webnovel

THIS NERD IS MY DREAM GIRL (Completed Novel)

SI NERD - isang unpopular, weird, chaka pero matalino. Yun nga lang, madalas siyang binubully ng mga kapwa niya estudyante dahil sa pagiging nerd niya. But still, she's lucky for having her friends that always saves her day. SI HEARTTHROB - sikat, guwapo, mayaman, habulin ng mga babae, star player pero hindi masyadong matalino. In short, nasa kanya na ang lahat. But still, he's waiting for a girl he loves for many years. Ngunit paano na lang kung malaman nilang pareho ang sikreto ng bawat isa? Is there a complication between them? O mabubuo kayang pagtitinginan?

JhaeAnn_16 · วัยรุ่น
Not enough ratings
81 Chs

CHAPTER EIGHTEEN

(School Corridor, Lunch break)

(Kath Rence's POV)

NAGLALAKAD ako sa corridor nang may mabungaran akong tila nagkakagulo sa gitna ng corridor. Dahil bigla na naman akong tinamaan ng curiosity ko ay lumapit ako sa kumpol ng mga estudyante. At laking gulat ko na lang nang makita ko si Zeric na hinaharang ng limang babae na sa hula ko ay mga Juniors pa lang.

"Prince Zeric, please naman, wag kang makipag-break sa akin! Babe, please naman..." at lumuhod pa siya sa harapan ni Zeric. Yung mga estudyanteng nakapalibot ay pinagtatawanan ang babaing yun.

"Hindi naging tayo. Ni hindi nga kita kilala eh." diretsahang sabi ni Zeric. 

"We just make love last night." sabi pa nung babae.

HUWAT DA PAK?!

MAKE LOVE?! AS IN MAKE LOVE?!!

THE HELL.

Ang bata-bata pa ng babaing yun, tapos MAKING LOVE NA ANG NASA UTAK NIYA?! Haist, ganun na ba siya ka-desperada para habulin si Zeric?!

"Babe please..." ang narinig ko pang sabi nung babae pero pasigaw siyang pinagsalitaan ni Zeric.

"PWEDE BA, WAG MO NANG PAGMUKHAING TANGA YANG SARILI MO! GO AWAY! AND DON'T YOU DARE TO BOTHER ME AGAIN!" at natigilan si Zeric nung makita niya ako. Itinulak niya yung babae sabay lapit niya sa akin.

"Hey Kit-kat, nandito ka pala. Kanina ka pa hinahanap ni Sachi eh. Samahan na kita sa kanya." at hinila na niya ako palayo sa corridor nang bigla akong nagsalita.

"Totoo ba yung sinabi ng babaing yun?" diretsahang tanong ko sa kanya.

Hindi siya nakasagot.

"Wag kang mag-alala, hindi kita huhusgahan. Wala kang maririnig sa akin. Sabihin mo, totoo ba yun?" kalmadong tanong ko sa kanya.

He sighed. "Yes. Totoo yun." at napakamot siya sa ulo. "Pasensya ka na kung sira-ulo ang kaibigan mo ha."

"Ano ka ba naman, wag mong sabihin yan. Siguro'y may pinagdadaanan ka kung bakit ka ganyan. Ano bang dahilan at nagkakaganyan ka?" 

"Kung sasabihin ko ba sayo, hindi mo ako tatawanan?" he said.

"Oo naman. Makikinig ako sayo." sincere kong sabi sa kanya.

"Si Yhannie ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito."

Nagulat ako sa sinabi niya.

Si Yhannie! As in si Yhannie ang dahilan?! Baka naman nagbibiro siya!

"Talaga? Si Yhannie ang dahilan? Bakit naman?" gulat kong tanong sa kanya.

"KASI HINDI NIYA AKO KAYANG MAHALIN." he said so sadly.

Natahimik ako sa sinabi niya.

"S-sorry Zeric. Hindi na dapat ako nagtanong sayo. Pasensya ka na ha." apologetic kong sabi sa kanya.

"Okay lang. Alam ko namang mapagkakatiwalaan kita. Tsaka ang tagal ko nang gustong ibulalas ang problema ko sayo. Kit-kat, tulungan mo ako. Tulungan mo akong pasagutin si Yhannie. Sige na oh." pagmamakaawa niya sa akin. Dahil mahirap tanggihan si Zeric ay pumayag na ako.

"Sige. Pero titignan ko muna kung sa paanong paraan natin yun magagawa. Makapaghihintay ka ba?"

"Oo naman. Makakapaghintay ako. Salamat. Salamat talaga." he said very thankfully.

"Walang anuman. Kaya ko lang naman ginagawa iyon ay dahil pareho ko kayong kaibigan ni Yhan. At pareho kayong mahalaga sa akin." 

"Salamat talaga Kit-kat. Pangako, gagawin ko ang part ko para magtagumpay ang plano natin. Salamat ulit ha."

"Oo na, oo na. Tama na ang pasalamat. Kanina pa ako hinihintay ni Sachi sa cafeteria. Sige na, mauna na ako sayo. Magbagong-buhay ka na ha." at umalis na ako sa corridor. Dumiretso na ako sa cafeteria kung saan naghihintay na doon si Sachi my Bebeyonce. Si Zeric naman ay umalis na rin sa corridor at sa hula ko ay pupunta yata siya sa music room. 

Haay...kawawa naman si Zeric. Sana ay matulungan ko siya sa abot ng aking makakaya.