to? 10 Ways On How To Move On?" nagtatakang sabi ko. Binasa ko pa ang ibang detalye na nakasulat.

-

10 Ways On How To Move On

by Stallion Prince

Hindi ka pa rin ba maka-move on sa past relationship mo? Nararamdaman mo pa rin ba ang sakit na dulot ng paghihiwalay ninyo? Umaasa ka pa rin ba na babalik ang dating pagtingin niya sayo? Kung ganun ang iniisip mo, malamang makakatulong ang pulyetong ito sa problema mo.

Narito ang sampung steps na makakatulong sayo:

1. Isumpa mo ang pangalan ng ex mo.

2. Itapon o ipamigay mo ang lahat ng gamit at mga memorabilias na bigay sayo ng ex mo.

3. Isumpa mo ang araw na naging kayo at ang araw na naghiwalay kayo.

4. Wag na wag mo na siyang banggitin pa sa anumang usapan.

5. Ibaling ang atensyon sa mga gawaing magpapasaya sayo.

6. Maghanap ng bagong kaibigan.

7. Buksan ang iyong puso sa mga possibilities na muling magmahal.

8. Laging humingi ng tulong at gabay sa iyong pamilya't mga kaibigan kaugnay sa iyong sitwasyon.

9. Always pray to God.

10. Kapag naka-move on ka na at handa ka na ulit sa isang bagong relasyon, tanggapin mo siya ng buong puso at mahalin ng tapat at tunay.

Sana'y makatulong sayo ang steps na ito nang sa gayon ay makamit mo na ang kapayapaang hangad ng puso mo.

At kapag hirap kang gawin ang mga steps na ito, just call me on this number: 09*********. Asahan mong makakapagbigay ako ng payo kaugnay sa problema mo.

Goodluck at sana'y magtagumpay ka.

- Yours truly, Stallion Prince -

-

"Ganun pala..." ang bulong ko habang nakatitig ako sa papel na iyon. "Pero napakahirap naman ng ipinagagawa niya." at napabuntung-hininga ako. "Eh kung wala na talagang ibang paraan...sige na nga, kakagatin ko na." at itinago ko ang papel sa bulsa ng bag ko. "Sana'y makatulong ka nga sa akin, Stallion Prince." at isinara ko na ang locker ko at umalis na ako sa corridor.

(School Corridor)

(Zeric's POV)

NUNG MAKITA kong umalis na si Yhannie ay hindi ko maiwasang mapangiti. Salamat naman ay na-appreciate niya ang 10 ways na sinulat ko para sa kanya. Sana'y makatulong iyon para maka-move on na siya kay Kyle...and the same time...ay buksan na niya ang puso niya para sa akin.