webnovel

THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel)

SI NERD - isang unpopular, weird, chaka pero matalino. Yun nga lang, madalas siyang binubully ng mga kapwa niya estudyante dahil sa pagiging nerd niya. But still, she's lucky for having her friends that always saves her day. SI HEARTTHROB - sikat, guwapo, mayaman, habulin ng mga babae, star player pero hindi masyadong matalino. In short, nasa kanya na ang lahat. But still, he's waiting for a girl he loves for many years. Ngunit paano na lang kung malaman nilang pareho ang sikreto ng bawat isa? Is there a complication between them? O mabubuo kayang pagtitinginan?

JhaeAnn_16 · วัยรุ่น
Not enough ratings
81 Chs

CHAPTER FORTY SEVEN

(The White Palace Mansion, weekends)

(Erich's POV)

"AYOKO! NO! Never!" sigaw ko sa Mommy ko.

"Erich, you need to do it! It's not for our company, it's for you!"

"Yah, I know! But I don't need a man who will love me because I'm rich!"

"Wag kang mag-isip ng ganyan. Gusto ko lang na maranasan mong magmahal at mahalin."

Ugh, Mom, please don't do this to me...

"Anong mahalin?! Eh peperahan lang naman ako ng taong yun eh!"

"He doesn't know your status! Only his father knows! And his father will just shut up with this matter."

Argh, ano na naman ba kasi 'tong gimik na 'to?!

"I don't want to! Is it that hard to understand?! What if that guy loves someone else?"

"Then he'll be oblige to leave that girl! Sa lahat ng bagay, pinagbigyan ko ang mga kagustuhan mo kaya dapat ang mga kagustuhan ko naman ang masunod! Kahit ito lang!"

Eh bakit kasi ito pa? Ang labo naman ng ermats ko!

"Iba na lang po! Ayoko nito! Wag ito, Mommy!"

"No. Your Dad will be probably mad at you. You know before he died, he told me that I would find the right guy for you so you could have a good life. Matanda na ako, Erich, at ikaw na lang ang hinihintay ko na maging masaya."

"N.O. W.A.Y." mariing sabi ko kay Mommy.

"Anak, pumayag ka na, please...ginagawa ko lang naman ito para sa ikakabuti mo."

"Hindi ako naniniwala sayo, Mom. Ginagawa mo lang yun for the your own interest."

"Anak naman..."

"Papasok muna ako sa kwarto ko, Mommy." at nagdiri-diretso na ako sa kwarto ko.

"Anak..." at tinangka pa akong habulin ni Mommy pero agad kong naisara ang pinto ng kwarto.

Pagpasok ko sa kwarto ay inis akong naupo sa kama ko.

Nakakainis talaga si Mommy! Sa dami ba naman ng pwede niyang ipagawa sa akin, 'eto pa! Swear, hindi ko kayang gawin ito! As in hindi!

Argh, ang malas malas ko talaga!

Pero curious lang ako...ano kayang itsura niya? Anong ugali niya? Mabait kaya siya? Or spoiled brat din siya tulad ko?

Kailan ko kaya siya makikilala?

(Nichols Mansion)

(Jhake's POV)

"WHAT?!"

Oh c'mon! Nanggu-good time lang 'ata tong si Daddy eh!

"I'm serious, Jhake."

Sabi ko na nga ba eh.

"Dad, are you nuts? Ipapakasal niyo ako ng maaga? Tsaka sa guwapo kong ito, baka panget yan kaya hinahanapan siya ng daddy niya ng mapapangasawa!" reklamo ko kay Daddy.

"She's not ugly. I've seen her pictures, and I'm not nuts."

"Eh pwede ka namang umatras sa deal na yan eh! Tsaka baka pera lang kailangan nila sa atin!

"Hindi sila mukhang pera tulad ng nanay mo, at saka tumatanaw lang ako ng utang na loob sa kanila kasi kung hindi dahil sa pamilya nila, eh di sana'y wala tayo sa kinatatayuan natin ngayon!"

"Basta, ayoko!"

"This is a command that you can't refuse! Or else...no sports car, no branded clothes, no house, no education! In short, no inheritance! Not even a single penny!"

"Argh! Wala naman talaga akong choice eh! Eh di oo! Ayan ha! Pumayag na ako! Happy!"

"Very good. Oh! Did I mention that both of you will live in a single roof?"

"Ano?! Dad?!" at magrereklamo na sana ulit ako nang makita kong umalis na si Dad without saying any word.

Grr, that wicked monster!

Sino naman kaya yung girl?

Maganda kaya siya?

Pero pano kung bigla na lang akong ma-in-love sa kanya?

Anong gagawin ko?

I don't know.