webnovel

This Magnetic Attraction

Hindi pa man nakikilala ni Xander si Cassie, sira na ang karakter ng babae. Pinagdudahan ng kanyang ina na kerida ng stepfather ni Xander si Cassie. Kilalang femme fatale at golddigger si Cassie kaya kinasuklaman na ni Xander kahit hindi pa nakikita. At nang magkakilala sila, agad na dumiklap ang ningas ng atraksiyon sa pagitan nila. Pareho silang nasusunog sa apoy ng pagnanasa. Hanggang kailan kaya sila tutupukin...?

ecmendoza · สมัยใหม่
Not enough ratings
12 Chs

Chapter Ten

NAKAPIKIT si Cassie habang nakatayo sa harap ng lababo. Nakatapat sa bukas na gripo ng tubig ang mga pulsuhan. Iyon ang itinuro sa kanya sa ospital kapag nakakaramdam ng takot.

Takot ba siya kay Xander? Oo. Natatakot siya sa maaring gawin nito kapag nalaman na buntis siya.

At mabubuntis siya.

Oh, ang anak ko! Ngayon pa lang, sabik na sabik na akong mayakap ka!

Niyapos ni Cassie ang sarili. Napatitig sa salamin kaya parang saka pa lang natauhan. Gulu-gulo uli ang mahabang buhok na palaging nakapusod sa opisina.

Kahit nanginginig ang mga daliri, naglagay siya ng lipstick. Ikinubli niya ang pamamaga ng ibabang labi. Inayos niya ang kasuotan.

Nang muli siyang lumabas sa comfort room, wala si Xander sa opisina. Medyo nakahinga siya nang maluwag.

Dumiretso si Cassie sa desk, kungsaan naghihintay ang telepono. Tatawagan niya ang would-be clients na nakulekta niya nung gabi ng party.

Nasa ikatlong call na siya nang mamataan si Xander. Lumabas pala ito.

Nanlamig ang pakiramdam niya pagkatapos ay nag-init. Naglaro sa alaala niya ang nag-aapoy na tagpo sa loob ng opisina nito kanina.

Busy ang linya kaya nag-dial siya ng panibagong numero. Pilit na iwinaksi ang nasa isip.

Ni hindi sumulyap sa gawi niya si Xander. Kahit hindi rin siya nakatingin dito, alam niya na hindi dumapo sa kanya ang mga matang singdilim ng langit kung hatinggabi.

Pasalamat na lang si Cassie dahil ang desk ay nakatalikod sa malaking salaming bintana. Para siya highschool student na hindi mapigilang isipin si Xander.

Nang sumapit ang lunch break, walang imik na lumapit ang lalaki sa desk niya. Inilapat ang mga palad sa magkabilang kanto at tumitig sa kanya.

"Look at me."

Tumalima si Cassie. Nanuyo ang lalamunan niya nang mabasa ang nasa mga mata ni Xander.

"Let's have lunch."

Let's make love…

Tumango siya. Namumula ang mga pisngi niya nang yumuko para kunin ang handbag.

Sa isang restawran sila humantong. Salad lang in-order ni Cassie. Si Xander ay nakipagdiskusyon muna sa head waiter bago nagpasiya sa pagkain.

"You look peaky," ang seryosong puna nito. "Lack of sleep and lack of nutritious food."

Walang maisip isagot si Cassie.

"Are you missing… Jose, my dad?"

"Um… yes…"

"He said you're refreshingly honest… Tell me your true relationship with him."

Magkaharap silang nakaupo sa lamesang bilog. Ngunit naglaho ang distansiya sa pagitan nila nang ilapit ng lalaki ang mukha sa kanya.

Pakiramdam niya, nasa ilalim siya ng microscope. Nakatutok sa mukha niya ang mga mata. Pinag-aaralan ang bawat ekspresyon, ang bawat emosyon.

Nangamba siyang baka nababasa rin ng lalaki ang nasa isipan niya.

"Is he your… sugar daddy?"

"What--? Oh."

"Siya ang bumili ng bahay at lupa mo, ang kotse… hindi ba?"

Huminga nang malalim si Cassie. "Saan mo nalaman iyan?"

"Iyan ang tsismis sa opisina."

Tumingin nang diretso ang dalaga sa kaharap. Seryoso din ang mukha. "Oo. Pero hindi ko akalain na nakikinig ka pala sa tsismis."

Medyo namula ang mukha ni Xander. "I don't. Tinatanong kita kung ano ang relasyon ninyo ni Jose."

"Hindi ko siya sugar daddy." Pinanood ni Cassie ang tubig sa kopita. Hindi siya nagpakuha sa walang kurap na pagtitig ni Xander.

"Okey, so you're my mistress."

Tumango lang siya. Sa kopita pa rin nakatingin.

"We'll live in my hotel."

Nagulat si Cassie. Tumingin siya sa lalaki pero wala siyang pagtutol.

"You won't bring anything with you."

Bumuka ang mga labi niya ngunit wala pa ring numulas na salita.

"I am a possessive man. You will not wear clothes that Jose bought."

Possessive. Parang si Ric. Nanlumo si Cassie. Gusto niyang maiba si Xander ngunit sa bibig na nito nanggaling.

"One month. I want to finish this—this madness for one month." Bumuntonghinga si Cassie bago nagsalita.

"No. One month is not enough." Malumanay ang pagsasalita ni Xander ngunit ang kamay nito na bumihag sa mga daliri niya ay mariin.

"Make it last for one month, Xander." Pilit niyang ikinawala ang mga daliri.

"Why?"

"I don't want to be attached!" Halos desperada na ang pagtugon niya.

"You don't want to fall in love with me?" Tila pabiro naman ang tono ng lalaki. "What if I want you to fall in love with me?"

"Don't—"

"Ssh… Listen, Cassie. Let's see what will happen after one month. Ang alam ko lang, gusto kitang makasama sa lahat ng oras."

Kinagat niya ang ibabang labi. Gusto niyang ulitin ang mga kataga ng lalaki. Na gayon din ang nais niya…

Hinagkan ni Xander ang bibig niya. "Please, don't do that," bulong nito.

Walang nagawa si Cassie nang lumalim ang halik. Pumikit siya at tinugon iyon ng sariling init.

"Bravo!" Malulutong na palakpak ang narinig nila sa malapit.

Sabay na tumingin sina Cassie at Xander sa pumapalakpak. Si Mac-Mac.

"Ang bilis mo pala, Cas! He he! Alam ba ni Sir Jose ito?" Nakangisi ito habang nakapameywang. "Kunsabagay, paldo itong si Sir Xander. Ano, ser? Nakuha mo agad, ano?"

"Lasing ka ba?" Tumindig si Xander para amuyin ang lalaki. "Naglalasing ka sa oras ng trabaho? You shall be suspended!"

"Aba't—wala ka nang pakialam d'on! Sino ka ba? Ha?" Sinabayan ng pasuray na pagdaluhong ang pag-angil. "Ha? Bibigyan kita ng leksiyon, gago ka!"

Maagap na nakaiwas si Xander. Nanonood si Cassie ngunit ang sarili niya at si Ric ang nakikita.

Naglalaba si Cassie nang dumating ang sumusuray na asawa. Tumindig siya ngunit hindi alam kung ano ang gagawin: ang magtago o ang tulungan ito sa paglalakad.

Huli na nang makita niya ang hawak nitong patalim. Pasabunot na hinawakan ang kanyang buhok at akmang sasaksakin siya. Inawat lamang ng kasamahang naghatid kay Ric kaya sa hita niya tumama ang patalim.

Napasigaw siya sa sakit. "Ahh, tama na! Tama na!"

May dumating na dalawang bodyguard. Maliksing kinaladkad papalabas ang lasing.

"It's over, sweetheart." Hinawakan ni Xander ang isang kamay niya. Naramdaman ang pangangatal niya. Isang baso ang inilapit sa bibig niya. "Drink."

Tumalima si Cassie. Lumagok siya ng kaunti.

"What is it? Tell me." Masuyo ang tono ni Xander. Mahina ang boses.

Unti-unti, nagbalik si Cassie sa kasalukuyan. Ipinilig niya ang ulo. "W-wala…" Garalgal ang boses niya. Parang nagsara ang lalamunan niya.

Sumenyas si Xander. May sinabi sa weyter na lumapit.

"Let's get out of here."

"W-what about the food?" Pagaw ang tinig niya.

"It will be delivered to us. C'mon, you need a rest."

Naging sunud-sunuran si Cassie nang humulas ang pagkabigla. Nanginginig na lang siya. Hinubad ni Xander ang suot na blazer at ibinalabal sa kanya. Niyapos siya upang bigyan ng proteksyon.

Ngayon lang siya nakadama nang gayon. May nag-alay ng malapad na dibdib upang sandigan ng sumasakit na ulo.

Nakatulog siya na nakayupyop habang nakakulong sa matitigas na bisig. Nagising siya sa loob ng isang marangyang silid.

"Gising ka na. Coffee?"

Nagpalit ng damit si Xander. Jeans at sweatshirt. Parehong black.

Mapanganib.

Pero walang nadamang takot si Cassie. Aywan kung bakit alam niyang hindi siya sasaktan ni Xander.

Tumango siya. "Coffee. A-ano'ng oras na?"

"It's morning. Five o'clock."

"What?" Bumalikwas ng bangon ang dalaga. Nang makitang bra at panty lang ang suot, muling ibinalot ng kumot ang katawan.

"You slept like a baby. Pinabayaan kitang matulog."

"T-thank you." Hindi alam ni Cassie kung ano ang dapat sabihin. Hindi rin siya makatingin nang diretso. "Um… pupunta ako sa banyo…"

Isang kulay puting roba ang iniabot sa kanya ng lalaki.

"You need help?" Enigmatiko ang ekspresyon.

Umiling siya. "K-kaya ko na…"

Tumindig siya. Hindi namalayang iika-ika nang humakbang. Nanatili sa kanyang subconscious mind ang sugat sa kaliwang hita.

"A-ang mga damit ko?" Iyon ang una niyang hinanap nang matapos sa paghihilamos sa banyo. Nilabhan niya ang panty at bra.

"Nasa wardrobe."

Ang inakalang aparador ay isa palang walk-in closet. Nasa isang panig ang mga damit na panlalaki samantalang sa kabila ay nakahilera ang iba't ibang kulay at disenyo ng bestida.

Hindi napigil ni Cassie ang mapahanga. Ang ilan ay sa mga magasin lang niya namamasdan.

"Try the white sundress. It will suit you," wika ng masuyong tinig-lalaki.

Biglang binawi ni Cassie ang kamay na humahaplos sa mga tela. Parang napaso.

Kinuha ni Xander ang puting bestida. May katernong bra at panty. Kulay puti rin.

"Isukat mo."

Kiming tinanggap ni Cassie ang kasuotan. Ngayon lang siya makakapagsuot ng damit na nakita sa pahina ng magasin.

At tama si Xander. Bagay sa kanya ang sundress. Tatlong spaghetti straps ang nagdadala sa balikat. Demure ang cleavage. Lampas-tuhod ang laylayan.

"Here. Wear these." Isang pares ng kulay cream na sandalyas ang iniabot ng lalaki.

Bagay rin sa kanya ang sandalyas.

Nagliliwanag na ang langit nang lumabas sila sa balkonahe. May nakahandang almusal doon. Scrambled eggs, sausages, butter, jam at sliced bread.

Nasa isang tabi ang basket ng mga sariwang prutas: mansanas, grapes, at saging. Mayroong orange juice sa dalawang mataas na baso. Ang kape ay naghihintay sa percolator. Mayroon ding gatas at squared sugar.

"Come, have a seat."

Naninibago si Cassie. Napakamaginoo ni Xander. Sa tuwing sumusulyap siya nang panakaw, wala siyang nababasang pagnanasa sa mga mata nito.

Nagsawa na kaya sa kanya ang lalaki? Pero kahapon lang ay pinag-uusapan nila ang taning ng kanilang relasyon.

*****

CASSIE is a mystery about to unravel, wika ni Xander sa sarili. At siya ang lalaking makakahanap ng sagot sa misteryo.

Minasdan niya ang maamong mukha ng dalaga. Wala sa hitsura nito ang pagiging femme fatale at marriage wrecker. Saan niya nakuha ang mga pangit na deskripsiyon?

Sa kanyang mama.

Mailap. Malihim. Nagtatago sa likod ng blangkong ngiti. Isang mapanrahuyong enigma.

At matiisin. Hindi umiimik kahit na nasasaktan sa mga haka-haka tungkol kay Cassie at kanyang stepfather.

Ngunit hindi maikakaila ang sexual attraction sa pagitan nila. Damang-dama niya ang alab na katugon sa nag-aapoy na pagnanasa niya.

Nakakapaso ang sagitsit ng bawat hagod ng mga palad ni Cassie sa kanyang balat. Nakakauhaw ang mga nagbabagang halik mula sa mga labing tila nilikha para lang hagkan niya.

Sumimsim ng malamig na juice ang walang malay na dalaga. Panakaw ang mga sulyap nito sa gawi niya.

Kaya pinanatili ni Xander ang masuyong ekspresyon. Ayaw niyang matakot si Cassie. Unti-unti na niyang nakikilala ito.

Kapag nakaamoy ng panganib, tumatakbo at nagtatago. Aywan kung ano ang dapat ikatakot ni Cassie sa kanya.

I want to finish this madness for one month.

Bakit isang buwan lang? Bakit hindi hintayin ang natural na paglalaho ng atraksiyon?

Ang mga relasyon ni Xander ay tumatagal ng anim na buwan hanggang isang taon. Wine-and-dine sa simula. Matapos ang ikatlong pagkikita, humahantong na sila sa kama.

Kapag nagsawa na sila sa relasyon, magpapaalam na sa isa't isa. No hard feelings, sasabihin nila sa bawat isa.

Ngunit si Cassie ay kakaiba. Hindi niya alam kung kailan mawawala ang pagnanasa niya rito.

Make it last…

Paano niya susulitin ang isang buwan?

"Xander…"

"Hmm…" Umalerto agad si Xander. Mayroong ibang timpla sa tono ng babae.

"Um, kailangan kong isara ang bahay."

Parang nanunuyo. O parang nang-uuto.

"Pwede kayang umuwi muna ako…"

"Pwede. Gamitin natin ang kotse ko."

"Um, baka makaabala. Magta-taxi na lang ako." Maagap ang pagtanggi nito.

"No. Sasamahan kita," giit niya.

Tumango ang babae. Tahimik na nagpatuloy sa pagkain.

Ano ang iniisip mo, Cassie? bulong ni Xander habang palihim na pinag-aaralan ang kaharap.

Ano ang binabalak mo? Bakit isang buwan lang…?

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

ecmendozacreators' thoughts